Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

last updateHuling Na-update : 2024-09-23
By:  Oceania VerityOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 Mga Ratings. 2 Rebyu
15Mga Kabanata
372views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

Sa ikalawang taon ng kanyang kasal, natuklasan ni Isabel na siya ay nagdadalang-tao. Labis ang kanyang tuwa, umaasa na ang kanilang magiging anak ang magpapatibay sa kanilang marupok na relasyon ni Allen, ang kanyang asawa. Ngunit sa likod ng kanyang kaligayahan ay may takot—alam niyang ang puso ni Allen ay para kay Victoria, ang babaeng hindi niya kayang kalimutan. Sa kabila nito, umaasa si Isabel na magbabago ang lahat dahil sa kanilang anak. Ngunit naglaho ang kanyang pag-asa nang mangyari ang isang malagim na aksidente. Malubhang nasugatan si Isabel at desperadong nakiusap kay Allen na iligtas ang kanilang anak. Subalit, tinalikuran siya ni Allen at pinili si Victoria, iniwan si Isabel sa kanyang sariling kapalaran. Habang lumalayo si Allen, parang pinipiga ang puso ni Isabel sa sakit. Kumalat ang balita sa Laoag tungkol kay Allen Alvarez, isang lalaking lumubog sa matinding pagsisisi. Ang pangalan ni Isabel Fajardo-Alvarez ay naging simbolo ng hindi maipaliwanag na kalungkutan at pighati, at walang sinuman ang naglakas-loob na banggitin ito sa harap ni Allen. Pagkalipas ng ilang taon, nakilala ni Isabel si Luis Mendoza, isang mayamang mamamayan ng Laoag at nag-iisang tagapagmana ng kanilang pamilya. Mabait si Luis at inalagaan si Isabel, tinuring ding parang sariling anak ang bata. Sa paglipas ng panahon, ipinakilala ni Luis si Isabel sa kanilang business partners, kasama ang pamilya nina Allen. Sa gitna ng isang masayang pagtitipon, biglang nagwala si Allen, lumuhod sa harap ni Isabel, ang kanyang mga mata’y pulang-pula at puno ng pighati. "Isabel, comeback to me... I’m begging for your forgiveness" aniya, humihingi ng kapatawaran, umaasang maibabalik pa ang dati nilang pagsasama. Mapatawad kaya siya ni Isabel o mananatili nalang alaala ang kanilang pagsasama?

view more

Kabanata 1

Kabanata 001

“Congratulation, Mrs. Alvarez, you are pregnant!” 

Nakahiga sa kama si Isabel. Paulit-ulit na naririnig niya sa isip ang mga sinabi ng doktor kaninang hapon. Halos limang linggo na siyang nagdadalang-tao. Nakagugulat ang balita dahil maingat naman sila palagi. Pero heto na nga siya, buntis. 

Naputol lamang ang kanyang pagiisip nang kalabitin siya ni Allen, ang kanyang asawa. May bahid na pag-alala ang mukha nito habang tinitignan siya, tila ba may sinisigurado. 

“What are you thinking?” Tanong nito. 

Hindi makapagsalita si Isabel at natutok lamang siya sa nakakaakit na mga mata nito. Parang mga bituin na naglalaro ng mga kislap sa langit, ang mga kulay ay nakakakalunod, nagdudulot ng lalim na pagkaka-akit na halos hindi niya maialis ang paningin.

Hindi niya nagawang makasagot dahil hinawak ni Allen ang likod ng kanyang ulo at mariing hinalikan ang kanyang noo. Ang halik ay mariin, parang sinusubukang ayusin ang naguguluhan niyang isipan. Walang kapantay ang presensya na hatid ng kanyang asawa, parang ang bawat sandali ng kanyang pag-iral ay nagpapatahimik sa kabuuan ng kanyang pagkatao.

Matapos ang ilang sandali, humiwalay ito, hindi maipinta ang mukha, at nagtungo sa banyo. Ang tunog ng umaagos na tubig ang pumuno sa katahimikan ng silid, habang ang isip ni Isabel ay patuloy na nag-aalala. Nakahiga siyang nanghihina, basa ang gilid ng kanyang noo, at tila lumulutang ang kanyang mga mata sa kalituhan. 

Huminga siya nang malalim at kumuha ng papel mula sa drawer. Inilabas niya ang resulta ng pregnancy test. Pumunta siya sa ospital kaninang hapon dahil sa pananakit ng tiyan, at doon niya nalaman na siya ay buntis. Nakagugulat, hindi niya inaasahan. Pilit niyang binalikan ang mga pangyayari noong nakaraang buwan, at naalala niya nang ihatid siya ni Allen pauwi matapos ang isang cocktail party. 

Sa harap ng kanilang bahay, habang nasa pintuan sila, biglang nagtanong si Allen kung ligtas ba ito. Ang ibig niyang malaman ay kung ang oras ng kanilang pagniniig ay nasa tinatawag na "safe period," ang mga araw na sinasabing mababa ang chance na mabuntis. 

Ngunit napagtanto ni Isabel na hindi pala ganun katiyak ang "safe period." Kahit na sinunod nila ang mga patakaran ng kalendaryo, hindi pa rin nila matitiyak na hindi magreresulta ito sa pagbubuntis. Sa kabila ng kanilang pag-iingat, nabuntis pa rin si Isabel, na nagdulot sa kanya ng pagkabigla at pag-aalala. 

Patuloy pa rin ang tunog ng tubig mula sa banyo, kung saan naliligo ang kanyang asawa, na siya ring kanyang boss at ang presidente ng Alvarez Incorporated. Dalawang taon na silang kasal, pero patago ang kanilang pagsasama, bunga ng isang aksidenteng dulot ng kalasingan na humantong sa kanila sa isang gabing magkasama. Nang magkasakit ang lolo ni Allen, nag propose ito ng isang pekeng kasal para matupad ang hiling ng kanyang lolo na makita siyang nagtataguyod ng pamilya. Pumirma sila ng prenuptial agreement, at itinago ang kanilang kasal sa opisina, na may kasunduang maaari itong tapusin anumang oras. 

Parang napakalaking biyaya ang bumagsak kay Isabel. Hindi niya inakala na mapapakasalan niya ang lalaking lihim niyang minahal ng walong taon, kaya agad siyang pumayag sa kasunduan.

Mula nang sila'y ikasal, sobrang abala si Allen, madalas wala sa loob ng halos isang buwan. Ngunit kahit ganon, sa loob ng dalawang taon, walang ibang babae sa buhay niya, wala siyang nabalitaan. Maliban sa malamig na pakikitungo ni Allen ay perpekto ang kanyang asawa. 

Muli niyang tiningnan ang resulta ng pregnancy test a kanyang kamay, may halong tamis at pangamba. Nagpasya siyang sabihin ito kay Allen, pati na rin ang matagal na niyang nararamdaman para dito. Biglang huminto ang tunog ng tubig mula sa banyo.

Tumunog ang telepono ni Allen, kaya't lumabas ito mula sa banyo na nakatapis lang, at sinagot ang tawag sa terrace. Tiningnan ni Isabel ang oras at napagtanto na lagpas hatinggabi na. May kung anong kaba ang bumalot sa kanya. 

Sino kaya ang tatawag nang ganito ka-late?

Nang matapos ang tawag, bumalik si Allen sa loob ng silid. Agad nitong hinubad ang tuwalya at nagsimulang magbihis. Napakaganda ng katawan nito, six pack abs, malalakas na braso, at para bang isa siyang imahe ng isang perkpektong lalaki. Kahit na nakita na niya ito nang maraming beses, namula pa rin ang kanyang pisngi at bumilis ang tibok ng kanyang puso. 

 "Matulog ka na," sabi nito, malamig ang boses, habang tinatali ang kanyang neck tie. Walang makikitang emosyon sa mukha ni Allen, blanko lamang ito at tila walang pakialam.

Nakaramdam ng kaunting pagkadismaya si Isabel. Lalabas na naman ba siya? Nag-alangan siya, hawak pa rin ang resulta ng pregnancy test. 

"Gabing-gabi na." Ani ni Isabel, hindi na niya napigilang magsalita. 

Saglit na tumigil si Allen, bago ito lumapit at pinisil ang kanyang tenga, isang bihirang pagpapakita ng lambing. 

"Sleep tight tonight" Bahagya itong nakangiti.

Namula ang mukha ni Isabel, bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ngunit baago pa siya makapagsalita, binitiwan na siya ni Allen. 

"Magpahinga ka na, may kailangan pa akong gawin. Huwag mo na akong hintayin." Mabilis niyang sabi at akmang lalabas na ito ng silid.

"A-Allen” Pag-aalinlangan na tawag ni Isabel, pigil ang boses ngunit napahinto nito ang asawa. 

Napalingon si Allen, nagtataka ang mukha at matalim ang tingin.

"May problema ba?" tanong nito, malamig ang boses na tila nagdulot ng kaunting lamig sa silid.

Nakaramdam ng bigat sa dibdib si Isabel, pilit na inipon ang lakas ng loob para magsalita. Hindi niya malaman kung magtatanong ba siya or sasabihin niya ang katotohanan. Huminga siya ng malalim, kumukuha ng lakas ng loob.

"S-saan ka pupunta?" Tanong niya.

Hindi mapigilan ni Isabel na magtanong. Kakauwi lang din kasi ni Allen mula sa tatlong araw na business trip at ngayon ay aalis na naman ito. Lagpas hating gabi na, wala na naman sigurong opisina sa ganitong oras.

"Importante lang" mabilis na sagot ni Allen, walang kasiguraduhan. 

“Hindi ba maaring ipagpabukas?” Nagbabakasaling tanong niya. Nami-miss na niya ang asawa at gusto niya itong makatabi ngayong gabi. 

“I need to go” Sagot ni Allen pagkatapos ng isang buntong hininga, at agad nang umalis.

Nang maiwan siyang mag-isa, hindi siya makatulog. Kinakabahan siya at balisa ang isip. Napagdesisyonan niyang bumangon para uminom ng gatas. Habang iniinom ito, napansin niya ang isang notification ng balita sa kanyang telepono. 

Wala siyang interes sa mga balitang showbiz, ngunit may pamilyar na pangalan na bumungad sa dito. Sa sobrang pagka-usisa, pinindot niya ito. 

Habang nagloload ang pahina, lalong bumilis ang tibok ng puso ni  Isabel. Naningkit ang kanyang mata sa imaheng nakita, isang babae na nakapulopot ang braso sa lalaking nakaitim na polo. Nasa airport sila at parang kakarating lang ng babae galing sa ibang bansa. 

Kung titignan mo sila, para silang magkasintahan na nagkita muli sa haba ng panahon. Inaalalayan ito ng lalaki at dala ang kanyang maleta gamit ang isang kamay. Kumonot ang noo ni Isabel nang dahan-dahang niyang makilala ang ginoo. 

Nanlamig ang buo niyang katawan sa nakita. Kilala niya ang lalaking nandon, kahit nakatalikod at tila hindi ganon kalinaw ang imahe nito. Hindi siya maaring magkamali.

“A-allen……” Sambit ni Isabel habang ang puso ay unti-unting nadudurog. 

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

default avatar
Oceania Verity
Let’s read it together!
2024-09-19 12:56:44
0
user avatar
Mairisian
Support 🫰
2024-09-16 01:13:04
1
15 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status