The Tycoon's Contracted Lover

The Tycoon's Contracted Lover

last updateLast Updated : 2025-05-06
By:  OramaraOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
11Chapters
562views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

WARNING: SSPG Ang mismong araw na nahuli kong may kinakamang iba ang fiancee ko, ay ang araw na nawala sa akin ang lahat. My grandfather and fiancé betrayed me for the same reason; my half-sister. Kaya naman nagpakalayo ako at nakontento sa isang normal na buhay. Not until I met him... the famous business tycoon, and my rival. Killian Stanislav. He's the CEO of the Thompson Enterprise's rival company. Killian offered me a deal. A contracted deal and that's to be a spy inside my grandfather's company and to be his acting lover. In exchange, ay makakamit ko ang paghihiganti na gusto kong gawin sa mga trumaydor sa akin. It's a win-to-win deal, but little did I know... na kasama pala roon ay ang pagsilbihan siya sa kama. Pero tinanggap ko pa rin, dahil alam kong wala nang mas maganda pang opportunity kesa dito. Pero mayroon kaming isang kasunduan sa kung saan, ako ang talo. During the process of our contract, kapag nabuntis ako ay ipapalaglag ko ang bata sa ayaw o sa gusto ko, dahil kung hindi—the contract will immediately get cancelled. I accepted it again, being certain na hindi ako mabubuntis. But I did. Nabuntis ako, pero ayaw kong malaman niya, natatakot akong pilitin niya akong ipalaglag ang bata—so in the end. I packed my things and left. Without telling him anything at sinakripisyo ang revenge na noong una ay gusto kong gawin kaya nakipagkasundo ako sa kaniya. Pero paano na lang kapag magkita ulit kami? Ano na lang ang mangyayari kapag nalaman niyang itinago ko ang anak niya? May tyansa pa kayang maayos ang relasyon naming dalawa? O tuluyan na itong mababaon sa limot, gaya ng nakaraan kong ayaw ko nang ungkatin pa.

View More

Chapter 1

Kabanata 001

ISHTAR THOMPSON

Bakas ang galit na ekspresyon sa mukha ko habang mabilis na naglalakad ako sa hallway ng isang sikat na kompanya. The Thompson Enterprise, a company owned by my grandfather.

May mga nakakasalubong pa akong empleyado, at mukhang kinakabahan din sila nang makita ako.

“Where’s the Chairman?” malamig na tanong ko sa isa sa mga empleyado na nadaanan ko.

Namutla ang mukha nito; mukhang kinakabahan at natatakot na nagkamali sa mga sasabihin niya sa akin. Nauutal pa siya nang sumagot siya sa tanong ko.

“S-Sa meeting—”

I burst out a loud breath. “Forget it.”

Unang salita pa lang na lumabas sa bibig niya ay alam ko na kung anong sasabihin niya kaya naman agad na akong tumungo sa lugar na iyon. And when I’m finally in front of the door, walang sabi-sabi at malakas ko iyong binuksan.

Nanatiling kalmado ang buong mukha ko habang inililibot ko ang paningin sa mga taong nasa loob ng silid. Pero hindi ko pa man sila natatapos tignan ay sumigaw na nang malakas ang President, walang iba kundi ang Lolo ko.

“Ishtar! What are you doing here?!” His loud and sharp words confirmed my doubt. They’re plotting behind my back.

“What do you mean by that, Grandfather?” Mapakla akong natawa. “I should be the one asking that question.”

I stared at him coldly. “I am the Acting CEO of this company, and you’re asking me what I am doing here?”

Nang makarating pa lang sa akin ang balita na mayroong meeting ang mga board of directors kasama ang Chairman, ay alam kong mayroon nang kakaiba. That’s why I rushed here. Pero hindi ko inaasahan na madadatnan kong ganito kainis ang ekspresyon sa mukha ng Lolo ko dahil sa biglaang pagdating ko.

“Leave, Ishtar. You can’t be disrespectful and barge into a meeting room just like this.” Minumuwestra pa niya ang kamay na umalis ako.

Naikuyom ko ang kamao ko. “No… I demand an explanation, right here and right now, Grandfather. Bakit mo ito ginagawa?!”

“Ishtar!” malakas at galit na sigaw niya naman sa akin.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya. Pero ako ang Acting CEO ng kompanyang ito. The position has been vacant for so long, dahil hindi ko pa tinatanggap ang posisyon. Pero ako rin ang pumuno sa pagkukulang na ito sa kompanya. Kaya hindi ko maintindihan ang ginagawa niya ngayon.

“Ishtar!” malakas na sigaw niya na naman. “I made up my mind, along with the board of directors. You will step down from your position as the company’s Acting and future CEO.”

“We have already chosen the one who will be replacing you. And she’s going to take over as soon as possible,” madiin niya pang sabi.

Mapakla akong natawa. Halos bumaon na ang sarili kong kuko sa kamay ko dahil sa sobrang pagkuyom ng kamao ko.

“What do you mean by that? Tatanggalin mo ako sa posisyon ko?” Naglakad ako palapit sa kaniya. Galit na ang ekspresyon na nakabalatay sa mukha ko. “Why…? Bakit!”

Bumuntong-hininga lang siya. “Mag-uusap tayo pag-uwi ko—”

“Hindi!” Malakas kong hinampas ang table na nasa harap niya nang makalapit ako. “I demand an explanation, Grandfather!”

“Simula’t sapul ay ayaw kong magtrabaho para sa kompanyang ito.” Dinuro ko siya. “But you forced me! Pinilit mo ako, telling me that you’re going to neglect me if I disobeyed you! Sinakripisyo at sinantabi ko pa ang pangarap ng mga magulang ko at ang pangarap ko para lang sa trabahong ipinangako mo sa akin.”

I glared at him. “And now, you’re telling me that I did all of that for nothing?!”

I can’t believe all of this. I hope I was only dreaming!

“My decision is final, Ishtar. Mag-uusap tayo mamaya sa bahay. So leave! You’re ruining the meeting.”

Malakas akong natawa. Para na akong masisiraan ng bait dahil sa paraan ng pagtawa ko. It doesn’t make any sense. Hindi ko alam kung anong nakain ng Lolo ko’t nakapagdesisyon siya ng ganito!

“Don’t worry, Ishtar. Magtatrabaho ka pa rin naman para sa kompanya. You will be one of the directors and will assist your half-sister.”

Napantig ang tenga ko dahil sa narinig. Mas lalo akong natawa dahil sa sinabi niya.

“I see… so my dear half-sister is the one who will be replacing me?” Akmang magsasalita pa siya pero minuwestra ko ang kamay niya na huwag niyang ituloy ang sasabihin niya.

“Forget it, Grand… I mean, Mr. Thompson.” Malamig ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya. “I’ll leave the company as well as the family—”

“Anong ibig mong sabihin, Ishtar?!” Pagputol niya sa sasabihin ko.

“Kukunin ko ang lahat ng sahod ko, my belongings and my parents’ ashes. In the first place, this is not where I wanted to be. You forced me into this. But now you’re pushing me away, Chairman.” Ngumisi ako sa kaniya. “Pinagpapalit mo ako sa isang babae na wala pang napatunayan.”

Muli akong natawa pagkatapos ay taas-noong binitawan ang huling mga salita ko. “I’ll watch how this company crumble into pieces in the hands of the woman you’ve replaced me with.”

And just with that, I left the place with a heavy heart.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status