Someone Is Secretly In Love With You
“Pakasalan mo ako!” lasing at wala na yata ako sa hulog habang namunungay ang aking mga matang nakatitig kay Omeng, my body guard/ secretary. Ito lang ang paraan ko para matigil na ang kalokohan ni Mommy.
Gusto kong galitin si Mommy, makaganti man lang ako kahit paano sa ginawa niyang pag iwan sa amin ni Daddy fifteen years ago.
Alam kong manggagalaiti si Mommy kapag pinakasalan ko ang isa sa mga tauhan ko. Sakto si Omeng, my body guard secretary. Hah, sino bang magulang ang matutuwang magoakasal ang anak nya sa isang hampas lupang gaya ni Omeng?
Pero bakit ang yabang ni Omeng? Bakit parang unti unti, ako ang nalulunod?
Bakit parang habang tumatagal, sarili ko na ang pinaparusahan ko sa pekeng relasyon naming ito ni Omeng?