Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
IMITATION.

IMITATION.

TITLE: IMITATION. Destiny and Serenity are identical twins who were raised in different environments and statuses. Isang lumaki sa hirap at ang isa ay lumaki sa karangyaan. Isang malubhang karamdaman ang dumapo kay Serenity dahilan upang mapilitan si Destiny na pumalit sa pwesto ng kakambal bilang fiance ng isang Andress Montefalcon. Andress Montefalcon, a young business tycoon of his generation, serves as the CEO of Montefalcon Corporation. Andress and Serenity were set to marry as part of their family agreement. Despite being an arranged married couple, Andress and Serenity fell in love with each other. Pagkaraan ng ilang araw nang kasal ay isang lihim ang natuklasan ni Andres sa katauhan ng kanyang asawa. Isang lihim na yumanig sa kanyang buong pagkatao at isang lihim na naging dahilan ng matinding sakit at poot. Hanggang saan dadalhin ng poot at galit si Andres sa kanyang asawa? At hanggang saan ang kayang pagtitiis ni Destiny? Handa bang talikuran ni Destiny si Andres gayong hulog na hulog na siya rito? Hanggang saan ang kaya niyang pagtitiis gayong sa araw-araw ay pinapamukha sa kanya ni Andres na isa siyang mapagkunwari at huwad? Will Destiny choose to stay beside the man he loves and choose to be an IMITATION of her twin Serenity? Will love prevail over hatred ang pain?
Romance
1022.7K viewsCompleted
Read
Add to library
My Loveless Marriage With Attorney Chandler

My Loveless Marriage With Attorney Chandler

Kung ang iba ay ikinasal dahil sa pagmamahal, si Adaghlia Perez naman ay ikinasal upang magbayad ng utang. Katumbas ng limang taong pagbaba ng sentensya ng kanyang ina ay limang taong pagdurusa sa piling ng abogadong si Grayson Chandler. Kaliwa't kanang kasinungalingan at panloloko ang nararanasan niya araw-araw. Para bang iiyak ang araw kung hindi siya nito nasasaktan. Hindi lang siya harap-harapang pinagtaksilan ng lalaki, kung maka-deny pa ay sobrang kapal ng mukha nito kahit mahuli pa sa akto. Hindi asawa ang turing nito sa kanya kundi isang alipin. Alam niyang walang babaeng dapat makaranas ng ganito pero wala siyang ibang magagawa. Bukod sa may utang na loob siya dito, hindi maipagkakailang mahal na mahal niya ito. Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay. Handa na siyang iwan ang lahat at ayusin ang sarili. Pero isang bagay ang kumurot sa kanyang puso nang malamang nagbunga ang kanyang pagiging parausan ng isang taong hindi naman siya mahal. Isang gabi pagkatapos pirmahan ang divorce papers, bigla siyang nakatanggap ng tawag ng isang taong lasing, “Don't sign the papers. I didn't sign it.” Itutuloy pa kaya ni Adaghlia ang pag-alis? O hahayaan na naman niya ang sariling maging alipin ulit ng pag-ibig?
Romance
719 viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Ex And our secret twins

My Billionaire Ex And our secret twins

Limang taon na ang lumipas nang durugin ni Elly Panganiban ang puso ni Carl Montesantos at lisanin ang billionaire world nito. Ginawa niya ito upang protektahan si Carl, kapalit ng isang lihim: ang kanilang kambal na anak, sina Liam at Lia—ang lihim na bunga ng pag-ibig na kailangan niyang itanggi. Ngayon, napilitan si Elly na magtrabaho sa Montesantos Holdings, ang imperyo ng kanyang Billionaire Ex na si Carl. Ang pag-ibig ay napalitan ng matinding pagkamuhi at paghihiganti. Araw-araw, sinisiguro ni Carl na maramdaman ni Elly ang pait ng pag-iwan, tinatawag siyang "walang-kwenta" at "basura" sa trabaho. Mas lumala ang sitwasyon sa presensya ni Sharon Montemayor, ang fiancée ni Carl, at ni Theo Ramos, na nagpaalab ng selos sa Bilyonaryo. Sa gitna ng tensyon, nagbigay ng walang-awang kasinungalingan si Elly: "patay na" ang ama ng kambal. Ngunit ang lahat ng galit at paghihiganti ni Carl ay guguho sa isang iglap! Sa Lobby ng kumpanya, nakita ni Carl ang kanyang anak na si Liam. Ang bata, na eksaktong kopya niya at may matatalim na asul na mata, ay sumigaw ng katotohanan: Siya ang ama! Hindi siya namatay! Dinoble ang kanyang pamilya! Ang mga mata ni Carl ay biglang nagbago, mula sa poot tungo sa pag-angkin at walang-sawang possessiveness! Simula na ng giyera! Paano itatago ni Elly ang lihim kung ang Bilyonaryong Ex, na ngayo'y nag-aapoy sa galit, ay handa nang angkinin ang kanyang dugo at lahi?!
Romance
391 viewsOngoing
Read
Add to library
Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

"Gustuhin ko man ipaubaya sa'yo ang asawa ko, ngunit hindi p'wede.... Hindi p'wede dahil..." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita muli upang pigilan ang pagkamuhi sa babaeng kaharap ko! "Marahil ay hindi mo pa maiintindihan ang salitang hindi p'wede dahil wala ka pang anak. Anak na handa kang magsakripisyo maibigay lang ang nararapat para sakanya! Kaya kong tiisin na marami akong kahati sa asawa ko at isa kana ron! Ngunit wag lang ang anak ko...ibang usapan 'yon! Dahil ilalagay ko kayo sa tamang paglalagyan nyo." -Dina Sedest Sa isang relasyon, may isang haligi at may isang ilaw. Paano kung ang haligi ay bumigay at hindi na nakayanan pang tumayo ng matatag. Hanggang saan kaya kayang ilawan ng ating ilaw ng tahanan ang isang madilim na parte ng buhay nila? Ngunit makakaya kaya n'yang harap harapan na syang ginagago ng kaniyang asawa? Ito na ba ang senyales na hinihingi n'ya mula sa itaas upang sumuko na..
Romance
9.98.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Little Secret (SPG)

The Billionaire's Little Secret (SPG)

Tatlong taon naging lihim na asawa si Asefeh, isang asawang sa papel lang may karapatan. Sa loob ng mga taong iyon, paulit-ulit niyang naramdaman na kailanman ay hindi siya pipiliin ng asawa niya, hindi kayang mahalin, na unti-unting ikinawawasák ng puso niya. Sa gabing tuluyan siyang tinaboy ng kanyang asawa matapos ang isang matinding pagtatalo, lasing at wasák siyang napadpad sa isang presidential suite, at doon niya nakilala ang isang estrangherong nagbigay sa kanya ng init at pansamantalang paghinga. For one reckless night, she finally felt wanted. Ngunit paggising niya kinabukasan, isang katotohanan ang sumalubong sa kanya. Ang lalaking nakaniig niya sa gabing 'yon ay walang iba kundi si Rylander, ang tiyuhin ng kanyang asawa at ang pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa bansa na kilalang retiradong army. A man who never forgets. Never lets go. Gustong kalimutan ni Asefeh ang nangyari sa kanila. Ngunit habang patuloy siyang sinásaktan at inaabusô ng asawang ayaw siyang pakawalan, unti-unti rin siyang hinihila ni Rylander sa isang kasunduang parehong bawal at mapanganib. What started as a mistake became an obsession. Bawál. Mapánganib. Mapángahas. Sa mundong kayang durûgin ng impluwensya, handa kayang isûgal ni Asefeh ang dangal, kalayaan, at kinabukasan para sa lalaking hindi niya dapat mahalin, lalo na’t hindi pa siya malaya?
Romance
10219 viewsOngoing
Read
Add to library
Love Me Simply

Love Me Simply

Gulong-gulo ang isip niya. Hindi niya inaasahang sa isang iglap ay magbabago ang takbo ng buhay niya. “Huwag kang mag-alala baby Elisha, mula ngayon ako na ang mag-aalaga sa’yo,” pumatak ang luha niya ng hindi niya namamalayan. Labis ang pagdaramhating kanyang nararamdaman. Wala na ang nanay niya, maging ang bunsong kapatid na si Troy at ang girlfriend nitong si Elizabeth Del Castillo. Pupunta sana ang mga ito sa health center upang i-pacheck up ang tatlong buwang sanggol na noon ay mataas ang lagnat at kinukumbulsiyon. Sa di inaasahang pagkakataon ay nabalitaan na lamang niya ang masakit na pangayayri. Naaksidente ang sinasakyang dyip ng mga ito at tanging si Baby Elisha lamang ang nakaligtas. Handa siyang alagaan at ituring na tunay na anak ang pamangkin, hanggang dumating ang araw na gusto itong kunin ng mayamang pamilya ni Elizabeth. Nagdadalawang isip siyang palakihin ito sa mga Del Castillo. Natatakot siyang makuha nito ang masamang ugali ng tiyuhin nitong si George Del Castillo... ngunit higit sa lahat, natatakot siyang mawalan ng dahilan upang magkita pa sila ng binata.
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

natatangingdilag
Nang lumuhod ang lalaki, magmakaawa, at yakapin ang kanyang binti'y 'di pa rin natinag si Kennedy. "Ken, please, handa akong gawin ang lahat-lahat mapasa 'kin ka lang muli," pagsusumamo ni Chord. Isang hakbang palayo mula sa lalaking dati niyang minahal ay agad na nagbadyang tumulo ang mainit at nag-uunahang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata. Nag-aalab. Lumalago. Ayaw paawat. Ilan lang ito sa mga salitang makakapaglarawan sa pag-ibig ni Kennedy kay Chord. Animo'y isa itong bomba na kapag hinayaan lamang hanggang sa pumatak sa partikular na oras, ito'y sasabog at hindi na mapipigilan pa. Ngunit hindi maipagkakaila na kahit kaila'y hindi mawawala ang mga problema't hamon na maaaring tumupok sa alab ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao. "Napakahirap mong abutin, Chord," wika ni Kennedy, nanginginig ang boses. "Walang-wala sa kalingkingan ng estado mo ang estado ng buhay ko." Namatay si Romeo dahil kay Juliet. Namatay si Jack dahil kay Rose. Hindi nagkatuluyan sina Peter Pan at Wendy. Sina Chord at Kennedy kaya gano'n din? Mailalaban ba nila ang pag-iibigang pilit sinusubok ng panahon, paniniwala, at tadhana?
YA/TEEN
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Contract Bride

The Billionaire's Contract Bride

Ginawang pambayad utang ng kanyang tiyuhin si Lara Veronica Martinez. Dahil sa desperasyon na matakasan ang lalaking hindi niya gusto, pumayag ang dalaga na magpakasal sa kanyang bilyonaryong boss na si Jason Timothy Lagadameo o Jace na nangangailangan ng contract bride upang matupad ang kahilingan ng abuela nitong may sakit. The marriage will last for only six months. At may dalawang rules na inilatag si Jace kay Lara; mananatiling lihim ang kanilang kasal sa iba at hindi dapat ma-in-love si Lara sa kanya. Wala iyong problema kay Lara. Alam niyang hindi siya mahuhulog sa mga gaya ng kanyang boss. He is the cold billionaire and she is the bubbly ordinary employee. He is the ruthless CEO and she is the poor woman with a heart of gold. Paano kaya nila pakikibagayan ang isa’t-isa gayong tila langit at lupa ang kanilang pagitan? Kaya ba nilang panatilihing lihim ang kanilang kasal sa iba gaya ng kanilang napagkasunduan? Paano kung sa paglipas ng panahon, unti-unting mahulog si Lara kay Jace sa kabila ng katotohanang, nariyan lang ang ex-girlfriend ni Jace, handa ulit paumuin ang binata sa kahit na anong paraan? Ipaglalaban ba ni Lara ang kanyang damdamin para sa asawa? O mas pipiliin niya ang umalis pagkatapos ang anim na buwan gaya ng kanilang napagkasunduan kahit na… dala-dala na niya sa kanyang sinapupunan ang pinakaaasam na tagapagmana ng mga Lagdameo na siyang magiging susi upang mabuksan ang mga lihim ng kanilang nakaraan?
Romance
10215.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Seven Sins Series: Wrath (Wregan Leath)

The Seven Sins Series: Wrath (Wregan Leath)

Nasa kanya na ang lahat—pamilya, pera, kagandahan at kasikatan ngunit hindi pa rin masaya si Petunia. Ang kaisa-isang lalaki kasi na minahal niya ay piniling magpakasal sa iba, dahil likas na may mabuting puso nagparaya si Petunia. Ngunit paano kung dumating muli sa kanya ang pag-ibig? Handa pa rin ba siyang magparaya para sa iba gayong nagbunga ang isang gabing kapusukan nila ni Wregan Leath, ang matalik na kaibigan ng first love niya?
Romance
107.1K viewsOngoing
Read
Add to library
AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

Sa ngalan ng pera ay tinanggap ni Alexa ang pagpapakasal kay Noah Montemayor at hindi niya akalain na sa paglipas ng taon ay matututunan niya pala itong mahalin. Noong panahong iyon ay hindi ito makalakad dahil sa kinasangkutan nitong aksidente. Tumagal ang kanilang pagsasama ng tatlong taon nang bigla na lamang siya nitong gulantangin dahil sa sinabi nito. "Maghiwalay na tayo." tatlong salita na nagpaguho sa mundo ni Alexa. Pagkatapos ng tatlong taong pagsasama ay hindi niya akalain na babalik ang babaeng pinakamamahal ni Noah, na pinabayaan siya noong mga panahong kailangang-kailangan siya nito. Kapalit ng malaking pera ay tinanggap niya ito at nagpaka-busy sa daang tinahak niya hanggang sa isang araw ay nakilala siya sa buong bansa at lumabas pa sa telebisyon. Doon niya nakilala ang lalaking magiging dahilan ng pagbangon niya. Ngunit isang araw ay bigla na lamang nakipagkita si Noah sa kaniya. "Pwede bang magsimula tayong muli? Kailangan kita at handa akong gawin ang lahat para bumalik ka lang sa akin." "Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko sayo ang sarili ko." Bibigyan niya nga ba ito ulit ng isa pang pagkakataon na pumasok sa buhay niya gayung kung tutuusin ay nakabangon na siya mula sa pagkabigo pagkatapos nitong makipaghiwalay sa kaniya? Totoo nga kaya ang sinasabi ng iba na love is sweeter the second time around?
Romance
1029.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status