The Forgotten Zillionaire
Sa isang maliit na isla na tinatawag na Tabon nakatira si Lavender, isang simpleng dalagang sanay sa tahimik at payak na buhay. Isang gabi, habang inuutusan siyang puntahan ang kaniyang ama sa dalampasigan, natagpuan niya ang isang estrangherong lalaki—basang-basa, sugatan, at halos walang malay.
Tinulungan niya ito at doon niya natuklasang wala itong maalala—hindi kung sino siya, saan galing, o kahit ang sariling pangalan. Ngunit isang bagay ang siguradong malinaw: hindi siya ordinaryong tao. Sa mamahaling suot, ginto niyang relo, at tindig na tila sanay sa karangyaan, malinaw na malayo ang pinanggalingan niya sa simpleng mundo ni Lavender.
Sa paglipas ng mga araw, unti-unting nabuo ang isang koneksyon sa pagitan nila, kahit hindi alam ng lalaki ang sarili niyang nakaraan. Ang hindi alam ni Lavender—ang lalaking sinagip niya ay si Adrian Zevion Alcantara, ang nawawalang tagapagmana ng isang malakihang negosyo sa siyudad, na tinutugis ng mga taong gustong kontrolin ang yaman at kapangyarihan ng kaniyang pamilya.
Ngunit sa muling pagbabalik ng kaniyang alaala, kailangang pag-desisyunan ni Adrian kung saan siya kabilang—sa marangyang mundong pinagmula niya o sa simpleng buhay na nagbigay sa kaniya ng bagong dahilan para mabuhay… at magmahal.