Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Baby Maker Maid

The Billionaire's Baby Maker Maid

Si Annalise Florence Dela Cruz ay isang maid sa mansyon ng Montefalco. Hirap siya sa buhay at lalo na ngayon na kailangan ng nanay niya ng operasyon at araw-araw na hospital bills. Wala na siyang ibang malapitan kaya lumapit siya sa amo niyang si Fernando Hymitch Montefalco para umutang. Pero imbes na pautang, ibang klase ng alok ang ibinigay sa kanya ni Fernando. Kailangan niya ng anak at tagapagmana para makuha ang mana niya sa pamilya. Kapalit noon, ibibigay niya ang pera para sa operasyon at gamutan ng nanay ni Annalise. Alok niya rin na si Annalise ang magiging ina ng anak niya. Pumayag si Annalise. Hindi lang dahil sa pera, kundi dahil matagal na rin niyang crush ang amo niya. Pero may kondisyon si Fernando, pagkatapos ng tatlong taon mula nang ipanganak ang bata, kailangan umalis ni Annalise at iiwan ang anak. Masakit para kay Annalise, pero tinanggap niya para sa nanay niya. Sa pagsasama nila, unti-unting nagbago si Fernando. Hindi na siya ganoon kalamig. Mas naging maalaga siya kay Annalise. Habang tumatagal, mas lalo ring lumalalim ang nararamdaman ni Annalise para sa kanya. Pero hindi lahat masaya sa set up nila. May mga taong gustong sirain sila, lalo na ang pamilya ni Fernando na hindi tanggap si Annalise. Habang papalapit ang takdang panahon na kailangan niyang umalis, mas lalo siyang nahihirapan. Kasi hindi lang pera ang dahilan kung bakit siya pumayag, may puso na siyang naiwang nakatali sa sitwasyon. Sa huli, kaya ba niyang iwan ang anak at si Fernando? O pipiliin ni Fernando na panindigan siya kahit labag sa gusto ng pamilya niya?
74 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as florence nightingale quotes
Read
+Library
UNBREAK MY HEART

UNBREAK MY HEART

Si Sophia Florence ay isang napakagandang babae na may pusong handang magsakripisyo para sa pag-ibig. Limang taon niyang inialay ang kanyang buhay kay Wright William, ang gwapong CEO ng Wright Trading Inc.—isang self-made billionaire na hinubog ng ambisyon at sakripisyo. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay, ang kanilang kasal ay isang lihim sa mata ng mundo. Si Sophia ang lihim na asawa, ang babaeng laging nasa anino, patuloy na nagmamahal sa isang lalaking hindi kayang ibigay ang buong pagmamahal sa kanya. Sa kanilang ikalimang anibersaryo, pumasok si Sophia sa Wright Tower, dala ang homemade lunch at isang malaking lihim—siya ay buntis. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Sa gitna ng grand marble lobby, nakita niyang hawak ni Wright ang kamay ng isang babae—si Jane Clyde-Wright, ang "opisyal" na asawa sa mata ng publiko. Ang sakit na dulot ng katotohanan ay parang isang matalim na kutsilyo na sumaksak sa kanyang dibdib, habang siya'y umiiyak, nagiging multo sa sarili niyang kasal. Sa pinakamadilim na sandali ng kanyang buhay, lumitaw si Teddy Smith, ang misteryosong business partner ni Wright—gwapo, mayaman, at puno ng galit para kay Wright. Ibinukas ni Teddy kay Sophia ang pinto ng paghihiganti, ngunit sa kanilang paglalakbay ng lihim na pagmamahal, nagsimulang matuklasan ni Sophia ang mas malalalim na lihim na nagtatago sa kanyang pamilya at ang tunay na motibo ni Teddy. Habang ang mga lihim at pagnanasa ay lumalalim, natutuklasan ni Sophia ang mga madilim na katotohanan bakit itinago ni Wright ang kanilang kasal? Ano ang tunay na layunin ni Teddy? Sa bawat hakbang patungo sa katarungan, kailangan niyang magdesisyon: Mananatili ba siya sa sakit ng nakaraan, o susunod siya sa mapanganib na pag-ibig kay Teddy, na may panganib na magbigay ng kaligtasan... o magdala sa kanya ng kapahamakan?
105.2K viewsOngoingAdded to Library 109 Times as florence nightingale quotes
Read
+Library
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status