Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The JANITOR’S Secret

The JANITOR’S Secret

Blurb Tanner- isang janitor na may malalim na tinatago, hindi siya basta-basta na kalaban dahil isang pitik ka lang mabubura ka na sa mundo! Kung sa hitsura nito ay talagang perfect na, nasa kanya na lahat ng mga katangian na hinahanap ng babae. Everlee- isang mayaman at taga pagmana ng lahat ng ari-arian na meron sila, maganda nga ngunit kabaliktaran naman ang ugali. Paano nga ba magkakasundo ang ating mga bida? Tara samahan niyo akong lakbayin ang kanilang kwento na may kilig, iyak, tawa at marami pang iba na ating tutuklasin.
Romance
111 viewsOngoing
Read
Add to library
DESPERATE MOVE

DESPERATE MOVE

“WARNING! MATURED CONTENT! Read at your own risk…” “Masaya na ako sa isang payâk na pamumuhay, makatapos ng pag-aaral ang isa sa mga pangarap ko. Ngunit, paanong nasadlak ako sa isang kasalanan na hindi ako ang may gawa?”- LOUISE Louise Howard- isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay, lumaking may takot sa Diyos at busog sa pangaral ng magulang. Babaeng busilak ang kalooban na sinamantala ng kaibigang mapanlinlang. Nagising na lang si Louise na siya na ang sinisisi ng lahat sa nangyaring aksidente. Siya ang sumalo sa galit ng pamilyang Thompson, dahil sa minor de edad pa siya ay hindi nakulong ang dalaga. Ngunit biglang naglaho si Louise at maging ang mga magulang nito ay walang nagawa. Natagpuan na lang ni Louise ang sarili na nakatayo sa harap ng isang lalaking nakaratay sa kama. At bilang kabayaran sa kanyang kasalanan ay personal niyang aalagaan ang binatang naka-comatose. Akala ni Louise ay matatapos na ang delubyo sa kanyang buhay sa oras na magising ang lalaki. Subalit, hindi niya inaasahan na habambuhay pala niyang pagdudusahan ang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa. Habang ang totoong may sala ay malayang namumuhay sa karangyaan. Magawa pa kayang makaalis ni Louise sa poder ng isang lalaking makasarili at tila malaki ang galit sa mundo? O tuluyan na niyang yayakapin ang masalimuot na sitwasyon? Ating subaybayan kung paanong ibangon ni Louise ang kanyang sarili at ibalik ang dignidad na winasak ng taong kanyang pinagkatiwalaan. “DESPERATE MOVE”
Romance
1021.1K viewsCompleted
Read
Add to library
BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halimaw na may mukha ng diyos. Desperada si Sierra Ramirez na mabayaran ang utang ng amang may sakit, kaya’t kahit labag sa loob, pumayag siyang ibenta ang sarili—sa halagang tinakda ng lalaking may pinaka-mabangis na reputasyon sa buong siyudad. Si Leonardo Dela Vega, kilala bilang “The Devil Billionaire,” ay hindi lang mayaman. Siya ang lalaking kinatatakutan at kinahuhumalingan ng lahat. Malamig. Mapanganib. At walang puso. “Isang gabi lang,” aniya. Pero hindi iyon ang naging kapalaran ni Sierra. Dahil matapos ang gabing iyon, isinara ni Leonardo ang lahat ng pinto ng kalayaan ni Sierra. Ginawa niya itong alipin ng kanyang kagustuhan—hindi lang sa katawan, kundi maging sa puso. Ngunit may mas malalim na dahilan ang pagkakabili niya sa dalaga. At kapag nalaman ni Sierra ang tunay na rason… ito ba'y magiging wakas ng kanyang pagkatao—o simula ng impyerno sa piling ng lalaking hindi niya kailanman kayang takasan?
Romance
753 viewsOngoing
Read
Add to library
THE SEX CONTRACT 3:  MAXI and MARCO

THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO

WARNING: Erotica, steamy, explicit contents and adult languages. ********** Masakit ang kontratang pinasok ni Maxi, magpapanggap siyang ibang babae habang nasa kama ni Marco De Guia. Isang babae na kahit mabuhay siya uli hinding-hindi niya magagawang tapatan sa puso ng bilyonaryong ranchero, si Anna Medrano. Ang kapalit, impormasyon na halos dekada niyang hinahanap na parang maliliit na puzzle lang nitong ibinibigay. Parang masarap na lason na unti-unting sumisira sa kanyang katinuan. May hangganan nga ba ang kanyang pagtitiis sa kamay ng lalaking walang pagtingin sa kanya? ****** Malupit na parusa.  Iyon si Anna para kay Marco dahil tuluyan siyang nabaliw sa babaing ito sa puntong isusugal niya ang lahat ng yaman niya at sarili niyang buhay makuha lang niya ang puso nito na may iba nang nagmamay-ari at matalik pa niyang kaibigan, si Jared Mendez. At para matakasan ang sobrang sakit na pinagdadaanan niya, kinailangan niya si Maxi. Ang tanging babae na sa kabila ng matinding galit sa kanya ay may kakayahang buhayin ang lahat ng emosyon at pagnanasa ng kanyang katawan sa hindi niya malamang dahilan. May lugar ba ito sa miserable niyang buhay kung pag aari na ng ibang babae ang puso at kaluluwa  niya? At mapapatawad ba siya nito sa dami ng kalupitang ipinaranas niya dito? Karapat-dapat ba siya sa puso nito kung may ibang lalaki nang naghihintay dito oras na matapos ang kanilang kontrata?
Romance
5.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Ninong Senator's Contract Marriage

Ninong Senator's Contract Marriage

Nang puntahan ni Francesca ang social event para sana sa presensya ng kaniyang may sakit na lolo at ama niyang nasa States ay nakita niya ang fiancé niyang may kasamang iba. Nang sugurin niya ang mga ito ay ipinahiya siya na isa lamang siyang panget na matabang babae. Biglang lumapit ang kilalang heartthrob ng senado na si Sen. Javier at tinulungan siya. Ipinakilala siya nitong fiancée sa harap ng lahat. Natakpan ang tsismis na isa itong bakla matapos nilang maikasal. Nang magpa-sexy siya ay hindi inaasahang masira ng senador ang nasa kontratang kanilang napag-usapan. Paano kung lumalim na ang nararamdaman nila sa isa't isa? May pag-asa pa kaya lalo pa't aksidente niyang nalaman na ninong niya ito at ang taong naging dahilan ng pagkasawi ng kaniyang ina at kapatid?
Romance
1044.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Yaya Lingling and the Billionaire's twin

Yaya Lingling and the Billionaire's twin

Lumaki si Lingling na buhay prinsesa sa kanilang probinsya. Ngunit dahil sa nangyari sa kanya ay lumuwas siya ng siyudad para doon na muna manirahan. At dahil gipit sa pera kaya naisip niya na maghanap ng trabaho, humingi ng sign at hindi nagtagal ay may naghahanap na nang trabaho bilang isang private nurse ngunit hindi niya na ito tinanggap dahil nalaman niya na mas matanda pa sa kanya ang aalagaan niya at kulang ang kanyang kaalaman sa pagiging nurse. Hanggang sa may kaibigan ang kanyang ina na naghahanap din na gustong pumasok ng trabaho pero bilang isang Yaya kaya sa dalawang pagpipilian niya na trabaho ay pinili niya ang magiging taga-bantay. Ngunit nagulat si Lingling pagkarating sa bahay kung saan siya magtatrabaho na kung sino ang magiging amo niya. Magawa niya pa kayang tumakas gayong may kasalan siya rito? Ano kaya ang magiging kapalaran niya sa dalawang makulit na anak ng kanyang bilyonaryong amo? Paano kung may kahilingan ang mga anak ng bilyonaryo kay Lingling, kaya niya bang panindigan kung unti-unti ay napapamahal na ito sa kanya?
Romance
1053.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Marrying You

Marrying You

Md Quinceañera
Ang pamilya Tengco ay may dalawang anak na babae. Ang kanilang bunsong anak na babae. Si Brianna Tengco, ay kilala sa kanyang kagandahan. May tsismis na hindi mailarawan ang ganda niya. Gayunpaman, ang panganay na anak na babae ng pamilya Tengco, si Heile Tengco, ay may mababang IQ mula noong siya ay bata pa at nagsimula lamang siyang magsalita noong siya ay anim taong gulang. Itinuring siya ng kanyang mga magulang bilang isang pasanin habang tinatrato siya ng labas ng mundo bilang isang katatawanan. Gayunpaman, walang nakakaalam na si Heile ay may tunay na kakaibang katalinuhan na nahuling nabuo. Pagkatapos, nabuntis si Heile sa hindi malaman dahilan. Apat na buwan sa kanyang pagbubuntis, pinilit siya ng kanyang mga magulang na pakasalan ang pinakamayamang lalaki sa City, ang pamilyang Bueno. Ang mga usapan ay ang kanyang asawa ay isang matandang lalaki na paralisado sa kama mula noong edad na walo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nang magpakasal si Heile sa pamilya Bueno, nalaman niyang hindi lang matanda ang kanyang asawa, guwapo rin ito. Siya ang Young Master ng pamilya Bueno na hinangaan ng lahat— si Kerr Bueno.
Romance
107.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Caught In Uncle's Arms

Caught In Uncle's Arms

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang sarili mo matapos kang lokohin ng lalaking minahal mo nang buo? Para kay Araceli Gonzalo, sapat na ang isang sagot: hanggang sa dulo. Wala siyang pakialam kahit masunog pa siya sa sariling laro, basta makaganti lang. At kung ang paraan para saktan ang ex niya ay ang makasama ang uncle nito gabi-gabi, handa siyang tumawid sa bawal.
Romance
346 viewsOngoing
Read
Add to library
Blooming Season (Russo #1)

Blooming Season (Russo #1)

Isang Half Irish-filipino na dating mayaman ngunit naghirap dahil sa malaking pagkakautang ng kaniyang ama sa isang kilalang pasugalan. Nawala ang lahat ng yaman na meron sila at walang nagawa kundi ang umalis sa malaking mansyon na kaniyang kinalakhan dahil may ibang tao na ang bumili. Bata pa lamang siya ay kinailangan na niyang tulungan ang kaniyang ina na magtinda ng mga gulay sa palengke habang nakakulong ang kaniyang ama dahil sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na bisyo. Hanggang senior high school lamang ang kaniyang natapos dahil sa matinding hirap at sa laki ng kanilang gastusin sa pang-araw-araw. Kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral para makahanap ng trabaho upang may pangtustos sa pag-aaral ng kaniyang dalawang kapatid. Kahit anong klaseng trabaho ang tinatanggap niya para lang magkapera. Akala niya ay doon lang tumatakbo ang kaniyang buhay sa mga trabahong tinatanggap niya, hanggang sa may mapulot siyang pitaka na naglalaman ng malaking halaga. At dahil napalaki siya ng maayos ng kaniyang Mommy ay ibinalik niya sa isang kompanya ang pitaka kung saan nagtatrabaho ang taong nakahulog nun. Lingid sa kaniyang kaalaman ay doon na pala magsisimulang magbago ang kaniyang buhay. Dahil ang taong nagmamay-ari ng pitaka ay walang iba kundi ang pure Italian na bilyonaryo at kilala sa buong bansa na gwapo, hot at masungit na business tycoon at may kulay-langit na mga mata. Si Azzurro Cielo Russo.
Romance
769 viewsOngoing
Read
Add to library
IN BED WITH A BILLIONAIRE

IN BED WITH A BILLIONAIRE

Aquarius Pen
Isang nude model si Larabelle. Naghuhubad sa harap ng camera. Professional na babaeng bayaran ng mga bilyonaryo para sa panandaliang aliw. Sanay na siya sa ganitong takbo ng kaniyang buhay. Walang gustong sumeryoso. Sa kama lang ang trabaho. Hindi rin naman siya naniniwalang may tunay na pagmamahal na naghihintay sa kaniya. Hindi siya umaasang may lalaking darating na magpabago sa kaniyang estado at mag-ahon sa kaniya mula sa lubak. Habang siya ay nabubuhay, mananatili siyang parausan ng mga bilyonaryo. "Walang putik ang pwedeng magmantsa sa pagmamahal ko sa iyo, Lara. Kung ang gabi ay may buwan, mayroon kang ako na kahit sa dilim ay hindi ka iiwan." Paniniwalaan ba niya ang sinabing ito ng isang lalaking kasing tayog ng buwan ang agwat mula sa kaniyang kinaroroonan?
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status