Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
OPPOSITE: We Are Enemy

OPPOSITE: We Are Enemy

RJhearl's Words
Up and Down. "We're different." Right and Left. "Go, run and hide." Love and Hate. "This is unfair." Kill and Spare. "I cannot do it anymore." Totally opposite, is there a chance to make it together?
7.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
1015.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I'm His Personal Maid

I'm His Personal Maid

Isang simpleng probinsyana lamang si Anna Marie Castillo, namumuhay sa isang simpleng lugar, simpleng probinsiya. Pero kahit ganoon, masaya siya sa buhay na mayroon siya kasama ang kaniyang pamilya. Mahirap lang sila at trabahador lang ng pamilya Bautista ang kanyang ama, samantalang ang kanyang ina naman ay nag-e-extra lamang. Ang tahimik niyang buhay sa probinsiya ay magugulo sa pagdating ng anak ng mga Bautista na si Kevyn, isang mayabang at antipatikong lalaki. Ano kaya ang kahihinatnan nila kung sa unang pagtatagpo pa lang nila ay hindi na naging maganda iyon? Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang siya ang magbabantay sa binata habang nasa probinsya ito? Babalik pa kaya ang katahimikan niya sa probinsiya o lalo lang iyong gugulo?
Romance
1014.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)

Accidentally Married to a Playboy (Playboy Series #2)

Isang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra at kailanman hindi niya hiniling na maging asawa. At para makuha ang inaasam nitong mana, nakiusap siya sa babae na magkunwari silang masayang mag-asawa. Kasabay ng pagpapanggap nila ay kanila ring inaasikaso ang pagsasawalang bisa ng kanilang kasal. Pero sa kasamaang palad, unti-unting mahuhulog ang loob nila sa isa't isa. Alin kaya ang matutuloy, ang kanila kayang annulment o ang pag-iibigan nilang dalawa.
YA/TEEN
14.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Probinsyana and the Heartless CEO

The Probinsyana and the Heartless CEO

Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang kapatid na may sakit at para sa pag-aaral ng mga nakababata pa niyang kapatid. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalake na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky
Romance
9.314.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mafia Boss Trapped

Mafia Boss Trapped

Beatrice De Guzman lahat nasa kanya na magandang mukha, magandang career, magandang buhay. Lahat na na yata ng maganda binigay na sa kanya. Ngunit hindi aakalain ng lahat wala siyang love life. Gustuhin man niyang magkaroon kahit isang beses lang ay imposible pa. Dahil isang lalaki ang nag-iisang napupusuan niya. Walang iba kung 'di si Rudny Aragon ang bestfriend ng Kuya Novice niya na ubod ng sungit, yabang at playboy. Pero ibang klase rin maglaro ang tadhana, mukhang pagbibigiyan pa siya sa pagka-gusto niya rito. Bibigay ba siya o pananatilihin niyang single ang status kung malalaman niya na nabubuhay sa magulong mundo ng mafia ang lalaking kinababaliwan niya.
Romance
1014.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Payak na pamumuhay ang mayroon si Xariel Cassandra Fumidor kasama ng kaniyang mga anak. Ngunit isang dukha lamang siya at hirap na kumakayod sa pamumuhay upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Rumaraket ito ngunit hindi pa rin iyon sapat. Kaya naman pinasok nito ang posisyong sekretarya sa Alvarez's Company nang siya ay matanggap doon. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang magiging boss niya ay ang dati nitong asawa na si Nathan Antonio Alvarez. Muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit maibabalik kaya nila ang dating tamis ng kanilang pag-iibigan kung may mga anak na ito habang ang lalaki naman ay engaged na? Muli bang mamahalin ni Nathan ang dati nitong asawa na nilisan siya o mananatili sa piling ng kaniyang kasintahan na siyang nariyan na simula pa noong mga panahong nasasaktan siya?
Romance
1014.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702). Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. "Hintayin ninyo ang muling pagbangon ng mga itim na siyang tuluyang tutuldok sa inyong lahi." -lalaking nakaitim
Fantasy
107.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Maid, My Love (Filipino)

My Maid, My Love (Filipino)

Gustong makatulong ni Shaina sa pamilya niya kaya ay nagdesisyon siya na sumama sa Tita Delia niya sa Maynila para magtrabaho doon bilang isang kasambahay. Akala niya ay magkasama silang dalawa ng Tita Delia niya sa isang mansion ngunit hindi naman pala. Doon siya sa kalapit na mansion na pagmamay-ari ni Jacob Lopez na ulilang lubos na. Isa siyang bilyonaryo. Guwapo siya. Malaki ang pangangatawan. Hot na tingnan at kahit sinong babae ay magkakagusto kaagad ngunit walang gustong maging katulong niya dahil sa ugali nito na hindi kanais-nais. Ang huling naging katulong nito ay bali-balitang nabuntis nito kaya ay bigla na lang na umalis. Unang kita pa lang ni Shaina kay Jacob ay aminado siya sa sarili niya na gusto niya ito. Ano'ng gagawin ni Shaina sa nararamdaman niya para kay Jacob? Saan kaya siya dadalhin ng pagmamahal na 'yon para kay Jacob? Mahalin rin kaya siya ni Jacob o baka magaya lang siya sa mga babaeng naging panandaliang kaligayahan lang nito?
Romance
814.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Mafia' Seeds Thief

The Mafia' Seeds Thief

Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na si Lucky; marami na siyang naipon na pera at may sariling bahay. Ito rin ang paulit-ulit na hinihiling ng kanyang mga magulang. Isa lang ang problema ni Lucky: dumaranas siya ng genophobia, isang mental health disorder na nailalarawan sa pamamagitan ng takot sa sekswal na intimacy. Walang ibang nakakaalam sa kalagayan niya bukod sa matalik niyang kaibigan na si Genesis. Maging ang sariling pamilya ay walang kamalay-malay dahil natatakot siyang kutyain ng iba ang kanyang kalagayan; kaya, hindi solusyon ang pag-ampon sa kanyang pagnanais na magkaroon ng anak. Isang opsyon lang ang maiisip niya: IUI, isang medikal na pamamaraan kung saan direktang itinatanim ang sp*rm ng isang lalaking donor sa matris ng babae. Sinabi ni Lucky kay Genesis ang tungkol sa kanyang plano, at sinuportahan siya ng kanyang matalik na kaibigan; gayunpaman, nang sabihin niya na gusto niyang si Genesis ang kanyang sp*rm donor, tumanggi ang lalaki, na sinasabing ayaw niyang managot sa sinumang babae, lalo na kay Lucky. May paraan na, pero hindi inasahan ni Lucky na mahihirapan siyang kumbinsihin ang matalik na kaibigan, kaya naman gumawa ng krimen si Lucky isang gabi matapos makipagtalik si Genesis sa kanyang flavor of the month; ninakaw niya ang ginamit na condom ni Genesis. Magtatagumpay kaya ang insemation ni Lucky? Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Genesis dahil sa makasarili niyang desisyon? Mawawasak ba sila o may bagong pag-ibig ang uusbong sa panahong sinubok ang kanilang pagkakaibigan.
Romance
1014.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3334353637
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status