Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10706 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Diary Unspoken Love

My Diary Unspoken Love

Sapphire_08
Pag ibig na itinago at inalagaan sa mahabang panahon. Matagal itinago ni Stanley ang nararamdaman niya kay Serenity. Bukod sa masyado pa itong bata ay alam niya na ang nakababatang kapatid niya ang crush nito. Sumumpa siya sa sarili na hindi pababayaan si Serenity hanggang dumating ito sa tamang edad. Sa hindi inaasahang pangyayari ay lumayo sa pamilya niya ang dalaga dahil sa problema sa kanyang stepfather. Dumating ang panahon na natagpuan siyang muli ng kanyang pamilya laking tuwa ni Stanley ng muling makita ang dalagitang pinalaki at inalagaan niya ay lumaking maganda at kaakit akit na dalaga. Handa na siyang magtapat ng nararamdaman para dito ngunit ipinakilala nito ang lalaking bumihag sa puso ni Serenity kaya naman maspinili nalamang ni Stanley na itago ang nararamdaman at sarilinin ang sakit kesa maka sira ng pagmamahalan ng dalawang tao. Minahal niya ito ng patago ngunit isang trahedya ang nangyari nadisgrasya si Stanley at ayaw niyang mawala sa mundo ng hindi nasasabi sa dalaga ang nararamdaman. Sinabi niya ito kahit alam niyang walang pag asa. Lingid sa kaalaman ni Stanley na ang dalagitang inibig niya ay minahal rin siya ng patago. Ngayong huli na ang lahat saan tutungo ang pagmamahalan na hindi nabigyan ng pagkakataon upang iparamdam sa isat isa.
Romance
5.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MARRIED AFTER ONE SINFUL NIGHT (SSPG)

MARRIED AFTER ONE SINFUL NIGHT (SSPG)

Dahil sa kalasingan, maling silid ang napasukan ni Solar. Paggising niya kinabukasan ay katabi na ang kilalang ruthless and cold CEO, si Caellune Santorre. Gulat, takot, at hiya ang naramdaman ng dalaga. Kaya agad niyang tinakasan ang binata. Pinilit kalimutan ni Solar ang nangyari, ngunit nang kausapin siya ng mga magulang tungkol sa kasal ay parang binagsakan ng langit ang dalaga. Pero wala siyang choice nang ipilit ng mga magulang niya ang kasal bilang kabayaran sa utang ng pamilya. Ngunit hindi inasahan ni Solar ang mas malalang twist, ang lalaking tinakasan niya matapos ang makasalanang gabi ay ang papakasalan niya. Hindi magandang trato ang ipinapakita ni Caellune kay Solar. Pero habang tumatagal, napapansin niya na may mga lihim na itinatago si Caellune. Mga kuwartong bawal pasukin. Mga tawag na biglang pinapatay. At mga mata nito na tila puno ng sakit at galit sa nakaraan. Sa gitna ng mga pagtatago, unti-unting nabubuo ang damdaming hindi nila inaasahan. Pero paano kung ang pagmamahal na nagsisimula pa lang ay masira ng mga lihim na matagal nang nakabaon, mga lihim na may kinalaman sa isang malagim na pangyayari, isang pagtataksil, at isang anak na itinago sa lahat? Mapapatawad ba ni Solar ang lalaking sinumpa niyang kakamuhian? O tuluyan na silang sisirain ng mga sikreto at kasalanang pilit nilang nililibing sa nakaraan?
Romance
10966 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Beauty Revenge

Beauty Revenge

Queenvineeee
Delia Diaz isang accountancy student galing siya sa broken family dahil nahuli ng kanyang ama na may kasamang ibang lalaki ang kanyang nanay. Sa murang edad ay nakagisnan niya ang pananakit ng kanyang ina at ng mga nagiging asawa nito pinahinto siya ng pagaaral pero naisipan niyang patagong magaral sa isang universidad na pagmamay ari ng pamilya ni Matthew Jumaquio. Matthew Jumaquio ang kinakatakutan sa loob ng universidad at hinahangaan ng madaming babae. lahat ng gusto niya nakukuha niya sa isang pitik walang kahirap hirap. Unang pagkikita nila ay pinagtripan na ni matthew si delia pinabully niya ito sa mga studyante sa universidad lalo ng nalaman ni matthew na sakop ng dad niya yung schoolarship si delia. gusto ni matthew na matanggakl si delia sa universidad pero hindi ito sumuko hinayaan nalang siya bullyhin nito araw araw. Isang araw nagkaroon ng pustahan ang magkakaibigan ni matthew na paglaruan ang dalaga sa loob ng tatlong buwan ay dapat ibigay nito ang kinakaingatan ng dalaga. kampante ang binata dahil alam niya na makukuha niya agad si delia at hindi siya nagkamali dahil nakuha niya ito bago matapos ang araw na binagay sa kanya ng mga kaibigan niya. Nalaman ni delia ang totoo na pinagpustahan lang siya nila matthew nangako siya na hindi na siya magpapakita sa mga ito at babalikan niya ang mga ito ang maghihiganti rin. "I am the sun and you are the moon." "I always thought we were destined for each other." "But i remember the moon was mean to be with the stars."
Romance
104.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
PLAY WITH ME, CHELSEA

PLAY WITH ME, CHELSEA

Kinalimutan ni Chelsea ang kanyang pangarap na manirahan at makapagtrabaho sa ibang bansa para gawin ang nais ng kanyang mga magulang kahit labag iyon sa loob niya. Isang mabuting tao ang lalaking papakasalan niya at inaalagaan siya nito, ngunit biglang nagbago lahat ng iyon dahil lamang hindi niya naibigay ang gusto nito. Paiba-iba ang kasama nitong babae at ang mas masaklap na roon ay dinadala niya ito sa kanilang bahay at sa mismong kwarto nila nagtatalik. Gustuhin man niyang makipaghiwalay ay hindi niya iyon basta-bastang magagawa, kaya tiniis na lamang niya lahat ng ginagawa nitong kababuyan. Hanggang isang araw ay sumulpot sa kanyang harapan ang pinsan nitong si Vander at nag-offer ito sa kanya ng isang fake marriage. Walang pag-aalinlangan na tinanggap ni Chelsea ang offer nito dahil alam niyang yon ang tanging paraan upang tuluyang masira ang kanilang engagement ng kanyang fiancé Habang tumatagal ay unti-unting napapansin ni Chelsea na nahuhulog na ang kanyang loob kay Vander, agad niya iyong ipinagtapat sa binata at sobra siyang nasiyahan nang malaman niyang pareho sila ng nararamdaman para sa isa’t isa. Ngunit ang sandaling kasiyahan na iyon ay agad rin napawi, dahil nalaman ng kanyang fiancé na peke lang pala ang kanilang kasal, at sa mismong araw na iyon din ay nalaman ni Chelsea na ginamit lang pala siya ni Vander para sa kanyang sariling interes. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? Bibigyan ba ni Chelsea nang pagkakataong magpaliwanag si Vander o makikipag-ayos siya sa kanyang fiancé na si Axel?
Romance
10747 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Spoiled Me, Mr. Billionaire

Spoiled Me, Mr. Billionaire

Sa pagtulong ni Isabella sa kanyang fiance mula sa mga reporter ay napilitan siyang mag hire ng male model para magpanggap na ito ang fiance niya at mabaling dito ang atensyon ng mga reporter. Nagtagumpay si Isabella sa plano niya ngunit ang kanyang tahimik na buhay ang nanganib dahil sa maling male model ang nakuha niya. Pinagkamalan niya ang isang Marcus Green na male model na nagpanggap bilang si Carlo. Hindi tinanggap ni Marcus ang bayad niya kahit na alukin niya ito ng malaking halaga dahil hindi ito salat sa pera at ang hiniling nitong kabayaran ng pagtulong nito sa kanya at maging asawa siya nito. Iniwasan niya si Marcus ngunit sa bawat pagkakataon na kailangan niya ng tulong ay lagi itong dumadating. Naisip niya na sadya lamang bang pinagtatagpo sila ng tadhana o sinasadya talaga ni Marcus na makita siya. Dahil sa simula ng mapagkamalan ni Isabella si Marcus ay nangako itong makukuha siya nito. Ang kunin siya sa magandang usapan o kukunin siya sa dahas na paraan!
Romance
546 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Chasing Justice

Chasing Justice

Dalawang puso ang tumitibok at naglalayong magpaalab ng sumibol na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon. Ang pag-ibig na hindi mapapantayan ang inaalay ni Brael Montegarde at Hasumi Mitsunabi sa isa't isa. Ilang beses na pinaghiwalay ng tadhana subalit muling natatagpuan ang mga sariling tapat na sumisinta sa isa't isa at pinipiling iraos ang pag-ibig na pilit hinahadlangan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Isang trahedya sa nakaraan ang muling binabalikan ng kasalukuyan. Ang madugong pagpatay sa mga magulang ni Brael at ang bangungot na patuloy na gumugulo kay Hasumi ay tila ba konektado.  Sa pagsiwalat ng katotohanan ay magugulantang ang mga pusong nagiibigan. Ang pumatay sa mga magulang ni Brael ay ang babaeng minamahal niyang si Hasumi.  Layunin ni Brael Montegarde ang maghiganti sa taong pumaslang sa mga magulang niya. Subalit guguluhin ng pagmamahal niya ang paghangad niya ng hustisya.  Kaya niya bang paslangin ang babaeng mahal niya? O mananaig ang pag-ibig na napunla sa mga puso nilang lubos na nagmamahal sa isa't isa?
Romance
104.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Kiss in the Shadows(Filipino)

Kiss in the Shadows(Filipino)

He kissed her in the shadow. It was mind-blowing, passionate, hot and daring. Ngunit hindi inaasahan ni Miranda na ang lalaking kinaiinisan ay siya palang nakasama niyang nagtampisaw sa kama nang tanggalin na niya ang piring sa kanyang mga mata. It was supposed to be his fiance', Fiore. His three years boyfriend whom she thought she had given her virginity. Instead, she was mistakenly devirginized by his fiance's bestfriend, Xylon Diaz. Kaya ganoon na lang ang galit ni Fiore sa kanya at wala nang kasalan na magaganap. Abot hanggang kailaliman ng lupa ang naging galit niya kay Xylon. Ngunit mapipilitan siyang pakisamahan si Xyle dahil na-stranded sila sa ancient country house na nasa gitna ng kakahuyan. Hanggang naramdaman niyang iba na ang gusto ng katawan niya. Nais pa niyang hagkan siya ni Xyle at maulit ang nangyari sa kanila. Sa pagbabalik ni Fiore, kailangan niyang mamili. Ang lalaking pinangakuan niya ng kanyang puso o ang lalaking ibig ng katawan niya.
Romance
107.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Sa limang taong kasal ni Daisy Lopez at Kent James Hernandez, pinanatili ni Daisy na maging maayos ang lahat kahit pa niyuyurakan na ang kanyang dignidad at pagrespeto sa sarili. Akala niya na kahit walang pag-ibig at siya lang ang nagmamahal, ay dapat na buo at kumpleto ang isang pamilya. Hanggang sa araw na nalaman niya na malubha na ang sakit ng kanyang nag-iisang anak at kasabay ng balita tungkol sa annulment ng kasal niya kay Keint. May umusbong na pag-asa sa puso ni Daisy dahil sa wakas, hindi na niya kailangan magpanggap pa bilang asawa ni Kent James. Ngunit hindi pumayag ang malupit niyang asawa, at nagbigay ng suhol sa lahat ng media at lumuhod sa harap niya, humihiling ito sa kanya na bumalik siya sa buhay nito. Pero humarap si Daisy sa dating asawa na may kasamang ibang lalaki at magkahawak ang kanilang kamay upang ipakita na may mahal na siyang iba.
Romance
10581 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Threatened to be the Unwanted CEO's Wife

Threatened to be the Unwanted CEO's Wife

“You're a bastard CEO! Paano mo ako nagagawang lokohin?" bulyaw ni Natasia sa lalaki. Sarkastikong ngumiti si André. “I don't love you. I just needed you, Natasia. Besides, you're still mine." Mahigit tatlong taon nang nagtatrabaho si Natasia Villa Fuentes bilang Sekretarya ni André Salvatoré; isa sa tanyag na businessman sa industriya. Tiniis niya ang pagtratrabaho sa lalaki kahit pa punong-puno ito ng yabang sa kanyang mga mata. Pero sa kasamaang palad, hindi inaasahan ni Natasia na makaka-one night stand niya ang CEO na walang kaalam-alam sa nangyari. Gagawin niya ang lahat para itago ang sekretong ito sa takot sa lalaki dahil alam niyang ipapapatay siya nito. But suddenly, the CEO offered her a marriage contract! Ano ang magiging papel niya sa buhay ni André Salvatore gayong alam niyang hindi siya kailanman gugustuhin nito? May chance pa ba na mapalambot niya ang nagyeyelong puso nito?
Romance
10411 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status