Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED

Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED

Kilalang walang sinasanto ang katulad ni Novice De Guzman. Pagdating man sa business world o usaping buhay. Hindi siya nangingiming kalabanin ang sino man hahadlang sa kaniyang mga plano. Kung kinakailangan niyang pumatay, magagawa niya. Sa kabila ng lahat ay mapapasunod siya ng taong higit na kinasusuklaman nito- ang sariling ama. Iminungkahi nitong magpakasal siya, pumayag si Novice kahit labag sa kaniyang loob. Natuklasan niyang kilala niya ang babaeng napipisil nito para sa kaniya. Walang iba, kun'di si Shaina Monuz, ang dating nobya ng binata! Ipapakita niya sa nagmamagaling na ama na maling-mali ito na ipakasal siya. Pakikisamahan ni Novice ang babae at sasaktan katulad ng dati... Pero namamalayan na lang niyang unti-unti siyang nahuhulog dito, kasabay ng pagkasira ng pagsasama nila, dahil na rin sa mga maling desisyon ng binata. Maisasalba pa ba niya ang pagsasama nila? O hahayaan niyang muling mawala ito sa kaniyang buhay...
Romance
9.519.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Warlord series 1: Señorita Mafia

Warlord series 1: Señorita Mafia

Ano ang gagawin mo kung sa murang isipan nasaksihan mo na ang karumaldumal na sinapit ng pamilya mo? Pinatay sa harapan mo. Maghihiganti ka rin ba pagdating ng araw? Sa edad na sampung taong gulang nasaksihan ni Brianna Smith kung paano patayin ang kan'yang magulang at kambal na kapatid sa mismong harap niya. Nakita niya kung paano tumagos ang bala sa ulo ng mga ito. Sinunud siyang barilin ng mga hinding kilalang tao, pero sa kabutihang palad hindi siya tuluyang na sawi. Sa kan'yang pagbabalik bilang si Alexandra Lewis, dala ang galit na bumalot sa kan'yang puso na siyang nag-udyok sa kan'ya upang gumanti. Sisingilin niya ang buhay na inutang ng mga taong sangkot sa pagkamatay ng pamilya niya. "Buhay sa buhay Mr. Lim, pababagsakin kita! Pababagsakin ko ang systema mo, hindi lang systema ng katawan mo kun'di pati ng pinakamamahal mong kompanya! Take my hard revenge..."
Other
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Seductive God

The Seductive God

Famous Actor na ang gusto lang ay muling maibalik ang pagmamahalan nila ng ex girlfriend niyang ikakasal na sa iba. Sinasabi niyang naka move on na siya kahit ang totoo hindi pa. Paano nga ba siya makaka move on kung yung mismong ex girlfriend niya ang manager niya. Handa niya bang isantabi ang nararamdaman at maging propesyonal o di kaya ay ituloy ang nararamdaman sa dating kasintahan at muli itong ligawan.
Romance
481 viewsOngoing
Read
Add to library
Euphoria: The Final Boss

Euphoria: The Final Boss

Si Evangeline Yang, kilala sa high-end world ng Ligaya & Adonis bilang Apple Pie, ang pinaka-requested escort—tinaguriang Best Flavor. Pero para kay Eva, hindi ito tungkol sa karangyaan o pagnanasa—isa itong paraan para mabuhay. Ang gabi-gabi niyang bookings ang naging daan para siya'y makatapos ng BSBA major in Marketing, nakabili siya ng studio-type condo unit, at naka pag patayo ng maliit na negosyo para sa kanyang pamilya sa probinsya. Ngunit matapos ang limang taon ng pagtatago sa pangalang hindi kanya, handa na siyang mag-quit. Ang final booking niya: isang weekend sa Euphoria Island kasama ang isang estrangherong basag ang puso. Walang pangalan. Walang expectations. Walang label. Langit sa ilalim ng buwan. Mga halik na masyadong totoo para sabihing trabaho lang. At isang gabing akala nila, kaya nilang iwanan sa isla. Nagkamali sila. Pagbalik sa Maynila, handa na si Eva sa bagong simula-isang lehitimong trabaho sa isang prestihiyosong marketing firm. Pero hindi siya handa sa lalaking naghihintay sa kabilang dulo ng opisina. Gideon Morgan—isang self-made billionaire CEO at charismatic marketing genius—na minsang naniwala at naging bulag sa pag-ibig... matapos siyang paulit-ulit iwan ng babaeng akala niya'y sa kanya. Sa Euphoria, natikman niya ang kalayaang matagal na niyang hinahanap-at ang halik ng babaeng hindi niya malilimutan. Maniniwala na sana siyang hindi totoo ang second chances—hanggang may nagturo sa kanya kung paano muling umasa at buksan ang puso muli. At ngayon, narito ang babaeng 'yon. Sa opisina niya. Bilang kanyang bagong secretary. Sa mundong puno ng power suits, deadlines, at mga lihim na hindi nila sinadyang itago—kaya pa ba nilang manatiling propesyonal? O dadalhin ng Euphoria ang lahat ng damdaming iniwan nila... hanggang sa boardroom?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Left Behind

Left Behind

Rhye Ballesteros
Gustong bumawi ni EJ kay Jaria sa kanyang mga nagawa noon ngunit nagmamatigas si Jaria. Isang araw ay susubukin ng tadhana si Jaria na kung saan ay kakailanganin niya ng karamay. Kailangan niyang magpakalayo at magpahilom ng sakit dulot ng kanyang kahapon. Samantala, si Mica ay uusigin siya ng kanyang konsensiya at babaguhin siya ng totoong pagmamahal. Sabik ito sa pagmamahal kaya gagawin niya ang lahat para sa ikakasaya ng kanyang mga minamahal. Ngunit paano niya aamin na mahal niya si EJ kung hindi naman siya ang gusto? Magkaiba ng landas ang tinahak ni Jaria at Mica pero paglalapitin sila ng tadhana na siyang magiging mitsa ng bagong kabanata ng kanilang buhay. Sa pagbabalik ni Jaria, may mababalikan pa kaya siya o tuluyan na siyang tatalikuran ng nakagisnan niyang mundo? Hangang saan ang kayang gawin ni Mica sa ngalan ng pagmamahal? Mas mananaig ba ang poot o wawakasan ito ng panibagong problema ng kanilang buhay? Handa ba niyang kalimutan ang sarili niya para mahalin siya ng iba? Handa ba niyang iwanan at talikuran ang responsibilidad niya para sa hinanahangad niyang pagmamahal?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
SIR LOGAN

SIR LOGAN

Dayana, 19 years old. Salat sa salapi ngunit mayaman sa pangarap. Naglalabada silang mag-ina para sa pamilya ng mga Stewart. Logan Stewart, 26 years old. Guwapo, mayaman at ubod ng babaero. Anak ito ng mag-asawang Stewart. Paano kung magkagustuhan ang dalawang tao na langit at lupa ang agwat? Handa kaya nilang ipaglaban ang isa't isa, o pipiliing lumayo at hayaan ang tadhana na gumawa ng paraan...
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Runway Deception

Runway Deception

Maica Delmundo, isang sikat na model. Maganda, sexy, matalino at hinahangaan ng karamihan. Parang lahat ay nasa kaniya na. Ngunit sa kabila ng kasikatan ay nagkukubli ang isang lihim. Isang lihim na maaaring sumira sa kaniyang karera na matagal niyang pinakaiingatan. Ano nga ba ang kaniyang itinatagong sikreto? Handa ba siyang bitawan ang tinatamasang kasikatan? O ipagpatuloy ito kahit pa ang kapalit ay ang lalakeng kaniyang iniibig?
Romance
105.7K viewsOngoing
Read
Add to library
His Abandoned Wife Sweetest Comeback

His Abandoned Wife Sweetest Comeback

She gave him three years. He gave everything to someone else. Matapos ang tatlong taon na walang saysay na kasal, pinili ni Aella Ramirez na tapusin ang pagiging asawa ni Theodore Larson—ang kilalang malamig at sikat na CEO ng multi-billion e-commerce business—sa kadahilanan palagi nitong inuuna ang first love nito kaysa sa pamilya nito. Iniiwan siya sa mga mahahalagang okasyon ng kanilang pamilya gaya ng libing ng lola nito, isinasantabi rin siya sa kanyang trabaho at kinalimutan ang kanilang wedding anniversary. Sa huli ay binato niya sa mukha nito ang annulment paper bago iniwan kasama ang anak nila. Sa halip na masaktan ay muli siyang bumangon. Ibinalik niya ang dating negosyo na di kalaunan ay kumita ng bilyon-bilyon at nagtagumapay rin siya sa iba't ibang larangan. Ngunit, ang lalaking tumalikod sa kanya ay biglang nagsisi at nagmamakaawa na bumalik siya. Handa ba siyang balikan ito, lalo na‘t dumating si Matthias Sullivan—ang makapangyarihan at mapang-akit na kasosyo niya na handa siyang ipaglaban? Sino ba ang pipiliin niya—ang nakaraan o ang lalaking kailanman ay ‘di siya bibitawan?
Romance
1040.9K viewsCompleted
Show Reviews (18)
Read
Add to library
Sue mae
Maganda sana sa simula pero habang tumatagal pangit na yong storya. Haba na ng chapter yong divorce nila di pa rin tapos ang dami ng eksena yong divorce hindi umuusad. Tapos laging kawawa yong aella sa eksena. Nakakaumay basahin.
Winter Red
Baliw tong MARIA na ito, minsan magkaparehas na ang mga stories kasi cliché na lahat! depende sa akin kung paano ko lagyan ng plot twist pero pagsabihan ako ng AI gawa ko, hindi na tama iyon. Please lang po, tumahimik na lang kayo kung ayaw niyo ng libro ko. Thanks!
Read All Reviews
Mrs Alvarez

Mrs Alvarez

Dala ng kapusukan at kabataan ni Hainna Dela Serna ay nagawa n'yang pikutin si Shawn Alvarez. Ang kilalang bad boy sa bayan ng San Miguel. Nakuha ni Hainna ang kasal na pinapangarap ng lahat. Engrande at masasabing hindi nalalayo sa bonggang kasal ng mga nakikita sa telebisyon. Ngunit nakuha din ni Hainna ang matinding galit ni Shawn. Tila ba s'ya na ang pinakamasamang babaing nakilala ni Shawn. Handa n'yang tiisin ang lahat basta makuha lang ang pagmamahal ni Shawn. Sa unang gabi ni Hainna bilang Mrs. Shawn Alexis Alvarez ay pinaalis s'ya ni Shawn ng bansa. Pinatapon s'ya nito sa Canada. Makalipas ang tatlong taon bumalik si Hainna ng bansa. Umuwi s'ya ng San Miguel sa bahay mismo ni Shawn Alvarez sa asawa n'ya. At sa pagkakataong ito mananatili s'ya sa San Miguel. At gagawin lahat para lang hindi na s'ya ipatapon pa ng asawa sa ibang bansa, o kahit sa labas ng San Miguel, handa n'yang ibigay at gawin ang lahat para lang makuha ang pagmamahal ng asswa at manatili s'yang Mrs. Alvarez.
Romance
1017.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Cassanova's Regret:  The Runaway Wife with their Twin

The Cassanova's Regret: The Runaway Wife with their Twin

Na-bankrupt ang pamilya ni Dianne, iniwan sa kaniya ang mga malalaking utang. Upang mabuhay at makabayad sa utang ay tinanggap niya ang isang offer ng isang bilyonaryo. Kapalit ng 30 million pesos ay magiging asawa siya nito sa loob ng tatlong taon. Si Axl Tyler Chavez, ang pangalawang anak ng Chavez Group. Siya ang naging tagapagmana nang mamatay ang kaniyang kapatid. Upang pangalagaan ang pwesto sa company at pwesto ng first love niya sa kaniyang buhay ay kumuha siya ng isang CONTRACTED WIFE. Ngunit matapos ang dalawang taon at siyam na buwan ay pinutol na niya ang kontrata at binayaran si Dianne. Paano kung malaman niyang buntis si Dianne ng kambal at siya ang ama? Paano kung lumayas si Dianne at itago ang kanilang anak. Handa nga ba si Tyler na iwan ang first Love para sa kaniyang dugo at laman? o handa siyang ipalaglag ang bata mapanatili lang ang magandang relasyon sa First Love. o baka naman, akuin nila ni First Love ang bata at mawala sa picture ang tunay na ina at ang kaniyang ex- contracted wife... is the cassanova having his regret? o he enjoy his life with his first Love?
Romance
1037.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1213141516
...
40
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status