Shadows of the Heart (Ethan Sierra)
Humigpit naman ang pagkakahawak ko sa kamay ni Darius dahil sa sobrang dilim, at baka may kung anong mangyari pa.
“Dar…” nanginginig ang boses kong tinawag siya.
“I’m here, my fiery Tinkerbell,” he whispered.
Napasinghap ako nang bigla itong napahawak sa bewang ko at itinaas ang kamay ko.
“You don’t have to be like Wendy, Sera. You are my Tinkerbell that is loved by everyone,” he whispered again and seconds later, biglang nagkaroon ng spotlight sa gawi namin at siyang pagtunog ng “Fly To Your Heart” na isa sa mga theme songs ng Tinkerbell. It was played by the piano, violin and harp, kaya sobrang romantic ng dating ng kanta.
Bab Populer