Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I Was Forced To Marry My Enemy

I Was Forced To Marry My Enemy

Kasalukuyang live-in partner ng mommy ni Jean Tejada ang daddy ni Kaizer Julian Ezcalante nang ito ay atakihin sa puso. Hindi matanggap ni Kaizer ang biglaang pagkamatay na iyon ng ama lalo pa na ayon sa lumabas na autopsy, sinadya raw kitilin ang buhay ng daddy niya at hindi talagang inatake sa puso ang dahilan. Kaya naman gano'n na lang ang galit ni Kaizer Julian sa live-in partner ng daddy niya dahil wala namang ibang motibo para paslangin ang ama niya kun'di ang kayamanan ng daddy niya. Pinuntahan niya ang bahay ng live-in partner ng daddy niya. Ngunit ang napakaganda nitong anak na si Jean ang naabutan ni Kaizer. Lihim na napukaw ni Jean ang puso ni Kaizer ngunit sa kagaya ni Kaizer na galit at poot ang nasa puso para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama, pilit niyang nilabanan ang atraksyon para kay Jean. Dahil tumakas ang mommy ni Jean na live-in partner ng daddy niya, sapilitang tinangay ni Kaizer si Jean. Ito ang naisip n'yang ipain upang mapalabas ang ina nitong nagtatago sa batas. Papahirapan niya ang dalaga. Kinulong niya ito sa bahay niya. Hangga’t hindi lumalabas ang ina nito ay hindi rin makakalabas ng bahay si Jean. Hindi lang iyon, kahit ang kalayaan nito ay kinuha rin niya. Pinilit niyang magpakasal si Jean sa kaniya kahit labag sa loob ng dalaga. Ayaw ni Jean dahil may iba itong nobyo at mahal din ng dalaga. Subalit ang pagtutol ni Jean ay walang saysay dahil maimpluwensya si Kaizer. Lahat ay kaya nitong gawan ng paraan para pumayag si Jean. Kaya abot langit ang galit ni Jean kay Kaizer. Sumumpa si Jean na hanggang papel lang sila magiging mag-asawa ni Kaizer at gagawa siya ng paraan upang makatakas kay Kaizer kahit sa ano mang paraan.
Romance
1018.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Affair

Love Affair

Sandara
Sa edad sa 20 ay solo ng tinataguyod ni Aena ang nakababatang kapatid na lalaki na kasalukuyan pa lamang na nag aaral ng elementarya, bata pa lamang kasi sila ng pumanaw ang kanilang ama at hindi nagtagal ay nagkasakit naman ang kaniyang ina ng kanser at dahil wala silang sapat na pera upang ipagamot ito ay hindi nagtagal ay binawian rin ito ng buhay. Hindi rin siya nakapagtapos ng pag aaral dahil kinailangan niyang magtrabaho para sa kanilang magkapatid dahil wala silang aasahan kundi ang sarili niya, wala silang kamag anak sa lugar na iyon. Napadpad siya sa Maynila at doon nagkaroon ng trabaho bilang isang kasambahay, ngunit paanong ang pagiging kasambahay ang makakapagpabago sa kaniyang buhay. Paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay mahulog siya sa lalaking may karelasyon ng iba? Handa ba siyang makiapid sa ngalan ng pag-ibig?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Game of Love

Game of Love

Si Mayumi Sperbund "Yumi" ay isang simpleng babae na ang tanging nais lamang ay makapagtapos ng pag-aaral para matupad ang pangarap ng kanyang Nanay at Tatay. Sa kabutihang palad ay naging iskolar s'ya sa Kugimiya University at dito mag-uumpisa ang bagong kabanata ng kanyang buhay. Makakakilala s'ya ng mga bagong kaibigan at ituturing n'ya na parang pamilya. Makikilala ni Yumi si Ryuu Kugimiya "Barry" na isang mayaman, antipatiko, pilyo at gwapong lalaki na magiging dahilan upang mabago ang paniniwala n'ya pagdating sa pag-ibig. Dahil dito magbubunga ang pagmamahalan nila, mabubuntis si Yumi at itatakwil s'ya ng kanyang Tatay. Magbabago rin ang pagmamahal sa kanya ni Ryuu dahil sa isang pagkakamali at hindi pagkakaintindihan at nang dahil sa pag-ibig paglalaruan silang lahat ng tadhana at mauuwi ang lahat sa isang masalimuot na trahedya. Makalipas ang pitong taon ay isa ng sikat na modelo si Yumi dala-dala ang sugat ng nakaraan na pilit n'yang tinatakasan at muli silang pagtatagpuin ng mapaglarong tadhana at muling mabubuksan ang nakaraan na laro ng pag-ibig. Sa pagkakataon bang ito ay maliliwanagan na ang lahat at gagaling na ang sugat ng nakaraan?
Romance
9.97.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Keeping You Tight

Keeping You Tight

Irene Hoopai kept pursuing her passion kahit na tutol dito ang kanyang mga magulang. Dalawang pangarap niya ang gusto niyang matupad. Una, ang makapagtayo ng sariling photography studio. At ang mapansin ni Riley Romualdez, ang lalaking matagal niya nang gusto. She's one step closer to her dreams ngunit isang hindi inaasang balita ang nakarating sa kanya. Ipinagkasundo siya ng kanyang ama sa pamilyang karibal ng mga Romualdez sa negosyo. Clymer has set his eyes on Irene for years at handang niyang gawin ang lahat makuha lamang ang puso nito. Kahit ang itali ito sa relasyong siya lamang ang may gusto. But how could he keep someone who loves freedom so much? Can his love alone keep her tight?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Return of the Vengeful Ex-Wife

The Return of the Vengeful Ex-Wife

Dahil sa isang aksidente, nalaglag ang dinadala ni Aeris na siyang dahilan kung bakit naging impyerno ang kanyang buhay-may asawa. Sa kamay pa lamang ng kanyang byenan, lalo na sa kanyang asawang si Flyn. Lahat na yata ng klase ng pang-aabuso ay naranasan niya, at tinanggap niya iyon dahil naniwala siyang kaparusahan iyon sa kanyang ginawa. Hanggang sa dumating ang tiyuhin ni Flyn na si Lucien, na tila ba handa siyang iligtas sa buhay na ayaw niyang iwanan. Dumating ang araw na desidido na si Aeris na tumakas at sumama na lamang kay Lucien, ngunit agad na naglaho ang kanyang mga pangarap nang bigla niyang masaksihan ang sikretong nag uugnay sa kanilang dalawa ng lalaki. Handa ba siyang maranasan muli ang kalupitan na minsan na niyang tinakasan sa kamay ng lalaking naging dahilan kung bakit niya piniling mabuhay?
Romance
10510 viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. Castalijo Owned Me

Mr. Castalijo Owned Me

Conan Akatsuki
Marga Sandoval was forced to marry Demoer Castalijo. Ngunit paano kung ang kanyang pinakasalan ay hindi pala tunay na Demoer kundi ito pala ay si Denovan? Paano kung sa pag balik ng totoong Demoer ay aagawin nito ang babaeng pag-aari na ngayon ni Denovan? Sino ba sa dalawa ang mas may karapatan?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
THE COLD HEARTED CHAIRMAN

THE COLD HEARTED CHAIRMAN

Si Ryder Sable ang chairman na tinaguriang the cold hearted. Isang insidente sa buhay niya ang naging dahilan nang pagiging malamig niya. Umibig siya sa isang babae na may kaugnayan pala sa kanyang nakaraan. Nakipaghiwalay siya at kinalimutan ito. Pero muli itong magbabalik, ngunit tuluyan ng nawala ang nararamdaman niya para dito. Bagkus ay minahal niya ang kapatid nito. Tunghayan ang kuwento ng buhay pag ibig ni Chairman Ryder Sable.
Romance
109.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Claimed By The Haciendero

Claimed By The Haciendero

"I always get what I want." Iyan ang motto sa buhay ng spoiled brat na si Daciana Vittoria. Ngunit ng makilala niya ang binatang si Kane Sylvester ay nasubok ang kanyang pagiging spoiled. Mas nagkaroon ng thrill ang inaayawan niyang pag uwi sa Hacienda ng Lolo niya dahil kay Kane. Sa paglipas ng maraming taon ay nagmatured at natuto sa buhay si Daciana at sa pagbabalik niya sa Hacienda ng Lolo niya ay muli niyang nakita si Kane. Paano kung sa pagbabalik niya ay muling bumalik ang nararamdaman niya para sa binata? Ang nasa isip lamang ni Kane ay ang magantihan si Daciana dahil sa ginawa nito noon. Ano ang mangyayari sa paghihiganting kanyang gagawin? Kakayanin ba niyang saktan ang damdamin ng babaeng kahit kailan ay hindi naalis sa puso niya?
Romance
108.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma

Montefalco Series 3: A Womanizer's Karma

Young, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong silang na bata sa labas ng kanilang mansiyon at siya ang sinasabing ama nito ayon sa sulat na nakalakip sa basket na pinaglagyan ng munting anghel. Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay niya, hindi niya alam kung sino doon sa kanila ang ina ng bata. Hindi niya kayang alagaan na mag isa ang bata lalo na at may negosyo siyang kailangan siya. Kaya nag hire siya ng yaya para sa anak niya. Nadia Carnaje-isang ulila, magaling na mang aawit at raketera na nangangarap na makapasok sa mansyon ng mga Montefalco. Pangarap niyang maging isang sikat na mang aawit, ngunit mas pinili niya ang maging isang yaya ng anak ng babaerong si Enrico Joaquin Montefalco. Ano ang maging papel ni Nadia at Baby Gio sa buhay niya, is it good or bad? Is he accept the fact and reality na isa na siyang ama o magpatuloy sa buhay na kinasanayan niya? Ito na ba ang karma sa pagiging babaero niya?
Romance
1012.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
Mystery/Thriller
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status