Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I am your Legal Wife

I am your Legal Wife

Dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama at pagkakalubog sa utang, napilitang magtrabaho si Nathalie sa bahay ng kanyang Tiyo Antonio bilang isang kasambahay, at ang kanyang ama naman bilang isang hardinero upang mabayaran ang lahat ng ginastos ng mga ito sa hospital. Sa ikalawang pagkakataon na inatake sa puso ang kanyang ama ay kinailangan na nito ng heart bypass surgery, kaya nama nanghiram ulit siya sa mayaman na asawa ng kanyang tiyuhin ng pera na si Daphne, ngunit iba na ang hiniling na bayad nito. Iyon ay ang pagpapalit niya ng mukha at gayahin ang mukha ng kanyang pinsan. Ito ay sa kadahilanang nais nang mapapangasawa ni Andrea na si Caleb Lopez na masiguradong malinis ito bago sila ikasal. Hiniling ng bilyonaryo na may mangyari muna sa kanila bago ang kasal. At dahil marami nang nagdaang lalake sa buhay ni Andrea, siguradong tatanggi si Caleb na pakasalan siya kapag nalaman na Hindi na ito malinis. Wala nang nagawa si Nathalie nang isang gabi ay bigla na lamang may sumira sa kanyang mukha kaya naman napilitan siyang sumailalim sa plastic surgery upang maging kamukha ng kanyang pinsan na si Andrea. Papayag ba siyang makipagniig sa lalakeng nakatakdang pakasalan ng kanyang pinsan? Paano kung siya ang alukin nito ng kasal at hindi ang tunay nitong kasintahan? Bilang paghihiganti sa mga nanakit sa kanila ng kanyang ama, pumayag siyang magpakasal sa bilyonaryong si Caleb Lopez.
Romance
1011.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Pinagtaksilan at Ikinasal

Pinagtaksilan at Ikinasal

Noong tinanong ako ng aking ama kung sino ang gusto ko pakasalan para sa kapakanan ng alyansa ng aming pamilya, iba ang pinili ko sa buhay na ito. Hindi ko na pinili si Leonardo Vittorio. Sa halip, pinili ko ang nakatatanda niyang kapatid, si Ivan Vittorio. Mukhang naguluhan ang ama ko. Alam nga naman ng lahat sa Chicago na lumaki kami ng magkasama ni Leonardo. Sampung taon ko siyang hinahabol. Bilang nakatatandang anak na babae ng pamilya Lucien, matagal ng nakaukit ang pangalan ko sa tabi ng kanyang pangalan para sa listahan ng mga arranged marriage. Naniniwala na ang pagsasama namin ay nakatadhana. Habang inaalala ang nakaraan kong buhay, pinilit ko ngumiti ng mapait. Dati, pinakasalan ko si Leonardo tulad ng matagal ko ng hinihiling. Pero makalipas ang aming kasal, hindi niya ako ginalaw kahit isang beses. Ang akala ko may sakit siyang hindi niya masabi at nagpakahirap ako na pagtakpan siya. Sa ika-anim na anibersaryo ng aming kasal ko nalaman ng buksan ko ng hindi inaasahan ang kahadeyero niya. Sa loob, may maayos na litrato niya kasama ang ampon na babae na nagmakaawa ako sa ama ko na ampunin. Sa mga litratong iyon, may dalawang taong gulang na batang lalaki din–ang anak nila. Masaya silang pamilya ng tatlo. Doon ko napagtanto sa mga oras na iyon. Hindi sa may sakit siya. Hindi niya inisip na asawa niya ako. Para mapalayas ako, nagplano sila ng ampon kong kapatid para ako’y patayin. Ngayon at nabigyan ako ng ikalawang pagkakataon, pinili ko na ibigay sa kanila ang blessing ko. Pero noong naglakad ako sa simbahan suot ang aking wedding dress, habang nakapatong ang braso ko sa braso ni Ivan, pumasok si Leonardo bigla ng may dalang baril. Mukha siyang baliw at wala sa kontrol. “Madeline!” Paos ang boses niya at halos maputol. “Ang lakas ng loob mo?”
Short Story · Mafia
1.7K viewsCompleted
Read
Add to library
My Housemate is a Playboy Billionaire

My Housemate is a Playboy Billionaire

Jaybee
Hindi naging maganda ang una at ikalawang pagtatagpo ni Armelle at Hanz. Lalo na ng nalaman nila na pareho silang titira sa iisang bubong. Ngunit hindi akalain ni Armelle na si Hanz ang masasandalan niya sa panahong bigo siya sa pag-ibig. Dumating pa sa punto na nagpanggap ito na boyfriend niya sa harap ng ex-boyfriend niya. Naging maayos ang samahan nilang dalawa at para niyang naging kuya si Hanz. Hanggang sa nagising na lang siya isang araw ay may nararamdaman na siya para sa binata. Inilihim niya ang kanyang pag tangi para hindi magbago ang pakikitungo nito sa kanya. Isa pa, kilala itong playboy. Ayaw rin niyang mapabilang sa mga naging babae nito kahit imposibleng mangyari iyon dahil parang nakababatang kapatid ang turing nito sa kanya. Ngunit hindi inaasahang panauhin ang magpapabilis sa pag-alis niya. Sinabi ng babae na malapit na itong ikasal kay Hanz. Para hindi siya makasira ng relasyon ay umalis siya ng walang paalam. Makalipas ang tatlong taon ay muling nagtagpo ang kanilang landas dahil siya ang magiging bagong sekretarya nito. Akala ni Armelle ay naibaon na niya sa limot ang nararamdaman niya para kay Hanz ngunit nakaramdam siya ng lungkot ng makita niya na kausap ng binata ang babaeng nakaharap niya tatlong taon na ang nakalipas. May pag-asa pa kaya na bumalik sa dati ang samahan nila kung sa araw-araw na pagkikita nila ay malamig na ang pakikitungo nito sa kanya? Hanggang kailan niya ililihim ang tunay na damdamin para sa binata gayong habang lumilipas ang mga araw na kasama niya ito ay mas lalo lamang lumalalim ang pagmamahal niya para rito?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Framed the Prince to be My Baby Daddy

Framed the Prince to be My Baby Daddy

aiwrites
Gumuho ang mundo ni Aldrick Laureus nang piliin ng babae na pinakamamahal niya ang kan'yang kapatid sa ina. Sa ikalawang pagkakataon ay iniwan siya na lugmok at luhaan ng prinsesa na inalayan niya ng buong mundo niya. Nagpasiya siya na tuluyan nang lumayo at kalimutan ang nakaraan nila ngunit dahil sa isang pakiusap ay mapipilitan siya na muling harapin ang pait ng kahapon na ayaw na sana niyang balikan pa. Isang misyon ang ipinakiusap sa kan'ya: hanapin ang prinsesa na naglayas upang takasan ang isang arranged marriage. Sounds familiar, right? Russia Mercado has been living a good life, but that is until she falls stupidly in love with the wrong person. In a blink of an eye, things have not been easy, especially when she decided to run away from home. Napasok siya sa isang magulong sitwasyon dahil lamang sa pagtalikod niya sa sariling pamilya niya at pagpili sa maling tao. She made the biggest mistake of her life, and now she is paying all the consequences of her actions. She needs to reclaim her life and her freedom, and for her to do that, she needs to complete one mission. Isang misyon na maglalapit sa kan'ya sa isang bagay na pilit na niya na tinatakasan: ang salitang pagmamahal. Pag-ibig ang sumira sa kan'ya, ngunit pag-ibig din kaya ang muling bubuo sa pagkatao niya? Can she frame the prince to be her baby daddy and still find love in the end? Love comes in the most unexpected way at the most uncertain times. Dalawang taong galit sa salitang pag-ibig at hindi na naniniwala sa salitang pagmamahal ang pagtatagpuin ng tadhana upang guluhin ang kanilang paninindigan. Pagmamahal na isinumpa o pagmamahalan na aabot hanggang sa sumpaan? Handa na nga ba sila na muli na sumugal sa magulong mundo ng pag-ibig?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Oceania Verity
Sa ikalawang taon ng kanyang kasal, natuklasan ni Isabel na siya ay nagdadalang-tao. Labis ang kanyang tuwa, umaasa na ang kanilang magiging anak ang magpapatibay sa kanilang marupok na relasyon ni Allen, ang kanyang asawa. Ngunit sa likod ng kanyang kaligayahan ay may takot—alam niyang ang puso ni Allen ay para kay Victoria, ang babaeng hindi niya kayang kalimutan. Sa kabila nito, umaasa si Isabel na magbabago ang lahat dahil sa kanilang anak. Ngunit naglaho ang kanyang pag-asa nang mangyari ang isang malagim na aksidente. Malubhang nasugatan si Isabel at desperadong nakiusap kay Allen na iligtas ang kanilang anak. Subalit, tinalikuran siya ni Allen at pinili si Victoria, iniwan si Isabel sa kanyang sariling kapalaran. Habang lumalayo si Allen, parang pinipiga ang puso ni Isabel sa sakit. Kumalat ang balita sa Laoag tungkol kay Allen Alvarez, isang lalaking lumubog sa matinding pagsisisi. Ang pangalan ni Isabel Fajardo-Alvarez ay naging simbolo ng hindi maipaliwanag na kalungkutan at pighati, at walang sinuman ang naglakas-loob na banggitin ito sa harap ni Allen. Pagkalipas ng ilang taon, nakilala ni Isabel si Luis Mendoza, isang mayamang mamamayan ng Laoag at nag-iisang tagapagmana ng kanilang pamilya. Mabait si Luis at inalagaan si Isabel, tinuring ding parang sariling anak ang bata. Sa paglipas ng panahon, ipinakilala ni Luis si Isabel sa kanilang business partners, kasama ang pamilya nina Allen. Sa gitna ng isang masayang pagtitipon, biglang nagwala si Allen, lumuhod sa harap ni Isabel, ang kanyang mga mata’y pulang-pula at puno ng pighati. "Isabel, comeback to me... I’m begging for your forgiveness" aniya, humihingi ng kapatawaran, umaasang maibabalik pa ang dati nilang pagsasama. Mapatawad kaya siya ni Isabel o mananatili nalang alaala ang kanilang pagsasama?
Romance
10612 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status