Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Zillionaire's Abandoned Wife

The Zillionaire's Abandoned Wife

Sa loob ng mahigit kalahating dekada, tiniis ni Trixie ang malamig na pakikitungo ni Sebastian sa kaniya. Naniniwala kasi siyang kung mananatili siya sa tabi nito, maaaring matunaw rin ng pagmamahal niya ang nagyeyelong puso ng lalaki. At kung maaari... ay babalik na dito ang pagmamahal sa kaniyang tila nakalimutan na. But her patience was rewarded not with love—but betrayal and manipulation. Sebastian fell in love with another woman at first sight. Much worse? It's her half-sister that stole her husband. Binusog ng lalaki ng pagmamahal at kalinga ang babae na hindi na niya naibigay kay Trixie matapos ang gabing iyon. Hanggang sa dumating ang araw na naubos na ang pag-asa niya. Ang araw kung saan nakita ni Trixie kung paanong matagal na palang wala sa kaniya ang kaniyang sariling mag-ama. Doon na siya sumuko. Pinirmahan ang divorce papers, iniwan ang bahay nilang mag-asawa, isinuko ang karapatan sa anak, at kinalimutan ang pag-ibig na tila nilumot na ng panahon.  But suddenly, there's a sudden turn of events. Ang asawang inabandona siya noon, ngayon ay lagi nang nasa tabi niya. And when she demands a divorce?  He corners her and whispers, "Divorce? That would be impossible, Wife.”
Romance
9.22.5M viewsOngoing
Show Reviews (277)
Read
Add to library
Lai
San na kaya ung mag uncle nayon! nagiging masaya si trixie kpag mag kama silang tatlo. Tska mas bet ko rin si Helios pati rin si yanyan na super malambing na bata kulang na nga lang mag pa ampon si yanyan kay trixie. kung kelan nasa part ng divorce sila trixie at seb. Wala nman sila Helios at yanyan
Mae Mae
Hi po sa author!...I love the story, minsan lng ako mahook ng ganito sa novel.When I started reading some part of it,I suddenly feel the urge to read it more & here I am waiting for another chapter.But pls sana araw-araw my bagong update na.I can't wait for the next one.Btw, Trexie & Seb for the win!
Read All Reviews
Accidentally Married to a Mafia Boss

Accidentally Married to a Mafia Boss

"Be my bride… or I’ll be your groom?" Sabi ng matatanda, kapag sinukat mo ang isang wedding gown nang hindi para sa ’yo, hindi ka makakapag-asawa. Akala ni Azura pamahiin lang iyon hanggang sa araw na pinaglaitan siya ng tadhana. Nakita niya lamang ang sarili nakidnap at dinala sa simbahan habang suot-suot ang wedding gown na sinukat lang naman niya at dinadala sa harap ng altar. At ang groom? Nakangising demonyo habang tutok ang baril sa kanyang sentido, pilit siyang pinapa-"I do." Doon niya napagtantong hindi ito ordinaryong lalaki. She accidentally married a mafia boss— a cunning, cold, breathtakingly handsome alpha, and dangerously untouchable. Pero paano paninindigan ni Azura ang pagiging asawa ng isang lalaking ubod ng sungit, laging ipinapaalala sa kanyang papel lang ang kasal nila, at tila ba ayaw siyang bigyan ng puwang kahit sa puso? At paano siya lalayo kung simula’t sapul… lihim na pala niya itong minahal? Sa gitna ng panganib, pagtataksil, at isang nakalipas na kinalimutan ng lalaki—may paraan pa ba para kumawala si Azura sa kamay ng mafia boss? O matagal na pala siyang bihag hindi sa baril… kundi sa pagmamahal? Language: Taglish
Mafia
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
A LIFE TO REGRET: DEAL WITH A DANGEROUS BILLIONARE

A LIFE TO REGRET: DEAL WITH A DANGEROUS BILLIONARE

Steve, the brutal, evil man who happens to be the son of the Mafia, had his eye on a lady who had a distinctive build. Before the appearance of Steve, Ashly had everything figured out. Meet the man who intends to destroy Ashly Novanches' beautiful and innocent existence. Steve Biloner, who will become obsessed by Ashly's unique beauty and compassionate personality. Ang katapangang nananalaytay sa dugo ni Ashly Novanches ang kukuha sa atensyon ni Steve Biloner. Dahil lamang sa pagligtas ng dalaga sa buhay ng binata sa isang insidente, malapit sa kanilang paaralan kung saan doon sila mismo unang nagkita, ay doon na nag-umpisa ang kahindik-hindik na pagkahumaling sa kan'ya ng lalaki. Dahil hindi maalis alis sa sistema ng binata ang dalaga ay nakuha n'yang gawin ang pinakadelikadong plano. Pagkaraan ng limang taon ay kinidnap ni Steve si Ashly at inalok ng marriage contract kapalit ng kaligtasan ng pamilya n'ya. Mahuhulog kaya si Ashly at babaguhin ang binata? O sasabay s’ya sa agos na gusto ng lalaki upang makuha ang tiwala nito, dahilan para mapabagsak n'ya si Steve Biloner?
Romance
9.5446 viewsOngoing
Read
Add to library
The Unwanted Husband

The Unwanted Husband

Yukidaruma
Kate Castillo is the kind of girl who would do anything she wants in life. Partying, drinking, having intercouse to whoever she likes, she wants to experience all the good things in life. While on the other hand, Axel Crawford is the kind of person who takes everything seriously. Mula sa trabaho, sa pakikipag kaibigan, to the point na pati pag-girlfriend, hindi pa nito nararanasan. And because Kate is up to every challenge, sinubukan niyang mapalapit kay Axel. Pero hindi nito alam na iba magmahal ang mga seryoso. When she finally succeeds to seduce him, doon pa lang pala magsisimula ang kalbaryong hindi niya kailan man inaasahan.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Twisted Fate with the Disguised Billionaire

Twisted Fate with the Disguised Billionaire

Si Kiara Morris ay isang babae na may pangarap—masipag, matalino, at hinahangaan sa kanilang kompanya. Kasama ang kanyang boyfriend na si Benedict, kilala sila bilang “couple goals” ng kanilang opisina. Ngunit paano kung ang lalaking minahal niya ay may tinatago palang inggit at galit sa kanya? Nang dumating ang pagkakataong sila ang pinagpilian para sa isang mataas na posisyon, hindi inakala ni Kiara na ito ang magiging simula ng kanyang bangungot. Sa isang gabi ng selebrasyon, inalok siya ni Benedict ng inumin—hindi niya alam, may mas madilim itong plano. At ang akala ni Kiara na ito ay isang panaginip, ay siya ay mainit na nakikipagtalik sa isang lalaki. Sa isang iglap, nagising na lang siya na masakit ang kanyang katawan at ang kanyang pagkababae. Isang buwan ang lumipas at natuklasan ni Kiara ang isang nakakagulat na katotohanan—siya ay buntis. Ngunit sino ang ama? Dahil dito, nagtagumpay si Benedict na sirain siya at tuluyang mawalan ng trabaho. Limang buwan ang lumipas, may bigla na namang lumapit sa kanya na misteryosong matanda na tinulungan siyang magkaroon ng trabaho. Doon nagtagpo ang kanilang landas ng kinakainisan niyang janitor. Wala siyang magawa kundi pakisamahan ang lalaking kinaiinisan niya, para lamang sa trabaho na kailangan na kailangan niya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para mabuo ang buhay na sinira ng kanyang ex? At paano kung ang hinahanap niyang kasagutan ay nasa taong hindi niya inaasahang magiging bahagi ng kanyang buhay?
Romance
10934 viewsOngoing
Read
Add to library
SHATTERED HEARTS (tagalog)

SHATTERED HEARTS (tagalog)

"Anak ko ang nakasalalay dito, Jessa, kaya hindi mo kami masisisi kung gumawa man kami ng bagay na kahit alam naming makakasakit para lang madugtungan ang buhay ni Clyde." Mapait siyang ngumiti. Tinignan niya si Xyrius na nakatingin sa kanya sari-saring emosyon ang nagsasalimbayan sa mga mata nito. Iniiwas niya ang tingin dito at bumaling kay Giselle. "Gusto kitang saktan, kung puwede nga lang patayin kita ngayon." Dumaan ang gulat ang takot sa mga mata ni Giselle. "Pero hindi ko gagawin dahil baka mamaya buntis ka na pala. Baka nakabuo na pala kayo ng asawa ko. Sayang yung sakit na nararamdaman ko kung mawawala lang yung batang magdudugtong sa buhay ni Clyde." Pinunasan niya ang luha niya gamit ang manggas ng damit niya. Saka tumayo ng tuwid. Naglakad siya at ng na sa tapat na siya ni Giselle huminto siya. Hinubad niya ang wedding ring niya at iniabot ang kamay nito saka inilagay roon ang wedding ring niya. "Tutal makapal naman ang mukha mo 'wag ka nang mahiya. Sa iyo na rin itong wedding ring ko. Sayong-sayo na si Xyrius..." aniya dito na ikinagulat nito. Saka niya ito nilagpasan at tinungo ang pinto pero hinabol siya ni Xyrius at pinigilan. Malamig ang mga matang nilingon niya ito. "I'm sorry..." umiiyak na anito. "Ayokong mawala si Clyde pero mas ayokong mawala ka sa buhay ko..." humahagulgol na anito. Hindi niya rin napigilan ang pagpatak ng luha niya. "Isa lang puwede mong piliin at pinili mo siya, X. Anong laban ko ro'n e, anak mo 'yon. Dugo at laman mo 'yon..." Marahan niyang tinanggal ang kamay nito sa braso niya. "Hanggang dito na lang ako... hindi ko na kayang magpatuloy na kasama ka. Goodbye, love... be a good father." Tinapik niya ang balikat nito at tumalikod na siya.
Romance
4.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Bad Boy Sa Tabi

Ang Bad Boy Sa Tabi

“Ang tunay na sakit ay hindi nagmumula sa mga kalaban, mula ito sa mga pinahahalagahan natin.” Si Charlie Rae na dalawampu’t isang taong gulang ay natutunan ito mismo ng pagktaksilan siya ng mga taong mahal niya. Nangako siyang tatapusin na ang ugnayan sa kanila ng pang habambuhay. Pero ang pag drop out mula sa unibersidad ay hindi kasama sa kanyang pagpipilian, at imposible an iwasan sila sa campus. Ang kaisa-isa niyang paraan para tumakas? Ang lumipat sa tinutuluyan ni Taylor West–ang pinakamalaking karibal ng ex-boyfriend niya at kilalang bad boy ng unibersidad. Pansamantala lang ito dapat, pero habang tumitindi ang tensyon, napaisip si Charlie: tunay ba siyang nakatakas sa mga problema niya, o baka makakagawa na naman siya ng isa pang pagkakamali? *** “Linawin natin ito–housemates lang tayo. Hindi kita type, kaya huwag ka magtatangkang pagsamantalahan ako!” Nilinaw ni Charlie ang kasunduan. Ngunit, isang umaga, nagising si Charlie sa kuwarto ni Taylor. Ang gray niyang mga mata ay nakatitig sa kanya habang mapaglaro ang boses niya ng magtanong, “Ang akala ko ba hindi mo ako type. So, sinong nananamantala dito?”
YA/TEEN
1019.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Soldier's First Love (Sanchez Series #4)

Soldier's First Love (Sanchez Series #4)

LauVeaRMD
Isang rebelde si Marcus at hindi iyon alam ni Amara. Habang si Amara naman ay alagad ng batas, isang sundalo. Naging magkasintahan si Marcus at Amara. Nagpakasal, pilit na lumalayo si Marcus sa kanyang pinagmulan ang isang lihim na di dapat mabunyag. Isang gabi, habang nasa biyahe si Marcus, pauwi sa bahay nila Amara ay tinambangan ito ng mga di kilalang armadong kalalakihan. Isang operasyon ang nangyari at kasama si Amara doon, nalaman ni Amara na buhay pala si Marcus at isa itong rebelde. Naging bihag ng kupunan nina Marcus, si Amara. Ano ang pipiliin ni Amara ang mahalin ang kanyang kalaban o iwan ito ay ipagpatuloy ang laban?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
No more secrets, No more lies!

No more secrets, No more lies!

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Castheophy Ynares nang misteryosong mamatay ang kanyang mga magulang, iniwan siyang nag-iisa upang alagaan ang tatlo niyang nakababatang kapatid. At sa isang iglap, nawala rin ang yaman at seguridad na inaakala niyang habambuhay nilang sandigan. Pero hindi siya sumuko. Sa loob ng limang taon, nagpakahirap siya, tiniis ang lahat ng sakit at gutom, hanggang sa tuluyan siyang makapagtapos bilang Summa Cum Laude sa Ateneo de Iloilo. Ngunit sa pagpasok niya sa bagong mundo bilang isang abogado, isang trahedya ang agad na sumalubong sa kanya—napagbintangan siyang nagnakaw ng mahahalagang files. At doon niya nakilala si Jaiden Wench. Makapangyarihan. Misteryoso. Walang awa. Siya ang lalaking hindi lang may kakayahang manipulahin ang mundo, kundi pati ang puso ni Castheophy. "You think you can escape me, Castheophy?" bulong nito, ang tinig ay malamig at puno ng panunuya. "You stepped into my world—now, you’re mine." Dahil sa isang kontratang wala siyang lusot, napilitan siyang manatili sa piling ni Jaiden. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumalalim ang laban sa pagitan nila. Galit o tukso? Laro o katotohanan? Habang tinutuklas niya ang madilim na nakaraan ng lalaking ito, isang bagay ang hindi niya maitatanggi—unti-unti siyang nahuhulog sa demonyong hindi niya dapat mahalin. Ngunit sa larong ito, may kailangang matalo. May kailangang magsakripisyo. At may kailangang mawala. Sa huli, pag-ibig nga ba ang magpapalaya sa kanya—o ito rin ang tuluyang wawasak sa kanya?
Mafia
10698 viewsOngoing
Read
Add to library
Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Jeadaya_Kiya18
Kinakayod ni Ella ang hirap ng pagiging-escort para sa mga utang ng mabisyo niyang nanay. Mula pa bata nang siya ay magsimulang pasukin ang iba't-ibang trabaho dahil sa hirap ng buhay. Isang simpleng babae na walang ibang pinangarap kung hindi ay ang magkaroon ng maganda at payapa na pamumuhay. Ngunit, nang dahil sa isang kasalanan na hindi naman siya ang gumawa ang kaniyang pagbabayaran. Nang dahil sa pagkakahawig nito sa isang gold digger na minamahal ng isang bilyonaryong tao ay tuluyan na nagbago ang takbo ng kaniyang buhay. Gumanda ang kaniyang pamumuhay, wala na ang araw-araw na pagsabak niya sa pagpapasaya sa iba't-ibang lalaki sa bar at kahit hindi ito magtrabaho ay maaari na niyang bilhin at gawin ang lahat ng naisin nito habang, kapalit ng mga ito ay ang pagkakakulong niya sa isang lalaki na minsan man ay hindi niya nakilala o nakita sa tanang buhay. Isang lalaki na sa una pa lang ay pinakitaan na siya ng kasamaan at pagmamalupit. Dito na ba tuluyan mababago ang isang normal at payapang pamumuhay ni Ella? Titingnan na lamang ba niya itong oportunidad para iahon sa hirap ang kaniyang sarili at nanay o mas pipiliin niya pa rin na tumakas sa nakasasakal na kamay at nakasusulasok na pag-uugali nito? Paano niya nga ba magagawa na malulusutan ang problema na hindi naman siya ang gumawa?
Romance
988 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2021222324
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status