When Love Touch My Husband's Cold-Heart; Wanting Me Back
Pinagpantasyahan ni Atasha si Magnus ng matagal na panahon at ng nagkaroon siya ng pagkakataong makalapit dito ay doon naman nangyari ang isang gabing pagkalimot dahil sa kalasingan.
At nagbunga ang isang gabing iyong ng isang batang babae na kinagiliwan ng pamilya ni Magnus, na naging dahilan para matupad ang pangarap ni Atasha na maging asawa ng isang Magnus Alvaro.
Ngunit iyon din ang naging dahilan para kamuhian siya nito. Mas lalo itong nanlamig sa kanya, at pinakasalan lang siya nito dahil sa kanyang dinadala. At sa kasunduan nila ni Magnus na kapag naipanganak na niya ang kanilang anak ay mapapawalang bisa na ng tuluyan ang kanilang kasal.
At sa siyam na buwan na pananatili ni Atasha sa piling ni Magnus bilang asawa nito ay doon siya unti-uting nagising na walang patutunguhan ang pagmamahal niya dito kung patuloy lang siya nitong pinapakitaan ng kalamigan.
At ng muling banggitin ni Magnus ang paghihiwalay nila ay hindi na siya nagdalawang isip sa pagpayag. Wala na rin naman siyang panghahawakan, at gusto na rin niyang buuin ang kanyang sarili na matagal niyang tinalikuran dahil sa pagmamahal niya kay Magnus.
Kailangan niyang lumayo, para tuluyang makalimot sa pasakit na pinaramdam nito sa kanya. Ngunit bakit kung kailan gusto na niyang magbagong buhay at tuluyang kalimutan ito ay doon naman siya ayaw pakawalan ni Magnus. At lagi nitong iginigiit sa kanya na kailangan siya ng kanilang anak kaya hindi siya dapat umalis sa piling nito.