Lucky Me! Instant Mommy?
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Joke lang, ito naman. O basta may ipapahiram naman ako sa’yo tapos kung kapos pa rin, gagawa tayo ng paraan. Problema lang ‘yan ‘wag kang patalo."
"G-Grabe namang problema ‘yan hindi lang kami pinadadapa, eh. Inginudngod pa sa lupa," halos ngalngal ko na.
Ang gulo na talaga ng utak ko. Patong-patong naman itong si problema kapag dumating, hindi ba pwedeng isa-isa lang?