Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE ASSASSIN'S REVENGE

THE ASSASSIN'S REVENGE

Zachary Giorgio Ferrari isang sikat na car racer sa buong mundo. Sa edad na labing anim na taon he is known for being a beast when it comes to wheels. Lingid sa kaalaman ng lahat hindi lamang isang magaling na racer at driver si Zachary sa murang edad. Isa din s'yang tinaguriang notorious assasin agent ng Black Wagon. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, isa s'yang mafia successor ng kanilang angkan. Dahil sa isang misyon, namatay ang isang pinaka importanting tao sa kan'yang buhay dahil sa pagsalba sa kan'ya. Ipinangako n'ya sa puntod nito na ipaghihiganti n'ya ang karumal-dumal na sinapit nito. Paano kung sa paniningil n'ya, makikilala n'ya ang babaeng may malaking kaugnayan sa taong ipinaghihiganti n'ya? At paano kung sa unang pagkikita pa lamang nila, ibang init na ang nag uumapaw sa kan'yang katawan at hinangad na maangkin ang dalaga. Paano kung umibig s'ya dito at umibig din ito sa kan'ya ngunit nalaman nito ang pinakatagong sekreto ng kan'yang buhay na isa s'yang mafia at assasin. Paano n'ya tatanggapin ang galit nito ng malaman nito na s'ya ang dahilan ng pagkamatay ng pinaka importanting tao sa buhay ng dalaga.
Romance
10110.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Mr. Romantic(The more you hate the more you love series)

Mr. Romantic(The more you hate the more you love series)

Ibinigay ni Keziah Quinn Palmer ang kanyang puri sa isang estrangherong lalaking nakilala niya sa bar—isang hakbang na dulot ng galit at tampo niya sa kanyang mga magulang matapos siyang ipagkasundo sa anak ng kasosyo nila sa negosyo. Ngunit ang galit niya ay lalo pang nadagdagan nang makilala niya si Cael Xandros Lozano, ang lalaking ipinagkasundo sa kanya. Sa kabila ng kanyang matinding pagkasuklam, hindi siya tinantanan ni Cael, determinado itong mapalapit sa kanyang puso. Paano kung malaman ni Keziah na ang estrangherong nakasama niya sa gabing iyon ay si Cael din? Magbabago kaya ang kanyang damdamin, o mananatili siyang nakakulong sa galit at pagtanggi habang buhay?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Nerd Wife Felicie

My Nerd Wife Felicie

Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa. Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya. Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig. Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex? O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
Romance
109.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Maid For You

Maid For You

Kasambahay ang pinasukan niyang trabaho ngunit dahil sa isang pagkakamali, isa na siya ngayong Maybahay. Kilalanin si Estrella Dominguez, ang probinsyanang handang makipagsapalaran sa siyudad para sa paghahanap ng trabaho ngunit dahil sa ka-mangmangan, napasok siya sa malaking gulo na babago sa takbo ng buhay niya. Kailangan niyang pakasalan si Sebastian Martinez, ang boss niya sana pero sa isang iglap, magiging asawa na pala niya. Kasal na sila ngunit hindi mahal ang isa't-isa. Posible kaya itong magbago at mauwi sa pagmamahalan o baka naman sa huli ay deborsyo ang kahinatnan?
Romance
10111.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Ang aking asawa ay isang air traffic controller. Sa aming mga nakaraang buhay, ang aking anak na babae ay inatake sa puso nang ang flight na aming sinasakyan ay humarap sa isang bagyo. Nakipag-ugnayan ako sa aking asawa sa control tower para maghanda ng priority landing. Kasabay nito, bumagsak ang kabilang flight na sinasakyan ng soul mate ng asawa ko matapos tamaan ng kidlat. Ang aking asawa ay kumilos nang normal pagkatapos ng insidenteng iyon. Gayunpaman, nang maglaon sa kaarawan ng aking anak na babae, ikinulong niya ang aking anak na babae at ako sa bahay, at kami ay sinunog hanggang sa mamatay. "Kung hindi ka nagrequest ng priority landing, hindi sana bumagsak ang flight ni Kelly! Sa tingin ko ay wala namang problema sa anak mong babae. Ginawwa mo lang yun dahil sa selos mo para kay Kelly, ikaw ang rason ng pagkamatay ng ilang daang mga inosenteng buhay.” Ang aking anak na babae at ako ay hindi nakatakas, kami ay namatay nang kakila-kilabot. Sa susunod na pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa araw na ang aking anak na babae ay inaatake muli sa puso. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang nadiskonekta ng asawa ko ang tawag ko sa control tower. Gayunpaman, nang malaman niyang namatay ang aming anak na babae dahil sa atake sa puso, nabaliw siya.
Short Story · Romance
738 viewsOngoing
Read
Add to library
Sweetest Love

Sweetest Love

Nagmula si Yannie Ace Ruiz sa isang simple at payak na pamilya. Pangalawa siya sa limang magkakapatid. Wala sa bokabularyo niya ang pagkakaroon ng kasintahan, sapagkat abala siya sa kanyang pag-aaral ng mabuti, pag-aalaga ng mga kapatid, at pagtulong sa kanyang mga magulang. Bukod sa mga nabanggit ay abala rin siya sa pagiging fan girl ng 4SBLUE. Mahal na mahal niya ang nasabing banda at masayang-masaya siya sa tuwing napapanood ang mga ito. Kaya naman kuntento na siya at ayos lang sa kanya kung wala siyang nobyo 'di tulad ng kanyang mga kaibigan. But, not until he met Josh Rain Montez. Nakilala niya ang binata dahil sa naging online slash virtual friend niya na fan din ng 4SBLUE at iba pang mga kpop group. At mula nang ipagkatiwala niya ang puso niya rito ay nagbago na ang takbo ng kanyang buhay. Ang dating simple at payapa, ay nagkaroon na ng kakaibang gulo at saya. Malayong-malayo kasi ito sa inaasahan niya. Mayaman ang binata, nag-iisang anak, famous, habulin ng mga babae, gwapo, talented, sweet, at possessive pagdating sa kanya! Pakiramdam niya ay napakahaba ng kanyang buhok dahil patay na patay ito sa kanya. Na kahit hadlangan sila ng sibat o anomang bagyo ay nakahanda nitong ipaglaban ang pagmamahal para sa kanya. 'Yong dating sa mga libro lang niya nababasa, o 'di kaya'y sa mga drama sa telebisyon lang niya napapanood, ay nangyayari ngayon sa kanya. Will their love win overall?
Romance
1014.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Hot Professor Arthur

Hot Professor Arthur

Magdalena Perez, isang mask dancer at college student, ay napilitang pumasok sa ganoong trabaho matapos silang iwan ng kanyang ama at para matustusan ang gamot ng inang may sakit sa puso. Isang gabi, natagpuan niya ang sarili sa harap ni Professor Arthur, ang guro niyang lihim na may paghanga sa kanya. Sa kabila ng takot na mabunyag ang kanyang trabaho at mawala ang scholarship, pumayag siya sa isang alok ng club owner kapalit ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakala na si Professor Arthur pala ang lalaki sa gabing iyon.
Romance
369 viewsOngoing
Read
Add to library
Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)

Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)

Rouzan Mei
Hindi inaasahan ni Yorzuana Ghitt na ibebenta siya ng kaniyang mga magulang sa isang lalaki kapalit ng bilyon-bilyong halaga. Naisipan lang na bilhin siya ni Roger Mizores dahil sa pagnanasa niya rito at walang halong pagmamahal sa dalaga. Ngunit sa kabila ng pagiging matigas na puso ni Roger, paninilbihan ang isinukli ni Yorzuana sa kaniya hanggang sa magsawa ito dahil sa pag-amin ng binata na binili lamang niya ito. Nasaktan, nagpakamatay ngunit muling babangon. 'Yan ang nangyari kay Yorzuana nang hindi niya inaasahan. May magagawa ba si Roger para sa dalaga?
Romance
4.8K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
109.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)

Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)

Si Florence ay nagta-trabaho bilang Executive Assistant ni Frank Ledesma, Vice President for External Affairs ng Ledesma Development Corporation o LDC, ang nangungunang real estate developer sa bansa. Ngunit, ibang lalaki ang napupusuan ni Florence - ang pinsan ng kanyang boss, si Maui Ledesma, Vice President for Finance ng LDC. Iyon nga lamang, ni hindi man lang siya napapansin nito. Hanggang sa kinailangan nilang tatlo na magtungo sa Siargao para sa ipatatayong resort ng LDC sa lugar na iyon, dahilan upang mapalapit si Florence sa dalawang bise presidente ng kumpanya. Parehong guwapo, matipuno, matagumpay sa buhay, at galing sa buena pamilya. Sino ang pipiliin ni Florence kung sabay na manligaw ang dalawa sa kanya?
Romance
8.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status