CEO's Missing Heir ( Diary of a Prostitute)
Hindi matatanggap ni Tyler ang biglaang pagkamatay ng kapatid niya habang nasa malayo siya, ang guilt at bigat ng kalooban dahil sa isang pagkakamali sa kapatid noon, ay labis na nagpahirap pa sa kanya. Ngunit ang lalong labis na nagpabigat ng saloobin ni Tyler ay ang huling kahilingan ng kapatid bago ito lagutan ng hininga, halos hindi makapaniwala si Tyler na ang ipapakiusap ng kapatid ay ang pakasalan niya at alagaan ang babaeng kalaguyo nito. Paano matatanggap ni Tyler na ang nais ng kapatid niyang pakasalan niya ay bukod sa kabit na nito, ay babaeng bayaran pa. Pero ang kasalanan sa kapatid na halos naging bangongot sa gabi-gabi ni Tyler ang nagtulak sa kanya para mangako sa kapatid. Ipinahanap ni Tyler ang babae para bigyan ng offer ng malaking halaga upang pakasalan pero hihiwalan din matapos lamang ang isang taon. Ngunit sa kanyang pagiimbestiga ay nalaman ni Tyler na ang lahat ng ari- arian ni Theona kanyang kapatid ay isinalin nito sa babaeng kalaguyo, kaya pinagisipan ng hindi maganda ni Tyler ang babae at pinagbintangan na may kinalaman sa pagpapakamatay ng kapatid niya.
Samantala,
Si Erika ay naman handang gawin ang lahat mabuhay lamang si "Dos" lahat ay gagawin niya kahit pa ang ibenta ang kaluluwa.Tahimik na silang namumuhay mag ina. Isang beses man silang kumain sa isang araw ay ayos lang basta ang mahalaga ay magkasama sila at maayos ang anak. Pero hindi akalain ni Erika na guguho ang mundo niya isang araw nang sumulpot ang isang lalaki at nagpakilalang kapatid ng ama ng kanyang anak. "Kung balak nitong kunin ang anak niya ay maghahalo ang balat sa tinalupan. Hindi siya papayag na ilayo sa kanya si "Dos"