Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
Romance
1019.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
You are my Sunshine

You are my Sunshine

Paano kung isang araw, malaman mo na lang na mawawala ka na pala, hindi ba sobrang sakit noon para sa'yo? Paano kung sa panahon na iyon, hindi mo inaasahang makilala ang lalaking magpapatibok ng puso mo, na biglang magbibigay saya sa buhay mo nang hindi mo alam? Why would God give you someone when all you think is wala na talagang pag-asa ang buhay mo dahil sa maraming kamalasan ang natatanggap mo simula noon pa man?
Romance
10116 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Cold- Hearted Mafia Boss

The Cold- Hearted Mafia Boss

Ace Villadolid- Isang kapita pitagang NBI agent sa panahon niya. Marami na siyang mga malalaking sindikato, drug lord at Mafia boss ang napasuko. Dahil sa angkin niyang galing sa ilang taong serbisyo sa pagiging agent, kinuha siya ng isang big time na negosyante na walang pamilya at ginawa siyang isang private/personal bodyguard nito. Sa pamamalagi niya as a PSG, napag-alaman niya na isa pa lang Mafia Lord ang negosyanteng iyon. Palihim niya itong iniimbistigahan, sa nagdaang panahon nalaman niya na mabuting tao pala ito. Dumating ang araw na nagkasakit ang negosyante at dahil wala nga itong pamilya kaya sa kaniya nito ipinamana ang lahat ng ari-arian niya, pati na rin ang pagiging Mafia Lord nito, ngunit bago pa man namatay ang negosyante, hiningi niya sa'yo na hanapin mo ang nag-iisa niyang anak na babae at ang taga pagmana ng lahat. Paano kung ipagkatiwala sayo ng matanda ang kaniyang katungkulan, tatanggapin mo ba ang obligasyong naka atang sayo? At paano kung nakilala mo na ang babaeng bibihag sa'yong napupukaw na damdamin, mamahalin mo pa kaya ito lalo na kapag nalaman mo ang tunay na lihim nang pagkatao nito..
Mystery/Thriller
1013.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Love on the Chilling Breeze

Love on the Chilling Breeze

Line_Evanss
Bianca Samonte is a famous college instructor in department of nursing. Pinili niyang magturo kaysa ituloy ay propesyon bilang isang nurse dahil sa trahedyang nangyari noon sa kanya. Naging mailap sa lalaki, dahil rito sa edad na bente-nwebe anyos ay tinanggap na niyang tatanda na siya ng dalaga. Ngunit nagkamali siya sa iniisip nang alukin siya ni Mayor Madrigal na maging tutor at personal assistant ng kanyang nag-iisang tagapagmanang anak na si Darius Rhyl Frio Madrigal na nasa ika-apat na taon sa kolehiyo bilang isang civil engineering student. Kararating lamang nito ng bansa at doble ang pag-iingat sa kanya dahil ito ay may amnesia dahil sa kinasangkutan na trahedyo noong bata pa. Marami nang natanggal na personal assistant ni Darius dahil kalaunay nagiging babae niya na ang mga ito at iyon ang labis na ayaw ni Mayor Madrigal. Sa isip ni Bianca na malayong matutulad siya sa mga babaeng iyon dahil malayo ang agwat ng edad nila. 'Di hamak na mas matanda siya ng limang taon kay Darius. Bianca was confident na kaya niyang sanggahin ang lahat kapilyuhan at kalandian ng binata, ngunit kalaunay unti-unti na itong bumibigay sa karisma na hatak ni Darius. Laging may pangamba sa kanyang isip na makakasama ito sa kanyang iniingatang trabaho at imahe sa lipunan. Iniisip din ni Bianca na masyadong malayo ang edad nilang dalawa at maraming tao na huhusga sa kanila. Mapaglaro ang tadhana, na ang kahapong bangungot ni Bianca ay muling bumalik sa pagpasok ni Darius sa kanyang buhay. Na ang lalaking pinaglilingkuran niya ngayon ay siyang bata na kasama niya noon nang mangyari ang isang malagim na trahedya. Paano kung unti-unting mauungkat ang kahapong bangungot na sisira sa kanyang pagkatao at ang nabuong pagmamahalan nila ni Darius? Taktakbo ba siya uli o lalaban na para sa hustisya at pag-ibig?
Romance
904 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back

CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back

“Maximo Guevarra, maghiwalay na tayo,” malamig niyang sabi sa asawa. “At sino naman ang nagbigay sa 'yo ng karapatan na sabihin 'yan, Mrs. Luciana Mendoza-Guevarra? Tandaan mo, akin ka at walang ibang aangkin sa 'yo kaya hindi ako papayag!” **** Si Luciana Mendoza ay dalawang taon ng kasal sa CEO na si Maximo Guevarra. Halos dalawang taon din siyang nagtiis sa malamig nitong pakikitungo sa kanya at paulit-ulit na pinapamukhang pinakasalan lamang siya dahil wala na itong ibang magagawa. Ngunit, hindi iyon nagpatinag sa kanya at pilit na kinukuha ang puso ng asawa hanggang sa napagod na siya lalo na nang magbalik ang dating minahal nito at nagdadalantao sa kanilang anak. Hangad na niyang makipaghiwalay ngunit, nang wakasan na niya ang kanilang relasyon ay bigla naman siyang pinigilan ni Maximo. Laking gulat na lamang niya na biglang nagbago ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Hindi na ito ang dating walang pakialam at ngayon, siya naman ang hinabol-habol nito pagkatapos niya itong sukuan at nang paligiran siya ng maraming lalaki matapos siyang sumikat sa kanyang mga disenyo. Sa pamamagitan ng pagkuha ni Maximo sa kanyang malamig na puso, at walang tigil na pagsuyo, magagawa kaya ni Luciana na magtiwalang muli? O sapat na sa kanya ang dalawang taon na sugat na natamo niya sa mga kamay nito…
Romance
1017.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Unwillingly, I'm Loving You

Unwillingly, I'm Loving You

sweetmarie
Mauveine is a selfless and a brave girl. Gagawin at gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Dumating ang araw na hindi niya inakala. Ikakasal na siya! Ikakasal siya sa lalaking ayaw na ayaw niya. Even though this man is the handsomest of them all, she loathes him down to the core. He was a big bully to her when they were both in high school! Wala na itong ginawang mabuti sa kanya at maging sa mga kaibigan niya. Parati lang kasi siya pagtripan at ginagawan ng kalokohan nito. But when her father wished her to marry him, she’s stuck in between. She knew that he was a jerk, and he would never commit himself into a serious marriage. Dahil alam niyang masasaktan lang siya kagaya ng mga ‘di mabilang na babae na pinaiyak na nito. Pero sa huli ay pinagbigyan niya ito. It’s not just for her father, but for the entire Arellano Empire. Their business was going downhill and there’s nothing they could do unless she marries him. He’s the heir of one of the leading empires in country, after all. Their marriage would play as a seal for the said agreement. Matututunan ba niya itong mahalin ‘pag nagsama sa sila sa iisang bubong? O mas lalo pa nilang kamumuhian ang isat-isa? Lalo na’t maraming sekreto at rebelasyon ang susubok sa pagsasama nila.
YA/TEEN
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Maid and Her Boss

Maid and Her Boss

Para kay Honeylette hindi hadlang ang kahirapan ng buhay para iwan mo ang iyong pamilya. Ngunit nagawa pa rin itong gawin ng kanyang ina. Bata pa lang ay natuto na siyang magbanat ng buto mula nang umalis ang kanyang ina at maiwan siya sa kanyang ama. Naging masama ang naging epekto noon sa kanyang
Romance
1014.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
What You Give Is What I Give

What You Give Is What I Give

Ivy Loud
Likas na kay Julius ang pagiging babaero. Simula nang tumuntong siya ng high school ay kinahiligan niya na ang pagpapalit-palit ng babae.Laro lang sa kanya ang pakikipag-relasyon, not until he met Ezra; the drop dead gorgeous transferee of their department.Mabilis siyang nahumaling sa dalaga, kaya naman pinagsikapan niyang makuha ang loob nito. Masyado itong tahimik at mailap, kaya naman medyo nahirapan siya sa paglapit palang dito. Pero hindi niya ito sinukuan, hanggang sa tuluyan niya nang makuha ang matamis nitong oo.Pero isang paalala ang sinabi nito sa kanya na binilin nitong huwag na huwag kalilimutan..."Kung ano'ng ibigay mo sa 'kin, gano'n rin ang ibibigay ko sa 'yo, Honey; ng higit pa."At sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan ay parang bigla itong nagbigay ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanya.
1016.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Can I be Him?

Can I be Him?

Raeliana
Hindi dahil gusto mo ang isang tao at gagawa ka ng paraan upang magkalapit kayo, magkakaroon ka na ng tsansang maging kayo. Hindi rin porket pinipilit mong maging relevant sa buhay nila, ibig sabihin e mapapansin ka. Minsan, mananatili't mananatili kang nobody sa buhay nila.At ganoon na nga ang naranasan ni Lyle kay Ridge.Sinubukan niyang maging parte ng buhay nito, magbukas ng pinto ng oportunidad para sa kanilang dalawa at umasang may tsansa silang dalawa. Pero sa huli, sa ibang tao pa rin nakatingin si Ridge — iba pa rin ang minahal nito at wala siyang palag doon.Kaya heto siya ngayon sa kalagitnaan ng kawalan. Pinagmamasdan ang binatang kay tagal niyang minahal na sumaya sa piling ng iba. Bubulong na lamang sa hangin at sasabihing sana... sana siya na lang.
LGBTQ+
9.915.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Despised Relationships

Despised Relationships

Mhadz_T.K
Every woman's dream is to have a happy family, a loving husband who treats her like a princess. But no two are exactly alike, because on the other hand not everyone is lucky enough to have it. Brianna is the woman who dreamed about this kind of happy ending. But little did she know, she would experience the paradox of it. She married the man who cheated on her multiple times, hit her whenever he's drunk and doesn't even care about her pregnancy. Why is she staying with this kind of person? Almost an evil. She suffered a lot, because of her love for this man, yet she still chooses him. Will Briana long to this cruelty forever?
Urban
1.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2728293031
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status