Memories Of Yesterday
Bloodrose
Walang hindi nakakakilala kay Lola Castillon sa bayan nila maliban sa katotohanang siya ang unica hija ni Don Mattias Castillon, ang nagmamay-ari ng Hacienda El Abra. Hindi iilang mga tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit siya o inagrabiyado.
Ngunit nang makilala niya si Nathaniel Montelibano, isang opisyal ng Philippine Army na nadestino sa bayan nila ay nagbago ang mga layunin niya sa buhay. Si Nathaniel ang tanging lalaking hindi niya napayuko; hindi natinag sa kanyang presensya. Wala itong pakialam kahit anak pa siya ng Presidente ng Pilipinas.
Ngunit pursigido siyang bihagin ang puso nito sa anumang paraan. At sa bawat pagtatagpo nila ay itinataboy siya nito palayo ngunit hindi nito alam na lalo lamang siyang ginagahan na lumapit dito. Sisibol ba ang pag-ibig kung sa umpisa pa lang ay wala na itong kahihinatnan?