Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ANG MUTYA NG HULING MAFIA

ANG MUTYA NG HULING MAFIA

BLURB: Kailanman ay hindi maikakaila na minsan nilang minahal ang isa’t isa. Ngunit ang lihim ng mundong nababalot ng panlilinlang, pagtataksil, at nang makapangyarihan, ang babago sa takbo ng kanilang buhay. Mataas ang pangarap ni Seraphina sa buhay. Upang makamit ang tugatog ng tagumpay, kailangan niyang gamitin ang kanyang kapatid at ang sitwasyon hindi niya kayang tanggihan. Habang si Silhouette, bagama’t nagmamahal lang naman ay naipit sa dalawang malalaking batong lihim na nag-uumpugan at tinutugis ang isa’t isa. Puso ng isang tunay na mafia ang hangad niya kahit sa panaginip. Ang puso niyang iyon ang nagturo sa kanya na puwedeng maging perpekto ang pagkakataon para sa mga imperpektong tao na tulad niya at ni Sandro sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad. Habang si Sandro, sa kabila ng kanyang lihim na pagkatao ay natutong magmahal. Kaya niyang bigyan ng proteksyon ang taong mahal niya, kaya niyang suungin ang panganib at marunong siyang magsakripisyo. Ang kanyang tamang pagpapasya ang magiging susi tungo sa payapang kinabukasan kasama ang kanyang pamilya. Mabubuksan ang maraming pinto ng lihim. Bawat pinto ay maglalapit kina Sandro at Silhouette. At isang pinto naman ang mababalot ng paghahanap ng hustisya at paghihiganti sa muling pagmulat ng mga mata ni Seraphina. May puwang ba ang tunay na pag-ibig para sa tinaguriang mutya ng huling Mafia? Alin ang mas matimbang, ang kapatid o ang pinangarap niyang mafia? Ang pag-ibig ba ang kanilang kaligtasan—o ang kanilang kapahamakan?
Romance
10973 viewsOngoing
Read
Add to library
Mafia Ang Nabingwit Ko

Mafia Ang Nabingwit Ko

Dahil sa aksidenteng nangyari sa kapatid ni Lurena ay napilitan siyang sumalang sa bidding upang masalba ang buhay ng kapatid. Kaya lang dahil sa kapalpakan niya at napagkamalang balloon ang condom ay nagbunga ang isang gabing nangyari sa kanila ng estrangherong lalaki. Bago maipasa kay Hades ang titulo bilang mafia boss ay kailangan nito ng anak. At ngayong nalaman niyang buntis si Lurena ay talagang gagawin niya ang lahat para mapigilan ang dalaga na makalayo. Pero ang bata lang ba talaga ang kailangan niya? Paano kung dumating ang panahong hahanap-hanapin niya na rin pati ang ina ng anak niya?
Romance
1089.1K viewsCompleted
Read
Add to library
A Woman's Unparalleled Love

A Woman's Unparalleled Love

"Ganyan ka ba talaga kadesperada, Airith? Pati kapatid ko ay pipikutin mo para lang guminhawa ang buhay mo? Pera lang ba talaga ang habol mo sa isang lalaki?" Iyan ang katagang dumurog sa puso ni Airith sa muli niyang pagbabalik sa bahay ng pamilya Vergara, lalo pa't nagmula mismo ang mga salitang iyon sa dati niyang asawang si Sebastian. Anak ng pinakamayamang negosyante sa kanilang syudad si Airith Almazan, pero inilihim niya ang pagkakakilanlan niya sa pamilya Vergara. Kaakibat ng kontrata nilang kasal ni Sebastian ay itrinato lang siya sa pamamahay ng pamilya nito na higit pa sa isang katulong sa loob ng isang taon, hindi bilang isang manugang. Hindi lang iyon, napagdesisyunan pa ni Sebastian na makipaghiwalay sa kanya sa parehong araw na ibabalita niya sana rito ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Makalipas ang dalawang taon, isang araw ay ipinadukot siya ni Stephen, ang nakatatandang kapatid ni Sebastian. Humingi ito ng tulong sa kanya at inalukan siya nito ng isang pekeng kasal upang tuluyan na nitong manahin ang kumpanya at maisalba sa nagbabadyang pagbagsak. Nalaman niya mula rito na mayroong makapangyarihang tao ang umaatake sa kumpanya ng pamilya Vergara kaya ito nalagay sa ganoong sitwasyon. Saka niya lang din nalaman na kagagawan pala mismo iyon ng kanyang ama, upang kaparusahan sa pang-aapi sa kanya ng pamilya Vergara noon. Sa kagustuhang ayusin ang ginawa ng kanyang ama, napagdesisyunan niya na tulungan si Stephen. Kasama ito ay muli siyang nagbalik sa bahay ng pamilya Vergara. Kalaunan, ang akala niyang pekeng kasal nila ni Stephen ay unti-unti na palang nagiging totoo kasabay ng unti-unting pagkahulog ng kanyang loob dito.
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Single Hot Daddy's Nanny

Single Hot Daddy's Nanny

Luna's world is falling apart. Kailangan ng kapatid niya ng kidney transplant, at naibenta na niya halos lahat para lang mailigtas ito. Wala na siyang matakbuhan. She's about to lose everything when something unexpected happens sa ospital. Napagkamalan siyang ina ng anak ng isang mafia lord, and just like that, everything changes. Doon niya nakilala si Theo Montelibano. Cold, commanding, and dangerously intense. May isang kondisyon lang ito—gusto niyang maging yaya si Luna ng anak niya. Kapalit nun, siya ang magbabayad para sa operasyon ng kapatid niya. Luna agrees, kahit hindi siya sigurado kung tama bang makisangkot sa isang lalaking kagaya nito. Habang tumatagal, unti-unting lumalambot ang puso ni Luna sa bata. Pero mas nakakagulat ang epekto ni Theo sa kanya. The more she gets to know him, the more she sees na may lalim ang taong ito. Behind the control and power, may taong sugatan, may taong may tinatago. What started as a deal slowly becomes something deeper. Pero sa mundong puno ng sikreto, panganib, at mga kalabang hindi mo alam kung saan nagtatago, falling in love is never safe. Caught between her painful past, her confusing present with Theo, and the feud na posibleng ikasira ng lahat, Luna has to make a choice. Lalaban ba siya para sa puso niya, o iiwan niya ang tanging pamilyang minahal siya?
Romance
552 viewsOngoing
Read
Add to library
Joey: Princess Charming 1

Joey: Princess Charming 1

Pagkamatay ng nanay ni Joey ay bigla na lamang nagpakita ang tatay niyang ni sa hinagap ay hindi niya alam na buhay pa. Dinala siya nito sa magarbo nitong bahay at ganon-ganon na lamang nagbago ang buhay ni Joey. *** “Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.” Halos lumubog si Joey sa kinatatayuan nito dahil sa bilis ng pagsasalita ng kanyang madrasta. ‘Nag-fli-fliptop ba ‘to?’ tanong niya sa isipan. Pero napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. “Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth. Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo niya saka siya mabagal na napalunok. “Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad niya rito dahilan para mamula ang mukha nito sa pinaghalong inis at galit. *** Ngunit paano nga ba niya haharapin ang pagbabagong ito ng buhay niya? Mula sa isang kahig, isang tukang paghihirap, ngayon ay anak pala siya ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Idagdag pa ang mukhang laging galit na madrasta niya at prinsesitang hilaw na kapatid niya. Isa lang ang kailangang gawin ni Joey at iyon ang pumasa sa Ember University. At magagawa lamang niya ‘yon kung tutulungan siya ni Ivan Dela Fuente, ang lampa at nerd niyang kaklase. Pero bakit ba bigla-bigla na lang tumitibok ng malakas ang puso niya dahil sa loser na lalaking ito? ‘Bwesit! Hindi nakakaastig ‘to!’ Inis na sita ni Joey sa sarili lalo pa kung ang gusto naman ni Ivan ay ang hilaw niyang kapatid at hindi siya.
Romance
358 viewsOngoing
Read
Add to library
Expect The Unexpected Marriage

Expect The Unexpected Marriage

Katana
Synopsis  Mapipilitang umuwi si Brianna upang dumalo sa kasal ng kaniyang kakambal na si Lilianna. Ngunit ang inaasahang okasyon ng kapatid ay siyang magiging kasal pala niya, malalagay siya sa isang sitwasyon na hindi niya kayang lusutan pa. Magiging asawa siya pansamantala ng lalaking rason kung bakit siya nagpakalayo-layo noon.  Mapaglabanan pa kaya ni Brianna ang sariling damdamin na noon ay pinaubaya sa kakambal?  O tuluyan nang mahuhulog sa lalaking una niyang minahal?  Paano kung sa pagbabalik si Lilianna ay bawiin ang asawa?  Ibibigay niya ba ito sa kakambal sa pangalawang pagkakataon? O, ilalaban kung alam niyang una pa lang ay pagmamay-ari na niya.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Star

The Star

Sa likod ng ilaw, palakpakan, at mga kantang minahal ng marami, may mga buhay na tahimik na nasisira at muling binubuo. Si Alexa Emmanuella Padilla Villa—mas kilala bilang Axelle—isang babaeng piniling magningning nang mag-isa, hiwalay sa anino ng sikat na apelyidong kanyang pinagmulan. Sa murang edad, napatunayan niya ang sarili bilang isang singer at negosyante, dala ang paniniwalang ang tagumpay ay mas matamis kapag pinaghirapan. Ngunit noong 2026, nagsimulang magbago ang lahat nang mawala sa kanilang pamilya ang kanyang kapatid isang pag-alis na puno ng lihim, sakit, at katahimikan. Ang pagkawala nito hindi lamang nag-iwan ng lungkot, kundi nagbukas ng mga sugat sa kanilang pamilya na pilit tinatakpan ng paghihinagpis. Habang patuloy ang paghahanap, natutunan ni Axelle na ang katanyagan ay hindi sapat na panangga laban sa pagkawala. Sa gitna ng paglalakbay patungong South Korea at France, isang aksidenteng banggaan ang naglapit kay Axelle at kay Ryo Red “RR” Eun, isang dating K-pop idol na may imaheng matigas ngunit may pusong puno ng sugat at responsibilidad. Ang kanilang mundo ay parehong puno ng ingay, ngunit ang koneksyon nila ay nagsimula sa katahimikan at pag-unawa. Habang unti-unting lumalabas ang mga lihim ng nakaraan sakit, mga anak na iniwan, pag-ibig na hindi natuloy napilitan si Axelle na harapin ang katotohanang ang pagmamahal hindi perpekto. Sa gitna ng trahedya, pagkawala ng magulang, kapatid, at mga kaibigang minahal, natutunan niyang ang tunay na bituin hindi lamang ang kumikislap sa entablado, kundi ang nananatiling nagniningning kahit unti-unting nauubos ang liwanag.
Romance
976 viewsOngoing
Read
Add to library
Wild Flowers (Tagalog)

Wild Flowers (Tagalog)

Taglish story. Si Marisse Dela Fuente ay naninirahan sa probinsya kasama ang kanyang pamilya. mahal na mahal sya ng lahat dahil sa angking kagandahan at kabaitan kaya naman ay inggit na inggit sa kaniya ang kanyang nakatatandang kapatid na si Vanessa. Dahil rito, nagawang agawin ni Vanessa ang nobyo ni Marisse, pinahirapan nito si Marisse na maging miserable ang buhay. Nakipagsabwatan sya sa mga taong may balak na masama kay Marisse para sa pera. Sa pagkawala ni Marisse, ilang taon ang lumipas ay may babaeng mayaman na basta na lamang nakilala. Siya si Ivy. Ngunit, may kinalaman ba itong taong ito kay Marisse? sino nga ba siya?
Romance
1016.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Laking probinsya si Lylia, isang simpleng dalagang maagang naulila sa mga magulang, at naiwan kasama ang kapatid niyang may malubhang karamdaman. Life was never easy for her. Bata pa lang, natutunan na niyang tumayo sa sariling paa. Dahil sa kahirapan, kinailangan niyang dumiskarte araw-araw para sa kapatid at sa kanilang pangkabuhayan. Kaya kahit maliit lang ang puhunan, pinilit niyang magpatayo ng karinderya malapit sa sabungan, umaasang doon sila babangon. Pero isang araw, gumuho ang mundo niya nang madiskubre niyang si Raze, ang kapitan ng barangay, ang pinagkakautangan pala ng mga yumaong magulang niya. At sa desperasyon, tinanggap niya ang alok nitong deal, isang kasunduan na magpapabago sa buong buhay niya. Ang kondisyon? Kailangan niyang pakasalan si Raze bilang kabayaran sa kalahati ng utang nila. Kapalit nito, hindi na ipapa-demolish ng kapitan ang kanilang bahay at karinderya, ang tanging pinagkukunan nila ng kabuhayan. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, may isa pang bahagi ng kasunduan, bukod sa pagiging asawa, maninilbihan din si Lylia bilang kasambahay sa bahay ni Raze, hanggang sa mabayaran niya ang natitirang utang. Samantala, kilalang kuripot at istriktong kapitan sa Barangay Abueña si Raze. He’s a man of rules, walang proyekto ang maaprubahan nang hindi dumadaan sa kanya. But unknown to everyone, he’s actually a secret billionaire, the owner of several airlines, hotels, and luxury resorts in the country that only cater to those with royal blood. At nang bumalik siya sa bayan, sa sabungan niya unang nasilayan ang babaeng dati’y sa larawan lang niya nakikita, si Lylia, ang anak ng mga may utang sa kanya. Doon nabuo ang kanyang mapanganib na plano, gawing asawa ang babae, kahit sa simula’y parte lang ito ng kanyang laro. Posible kayang mauwi sa totohanan ang kanilang kasal, o isa sa kanila ang tuluyang madudurôg at uuwing luhaan?
Romance
10134.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Fated to Marry the Devil [Tagalog]

Fated to Marry the Devil [Tagalog]

"Charm, get ready may susundo na dito maya-maya lang.""Get ready your face Kuya. Itatago ko to… hahaha.""Charm?""Huh?""This is serious matter. Ikakasal ka na.""Kuya, may nagsabi na ba sayo na ang pangit mo kapag naka-seryoso mukha mo?""Charm!" hala galit na ang kapatid my labs ko."Ikakasal ka sa kanya. Sa ayaw o gusto mo." Nagseryoso na rin ako. Pero natawa."Is this a game Kuya?"
Romance
9.996.5K viewsCompleted
Show Reviews (18)
Read
Add to library
Zelanie Besmanos Agustin
pano kmi magbibigay ng magandang ratings kung bitin ang kwento gusto nyong makakuha ng magandang feedback wag nyo bitinin ang mga readers nyo gumagastos kami eh di nmn lbre ang story nyo tapos bandang huli di nmn pala tapos kung alam ko lang bumili nlng sana kong novels sa bookstore
Precious Ong
sobrang ganda ng stories mo author sulit ung pag babasa k sobrang ganda kahit naba maikli lang kada page ng kwento mo ok lang sulit n sulit Ang pag babasa k nalungkot lang Ako natapos ung kwento nila sana Wala nalng katapusan ha ha. next n binabasa k timing dangerous ceo n gawa mo din author
Read All Reviews
PREV
1
...
2223242526
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status