Wife For Sale
Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng saya sa yakap niya.
Kumalas na ito sa akin, at sinapo ang mukha ko. "Ang ganda mong babae, Tyronia. Hindi na ako magtataka kung bakit nagustohan ka kaagad ng anak ko." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "I mean, nagustohan ka kaagad niya kahit pa kakikilala niyo lang." Natawa naman siya. Napa-ahh naman ako. Akala ko kung ano na. "Anyway, I am Giselle Del Rosario, ang mommy ni Grey." Napatingin naman ako sa lalaking lumapit sa amin at inakbayan ang mommy ni Grey. "This is my husband, Grey's father, Anthony Del Rosario."
"N-Nice meeting you po." Bahagya akong yumuko bilang pagbigay ng galang sa kanila.
인기 회차