Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire CEO's Great Love

The Billionaire CEO's Great Love

Isang guro si Faith sa Zambales, kilala sa kabaitan at kasipagan, ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay nakatago ang sugat ng nakaraan. Muling bumalik sa kanyang buhay si Austin, ang lalaking una niyang minahal, dala ang isang kasunduang magpapabago sa lahat, ang kanilang kasal alang-alang sa anak na si Jairee. Sa kanilang pagsasama, malamig ang pakikitungo ni Austin at mahigpit ang pagtutol ng kanyang ina na si Amy. Ngunit nang malaman nitong apo si Jairee, ginamit niya ito upang makuha ang kayamanan. Sa imbestigasyon, lumabas ang katotohanan tungkol sa pinagmulan ni Austin, ang lihim na nakaraan ni Faith, at ang pagkakasangkot ni Amy sa mga trahedya. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti ang susubok sa kanila. Sa kabila ng panganib, matutuklasan ni Faith at Austin ang lakas ng tunay na pagmamahal—isang laban para sa pamilya, katotohanan, at pag-asa.
Romance
106.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)

Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)

Kuntento na sa buhay niya ang isang Scott Miguel Stewart. Umiikot lang ang pagiging single niya sa trabaho at sa kompanya na pag-aari ng pamilya niya. Minsan din ay ang past time sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kaniya. Ngunit never pa siyang na inlove. Takbuhan din si Scott ng mga matalik niyang kaibigan kapag may kinakaharap na gusot. Bukod kasi sa pagiging CEO ng family business, isa ring tapat at matapang na attorney ang isang Scott Miguel. Lagi niyang sinasabing hindi siya nagmamadali pagdating sa usaping pag-ibig dahil maraming babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Nag-e-enjoy siya sa pagiging single. Ika nga ni Scott, hindi pa ipinanganganak ang babae para sa kanya. Hindi siya naiinggit sa mga kaibigan niyang may kaniya-kaniya ng pamilya. Hanggang isang araw, may babaeng nakakuha sa atensyon ni Scott Miguel. Walang iba kun'di si Lovebele Lozano. Nakilala ni Scott si Lovebele, na dancer sa Elite club na pinuntahan nila ng dating classmate noong college pa siya. Ang dating mapaglaro sa pag-ibig na si Scott Miguel ay na inlove nang sobra. Inalok niya ng kasal si Lovebele. Iyun pala ay sinadyang mapalapit ng dalaga kay Attorney Scott upang ito’y paibigin at kapag nagtagumpay ay saka niya bibitiwan ang binata. Ang inaakala ni Attorney Scott na happy ending ay siya palang pagguho ng lahat ng pangarap niya para sa kanila ng babaeng iniibig. Abangan ang buhay pag-ibig ni Attorney Scott Miguel Stewart and Lovebele Lozano, “Attorney Scott's Sweetest Downfall.”
Romance
1018.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Bastarda Series-|√: Deal of Love

Bastarda Series-|√: Deal of Love

Siya si Chryll Araneta, 19 year old. Maganda, may balingkinitang katawan at morena ang kutis ng kanyang balat. Si Chyrll ay anak ni Police General. Wilson Araneta sa kanyang dating kasintahan, hindi niya alam na nabuntis niya ito noon bago sila maghiwalay at ipakasal siya sa anak ng kaibigan ng kanyang ina. Nalaman nalang niya na may anak siya dito ng madengue at nanganganib ang buhay ng bata na kailangan agad itong masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon. Simula noon ay kinuha nito ang bata sa kanyang dating kasintahan na hindi nagustuhan ng kanyang asawa. Bata pa lamang si Chyrll ay nakakaranas na ito ng kalupitan sa kanyang step-mother at sa kapatid nitong si Carlyn, ng tumuntong siya sa edad na dese-otso ay natuto siyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Walang kaalam-alam si General Wilson sa nagaganap sa pagitan ng kanyang asawa at anak na panganay at sa bunso nito. Dahil sa kagustuhan ni Chyrll bumukod ng tirahan ay nagkaroon sila ng kasunduan ng kanyang ama, papayag lamang ito kapag kaya na niyang tumayo sa sarili niyang paa, kaya napag-isipan niyang magtayo ng negosyo at ito ang Chyselle Coffee Shop ng kaniyang kaibigan. Habang namamahala siya ng negosyo nila ng kanyang kaibigan ay pinagpatuloy parin nito ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. At doon niya nakilala si Red Simon Marcos na isang negosyante ng mag hurado ito sa ginanap na ntramurals sa university. Unang kita pa lamang niya sa binata ay nagkagusto na siya dito. Lahat ng lakad nito ay inaalam niya ng palihim, hanggang sa nahuli siya at hindi ito nagustuhan ng binata. Atin pong alamin kung paano mapapaibig ni Chyrll o mapaibig nga ba niya ang isang Red Simon na mahilig maglaro ng damdamin ng isang babae. At sabay-sabay din po nating tuklasin ang kanilang mga tinatagong lihim.
Romance
104.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Falling for the Replacement Mistress

Falling for the Replacement Mistress

Hindi inaasahan ni Reiko Cordova na mapapasubo siya sa isang trabaho na hindi niya inaplayan. Ngunit dahil sa kagagawan ng nakakatanda na kapatid at walang iba na pagpipilian, kinailangan niya na pumalit dito bilang isang "kabit" ng guwapo at masungit na piloto na si Kenji Jarvis. Hindi inaasahan ni Kenji Jarvis na mapapasubo siya sa pag-aalok ng isang trabaho sa isang babae upang masiguro na hindi siya iiwan ng kan'yang asawa na nahuhumaling sa matalik na kaibigan nito. Umupa si Kenji ng babae na magpapanggap bilang kan'yang kabit para pagselosin ang asawa na nagloloko. Ngunit sa hindi inaasahan ay tinakbuhan siya ng naturang babae dala-dala ang pera na naibayad na niya. Kaya wala silang nagawa ng kan'yang kaibigan kung hindi ang takutin at ipaako ang trabaho sa naiwan na kapatid ng babae upang siya ang pumalit at magpanggap na kabit niya. Ang pagpapanggap ay mauuwi sa katotohanan nang isang gabi ay makalimot si Kenji sa kontrata. Ang babae na itinuturing lamang niya na isang pamalit sa kasunduan ay magkakaroon nang mas malalim na ugnayan at halaga sa kan'ya. Papayag ba si Reiko na habang-buhay na lamang siya na maging "replacement mistress" sa buhay ni Kenji, lalo na at alam niya kung gaano kamahal ng lalaki ang asawa nito? O gagawin niya ang tama at kusa na lamang na lalayo sa lalaki na natutunan na niya na mahalin?
Romance
1030.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Sa mundo ng musika at pag-ibig, kilalanin si Rasselle, isang dalagang kolehiyala na may talento sa pagkanta at may pusong sensitibo. Ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang makilala niya si Rage Hidalgo, isang kaakit-akit ngunit misteryosong lalaki na nagdala ng bagong pag-ibig at pagkakamali sa kanyang buhay. Sa kanilang pagmamahalan, natuklasan ni Rasselle ang mga lihim na nakatago sa likod ng mga ngiti at halik ni Rage. Ang mga lihim na ito ay magdudulot ng sakit at pagdurusa sa kanilang relasyon. Habang si Rasselle ay nagpupumilit na malampasan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, natuklasan niya rin ang mga katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang at sa mga dahilan ng kanilang pagtutol sa kanilang relasyon. Sa gitna ng mga pagtataksil at pagdurusa, magagawa ba ni Rasselle na patawarin si Rage at muli niya itong tanggapin pabalik sa kanyang buhay? O magtatapos na lang ba ang kanilang relasyon sa isang malungkot na paghihiwalay? Sundan ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan sa gitna ng mga pagsubok at pagtataksil sa "The Melody of Heartbreak" ni J.C.E Cleopatra.
Mafia
10771 viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)

Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)

Hindi pa handa si Amelia na bumuo ng pamilya. Kaya nang pilitin siyang ipakasal sa matandang kaibigan ng kanyang ama bilang pambayad ng utang, wala siyang ibang pagpipilian kundi tumakas. Ngunit sa kanyang pagtakas, aksidente niyang naka-one-night stand ang bilyonaryong si Liam—isang lalaking matagal nang naghahanap ng perpektong asawa upang bumuo ng sariling pamilya. Paano kung ang isang gabing iyon ay nagbunga—at kambal pa? Ang sanang pagtakas ay nauwi sa isang malaking responsibilidad. Haharapin niya ba ang responsibilidad na bumuo ng sariling pamilya, o tatakas ulit?
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Between Lies

Love Between Lies

Ang buong akala ni Hikkary ay wala nang katapusan ang ligaya sa piling ng pinakamamahal na kasintahang si Zayden, ngunit nagkamali siya dahil nagwakas iyon nang malaman niyang pareho sila ng kanyang matalik na kaibigan ng lalaking minahal. She painfully ended their relationship and sacrifice her happiness just to please her best friend. Sa lahat ng desisyon na nagawa niya, iyon na siguro ang pinakamahirap at pinakamasakit— ang magparaya para sa kasiyahan ng taong itinuturing niyang pamilya. Ngunit hanggang saan siya pwedeng magparaya? Hanggang saan siya magsisinungaling sa totoong nararamdaman niya? Titikisin na lang ba niya ang sariling damdamin para sa kasiyahan ng iba?
Romance
1014.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Secretly, Mrs. CEO

Secretly, Mrs. CEO

Lumaki si Naya Diaz sa isang pamilyang sobrang taas ng expectation. Dahil doon ay kailangan niyang magpursige at patunayan ang kanyang sarili sa kanila. Maging sa kanyang trabaho ay wala siyang dapat na inaaksayang oras. Until one day, humantong sa punto na pagod na pagod na siya sa mga bagay na gusto nila para sa kanya. Her parents want her to marry the son of their friend - a mature, ten years older than her, and business-minded individual. Bagamat ayaw niyang madismaya sila sa kanya ay pinili pa rin niya ang hindi pumayag. Nang dahil doon ay ipinagtabuyan nila siya bilang parte ng pamilya Diaz. Nang malaman ni Xavier Iglesias, ang kanyang aroganteng boss at ang kanyang long-time boyfriend, ang tungkol sa ginawang iyon ng kanyang pamilya ay labis ang galit at pagkasuklam nito sa kanila. Pagod na siyang nakikita na palaging umiiyak ang babaeng mahal niya. Kaya naman nagpasya siya na ituloy na ang kasal na matagal niya nang binabalak. Naya agreed to marry him. Pero ang masaklap ay humingi ito ng pabor na kung maaari ay itago nila ang tungkol sa kanilang kasal at ang pagiging mag-asawa nila sa publiko. She told him that she needs more time to pursue her own goal. Ngunit habang tumatagal ay pansin ni Xavier na nakaukit pa rin sa pagkatao ni Naya ang magpa-impress sa pamilya nito. Hanggang kailan niya magagawang magpanggap at itago ang relasyong meron sila ni Naya? Hanggang saan siya aabutin ng kanyang pagtitiis tungo sa pamilya nito? He wants more of his wife, not half of her.
Romance
9.23.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Memory Forest

Memory Forest

Si Kyle Joseph Alonzo ay isang pet lover at isang manlalakbay kasama ang kanyang mga kaibigan ngunit sa kanyang paglalakad, naligaw siya sa gitna ng kagubatan at napahiwalay sa kanyang mga kasama. Sa kalagitnaan ng kanyang pangamba dahil siya ay nag-iisa na lang ay nakasalubong niya ang isang babae na nababalot ng kulay puting damit. Sila ay nagkagulatan kaya napatulog siya nito at nang muli siyang magising ay iba na ang kanyang kapaligiran at tila siya ay napunta sa isang lugar na hindi pa niya nakikita sa buong buhay niya.
Fantasy
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
BAGAC

BAGAC

ArLaSan
Isang maganda at nakapang-aaya na pook ang BAGAC. Subalit sa aming paglalakbay sa ilang bahagi nito ay di sinasadyang naakit naming sumama sa aming hanay ang ilang paranormal na nilalang na siya ring naging saksi sa aming mga makamundong pagnanasa, malikot na pag-iisip, at pagtatahi-tahi ng mga pinagmulan at solusyon sa aming mga pakikipag-engkwentro sa kanila. Ako si Hardy. Tuklasin ang pusok at pakikipagsapalaran ko at ng aming mga kaibigan, kalaguyo at kapamilya laban sa mga taga-ibang dimensyon.
107.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2627282930
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status