Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
His Sudden Bride

His Sudden Bride

binibiningbiyang
Amora Rebecca Andrada is the drop-dead-gorgeous woman in the small town of Santa Monica. She's a well-known beautiful and knowledgeable woman. Maraming humahanga sa kaniya. She has been labeled as a goddess. Ngunit sa kabila ng magaganda niyang katangian, hindi kailanman iyon nakita ng kaniyang mga magulang. Her parents were disappointed for her indifferent decisions in life. She's nothing compared to her almost-perfect sister, Natasha. Matalino, maganda at paboritong anak si Natasha. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit mas pabor ang kaniyang mga magulang sa kaniyang kapatid kaysa kanya. Lalo na nang maging doctor din ito samantalang siya ay kumuha ng ibang kurso sa kolehiyo. She's tired for all the comparison and disappointments. Nang makapagtapos at makapagtrabaho, pinili niyang bumuklod agad ng tirahan. Mas gusto niya iyong malaya siya sa lahat ng mga panghuhusga ng kaniyang pamilya. Hanggang sa magdesisyon ang kanilang mga magulang na ipakasal si Natasha sa isang Gazalin. Kilala ang pamilyang Gazalin sa buong San Gabriel. Ang pinakamayaman sa kanilang rehiyon. Dahil sa pagiging sunud-sunuran ng kaniyang kapatid, pumayag ito sa kasunduan. Nakaayos na ang lahat at umaayon na sa plano ang bawat pangyayari nang biglang sa araw mismo ng kasal ni Natasha nagmakaawa ito sa kaniya. Natasha is conceiving a baby. Nabuntis ito ng dating nobyo at ayaw ng tumuloy sa kasal. The almost-perfect daughter is now doomed. Ang pagmamakaawa nito sa kaniya ang nag-udyok na piliin niya ang isang bagay na magpapabago sa kaniyang buong buhay. She has to marry Nicolas Syn Gazalin to spare her sister's life. Siya ang pumalit sa kaniyang kapatid sa araw ng kasal. Now, could love bloom after their sudden marriage? How could Nicolas loves her when she's just his sudden bride? How could love makes its way when they are both forced for this marriage?
101.5K viewsOngoingAdded to Library 50 Times as communication in a small group
Read
+Library
THE BILLIONAIRE’S BETRAYED WIFE (SSPG)

THE BILLIONAIRE’S BETRAYED WIFE (SSPG)

Isang ulirang guro si Isabel sa kanyang mga estudyante. Sa edad na 29 ay hindi pa siya nagkakanobyo dahil abala siya sa kanyang propesyon. Ulila na siya at kanyang mga kapatid sa magulang kaya’t bilang panganay ay siya na lang ang maaasahan. Ngunit biglang tumibok ang kanyang pihikang puso sa anak ng presidente ng pinapasukan niyang pribadong kolehiyo. Pinangakuan siya ng walang hanggang pag-ibig. Naging isa nga siyang legal na asawa ng tagapagmana ng malaking group of colleges sa bansa. Irven Lloyd Ledesma is oozing with sex appeal na lahat ng kababaihan ay nabibighani sa taglay nitong kagwapuhan. Pero napakaswerte niya dahil siya ang pinili nito at pinakasalan. Ramdam niya ang pagkadisgusto ng mga magulang ni Irven sa kanya ngunit wala ng naggawa ang mga ito ng mas piliin siya ni Irven. Punong- puno ng kaligayahan at pag-ibig ang kanilang pagsasama. Hanggang sa humalili na si Irven sa ama nito at naging bagong presidente. Pinatigil na rin siya sa pagtuturo ni Irven at mas pinili niyang gampanan ang maging isang ulirang may bahay. Buo ang tiwala niya sa mister at mahal na mahal niya ito. Ngunit sa isang iglap ay gumuho ang lahat ng tiwalang ipinagkaloob niya rito ng matukso ito sa isang batang kolehiyala. Paano niya ipaglalaban ang lalakeng mahal niya kung kusa na itong bumitaw sa kanya? Paano kung madiskubre niyang nagdadalantao na siya ngunit huli na ang lahat dahil ipinagpalit na siya ni Irven? Kaya kaya niyang bumangon muli ng mag-isa na lamang na palalakihin ang kanyang kambal na anak? Paano kung sa isang iglap rin ay magbago ang kapalaran niya at siya na muli ang titingalain ni Irven? Matatanggap niya nga ba muli si Irven sa buhay niya o mas pipiliin niya ang maging malaya at hindi na muli pang masaktan?
334 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as communication in a small group
Read
+Library
Marry Me Instead

Marry Me Instead

Akala ni Emery nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ng isang babae—ngunit nagkakamali siya. Sa loob ng limang taon, minahal niya si Weston kahit harap-harapan siyang niloloko nito. Tinanggap niya lahat kahit pa malaman niyang kabit nito ang bestfriend niyang si Ravia Salvador. Nang igiit ng lolo ni Weston ang pangangailangan ng tagapagmana, kumapit si Emery sa pag-asang mabuntis ng anak ni Weston, kaya tinanggap ang IVF at naniwalang iyon na ang simula. Naging matagumpay ang procedure, at nabuntis si Emery ng kambal. Ngunit gumuho ang lahat nang marinig niya ang lihim na usapan nina Weston at Ravia. Ibinunyag ni Weston na kay Ravia umano ang egg cell na ginamit sa IVF. Agad na hinarap ni Emery ang doktor. Doon niya nalaman ang buong katotohanan: kanya ang egg cell, ngunit nagkamali sila ng semilyang ginamit. Nagmula iyon sa isang anonymous donor, si Zion Laurent del Fierro—isang billionaire, makapangyarihan at ang… ex-boyfriend niya! At malala pa roon, hindi pala sila legal na mag-asawa ni Weston. Pineke nito ang kanilang marriage certificate para maagaw ang mana ni Emery—ang Armani Group ng kanyang yumaong ama—para tuluyang maupo bilang chairman. Doon nagising si Emery. Nagpasya siyang maghiganti. Handa na sanang lumaban si Emery, nang matuklasan niyang ang kontratang pinirmahan niya noon ay naglipat ng lahat ng kanyang ari-arian kay Weston. Sa isang iglap, nawala kay Emery ang lahat. At nang akala niyang wala na siyang pag-asa, muling lumapit si Zion sa kanya. “Marry me instead, and I’ll give you the power to destroy them.” Marahang hinawakan ni Zion ang kanyang baba. “You’re carrying my twins, Emery. And if you want my power, there’s one condition…” Napakunot-noo si Emery. “What?” “Kailangan nating ituloy ang natitirang labing-isang embryo.” Handa ba si Emery sa kondisyong labing-isa pang dagdag sa dalawang dinadala na niya?
107.4K viewsOngoingAdded to Library 155 Times as communication in a small group
Read
+Library
Dirty Secret of the CEO's Wife

Dirty Secret of the CEO's Wife

Wild and immodest are just a few words na ikinakabit sa pangalan ni Atashia Magnoia. Bakit? Anak kasi siya ng isang babaeng mababa ang lipad. People condemn her because of her mother's work. Dahil dito kaya simula noong bata pa siya ay pilit niyang pinatutunayan sa lahat na iba siya sa kaniyang ina. Sa kabila ng pangmamaltrato na kaniyang nararanasan, hindi niya magawang iwanan ang kaniyang nanay. Wala kasi siyang ibang matatawag na pamilya maliban dito. Hanggang sa dumating si Lance Henzon sa buhay ni Atashia. Wala siyang pakialam sa kung anuman ang kinamulatan na buhay ng dalaga. Sa kabila ng pagiging CEO ng Henzon Group of Companies, walang takot niyang aalisin ang babaeng minamahal sa putikan na kinasasadlakan nito, kahit kapalit noon ay madungisan ang apelyido na iniingatan niya. Handa siyang maging tanga at katawa-tawa sa ngalan ng pag-ibig. Pakakasalan niya si Atashia dahilan para isumpa siya ng kan'yang buong pamilya. Iiwan n'ya ang karangyaan at magtratrabaho siya bilang isang construction worker para buhayin ang kaniyang asawa. Sa kabila ng hirap, magiging masaya silang dalawa. Ngunit isang aksidente ang babago sa lahat. Sa muling pag-gising ni Lance, mamumulat siya sa katotohanan na ang kan'yang asawa ay nakalimutan na ang kanilang sumpaan at naging katulad na rin ng kaniyang biyenan. Bukod pa roon, may anak na si Atashia na pilit ipinaaako sa kaniya. Ang pusong dating wagas kung magmahal ay babalutin ng matinding poot at kasamaan na magdudulot ng matinding sugat sa mga puso nila. Ang kasal na nagbibigkis sa dalawa ay tatalikuran ni Lance at sa iba niya hahanapin ang panibagong kaligayahan. Ngunit paano kung gawin ni Atashia ang lahat upang muli siyang mapaibig, babalikan n'ya pa rin ba ang kan'yang asawa sa kabila ng pagkakaroon nito ng dirty secret?
1025.5K viewsCompletedAdded to Library 610 Times as communication in a small group
Read
+Library
PREV
1
...
111213141516
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status