Isang maling hakbang. Isang maling gabi. Isang maling desisyon… o baka tamang tao sa maling pagkakataon? Elara has always played it safe—until she crashes into a stranger in the most awkward way possible. Akala niya, worst moment na ‘yon ng buhay niya—hindi pa pala. Because that stranger? Theo. The new hire sa office nila. Mas malala? Anak siya ng boss. Mula sa asaran hanggang sa hindi matapos-tapos na bangayan, they can’t seem to stay away from each other. But one unexpected night changes everything. Kinabukasan, they wake up—walang maalala at walang idea kung ano’ng nangyari. Months later, Elara finds out she’s pregnant. The problem? She doesn’t know who the father is. At nang malaman ng isang importanteng tao ang sitwasyon niya, isang desisyon ang kailangang gawin—one that will tie her and Theo together in a way they never saw coming. Now, they’re stuck in something they don’t understand. But what if the truth has been right in front of them all along? Or will they stay… Cluelessly Yours?
View MoreElara's P.O.V.
Ugh, sa wakas nakaupo na rin ako! Ang sakit na ng paa ko—kanina pa ako paikot-ikot sa Quiapo. Lintek kasi, kung sinamahan na lang sana ako ni Mama, edi sana hindi ako naligaw. Mabilis kong kinuha ang headset sa bag at isinuot sa tenga ko. Hindi pa gano’n kasikip ang tren kaya kahit papaano, nakakahinga pa ako nang maayos. Pero syempre, hindi pwedeng hindi mapuno ‘to. Pagdating sa susunod na istasyon, biglang dagsa ng mga tao. Ang bilis mapuno ng tren, at sa loob lang ng ilang segundo, halos dikit-dikit na ang mga pasahero. Buti na lang talaga nakaupo ako. Sana lang walang matanda, buntis, o PWD na pumasok, dahil kung meron, wala akong choice kundi tumayo. Dahil sa pagod, hindi ko namalayang unti-unti na palang bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Hindi ko alam kung ilang minuto akong out, pero isang biglaang paggalaw ng tren ang gumising sa akin— At sa galing kong ‘to, saktong pag-angat ng mukha ko ang pagliko ng tren. At doon na nangyari ang isang bagay na hinding-hindi ko gugustuhing maulit pa. Dahil imbes na maitulak pabalik sa upuan, nasubsob ako sa harapan ng isang lalaki. Pero ang mas nakakahiya? Diretso ang mukha ko sa tt niya. Nanlaki ang mga mata ko. Parang bumagal ang oras. Napako ako sa kinakaupuan—o sa pagkakasubsob, to be exact. Ramdam ko ang init. Ramdam ko ang matigas at malusog na bagay na ‘yon kahit pa may suot siyang pantalon. Tangina. Agad akong napaatras, halos mapalundag sa sobrang kahihiyan. "Sorry po," bulong kong sabi, hindi magawang tingnan siya sa mata. Mula sa gilid ng paningin ko, nahagip ko ang isang babaeng nakaupo malapit sa akin—halos mapatid na sa kakatawa habang pinipigilan ang sarili. Bwesit. Hindi ko alam kung nagalit ba yung lalaki o napahiya rin, pero isa lang ang alam ko—hindi ko kayang itaas ang mukha ko. At putek, bakit hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ‘yon sa mukha ko?! Malaki. Mainit. Matambok. Napalunok ako at napayuko nang mariin. Oh lupa, kainin mo na ako ngayon din! Hindi na ako gumalaw buong biyahe, nanatili akong nakayuko—hindi dahil sa antok, kundi dahil sa init na nararamdaman ko. Sa mukha ko. At sa ibang parte ng katawan ko na hindi ko dapat maramdaman sa ganitong sitwasyon. Tangina, anong nangyayari sa ‘kin?! At sa kamalas-malasan, same pa kami ng train station na bababaan. Dulot ng matinding kahihiyan, sa next station na lang ako bumaba. Hindi naman gano’n kalayo ang next station sa apartment ko, kaya nilakad ko na lang pagkarating ko ro’n. "Bwiset na buhay ‘to. Nagpapasalamat nga akong nakaupo ako kanina—kahihiyan naman ang pumalit, tapos ngayon naglalakad pa ako! Ang saya." Habol-hininga akong napatukod sa tuhod nang marating ang building ng apartment ko. Agad din akong napaayos ng tayo nang makitang bumukas ang elevator. Mabilis akong humabol, halos maipit na sa pinto. "Wait! Sandali lang po!" Isang kamay ang mabilis na pumigil sa pagsara ng pinto. Agad akong pumasok, bahagyang hingal, saka tumingin sa taong nag-hold ng button—isang lalaking naka-black na long-sleeve, may suot pang wristwatch na mukhang sobrang mahal. Matangkad siya, broad shoulders, at mukhang business-type pero medyo mysterious type ang dating. "Thank you po," mahina kong sabi bago pinindot ang 16th floor. Tahimik sa loob. Ilang saglit lang, doon ko lang naamoy ang pabango niya—hindi overpowering, pero sobrang masculine at nakakapanindig-balahibo. May halong sandalwood? Vanilla? Hindi ko alam, pero isa lang ang sigurado ko—nakakagigil ang amoy niya. Napalunok ako. Huminga ako ng malalim, pilit na hindi pinapansin ang kakaibang epekto niya sa akin. Pero putek, ang sikip na ng elevator at biglang dagsa ang tao pagdating sa 10th floor. Hindi ko napigilang mapaatras nang biglang may lumusot na isang grupo ng pasahero. Dahil sa pagsisiksikan, tuluyan akong napasandal sa dibdib niya. Mainit. Ramdam ko ang tibay ng katawan niya sa likuran ko, at sa sobrang lapit namin, parang may sariling isip ang katawan ko—mas lalo akong naging aware sa presensya niya. Ang tigas ng dibdib niya. Ang lapad ng balikat. At ang pabango niyang mas lalo pang sumisiksik sa ilong ko. Napakagat ako sa labi ko. Diyos ko, ano ba ‘tong nangyayari? Muli akong naitulak paatras, mas napadiin ako sa kanya. Hindi ko na alam kung saan ipapaling ang sarili ko. At doon ko lang naramdaman— May isang bagay na tumama sa likod ko. Napalunok ako nang mas mariin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero— "Shit." Bigla akong nanghina sa sensasyon, para bang kinuryente ako sa naramdaman ko sa likod. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. Mas lalong nag-iinit ang mukha ko, pero mas lalong nag-iinit ang katawan ko. Tumunog ang elevator. Naramdaman kong bahagyang gumalaw ang lalaki sa likod ko, at sa paggalaw niya, mas lalo kong na-confirm ang hinala ko. Malaki. Matigas. At hindi ako ready. Napalunok ulit ako at nanlambot ang tuhod ko. Bigla siyang umatras, at sa gulat ko, nawalan ako ng balanse. Inaasahan kong may sasalong sa akin—pero wala! Napaungol na lang ako nang tumama ang likod ko sa pasimano ng elevator. Lintek. Tiningala ko ang floor display panel—16th floor na pala. Bababa na sana ako, kaso biglang sumara ang pinto at muling umandar ang elevator pataas. "Sa next floor ka na lang bumaba, eneng," tatawa-tawang sabi ni Manang. Hilaw ko siyang nginitian saka palihim na napangiwi dahil sa kahihiyan. As if naman may choice ako. Muling tumunog ang elevator, hudyat na nasa 17th floor na ako. Handa na akong lumabas, ngunit agad akong natigilan nang makita ang isang lalaking hindi ko inaasahan—kasama ang isang babaeng hindi rin iba sa akin. Tila tumigil ang mundo ko. May kung anong kumurot sa puso ko. Pag sinuswerte nga naman talaga... Bakit ngayon pa? At lalo na— Bakit sila pa?Elara's P.O.V.Mariin akong napalunok nang makita ang pawis niya. From his neck, pababa sa matigas niyang dibdib na para bang binuhusan ng mantikilya. Sobrang kinis. Sobrang macho. Literal na nalulusaw na ang utak ko. At ‘yung amoy niya?Sandalwood vanilla. Ang signature smell niya. Hindi ko nga alam kung pabango ba ‘yon o natural scent niya, pero nakaka-addict. It smelled like warmth, danger, and a very expensive kind of lust.Parang gusto kong langhapin habang buhay. Hindi ko alam kung paano pero nakadagan na siya sa akin ngayon. His body heavy, warm, and alive. Ramdam ko ang bigat niya, ang init ng hininga niya sa pisngi ko. One arm braced above my head, the other tracing shapes on my bare thigh.“You’re soft,” he whispered, his voice gravelly. “So soft.”Hindi ako makasagot. Parang tinutunaw ng presence niya ang buong pagkatao ko. Ang tingin niya? Makalaglag-panty. Ang lips niya? Not too red pero mukhang malambot, yung tipong isang halik lang, busog ka na. Literal na busog ka n
Elara's P.O.V. Halos mag-t-twenty-five hours na rin simula noong pumayag ako sa gustong mangyari ni Ms. Yannie. At grabe... literal na bed rest lang ang ginagawa ko! Nakakabagot. Nandito lang ako sa loob ng guest room—na kwarto ko na rin ngayon. At guess what? Para akong donya na nakahilata lang buong araw. Pero this time, choice ko ’to. Wala lang, ganito siguro talaga kapag buntis? Nakakatamad bumangon, pero nabobored din ako kakahiga. Ano bang pwedeng gawin? Hmm? Alam ko na! Yung cellphone ko... "Yung cellphone ko? Nandito lang yun ah... Ay, oo nga pala." Napabuntong-hininga na lang ako nang maalalang kinumpiska pala ’yon ni Ms. Yannie dahil halos di na ako natulog kagabi kakapanood ng K-drama. Daig ko pa ang grounded na teenager sa sitwasyon kong to. Siyempre, sabi ni lola, bad daw para kay baby. Pero ang boring talaga! I need my phone now. Mabilis kong pinindot ang bell button. Sinadya nilang ikabit ’yon dito sa kama para sa emergency purposes daw—so ako, this is an emergenc
Elara's P.O.V.Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo—pero mali yatang ginawa ko 'yon dahil mas lalo lang akong nahilo.Damn this pregnancy! Ugh!Mariin akong napapikit. At nang unti-unting bumalik sa dati ang paningin ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto...“B-Bakit...? Bakit hindi ko mabuksan? Letche.” Wag mong sabihing balak pa nila akong ikulong dito?!“Nalintikan na...” Parang biglang nanghina ang tuhod ko nang makumpirmang naka-lock nga ang pinto. Ganito na ba ang bagong paraan ng pag-welcome ng bisita?Saglit akong lumayo sa pinto at bumuntong-hininga. Kalma, Elara. Sabi ng doctor, this is not good for your health—and for the baby. I know, I didn’t expect to have a baby this early and everything was unexpected and shocking... pero nandito na ’to, and I already decided to have this baby with me. Wala naman siyang kasalanan sa lahat ng ’to. My baby is also a victim.So, calm down, Elara. Calm down...Pero punyeta, sino bang niloloko ko? Kahit gaa
Elara's P.O.V."Ano?" Napamaang kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko nabingi na yata ako.Pretend to be his what...?"I know it's too much to ask but my mom won't stop bothering you if hindi ka papayag." Saglit akong natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Para akong napaso. Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero hawak niya pa rin ang kamay ko.Hindi ako gumalaw. Nakatulala lang ako—feeling ko para akong robot na na-overheat."Hindi sa tinatakot kita but my mom... She's capable of something na kahit ako hindi kayang pigilan..." Nang makabawi ako, mabilis kong hinugot ang kamay ko sa pagkakahawak niya at mariing napakuyom—not because I was angry, but because ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko."Just until the baby's born and undergo DNA test... just until then." Mariin akong napapikit. Feeling ko kapag nagsalita pa ako, manginginig na ang buong katawan ko. Hindi ako pwedeng mag-breakdown sa harap niya!Ano bang problema ko? Si Theo lang naman ang kausap ko. Ano bang nangyayari sa
Elara’s P.O.V.“Ano kayang pinag-uusapan nila? Kanina pa ‘yan ah…” bulong ko habang hindi maalis ang tingin sa direksyon nina Ms. Yannie at Theo.Nasa kabilang dulo sila ng garden—masyadong absorbed sa isa’t isa. Hindi ko marinig ang usapan nila, pero sa bawat kunot ng noo ni Theo at mahinang tango ni Ms. Yannie, ramdam kong may alam silang hindi ko alam. At mukhang wala silang balak sabihin.Parang may sarili silang mundo. At ako? Naiwan sa gilid. Parang extra sa sariling kwento ko.“Mix…” mahinang tawag ko, sinusubukang agawin ang atensyon niya kahit halatang enjoy na enjoy siya sa pagbibigay ng side comments sa paligid. “Uwi na kaya tayo?”Napalingon siya saglit. “Ngayon?” bulong niya, kunot ang noo. “Eh dai, paano tayo uuwi? Ni hindi nga natin alam kung nasaang lupalop na tayo ng Pilipinas!”Napabuntong-hininga na lang ako.“Kanina pa kasi tayo dito…” simula ko, sabay napailing. Simula pa nung sinabi ni Theo na maghintay kami… sumunod lang ako. Just like that? Napapikit ako sa ini
Elara’s P.O.V."So, you are Elara?" tanong ng babaeng sa tansya ko ay nasa mid-40s. Nakasuot siya ng eleganteng formal dress—Dior, for sure. Yung cut, yung tela, yung fitting—luxury written all over it. Pero ang mas nakakasilaw sa lahat ay ang suot niyang Bvlgari Serpenti set—hindi lang necklace kundi buong koleksyon. Legit. Real. Hindi ito costume jewelry.Ibig sabihin, hindi ito kidnap. Hindi ito scam. Pero… anong kailangan niya sa ‘kin?Alangan akong napatingin kay Mix. Nagtama ang paningin namin. Tumango siya, parang sinasabing go ahead."O-opo," sagot ko, halos pa bulong. Mariin akong napalunok, saka palihim na kumapit sa braso ni Mix, seeking stability sa gitna ng kalituhan.Dinala kami ng tatlong lalaking kasama namin papunta sa isang bahay—well, mansion talaga. Hindi ko alam kung nasaan kami. Hindi pamilyar ang mga dinaanan naming daan. Pero isang bagay ang sigurado—nasa ibang mundo na kami.Ang mansion ay parang eksena sa movie. Napakalaki, napakaganda. Para kang nasa Europe,
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments