Filtrar por
Status de atualização
TodosEm andamentoConcluído
Ordenar por
TodosPopularRecomendaçãoAvaliaçõesAtualizado
My Billionaire True Love

My Billionaire True Love

Penrose Lily Magdilang, isang illegitimate daughter na anak ng isang maid. Ipinagpalit ng kanyang boyfriend sa bratinella niyang kapatid at ipinakasal ng kanyang pamilya sa isang baldadong lalaki. Ang lahat ay tiniis niya dahil isa lang siyang sampid sa pamilya at kailangan sundin ang nais ng ama dahil ito ang batas. Masakit na iniwan siya ng kanyang boyfriend ng dahil lang sa kayamanan pero wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat ng ito. At sa hindi inaasahang sorpresa ng tadhana. Ang kanyang baldadong asawa na si Christopher John Villezo ay isa palang Muli-Billionaire na nagmamay-ari ng hotel chain from local to international! Gwapo, mabait at mayaman. It's too good to be true! Susugal ba siyang muli sa pag-ibig kahit may takot sa kanyang puso? It's her second chance to Love... Ito na kaya ang true love niya? Will she chase love or she will let Love chase her?
Romance
1078.1K visualizaçõesCompleto
Ler
Adicionar à biblioteca
Heartaches

Heartaches

Blood
Naranasan mo na bang magtiwala sa isang tao? Iyong tipo na akala mo ay hindi ka niya magagawang lokohin at saktan? Ysabelle isang 3rd year college student. Maganda, mabait, matalino at galing sa mayaman na pamilya pero kahit gano'n pa man ay hindi niya ginagamit 'yon para makalamang sa kapwa. Isang araw ay susubukin ang kanyang buhay dahil sa isang trahedya. Paano kung ang inaakala mong totoo sayo ay siya pala ang dahilan kung bakit muntik ka ng mamatay? May lugar pa ba sa puso mo ang kapatawaran?
Romance
915 visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halimaw na may mukha ng diyos. Desperada si Sierra Ramirez na mabayaran ang utang ng amang may sakit, kaya’t kahit labag sa loob, pumayag siyang ibenta ang sarili—sa halagang tinakda ng lalaking may pinaka-mabangis na reputasyon sa buong siyudad. Si Leonardo Dela Vega, kilala bilang “The Devil Billionaire,” ay hindi lang mayaman. Siya ang lalaking kinatatakutan at kinahuhumalingan ng lahat. Malamig. Mapanganib. At walang puso. “Isang gabi lang,” aniya. Pero hindi iyon ang naging kapalaran ni Sierra. Dahil matapos ang gabing iyon, isinara ni Leonardo ang lahat ng pinto ng kalayaan ni Sierra. Ginawa niya itong alipin ng kanyang kagustuhan—hindi lang sa katawan, kundi maging sa puso. Ngunit may mas malalim na dahilan ang pagkakabili niya sa dalaga. At kapag nalaman ni Sierra ang tunay na rason… ito ba'y magiging wakas ng kanyang pagkatao—o simula ng impyerno sa piling ng lalaking hindi niya kailanman kayang takasan?
Romance
607 visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
Unveiling Mr. CEO's Daughter

Unveiling Mr. CEO's Daughter

Ang akala ni Monica Prado siya na ang magiging masyaang babae sa araw ng kasal niya kay Jericho Mendel pero kabaligtaran niyon ang nangyari dahil hindi siya nito sinipot sa mismong kasal nila. Dahil sa sakit na nararamdaman ni Monica, uminom siya sa isang bar at doon niya nakilala si Zymon Coreal at inakala niyang si Jericho ang binata. Dahil sa matinding tama ng alak hindi namalayan ni Monica na may nangyari sa kanila ng binata nagbunga ng isang supling. Lumayo si Monica sa Manila para layuan ang mga taong naging parte ng buhay niya roon. Tumungo siya ng Davao para roon itaguyod ang anak niya. Ngunit paano kung habang nililimot niya ang nakaraan saka naman babalik si Zymon at Jericho sa buhay niya? Paano kung pareho nilang akuin ang pagiging ama sa bata? Handa ba si Monica na malaman ng dalawang lalaki kung sinong tunay na ama ng bata? May pag-ibig bang muling mabubuo sa pagitan ni Monica at Jericho o uusbong ang pag-ibig ni Monica kay Zymon?
Romance
1041.3K visualizaçõesCompleto
Ler
Adicionar à biblioteca
Ravaged the Heiress

Ravaged the Heiress

Sunflower
Dahil sa isang iskandalo na umusbong, biglang naglaho ang tahimik na mundo ni Lharefa at napalitan ng magulo at walang katapusang paghuhusga, kaya naman napilitan siyang umuwi sa Pilipinas habang iniisip ang planong gagawin. Pero sa hindi inaasahan, may makikilala siyang lalaki na tahimik at matalino pero may tinatago pala itong mabahong sikreto. Matatanggap kaya niya ang lalaki? Paano kung ang binatang iyon ang sumira sa buhay niya? Mamahalin pa ba niya ang lalaking mahal niya at ang nagpabago sa buhay niya o iiwan niya ito dahil sa natuklasan niya ang pinakamadilim nitong sikreto.
Romance
101.2K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
Unforgettable Love with Mr. CEO

Unforgettable Love with Mr. CEO

Isang dalagang pumasok sa trabaho bilang kasambahay sa isang mansion para sa kanyang pamilya, dalagang pilit winaksi ang nararamdamang nasimulan dahil alam n'yang hindi ito nakakabuti sa trabaho o sa kanyang sistema lalo na't kung ikakasal lang din naman ang lalaking iniibig nya sa babaeng kasosyo sa negosyo. Sya ang dalagang walang kaalam-alam na sa kanyang pagpasok sa trabaho ay isang plano lamang mula sa lalaking matagal nang may gusto sa kanya. Plano nitong mapalapit ang dalaga at mapaibig ito. At hindi nga nabigo ang lalaki dahil nagkakatotoo ang kanyang mga plano. Sa pag-iibigang namamagitan sa kanila, kaya ba nitong maisalba ang paparating na malaking bagyo para sa kanila? Sapat ba ang kanilang pagmamahalan upang balewalain ang nakaraang pilit umi-eksena sa kanilang storya? Sapat ba ang kanilang pagkakagusto upang labanan ang madilim na nakaraan na may kinalaman sa Ina ng dalaga? But what if destiny plays its hand? Is there a chance that these opposite worlds will meet and give a chance to have an UNFORGETTABLE LOVE they have ever felt? Or are they just given a chance to feel the unforgettable pain they have ever felt?
Romance
103.5K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
Lover Of The Mafia Boss

Lover Of The Mafia Boss

⚠️SPG⚠️ Lumaki ang tibo na si Roxine Caballero, na matatag at subok na ng panahon. Osto anyos pa lang kasi siya noon nang iwan sila ng kanyang ama, at hindi na ito muling nagpakita pa, kaya labis siyang nagtanim ng sama ng loob rito. Nang ma-ospital ang kan’yang ina dahil sa isang car accident, na-comatose ito, at walang may alam kung magigising pa ba ito. Malaki na ang nagagastos ni Rox sa ospital, pero nais niya pa ring madugtungan pa ang buhay ng kan’yang ina. Kaya ginagawa niya ang lahat para kumita ng pera, kahit kumapit pa siya sa patalim. Isang gabi sa isang private port, tahimik siyang nagmamatyag sa pagdating ng bagong shipment. Nag-aabang siya doon para magnakaw ng imported products, at binibenta niya ‘to sa malaking halaga. Pero tila malas kay Rox ang gabing iyun dahil naka-enkwentro niya si Darcos Ruggieri, isang Italo-Filipino billionaire businessman, at mafia boss. Nadaig siya ni Darcos, at akmang papatayin na sana, pero isang tauhan ng binata ang biglang dumating at pumigil rito. Pinadampot siya ni Darcos, at dinala sa mansiyon nito. Doon nalaman ng dalaga na matagal na pa lang patay ang tatay niya, at matalik nitong kaibigan si Darcos. Nais ni Rox na tumulong sa paghahanap sa pumatay sa tatay niya, pero hindi siya pinayagan ni Darcos. Nangako ang binata sa kanyang best friend na aalagaan niya ang mag-ina nito, at poprotektahan dahil may gusto ring pumatay sa mga ito. Sa umpisa ay para silang mga aso't pusa, kung mag-away, dahil sa pareho silang mga siga, at palaban. Ngunit sa huli ay pinalambot rin ng pag-ibig ang kanilang mga puso.
Romance
103.2K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
The Unwritten Contract

The Unwritten Contract

Dej4vlues
Nakatali sa isang nakalulungkot na tradisyon ng kanilang pamilya, si Noah, isang matapang na negosyanteng may mabigat na obligasyon sa kanyang pamilya, at si Zuzane, isang artistang naghahangad ng kalayaan mula sa mundo ng industriya, ay napilitang magkasama dahil sa Unwritten Contract. Itinuturing ni Noah na ang kasal ay isang madiskarteng hakbang upang matiyak ang kanyang mana, habang tinitingnan naman ito ni Zuzane bilang isang kulungan. Tulad ng karamihan, may mabigat na pader ang nasa pagitan ng dalawang. Isa sa nakahahadlang sa magandang pagsasama nila bilang mag asawa. Sa isang iglap ay mababago ang lahat dahil sa feelings na bigla na lang nagparamdam. May darating na blessing para sa kanilang dalawa... A Baby. Natagpuan ni Noah ang kanyang sarili na nabihag sa kakaibang pag uugali ni Zuzane, at nakita ni Zuzane ang isang kahinaan sa ilalim ng matigas na panlabas ni Noah. Habang nilalalakbay nila ang hindi pa natukoy na teritoryo ng kanilang buhay, kinakaharap nila hindi lamang ang kanilang sariling kundi pati na rin ang mga panggigipit ng lipunan na nakakulong sa kanila. Maaari bang mamulaklak ang pag-ibig sa harap ng tungkulin? O mananatili bang nakatali ang kanilang mga puso sa kanilang hindi sinasabing mga pagnanasa? The Unwritten Contract ay tungkol sa mga komplikadong pag-ibig at pagrerebelde, kung saan ang tradisyon ay sumasalungat sa pagnanasa para sa kalayaan. Muli bang isusulat nina Noah at Zuzane ang mga tuntunin ng kanilang kasunduan, o mananatili silang nakatali sa hindi nakasulat na kontrata?
Romance
10865 visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
UNEXPECTED MARRIAGE TO A RUTHLESS BILLIONAIRE

UNEXPECTED MARRIAGE TO A RUTHLESS BILLIONAIRE

Isang buhay ang biglang papasukin, buhay na hindi pinangarap, kasal na aksidente at sapilitang pinasok na puno ng alinlangan. Si Fei Zandaya dalagang puno ng mga pangarap, at lumaki mula sa may kayang pamilya ngunit isang pangyayari ang sisira. Hindi inaasahan siyang maipagkakasundo sa lalaking hindi niya pa nakikilala dahil sa halip na ang nakakatanda niyang kapatid na babae ang maikasal sa estrangherong si Mr. Demirci, siya ang napilitan iharap bandana. Ano kaya ang buhay na sa kanya ay naghihintay sa piling ng hindi pa kilalang lalaki? May pag-ibig kayang umusbong o poot ang tanging mamumuo?
Romance
1040.5K visualizaçõesCompleto
Ler
Adicionar à biblioteca
Me And The Gangster Leader's

Me And The Gangster Leader's

Miss_Dangwa
Ang pag pasok ni Clea Morales sa isang school na kung tawagin ay Falcon University na hindi pina papasok ang mga babae na mag-aral dahil sa mga nangyari sa mga babae at lalo na kay Pinuno Si Pinuno ang nangungunang gangster sa Falcon University, ano na lang ang mangyayari kung malaman niya na may nakapasok na isang babae at nagpanggap pa ito ng isang lalaki Ang halimaw sa mga baraha ay napa ibig ng isang brilyanteng kaya kang mag mahal muli at pag bibigay ng suwerte sa iyong buhay at sabay sa pagtupad ng inyong mga pangarap
YA/TEEN
101.6K visualizaçõesEm andamento
Ler
Adicionar à biblioteca
ANTERIOR
1
...
2122232425
...
50
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status