Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
He Rejected My Marriage Proposal

He Rejected My Marriage Proposal

Chief Secretary na maaasahan lagi sa umaga, at isang nakakaakit na kasalo sa kama tuwing gabi—iyan ang buhay ni Bona Sobrevega sa mga bisig ni Sean Fernandez. Matapos ang tatlong taon na pagsasama at pag-aalaga sa isa’t isa, inakala ni Bona na pantay ang nararamdaman nila. Kung kaya’t nang alukin niya ang lalaki ng kasal, hindi niya inaasahang guguho ang mundo niya nang sabihin nitong walang halong pagmamahalan ang samahan nilang dalawa maliban sa kanilang mga katawan. Mula noon, umiwas na siya’t tinalikuran ang buhay kasama ang lalaki. Umangat ang kanyang karera at naging isang tanyag na abogada na walang tumangkang kumalaban sa kanya sa komunidad. Dumami ang mga manliligaw at dito’y nagkukumahog na gumapang pabalik sa kanya, puno ng pagsisisi, ang lalaking minsan na niyang minahal ilang taon na ang nakalilipas. Ngunit sa mga pagkakataong ito—wala na siyang nararamdaman para dito.
Romance
499 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract Marriage With My Billionaire Ninong

Contract Marriage With My Billionaire Ninong

SYNOPSIS Dahil sa kahirapan, isinakripisyo ni Amelia ang kanyang kalayaan upang matulungan ang kanyang lolang may sakit sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanyang ninong. Para na rin makalimutan niya ang kanyang ex-boyfriend na pinagpalit siya sa mayaman. Lumapit siya sa kanyang ninong upang humingi ng tulong, pero isang kasunduan ang binigay nito. Tutulong lamang ito sa kanya kung magpapakasal silang dalawa. Ang kasal na hindi bunga ng pag- ibig, ang isa sa pinakaayaw ni Amelia Chandria Lopez pero nilunok niya ang prinsipyong iyon. Natali siya sa kanyang ninong na isang bilyonaryo na si Felip Nicolas Sanvitores. Tumira sila sa iisang bahay at magkasama sa iisang kama. Para masuklian ang mga tulong na binigay ng ninong niya, ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang asawa. Naging mabait sa kanya ang kanyang ninong, lahat ng pangangailangan nilang dalawa ng lola niya ay binibigay nito. At sa hindi inaasahan ay ginampanan din nito ang tungkulin bilang asawa niya kung saan unti- unting nahulog ang loob niya sa kanyang ninong. Ngunit may isang lihim na natuklasan si Amelia. Na ang kanyang ninong ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya. Ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Kaya pa kaya niyang mahalin ang taong sumira sa kanyang mundo? Kaya niya kayang magpatawad at ipagpatuloy ang pagmamahalan nilang dalawa?
Romance
10862 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract Marriage: How To Love My Husband To Be

Contract Marriage: How To Love My Husband To Be

Si Mia ay lumaki sa isang pamilyang walang pagmamahal at puro kalupitan ang natanggap. Para sa kanila, isa lang siyang pabigat. Kaya nang ipagkasundo siyang ipakasal sa pinaka kinatatakutan na lalaki sa bayan—isang makapangyarihang tao na kilala sa kanyang pagiging malupit—hindi na siya nagreklamo. Matagal na niyang alam na darating ang araw na ito, at wala siyang inaasahang masayang kinabukasan. Ngunit pagdating niya sa tahanan ng kanyang mapapangasawa, natuklasan niyang mali ang lahat ng narinig niyang tsismis. Sa halip na isang halimaw na walang awa, nakilala niya ang isang lalaking bagamat seryoso, ay may kakayahang magpakita ng kabutihan. Unti-unti, naguguluhan siya sa hindi pamilyar na mundo ng pagmamahal at pag-aaruga. Ngunit para kay Mia, na lumaki sa takot at hindi kailanman nakaranas ng tunay na pagmamahal, kaya ba niyang matutong buksan ang kanyang puso? O mananatili siyang bihag ng kanyang madilim na nakaraan at tanggihan ang pag-ibig na nasa harapan na niya?
Romance
10511 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Fix Marriage with my Online Date

Fix Marriage with my Online Date

Si Ariah "Aya" Gallano ay dalawampu't dalawang taong gulang, iskolar ng kanilang bayan, at tumatayong magulang para sa kaniyang nag-iisang kapatid. Musmos pa lamang ay namulat na siya sa hagupit ng buhay dahil sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at higit na nahubok ang pagiging madiskarte. Subalit, dahil sa karamdaman ng kaniyang kapatid, kinailangan niyang makahanap ng mabilisang salapi. Siya ay napadpad sa dating application na "We Chat & Date", para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. Dito niya nakilala si Theodore Morgan, ang acting CEO ng Morgan Group, dalawampu't pitong taong gulang at ang pinaka batang business tycoon sa Pilipinas. Si Theodore ay napadpad sa dating application sa pag-asang makakahanap ng babaeng papakasalanan lamang bilang tugon sa hiling ng kaniyang lola, ang tanging tao na kumalinga sa kaniya noong mamatay ang mga magulang sa aksidente. Parehong may mithiin na nais makamit, parehong nais isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa minamahal sa buhay. Ngunit parehong ayaw mahulog kanino man. Naniniwala silang walang puwang ang pag-ibig sa tulad nilang abala sa sarili at pangarap na nais makamit. Ano kaya ang kapalarang naghihintay para sa dalawang taong nais lang pumasok sa kasal para sa sariling motibo? Sa laro ng kasal-kasalanan, sino ang magiging taya? Kapag tadhana na ang nagpasya, mapipigilan mo ba ito?
Romance
10271 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Hidden Marriage: Billionaire's Despised Wife

Hidden Marriage: Billionaire's Despised Wife

Persephona
Si Santana Rios ay isang mabagsik na negosyante at heredera ng dating business mogul na nabibilang sa Mort Sorority — isang samahan ng mga maimpluwensya at makapangyarihang babae sa bansa. Nais niyang mamuno sa sororidad na iyon para mapalawak ang kaniyang impluwensiya. Walang pagsidlan ang galit niya nang malamang may relasyon ang kaniyang kakompetensya sa kaniyang asawa na si Gringo Monasterio, isang bilyonaryong business tycoon na mayroong madilim na sekreto. Mas umalab ang kaniyang pagkapoot nang gusto ipa-annul ang kanilang kasal. Wala siyang magawa kung hindi ang bumalik sa Casa Monasterio para parusahan ang asawa at sinumang pinapahalagahan nito. Papayag lamang siyang magpa-annul kung papayag ito sa kaniyang kondisyon. Papayag kaya si Gringo Monasterio sa kondisyon ng asawa na nais din nitong parusahan? "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa aking pag-aabanduna. Sisiguraduhin konh hindi ka na makakaalis ng mansyong ito."
Romance
10761 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Contracted Marriage

The Contracted Marriage

Bound together by a paper of contract called marriage, will genuine and unexpected love change the course of their fate?
Romance
10311 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MARRIED TO MR. VALERIA

MARRIED TO MR. VALERIA

Francesca Amari Fernandez Tan A heiress of the Tan Corporation, epitome of poise and adoring wife to Mr. Rafael Chan Valeria. She couldn't ask for more, masaya at kuntento sa pamilyang meron siya. But, what if one day, everything changed? Paano kung isang araw, tuluyan ng mawala sa kaniya ang buhay na nakasanayan? Paano kung ang lalaking pinangarap niya ay unti-unti na rin mapagod at sumuko sa kaniya. Will she going to handle the pain? Will she choose to let go and forgive his ex-husband?
Romance
148 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract Marriage: Tied With The Ruthless Billionaire

Contract Marriage: Tied With The Ruthless Billionaire

Selene Averilla is a beautiful secretary of Davron Zalderriaga. Matagal na panahon na siyang may lihim na pagtingin sa lalaki, kaya labis ang kanyang tuwa nang sila ay nagpakasal, ngunit ito ay may kasunduan, no feelings involved at ang mga nangyayari sa kanila ay dapat na kontrolado, dahil hindi siya mahal ng kanyang asawa at may iba itong mahal - si Tiara Averilla - her step-sister. Until one accidentally and unprotected night, nabuo ang hindi inaasahan. She was about to keep it as a secret, ngunit natuklasan pa rin ito ng kanyang asawa. Tatanggapin at mamahalin kaya ito ng kanyang asawa kahit wala naman itong nararamdaman para sa kanya? O mas pipiliin na lang ni Selene na itago at ilayo ang bata mula sa kaniyang ama?
Romance
699 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Italian's Three-Year Marriage

The Italian's Three-Year Marriage

Kei
Three years of marriage is such a short period of time for love, as people say. But for Seah Alxandra Garcia, three years of marriage with Mikhail De Luca was a curse. Matapos maka-graduate ni Seah sa kursong architecture ay agad siyang ikinasal kay Mikhail, isa namang italianong engineer. Malaking pagkabigo para kay Seah ang magpakasal agad, ngunit wala rin siyang nagawa dahil para ito sa ikabubuti ng kaniyang pamilya. Tatlo lang ang hinihiling ni Mikhail sa kaniyang bagong asawa para sa loob ng tatlong taon. Iyon ay ang manirahan sa Italya, matulungan siyang mapalago ang negosyo, at pagsilbihan ito — tatlong hiling sa loob ng tatlong taon para lang sa malaking pangangailangan ng pamilya ni Seah. Wala na kay Mikhail kung maisipan siyang iwan ni Seah matapos ang tatlong taong pagsasama nila, ngunit sa kabila ng lahat ay sadyang mapaglaro ang tadhana. Paano na lang kung nasanay na si Mikhail na mamuhay kasama ang asawa niya? Pero paano na lang kung gusto na niyang makapiling si Seah sa bawat araw na gigising siya? It was all clear to Mikhail they should have boundaries as a business marriage contract couple, but some things just ends up with what we don't expect. Seah didn't ask for a run, but who would've thought that her life will be in a double chase? Meeting the Ezekiel Ricci and Megan Ricci was like a lucky moment for Seah, pero ang hindi niya alam ay may trahedya pang naghihintay sa kaniya. She thought that finally, she will be stable and content with Mikhail, not until Ezekiel becomes the reason for their endless fights. Nang makilala ni Seah ang magkapatid na sina Ezekiel at Megan, para bang nabahiran ng gulo ang relasyon nila ni Mikhail. That with every bit of step she makes, their relationship fades.
Romance
424 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord

Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord

"Kuya, kahit pangkape lang!" Iyon ang lagi kong naririnig kay Nanay noong bata pa ako. Naisip ko dati na sobra talaga kaming naghihirap dahil kahit pambili ng kape ay walang-wala kami. Marumi, mababa ang lipad, at wala ng dignidad— iyon ang buhay na mayroon si Nanay. "Kuya, pangyosi lang!" Hindi naglaon ay sumunod ako sa yapak ni Nanay at iyon na lagi ang linyahan ko gabi-gabi. Pero dahil sa linyang iyon ay mas lalong gugulo ang buhay kong matagal nang miserable. Paanong ang isang babaeng mababa ang lipad na katulad ko ay magiging asawa ng isang makapangyarihan na mafia lord?
Romance
9.4316 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1213141516
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status