تسجيل الدخولSHANGHAI, CHINA
ONE MONTH AGO... Kailangang pumunta nina Calista sa Shanghai, China, kasama ang kuya niyang si Lian at ang bunsong kapatid na si Yichen. Pinatawag sila ng kanilang Lolo Muchen sa father’s side para personal silang makita. Pagdating nila sa marangyang bahay ng pamilya, sinalubong sila ng mapanuring at mahinahong mga mata ng Lolo niya. “Sūnnǚ, zhàogù hǎo zìjǐ."— (Granddaughter, take care of yourself.) wika ni Lolo Muchen, mahinahon pero may halong kabigatan sa tono. " Lǎolao". — (You too, Grandpa.) sagot ni Calista, magalang ngunit may halong kaba sa tinig. Ngumiti si Lolo, tila naiintindihan ang pinagmumulan ng kaba ng apo. Bilang nag-iisang babaeng apo sa pamilya, espesyal si Calista sa puso ng Lolo niya. “Nǐ zhǎng de xiàng nǐ nǎinai, hija." — (You look like your grandmother, daughter.) sabi niya habang pinagmamasdan si Calista nang may pagkamangha at pagmamahal. Napangiti si Calista. Ramdam niya ang init ng alaala ng Lola Carolina nila—pure Filipina—samantalang ang Lolo niya ay pure Chinese. Para bang sa isang iglap, nakita niya sa sariling anyo ang pinaghalong lahi nila at ramdam ang pagmamahal na walang hanggan sa pamilya. “Wèile jiāzú, yǒuxiē shìqíng bìxū qù zuò."— (There are things that must be done for the family.) ani Lolo Muchen, bawat salita may bigat, tila may nakatagong kahulugan sa likod ng mga ito. Napakunot-noo si Calista, ramdam ang tensyon at kabigatan ng pahayag. Ngunit pinili niyang huwag ipakita ang alinlangan o sama ng loob. “Hija…” patuloy ni Lolo, may halong pagkabahala at pang-unawa, “ Xiàng nǐ zhèyàng de sūnnǚ yǒu nénglì zuò chū zhèngquè de juédìng… búyào làngfèi tā." — (A granddaughter like you has the ability to make the right decisions… do not waste it.) Huminga nang malalim si Calista. Ramdam niya ang tingin ng Lolo na tila bumabalot sa kanya—halo ng pagmamahal at responsibilidad. Hindi maalis sa isip niya ang bigat ng pamilya at ang mga inaasahan sa kanya bilang nag-iisang babaeng apo. “Shì de, yéyé. Wǒ huì zuò zhèngquè de shì." — Yes, Grandpa. I will do what is right.) sagot niya, kahit ramdam niya sa sarili na may mga bagay pa siyang hindi naiintindihan. Ngumiti si Lolo muli, at para sa isang sandali, nawala ang kabigatan sa mukha niya. Ngunit sa mga mata ni Calista, ramdam niya na may mga lihim na plano at responsibilidad ang pamilya na paparating—mga bagay na puwedeng magbago ng lahat, hindi lang para sa kanya kundi pati sa kanyang mga kapatid. Si Lian at Yichen ay tahimik lang, ramdam nila ang tensyon ngunit hindi nila masabi kung paano ito haharapin. Si Calista naman ay nakatingin sa bintana, iniisip ang lahat ng maaaring mangyari, at ang damdamin ng kabigatan sa bawat salita ng Lolo—parang naramdaman niya na may misteryosong pwersa sa pamilya na kailangan niyang harapin, kahit hindi pa niya alam kung paano. Habang naglalakad pabalik sa kanilang silid, napatingin si Calista sa mga lumang larawan ng Lola Carolina at Lolo Muchen. Napangiti siya, ngunit may halong lungkot—dahil sa pagmamahal at responsibilidad na dala ng pamilya, ramdam niya na hindi magiging madali ang mga darating na araw. ----- BALCONY NG BAHAY NG LOLO NILA, SHANGHAI, CHINA Nakaharap si Calista sa malawak na tanawin ng Shanghai skyline. Ang liwanag ng gabi ay kumikislap sa ilaw ng lungsod, pero sa dibdib niya, parang may bagyong hindi maipaliwanag. “Kuya, ano kaya ang problema?” tanong ni Calista, halatang nagtataka at medyo kinakabahan. Lumapit si Lian sa kanya, tumingin sa kanya ng diretso, halatang may iniisip na seryoso. “You remember Lixin Wang?” balik-tanong ni Lian, may bahid ng seryosong tono. “Oo naman, bakit?” sagot ni Calista, bahagyang nakataas ang kilay, halatang hindi siya masyadong natuwa sa pangalan. “Naniningil na sila… Dad has an arranged marriage between you and Lixin.” paliwanag ni Lian, halatang naiipit habang sinasabi. Napasinghap si Calista. Ramdam niya agad ang init ng galit at pagkabigla. “Eh, babaero yung kumag na yun!” reklamo niya, halos may halong pang-aalipusta. “Yun na nga… ayaw ni Lolo pero si Daddy diumano ang kausap ng mga Wang.” paliwanag ni Lian, may halong panghihinayang. “Ginigipit nila tayo, Cali.” dagdag niya, ramdam ang bigat ng sitwasyon sa bawat salita. Napasimangot si Calista. Hindi niya gusto si Lixin—mayabang, palalo, at babaero. Pero ang sitwasyon ay mas malaki kaysa sa personal niyang dislike. Nasa stake ang negosyo ng pamilya at ang reputasyon ng Lolo nila. Tumahimik si Calista, hinawakan ang riles ng balcony at tumingin sa malayong ilaw ng lungsod. Ramdam niya ang tensyon sa hangin, at ang bigat ng responsibilidad na pumapaimbulog sa kanyang mga balikat. “We can’t just let them dictate, Kuya.” wika niya, halos bulong sa sarili. “Kailangan natin gumawa ng plano—pero hindi puwedeng malaman ni Lolo.” Tumingin si Lian sa kanya, halatang humanga sa determinasyon niya. “Exactly. Kailangan tayong maging maingat… pero hindi rin puwedeng matakot.” Napatingin si Calista sa sarili niyang reflection sa glass ng balcony—matapang pero nag-aalala. Alam niyang hindi ito biro. Ang bawat galaw nila ay puwedeng magbago ng hinaharap ng pamilya. “Sige, Kuya. Kaya natin ‘to. Pero…” mahina niyang bulong, parang tanong sa hangin, “kung talagang ayaw ko sa kanya, paano kung pilitin nila ako?” Tahimik silang nagtinginan, ramdam ang bigat ng desisyon na unti-unting bumabalot sa kanila. Sa likod ng malamig na hangin ng Shanghai, ramdam nila na may paparating na bagyo—isang laban na hindi lamang sa negosyo, kundi sa puso at dignidad ng bawat isa sa kanila. ----- Lumapit ang bunsong kapatid nilang si Yichen, ang mga mata niya ay punô ng kaba at pagmamalasakit. “Ate Calista, huwag kang pakakasal sa taong hindi mo mahal.” singit nito, halatang seryoso at malambing ang tinig. Napatingin si Calista sa maliit na batang iyon. Ramdam niya ang tibok ng puso ni Yichen, ang inosenteng pag-aalala na alam niyang totoo. “Yichen, huwag kang sumabat… usapan ng matatanda ito.” saway ni Lian, bahagyang nag-aalala pero ramdam ang pagmamalasakit sa kapatid nila. Ngunit ngumiti si Yichen, pinipilit na manatiling matapang. “Hindi naman ganun katanda si Ate.” malambing na saad niya, halatang gusto lang niyang ipakita ang pag-alala at pagmamahal sa ate niya. Napangiti si Calista, hindi mapigilan ang init na kumalat sa dibdib niya. Lumapit siya at niyakap si Yichen nang mahigpit, ramdam ang pagiging malapit sa kapatid na parang siya na lang ang naiwan nilang pamilya. “Shhh… okay lang, Yichen.” mahina niyang bulong habang niyayakap ang maliit na katawan ng kapatid. “Mahal na mahal ko kayo, higit pa sa kahit ano.” Ramdam niya ang init ng kanilang yakap—isang sandali ng katahimikan sa gitna ng mga komplikasyon sa buhay nila. Muling tumingin si Calista sa malawak na tanawin ng Shanghai. Ang ilaw ng lungsod ay kumikislap, parang nagbababala sa kanya: may paparating na pagsubok. Ngunit sa kabila nito, alam niyang hindi siya nag-iisa. “Lolo lang ang meron tayo ngayon, at kayo, mga kapatid ko. Kaya kahit ano pa man ang mangyari… kakayanin natin ‘to.” bulong ni Calista sa sarili, habang hawak ang kamay ni Yichen, at ramdam ang determinasyon na ipaglaban ang sarili niya at ang pamilya. Tahimik silang nagtagpo sa balcony—tatlo, na parang nakatayo sa gitna ng bagyong paparating, pero ramdam ang init ng pagmamahalan na sapat na upang protektahan sila.GREEN BEAN CAFÉMahina ang tugtog sa loob ng Green Bean Café, jazz na halos hindi marinig dahil sa mahinang bulungan ng mga tao. Umuusok pa ang latte ni Calista pero malamig na ang mga kamay niya habang nakaupo sa tapat nina Psyche at Claire.Napansin iyon ni Claire.“Cali, magkuwento ka nga,” ani Claire habang iniikot ang straw sa iced coffee niya.“Ang tahimik mo kanina pa. Hindi ‘yan normal.”“Saan?” maang na tanong ni Calista, pilit na ngumiti, sabay sulyap kay Psyche na para bang humihingi ng tulong.“Ayyy… maang-maangan,” napasimangot si Claire.“Spill it na. Alam mo namang hindi kami titigil.”Huminga nang malalim si Calista. Saglit siyang tumingin sa bintana, sa mga taong dumadaan—parang gusto niyang tumakas kahit sa tingin lang. Nang magsalita siya, mas mababa na ang boses niya.“Yun na nga…” panimula niya.“Before namatay si Daddy, malaki na talaga ang utang namin sa mga Wang.”Napahinto si Psyche sa pag-inom.“Utang?” ulit niya.Tumango si Calista, nanginginig ang daliri ha
WANG RESIDENCE — MANILABumukas pa lang ang pinto ng mansyon ay sumabog na ang galit ni Lixin Wang.“Putang—!”Sinipa niya ang isang marble side table, tumilapon ang dekorasyon at nabasag sa sahig. Walang pakialam ang mga kasambahay—sanay na sila. Kapag ganito ang amo nila, walang dapat lumapit.Kinuha niya ang bote ng mamahaling alak, walang yelo, walang halo. Isang salin sa crystal glass. Isang lagok. Dalawa. Tatlo.Humigpit ang hawak niya sa baso.“Calista…” bulong niya, may halong pagnanasa at galit.“Akala mo ba makakatakas ka?”Dinampot niya ang phone at tinawag ang assistant niya.Pagkasagot pa lang—“Qu ba Calista pengyou de beijing, quanbu cha qingchu.”(Investigate the background of Calista’s friends. Dig up everything.)Ramdam sa boses niya ang kontroladong poot.“Shi, Lixin xiansheng.”(Yes, Mr. Lixin.) magalang na sagot ng assistant.Uminom muli si Lixin, mas madiin.“Ta shenbian de ren tai fangsi le.”(The people around her are getting too bold.)Naglakad siya papunta sa
CHIU GROUP — LIAN’S OFFICEBumukas ang pinto ng opisina nang walang katok.Pumasok si Lixin Wang na parang siya ang may-ari ng buong gusali. Dire-diretso siyang umupo sa silya sa harap ng mesa ni Lian, walang paalam, walang hiya hiya. Ipinatong pa niya ang isang paa sa tuhod, kampanteng-kampante, parang panalo na ang laban.Nanlilisik ang mga mata ni Lian.“What do you want?” malamig niyang tanong, pilit kinokontrol ang galit.Ngumisi si Lixin—isang ngiting nakakaloko, puno ng panunuya. Kinuha niya ang sigarilyo, sinindihan ito, at dahan-dahang bumuga ng usok na tila sinasakal ang buong silid.“Wo hen xiangshou kan zhe ni yi dian yi dian bei nian sui.”(I really enjoyed watching you get crushed little by little.)Napalakas ang tibok ng puso ni Lian. Kumunot ang noo niya, pinipigilan ang sarili na hindi sumabog.“Ni wan de tai zang le, Lixin.”(You played dirty, Lixin.)pigil ang galit niyang sagot.Bahagyang tumawa si Lixin, mababa ngunit nakakainsulto. Tumayo siya at lumapit sa mesa,
BARBARA’S HERITAGE RESTAURANT — MANILAMaingay ang restaurant—tunog ng kubyertos, mahihinang tawanan, halong amoy ng lutong bahay.Pero sa gitna ng lahat ng ’yon, parang hiwalay si Calista sa mundo.Tulala siya, nakatingin sa baso ng tubig sa harap niya na hindi man lang niya ginagalaw.Paulit-ulit sa isip niya ang iisang tanong—Hanggang kailan ko kakayanin ’to?Hindi niya namalayan ang pag-upo ng isang pamilyar na babae sa tapat niya.Pinitik ni Psyche ang kamay sa harap ng mukha niya.“Hello? Earth to Calista.”Walang reaksyon.Pinitik niya ulit—mas malakas.“Cali.”Ilang segundo pa ang lumipas bago kumurap si Calista.“O… andito ka na pala?” matamlay niyang saad, pilit na ngiti ang isinunod.Sumandal si Psyche, pinagkrus ang mga braso.“Okay. That smile? Fake. What’s your problem?”“Wala,” sagot ni Calista sabay iwas ng tingin.Umirap si Psyche.“C’mon, Cali. I know you. Ganyan ka lang kapag may gustong sumabog pero ayaw mong umiyak sa publiko.”Nanahimik si Calista.Huminga siya
MANILA, PHILIPPINES CHIU RESIDENCE, MIDNIGHTCALISTA POVIsinara ko ang pinto ng kwarto ko nang dahan-dahan.Parang takot akong marinig ng mundo kung gaano na ako ka-basag.Pagkasara ng pinto, doon bumigay ang tuhod ko.Napaupo ako sa sahig, yakap ang sarili ko.Ang lamig ng tiles, pero mas malamig ang pakiramdam sa dibdib ko.Ganito ba talaga?Hanggang dito na lang ba ako?Huminga ako nang malalim-pero parang walang hangin na pumapasok."Hindi ko kasalanan 'to..." mahina kong bulong, pero parang ako rin ang hindi naniniwala.Naririnig ko pa rin ang boses ni Lixin sa ulo ko.Marry me. The debts vanish.Parang isang sumpa.Tumawa ako-isang pilit, basag na tawa."Grabe ka," bulong ko sa sarili ko. "Ginawa mo na akong collateral."Tumayo ako at humarap sa salamin.Nandoon ang babaeng mukhang matapang... pero ang mga mata-pagod, galit, takot."Ano bang kasalanan ko?" tanong ko sa repleksyon ko."Dahil babae ako? Dahil mahal ko ang pamilya ko?"Pinunasan ko ang luha ko, pero mas dumami la
PARIS, FRANCE – MARCUS’ OFFICEMainit ang ulo ni Marcus. Ramdam niya mismo ang sariling init ng dugo—hindi niya maipaliwanag kung bakit basta-basta siyang naiinis sa pangalan ni Lixin Wang sa Shanghai.Biglang tumilapon ang mga documents sa hangin, nagkalat sa sahig. Napulasan ang mga empleyado niya. Lahat sila ay takot sa pangalan niyang Romanov. May napagalitan at nahampas ng folder, isang tahimik na babala sa lahat.Pumasok si Dimitri sa eksena, tahimik lang na nanunood bago magsalita.“Quel est le problème ?”(What’s the problem?) tanong niya sa French, may bahid ng pag-aalala.Hiningi ni Marcus ang isang dokumento, pinisil ang folder sa kamay niya, halatang irritated.“C’est une perte de temps de donner de mauvais drafts. Merde !”(It’s a waste of time giving wrong drafts. Bullshit!) sagot niya, matunog at matapang.Huminga si Dimitri, sabay ngiti na may bahid ng biro.“Relax… Est-ce à cause de ce Chinois en Chine ou de la femme que tu as croisée à Shanghai ?”(Relax… Is it becau







