Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mafia Series: Laxus Morgan

The Mafia Series: Laxus Morgan

Sa mundong pinatatakbo ng digital codes at madugong transaksyon, si Laxus ang hari. Sa umaga, siya ang makapangyarihang CEO na nagpapaikot sa mundo ng negosyo. Sa gabi, siya ang malupit na Mafia Boss na naghahari sa ilalim ng mga anino. Hawak niya ang lahat. Yaman, koneksyon, at buhay ng mga taong nangangahas na banggain siya. Ngunit may isang bagay na hindi niya kayang kontrolin nang buo: ang sarili niyang system na pinoprotektahan ng kaniyang pinakamahusay na tauhan. Si Amara ay hindi lamang isang empleyado; siya ang henyo sa likod ng mga firewall ni Laxus. Bilang kanyang Personal Software Developer at Elite Hacker, siya ang nakakakita sa lahat ng dumi at lihim na ibinaon ni Laxus sa ilalim ng mga encrypted files. Siya ang may hawak ng "Kill Switch.” Ang mga impormasyong sapat upang mapabagsak ang kumpanya ni Laxus at maipakulong siya habambuhay bilang isang kriminal. Gusto nang tumakas ni Amara. Gusto na niyang iwan ang madilim na mundong ito na puno ng panganib. Ngunit sa ilalim ng kumpas ni Laxus, ang pag-alis ay katumbas ng pagtataksil. Alam ni Laxus na ang utak ni Amara ang kaniyang pinakamalakas na sandata, ngunit ito rin ang kaniyang pinakamalaking banta. Kaya naman, gagamitin niya ang lahat ng kaniyang kapangyarihan upang panatilihin ang dalaga sa loob ng kaniyang "golden cage." Sa pagitan ng mga hacking encounters at mapanganib na engkwentro sa labas ng opisina, isang mas mapanganib na apoy ang nabubuo sa pagitan nila. Habang sinusubukan ni Amara na i-bypass ang puso ng kaniyang boss, unti-unti naman siyang nahuhulog sa bitag ng isang lalakeng handang pumatay para lamang manatili siya sa tabi nito. Sino ang unang bibigay? Si Amara ba na may hawak ng mga ebidensyang makakapagsira kay Laxus, o si Laxus na handang sunugin ang buong mundo para lamang sa minamahal niyang si Amara?
Mafia
96 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Pagbuko sa Impostor

Ang Pagbuko sa Impostor

Ikakasal na ang pinakapopular na babae sa amin noong high school. Inimbitahan niya ang lahat sa aming klase para sa kaniyang kasal. Gusto kong kumilos na parang hindi ko nakita ang message na ipinadala niya sa akin pero walang tigil niya akong tinag sa group chat. “Nagkunwari kang mayaman gaya ko noong high school, pero hindi kita masisisi sa ginawa mo. Sa totoo lang, iniimbitahan kita sa kasal ko bukas para makita mo kung paano maging isang tunay na mayaman.” Agad na nagsalita ang iba naming mga kaklase. “Napakabait mo talaga, Haley. Kaya hindi na ako magtataka kung paano mo nagawang pakasalan ang isang miyembro ng pamilya Baumer. Hindi ako makapaniwala na mapapatawad mo ang isang materialistic na kagaya ni Emma!” “Ano ba ang deserve ng isang kagaya ni Emma Larkin para makaattend sa kasal ni Haley? Masyado siyang mayabang.” Habang tumitindi ang mga pangiinsulto, umabante si Haley Stockwell para mapanatili ang kapayapaan sa chat. “Sige na, kalimutan na natin ang mga hindi maganda nating nakaraan. Hindi na ako naaapektuhan sa mga ito dahil masyado nang matagal mula noong mangyari ang mga iyon. Anyway, huwag na tayong maghinanakit kay Emma dahil masyado na itong mahirap at pangit.” Walang tigil na umulan ang mga papuri sa kaniya ng lahat sa group chat habang tinatawag siya ng ilan sa amin na mabait at inosente. Napasinghal ako sa aking nakita. Si Haley ang babaeng nagkukunwaring mayaman sa amin—ako ang tunay na tagapagmana ng isang mayamang pamilya pero pinalabas pa rin niya na sinungaling ako. Ginawa niya akong target ng mga pangiinsulto ng lahat. Tiningnan ko ang digital wedding invitation para makitang gaganapin sa aking villa ang kaniyang kasal. Mukha ring pamilyar ang kaniyang groom—hindi ba’t ito ang driver ng aking asawa? Ngumiti ako nang maisip ko ang mangyayari. Sumagot ako sa chat ng, “Sige! Kailangan kong umattend ng kasal mo!”
Short Story · Romance
908 viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
5678910
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status