Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
He’s Not The Father!

He’s Not The Father!

Tearsofpaige
Sa unang pagkakataon, si Donna Oraiz na isang byente-dos anyos na pinakainiingatan ng pamilyang Oraiz ay nakagawa ng ikinaguho ng kanilang pamilya. Nabuntis siya bago pa man sila ikasal ng kaniyang fiance at ang masaklap pa ay hindi ito ang ama ng kaniyang dinadala. Disappointment, disbelief, disgusts, at unworthiness ay kaniyang naranasan buhat noong nangyaring iskandalong binigay niya sa kaniyang pamilya at sa pamilya ng kaniyang fiancee. Pinalayas siya ng kaniyang mga magulang at nakatanggap pa ng mga masasakit na salita mula sa kaniyang pinakamamahal na fiance. Sa panahong lugmok na lugmok siya at walang makakapitan, dumating naman si Clive Fabella na siyang nag-iisang tagapagmana ng Fabella’s Legacies. Ang malamig at walang-pusong si Clive ay naging tahanan ni Donna, ang kaniyang sandigan. Matapos ang lahat ng kaligayahan at sakripisyong pinagsaluhan nilang dalawa, paano nila haharapin ang mga pagsubok na nagmamadaling putulin kung anuman ang namamagitan sa kanila? Makakaasa kaya si Donna sa mga bisig at pangako ni Clive kahit na ang katotohanan ay hindi ito ang ama ng bata?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Signed with Lust

Signed with Lust

"Hindi tinta ang ginamit nya sa kontrata, kundi isang sandata na kasinungalingan ang dala" DISCLAIMER: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang. Naglalaman ito ng mga tema ng pagtataksil, sakit, emosyonal na tunggalian, at sekswal na nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay nakalaan lamang para sa mga mambabasang nasa wastong gulang. Magbasa nang may bukas na isip at sariling pag-unawa. Copyright Notice: Lahat ng nilalaman sa akdang ito, kabilang ang mga tauhan, plot, at kabuuang istorya, ay orihinal na likha ng may-akda. Ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya, pag-aangkin, pagbabago, o distribusyon ng akdang ito nang walang pahintulot ng may-akda. Ang paglabag ay maituturing na pagnanakaw ng intelektwal na ari-arian at maaaring humantong sa legal na aksyon. Plagiarism Warning: Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagkopya ng akdang ito sa anumang anyo—printed man o digital—nang walang paunang pahintulot. Respeto sa orihinal na may-akda ang pinakamahalagang bahagi ng bawat likha.
Romance
264 viewsOngoing
Read
Add to library
Glimpse of Loving You

Glimpse of Loving You

sachtych
Siya si Kellissa Elarque. Labing walong taong gulang na estudyante na nag-aaral ng kursong Business Administration sa isang unibersidad. Scholar na Bayan. Breadwinner ng kanyang pamilya. Bukod sa pagiging isang matalinong estudyante, marami ang nabibighani sa taglay niyang ganda sa kabila ng laging suot nitong may kalakihan na puting t-shirt at leggings na pinaresan ng lumang itim na rubber shoes. Binansagan pa ang dalaga bilang "Beauty and Brains" ng kanilang department. Tahimik lamang itong estudyante at tila ba walang pakielam sa paligid. Ngunit nagbago ang lahat sa takbo ng buhay niya simula nang buksan niya ang kanyang puso sa isang Cayden Guerrero. Ang isang sikat na basketball player na tinaguriang "King of Court." Isang binata na epitome ng "Tall, dark and handsome". Na para bang isang ngiti lang niya ay kaya nitong patibukin ang puso ng kahit sino man. Tama nga ba ang naging desisyon niya na bigyan ng pagkakataon ang binata o magiging sanhi lamang ng pagguho ng mundo niya?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him

Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him

Nang sandaling malaman ni Hiraya ang pagtataksil at pagsisinungaling ng kan’yang nobyo na si Jack sa kababata nitong si Rosamie, labis na nasaktan si Hiraya ng sobra tila ba nadurog ng pino ang kan’yang puso nang piliin pa ng kasintahan ang kababata nito kaysa sa kan’ya. Dahil sa epekto ng alak ay naglakas-loob siyang puntahan ang kwarto ng kaibigan ng kan’yang nobyo na si Reyko Takahashi, isang sikat at magaling na doktor sa buong Asya. Matapos ang mainit na gabing pagtatalik, alam ni Hiraya na sa mga mata ng lalaki ay isa siyang maruming babae at hitad na kumakapit sa iba’t-ibang lalaki. Pinulot ng lalaki ang mga damit niya at inihagis iyon sa kan’ya. “Umalis ka na sa kwarto ko.” Nagulat si Hiraya ng ihagis nito ang panty niya’t sapol na sapol iyon sa kan’yang mukha. “Naiwan mo. Too cheap, it's not worth it to keep it.” Halata sa boses ng binata ang pagka sarkastiko at panunuya.
Romance
1013.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Hired Mother

The Hired Mother

Late Bloomer
Dahil sa matinding pangangailangan ng pera ay tinanggap ni Amber ang alok sa kanya kapalit ng malaking halaga para operasyon ng tatay niya. Anak lamang ang gusto ng kliyente niya at hindi asawa na sakto naman para sa kanya dahil hindi pa siya pwedeng mag-asawa dahil wala pang ibang makakatulong sa kanyang pamilya kundi siya lang.Ngunit nagbago ang lahat nang makita niya ng personal ang kliyente niya. Isang kaakit-akit at napakalakas ng dating. Makatakas kaya siya sa karisma nito? Pagkatapos niyang bigyan ito ng magiging tagapagmana nito?
Romance
4.6K viewsOngoing
Read
Add to library
His Circus

His Circus

Remnis Luz
Maagang namulat si Luke Delval sa makamundong pamumuhay, natutunan niyang gamitin ang kaalamang ito upang makuha ang lahat ng kanyang ninanais at makaganti sa mga ginawa ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Sapat na sa kanya ang lahat ng iyon hanggang makasisiguro siyang masaya. Isang madilim na nakaraang ang pilit tinatakasan ni Fryeja Abigail Salazar, dulot na rin ng kawalang hiyaan ng kanyang ama. Dumating sa puntong tinaguan niya na ito para lang wag ng madamay pa, ngunit tila para bang nanadya ang tadhana dahil ang sekretong pinaka iingatan niya ay sumusunod pa rin sa kanya. Kaya ng magtagpo ang landas ni Luke Delval at Freyja Abigail Salazar, tila naging puno ng kaguluhan ang ginagalawan nilang mundo dulot na rin ng mga kanya kanyang pagkakamali.
Romance
1.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Heartless Detective (Series 2)

The Heartless Detective (Series 2)

Itinakwil at inalisan ng karapatan ng sariling pamilya dahil kasalanan na kaniyang nagawa. Sa paglipas ng panahon ay sinubukan niyang mamuhay sa isang lugar na malayo sa kaniyang ginagalawan pero sinugrado pa rin ng pamilya niya na walang makakatulong sa kaniya. Hanggang sa nakilala at minahal niya si Cris- ang amo niya na ubod ng sama ng ugali.  Matututunan kaya siyang mahalin ni Cris sa kabila ng estado nila at pagkakaiba.  Paano kung isang araw bumalik ang pamilya niya na tumakwil sa kaniya at dala ng mga ito ang balitang gigimbal at susubok sa pagmamahal niya, makikinig ba siya sa pamilya niya at iiwan ang lalaking nagsilbi niyang katuwang noong tinalikuran siya ng lahat or mananatili siya sa tabi nito hanggang sa ito na ang sumuko dahil sa nakaraan na hindi nito makalimutan?
Other
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
LIFE FULL OF LIES

LIFE FULL OF LIES

Precious_Wannabee
Para sa mga taong, minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, sa mga taong minsan ng nagpalaya para sa ikabubuti ng lahat.Ito ay kwento ng isang teenage girl na minsan ng nakalimot sa kaniyang nakaraan. Ikinasal sa kababatang lalaki, sa edad na labing siyam. Makikilala niyang muli ang lalaking minsan ng nagkaroon ng malaking parte, sa kaniyang nakaraan. Mapapalapit muli ito sa pangalawang pagkakataon, na siya namang pag-iiba ng pakikitungo at trato sa kaniya ng naturang asawa.Darating ang panahon na malalaman at maalala niyang muli ang nakaraan. Gustuhin man niyang magalit at kamuhian ang mga taong malapit sa kaniya, dahil mistulang pinaglaruan siya ni kapalaran. Napunta siya sa taong minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, napalapit siyang muli sa taong minsan na niyang minahal at ipinaglaban.Pilitin man niyang talikuran ang lahat, at kalimutan ang nakaraan, ngunit pipiliin niya paring yakapin at harapin ang kasalukuyan, sa ngalan ng pag-ibig, sa huli mananaig padin ang pagmamahal at pagpapatawad.
21.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Kung Pwede Lang

Kung Pwede Lang

Si Trixie ay isang mapagmahal na ina sa kanyang anak na babae at ang tanging nais ay ang mabigyan ito ng magandang kinabukasan. Hindi niya inakalang makikilala niya si Derrick, ang anak ng may-ari ng kompanyang kalaban ng kanyang kinilalang pamilya simula pagkabata. May pag-asa ba para sa pagmamahalan ng dalawang taong naipit sa gitna ng magkalabang pamilya? Ipaglalaban ba nila ang pagmamahalan para sa isa't-isa? O kakalimutan na lamang ito para sa katahimikan ng mga buhay nila?
Romance
1019.0K viewsCompleted
Read
Add to library
DARK POSSESSION: Bound by Blood

DARK POSSESSION: Bound by Blood

Ipinagbili si Elaris Vaeloria ng sarili niyang ama sa makapangyaring pamilyang Montefalco— at doon, tuluyan siyang  nawala sa mundo ng kalayaan at dangal. Ginapos ng utos, kontrol, at takot, natutunan niyang ang bawat sandaling malaya ay may kapalit. Sa gitna ng sakit at pagdududa, matapos iligtas ay tumakas siya kay Damian Vossryn, naniniwalang lahat ng kapangyarihan ay nagdudulot ng pagkawasak. Pero nagbaho si Damian. Ang halimaw na kinatatakutan ng mundo ay natutong maramdaman... ang pagmamahal. At nang muling pagtagpuin sila ng tadhana, hindi na niya hinihingi ang pagsuko ni Elaris— ang puso na niya ang kaniyang nais. Ngunit sa mundong pinaghaharian ng dugo at lihim, may puwang pa ba ang pag-ibig na marupok... o nakatadhana rin itong masira?
Romance
10240 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status