The Fake Wife's Perfect Revenge
Dalawang taon na inakala ni Yumi Zamora na siya ang legal na Mrs. Monteverde. Dalawang taon niyang minahal, pinagtiisan, at ipinaglaban ang lalaking inakala niyang tunay niyang asawa.
Pero isang araw, habang inaayos ni Yumi Zamora ang laman ng drawer ay aksidente niyang napunit ang kanilang marriage certificate. Pero nang magpunta siya sa Civil Registry Office para kumuha ng panibagong kopya ay doon niya natuklasan ang mapait na katotohanan— ang kasal nila ng asawang si Clyde ay peke at palabas lang ang lahat.
Ang lalaking tinawag niyang asawa, si Clyde Monteverde, ay legal palang kasal sa ibang babae at mas masakit, sa dati nitong professor. Anim na taon siyang ginamit ng lalaki bilang panakip-butas sa lihim na relasyon ng dalawa. Siya ang inilagay sa harap ng tsismis, siya ang sinisi sa lahat, at pinalabas na baog para pilit ampunin ang batang hindi naman kanya.
Subalit isang tawag mula sa isang abogado ang bumago sa buhay ni Yumi. Nalaman niyang siya pala ang illegitimate daughter at sole heiress ng isa sa pinakamayamang negosyante sa buong Pilipinas na si Don Rafael Zamora.
At nang tanungin siya ng abogado tungkol sa kanyang marital status, sandali siyang nag-isip bago sinabing, “Attorney Reyes," malamig niyang sabi, "pipirmahan ko na ang inheritance agreement," aniya saka huminga nang malalim. "At para malinaw, unmarried po ako at wala po akong anak.”
At para maisakatuparan ang paghihiganti, pumayag din siyang maging fiancé ni Adrian Villareal, ang lalaking kinatatakutan ng lahat—hindi lang sa kapangyarihan kundi sa angking kayamanan.
Mula sa babaeng niloko at pinaglaruan, ay babangon si Yumi at maghihiganti. Sa larong sinimulan ng kasinungalingan, sisiguraduhin niyang siya mananalo...