Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

Dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig, nakipagkasundo si Leina Valencia sa kanyang sariling ninong. Si Emil Vergara, isang lalaking seryoso, nasa kwarenta na ang edad, at hindi niya kailanman inakalang magiging parte ng puso niya. Isang peke lang sana ang kasunduan nilang kasal at walang halong damdamin. Pino-protektahan siya ng kanyang Ninong Emil mula sa taong gumawa ng masama sa kanyang buong pamilya. Ngunit habang tumatagal, unti-unti niyang naramdaman ang kakaibang damdamin sa puso niya. Hanggang sa isang araw, may natuklasan si Leina ang isang madilim na lihim na matagal nang tinatago ni Emil. Isang katotohanang babago sa lahat ng akala niyang totoo. Paano kung ang lalaking minahal na niya ay siya ring magwawasak sa kanya? At, paano niya matatanggap ang isang relasyon na kasuklam-suklam?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
SEDUCING NINONG AMADEUS

SEDUCING NINONG AMADEUS

Simula pagkabata, humahanga na si Alliana sa Ninong niyang si Amadeus isang propesor. Kaibigan ito ng kanyang mga magulang at isa sa mga taong naging sandigan ng pamilya niya noong bata pa siya. Kahit noon pa man, alam na ni Alliana sa sarili niya na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman niya sa kanyang Ninong. Tahimik niyang pinangarap na balang-araw, kapag siya’y ganap nang dalaga, baka sakaling mapansin din siya nito. Lumipat ang pamilya nila sa Vancouver Canada, at doon siya lumaki. Nang bumalik siya sa Pilipinas, isa na siyang kolehiyala. Dahil hindi na makakauwi sa Pilipinas ang kanyang mga magulang, ipinagkatiwala siya kay Amadeus na hindi lang ngayon ay guardian niya, kundi isa rin sa magiging propesor niya sa unibersidad. Sa tabi mismo ng condo unit ni Amadeus siya nanirahan. Mula nang magkita silang muli, hindi nawala ang pagkamangha ni Alliana sa kanya. Hindi pa rin ito nag-asawa. May dalawampung taon ang agwat ng edad nila, pero lalong lumalim ang damdamin ni Alliana sa araw-araw na kasama niya ito. Nakikita niya kung paano ito igalang ng mga estudyante, kung gaano ito ka-organisado at katalino, at kung gaano ito ka-dedicated sa trabaho. Ngunit gaano man siya lumapit, tila may dingding pa rin sa pagitan nila. Turing pa rin sa kanya ni Amadeus ay isang bata. Isang inaanak na kailangang alagaan at ituwid. Nagpasya siyang akitin ito sa kahit paanong paraan na alam niya, at kung hindi pa rin ito bumigay sa kanya tutuluyan na niya itong kakalimutan talaga at ibabaon ang damdamin para rito.
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
NINONG KONSI (SPG)

NINONG KONSI (SPG)

Anim na taon ang nakalipas, muling nakaluwas sa Manila si Apple Gallardo upang makatulong sa kanilang business. Nang gabing din iyon ay niyaya siya ng matalik niyang kaibigan na pumunta sa bar para sa kanyang welcome back party. Kasagsagan na ng init at kasiyahan bumaba si Apple, may nakabagga si Apple, isang lalaking matipuno na siyang natipuhan niya agad. Zamuel Zimmerman, isang konsehal sa Kyusi. Ang pamilya niya rin ang may hawak na Internet provider sa buong Pilipinas. Ang lalaking nabunggo ni Apple ng gabing iyon. Nang dahil sa alak ay uminit ang katawan ni Apple nang makita ang binata, hinalikan niya ito na siyang may nangyari sa kanila ng gabing iyon. Nang magising si Apple kinabukasan, nauna siyang umalis at hindi pinagsabi ang tungkol sa nangyaring one night stand sa kanya at ng lalaki. Sa hindi inaasahan, nakita muli ni Apple ang lalaking naka—one night stand niya. Nagpakilala ito at nalaman niyang barkada ito ng kanyang kuya at isa rin siyang konsehal, lalo naʼt Ninong pala niya ang lalaki. Sa pagkagulat niya ay gusto na sana niyang umalis pero nakita na lamang niya ang kanyang sariling umuungol muli habang sinasamba siya. Kaya inalok niya itong itago ang kanilang relasyon, kahit naguguluhan si Zamuel ay pumayag siya sa gusto ni Apple. Lumipas ang buwan, naging masaya ang tagong relasyon nilang dalawa. Balak na sana sabihin ni Apple ang tungkol sa kanila ni Zamuel, pero biglang dumating ang problema sa pagitan nila. Si Tanya — ang babaeng nakalaan na ipakasal kay Zamuel. Sa pagdating ng babae ay magbabago ang pakikitungo ni Zamuel sa kanya, lalo naʼt nalaman niyang ikakasal na sila. Ilalaban kaya ni Apple ang pagmamahal niya sa binata kung mismo ng lalaki na ang pumutol sa pagitan nila? Lalaban pa ba si Apple para sa salitang pag-ibig?
Romance
7.816.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
NINONG JONAS (SPG)

NINONG JONAS (SPG)

Kasabay ng biglaang pagkamatay ng kanyang ama sa hindi malamang dahilan ay niloko din si Cassandra ng boyfriend niya at ipinagpalit sa kanyang matalik na kaibigan na si Serafina ngunit hindi pa doon nagtatapos ang dagok sa buhay niya. Sa burol ng kanyang ama ay nakilala niya ang mafia boss na si Giovanni Zobel na siyang pinagkakautangan ng kanyang ama ng isang bilyong piso, binigyan siya nito ng palugit na isang buwan at pag hindi siya nakabayad ay papatayin siya nito. Dahil sa pagbabantang iyon ni Giovanni ay pinalayas kaagad si Cassandra ng kanyang tiyahin sapagkat ayaw nitong masangkot sa gulo at utang ng kanyang ama. Kinamkam din nito ang natitirang kayamanan ng kanyang ama. Sa paglalakad ni Cassandra sa malakas na ulan at malamig na simoy ng hangin na tanging maleta lang ang bitbit ay muling nag krus ang landas nila ng ninong niyang si Jonas Del Riego na siyang may-ari ng Del Riego Group of Companies. Ipinaliwanag nito na malaki ang utang na loob nito sa ama niya kung kaya’t gusto niyang suklian ang lahat ng ginawa nito sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanya. Kaagad niyang tinanggap ang offer nito na maging secretary at personal assistant ngunit hindi lingid sa kaalaman ni Cassandra ang tinatagong pagtingin ni Jonas sa kanya. Sa pagtatrabaho niya doon ay nalaman pa ni Jonas ang sitwasyon niya at inofferan siya nito na babayaran ang pagkakautang ng kanyang ama at bibigyan siya ng proteksyon kung magpapakasal siya rito. Magawa niya kayang tanggapin ang inaalok nitong kasal para sa pera, proteksyon at pagmamahal?
Romance
1099.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PLAYING WITH MY INNOCENT SECRETARY (SSPG)

PLAYING WITH MY INNOCENT SECRETARY (SSPG)

Si Clarissa ay isang simpleng babae lamang, lumaki sa kandili ng kanyang Ama't Ina na nagturo sa kanya ng maganda at mabubuting bagay. Lumaki siyang walang alam sa kung ano man ang makamundong bagay ang nangyayari sa mundong kanyang ginagalawan, wala rin siyang alam kung para saan ginagamit ang mga bagay na nasa ibabang bahagi ng bawat tao. Sa madaling salita, inosente si Clarissa at wala pa siyang karanasan sa mga senswal na aktibidad. Bagama't nasa tamang edad na ay marami pa siyang hindi alam patungkol sa kung ano at paano ginagawa ang mga bagay na minsan niya na rin naririnig sa ibang mga tao. Wala sa isip ni Clarissa ang mga ganoong bagay, mga bagay na nagbibigay init sa katawan, nagpapawala sa isipan at nagbibigay kaligayahan sa bawat taong gumagawa nito. Hanggang sa dumating ang lalaking magpapamulat sa kanya sa kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng bawat makamundong bagay na hindi pa alam ni Clarissa. Makikilala niya si Tyron, isang lalaking nagmamay-ari ng pinakamalaking Jewelry Company sa bansa, kinilala rin na isa sa pinakamayamang tao sa loob at labas ng bansa. Siya ang magiging boss ni Clarissa, at si Clarissa naman ang magiging sekretarya ni Tyron. Dahil sa ugnayan na mangyayari ay ang malinis na isipan ni Clarissa ay mababahiran ng init dahil sa lalaking si Tyron. Mamumulat si Clarissa sa mundong nagliliyab sa init, sa bawat haplos at dampi ng labi ay dala ang pinakamasarap na pakiramdam. Pakiramdam na tanging nagpapaligaya at lulunod sa isipan ni Clarissa at magdadala sa kanya sa isang paraisong hindi matatakasan. Sa pagkakataong ito at dahil na rin sa init na ibinibigay ng mga katawan nila. Malulunod sila sa apoy ng makamundong gawain. Gawaing parehong magmumulat sa kanilang mga puso sa isang bagay na hindi nila lubos akalain na mangyayari.
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract Marriage With My Billionaire Ninong

Contract Marriage With My Billionaire Ninong

SYNOPSIS Dahil sa kahirapan, isinakripisyo ni Amelia ang kanyang kalayaan upang matulungan ang kanyang lolang may sakit sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanyang ninong. Para na rin makalimutan niya ang kanyang ex-boyfriend na pinagpalit siya sa mayaman. Lumapit siya sa kanyang ninong upang humingi ng tulong, pero isang kasunduan ang binigay nito. Tutulong lamang ito sa kanya kung magpapakasal silang dalawa. Ang kasal na hindi bunga ng pag- ibig, ang isa sa pinakaayaw ni Amelia Chandria Lopez pero nilunok niya ang prinsipyong iyon. Natali siya sa kanyang ninong na isang bilyonaryo na si Felip Nicolas Sanvitores. Tumira sila sa iisang bahay at magkasama sa iisang kama. Para masuklian ang mga tulong na binigay ng ninong niya, ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang asawa. Naging mabait sa kanya ang kanyang ninong, lahat ng pangangailangan nilang dalawa ng lola niya ay binibigay nito. At sa hindi inaasahan ay ginampanan din nito ang tungkulin bilang asawa niya kung saan unti- unting nahulog ang loob niya sa kanyang ninong. Ngunit may isang lihim na natuklasan si Amelia. Na ang kanyang ninong ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya. Ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Kaya pa kaya niyang mahalin ang taong sumira sa kanyang mundo? Kaya niya kayang magpatawad at ipagpatuloy ang pagmamahalan nilang dalawa?
Romance
1010.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Sold to Ninong Hugo

Sold to Ninong Hugo

Dahil sa hirap ng buhay, walang nagawa si Naya Jade kundi kumapit sa patalim. Dahil ng akulin siya ng trabaho ni Madam Miranda sa The Gentleman's Club--isang High End Bar ay pikit matang tinanggap niya ang trabaho na inalok nito sa kanya. At ang magiging trabaho? Isang pole dancer. Magsasayaw lang siya sa harap ng mga bigatin na customer at kikita na siya ng pera. At sa unang araw ni Naya sa trabaho ay may nag-book agad sa kanya na isang bigating customer. He wants a private pole dancer. And for one night, he is willing to pay a huge amount. At dahil kailangan niya ng pera ay pumayag siya. Inakala ni Naya na isang matanda ang nag-book sa kanya. Matandang mayaman, malaki ang tiyan at napapanot. Pero ganoon na lang ang gulat ni Naya nang makita niya ang bigating customer na nag-book sa kanya para sa isang sayaw. He was young, tall, and oozing sex appeal. And even though he was wearing a mask on his face, she was sure he was handsome. At mukhang nagustuhan siya ng lalaki dahil gusto nitong exclusive lang ang pagsasayaw niya dito. At para mangyari iyon ay binili siya nito sa The Gentlemans Club. At sa unang pagkakataon na tinanggal ng lalaki ang mask na lagi nitong suot kapag nagkikita sila ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang masilyan ang mukha nito. At doon nalaman ni Naya kung sino ang bumili sa kanya. Si Ninong Hugo. Naya was sold to Ninong Hugo!
Romance
103.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Secret Affair with My Hot Ninong

Secret Affair with My Hot Ninong

Matapos mamatayan ng mga magulang, natagpuan ni Liana ang sulat ng kanyang ama na naglalaman ng isang pangakong proteksyon mula sa Ninong niyang si Rafael Vergara. Sa pag-asang matulungan siya nito, lumuwas siya sa lungsod. Ngunit ang inabutan niya ay hindi ordinaryong Ninong, isang bilyonaryong haciendero, gwapo, at makapangyarihan ngunit sobrang istrikto. Tinanggap siya nito bilang kasambahay, kapalit ng pagkakataong makapag-aral. Ngunit habang tumatagal, unti-unting nagiging malabo ang hangganan ng respeto at pagnanasa. Hanggang sa ang pangako nitong proteksyon ay nauwi sa pagkahumaling. Paano na kung ang Ninong niya ang dahilan ng bawat tibok ng kanyang puso? Ngayon, siya ay bihag ng pag-ibig na ipinagbabawal… sa lalaking hindi niya dapat mahalin, ang kanyang Ninong na nakatakda ng ikasal sa kasintahan nito.
Romance
1014.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Wildest Era With Ninong Theo

My Wildest Era With Ninong Theo

I was left alone with nothing. Even a home that I can call my own. Bakit ganito katindi ang galit ng tadhana sa akin? Kung kailan gusto ko nang wakasan ang paghihirap ko ay siya namang pagdating ni Ninong Theo. Akala ko tutulungan niya lang akong makaahon mula sa pagkakalunod sa dagat ng paghihirap, pero... Nilulunod niya rin ako sa kama na puno ng pag-ibig, ungol, at init.
Romance
10587 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Fateful Night With My Ninong

One Fateful Night With My Ninong

"Mahal kita...kahit bawal." *** Hindi akalain ni Celeste Rockwell na ang isang simpleng pagkakamali ay magiging simula ng pinakamalaking gulo sa buhay niya. Isang gabi lang… pero bakit hindi niya ito matakasan? At paano kung ang lalaking kasama niya nang magising siya ay walang iba kundi ang kanyang Ninong Chester Villamor—ang cold-hearted billionaire doctor na hindi kailanman naniwala sa pag-ibig? Ngunit isang balita ang tuluyang nagpagulo sa lahat—buntis siya. At ang solusyon ng kanyang Ninong? Isang secret contractual marriage. Maitatago ba nila ang sekreto nilang dalawa? Mananatili ba silang propesyonal kahit pilit nang pumipintig ang puso? O itataya nila ang lahat—reputasyon, respeto, at emosyon—para sa isang pagmamahalang hindi nila inakala?
Romance
1069.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status