Threatened to be the Unwanted CEO's Wife

Threatened to be the Unwanted CEO's Wife

last updateПоследнее обновление : 2024-11-14
От :  KennitooВ процессе
Язык: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Рейтинг. 1 Обзор
5Главы
226Кол-во прочтений
Читать
Добавить в мою библиотеку

Share:  

Report
Aннотация
Каталог
SCAN CODE TO READ ON APP

“You're a bastard CEO! Paano mo ako nagagawang lokohin?" bulyaw ni Natasia sa lalaki. Sarkastikong ngumiti si André. “I don't love you. I just needed you, Natasia. Besides, you're still mine." Mahigit tatlong taon nang nagtatrabaho si Natasia Villa Fuentes bilang Sekretarya ni André Salvatoré; isa sa tanyag na businessman sa industriya. Tiniis niya ang pagtratrabaho sa lalaki kahit pa punong-puno ito ng yabang sa kanyang mga mata. Pero sa kasamaang palad, hindi inaasahan ni Natasia na makaka-one night stand niya ang CEO na walang kaalam-alam sa nangyari. Gagawin niya ang lahat para itago ang sekretong ito sa takot sa lalaki dahil alam niyang ipapapatay siya nito. But suddenly, the CEO offered her a marriage contract! Ano ang magiging papel niya sa buhay ni André Salvatore gayong alam niyang hindi siya kailanman gugustuhin nito? May chance pa ba na mapalambot niya ang nagyeyelong puso nito?

Узнайте больше

Chapter 1

Episode 1

Namulat ang mabibigat na talukap ng mga mata ni Natasia sa loob ng malamig na kwarto. Tanging ang lampshade sa gilid ng higaan ang nagbibigay liwanag sa madilim na silid-tulugan. Pamilyar sa kanyang pang-amoy ang halimuyak ng pabango na panlalaki. Halos lumuwa ang mga mata niya nang aksidenteng makapa ang matigas na dibdib ng lalaki na nakahiga sa kanyang tabi. Naghihilik pa ito sa himbing ng pagkakatulog.

Napabalikwas ng bangon ang dalaga para harapin ito. Nagsimulang bumagsak ang mga butil ng luha sa kanyang mga mapupulang mata nang maaninagan ang mukha ng katabi. Si André Salvatoré; ang CEO ng Salvatoré Construction Company. Kung saan siya nagtatrabaho bilang sekretarya nito.

Bigo siyang iwaksi sa isipan na mayroong nangyari sa kanilang dalawa matapos maramdaman ang pagkirot ng kanyang pagkababae. Inlapat niya ang palad sa puson tsaka marahang bumwelo para umupo.

“S-Shit!” bulong ni Natasia. Impit siyang umungol matapos ang litanya.

Gumuho ang kanyang mundo nang silipin ang kanyang ari na mayroong bahid ng dugo. Nanginginig ang buong katawan ng dalaga na ibinalot ang walang saplot na katawan sa makapal na comforter. Tila sinasaksak siya ng paulit-ulit sa puso nang magsimulang marinig ang pagbigkas ni André ng pangalan ng ibang babae.

Wala naman silang relasyon nito at mas lalong ayaw niyang makisawsaw sa nasasaksihang magulong buhay ni André. Aksidente lang ang pagsuko niya ng pagka-birhen sa lalaki dahil sa kawalan ng kontrol sa sarili dahil sa tama ng Beer na ininom kanina.

Inboluntaryong yumukom ang kamao ni Natasia nang ibaling ang paningin sa katabi na nakasuot lang ng boxer shorts. Hindi na bago sa kanyang paningin ang maskuladong pangangatawan nito. Batid niya kasing namamalagi ito sa gym. Ngunit hindi sapat ang pisikal na kaanyuan nito sa kaniya. Gayunpaman, ninakaw nito ang pinakahahalagahan ng mga babaeng “conservative” tulad niya.

Nagngangalit ng panga si Natasia habang pinagmamasdan ang buong pagkatao nito. “B-Bakit, Sir? Sa dami ng babae d’yan, bakit sa ‘kin ka nakipag-sex? ‘Di ako parausan!” saad niya sa isipan.

Kasing lalim ng bangin ang pagbubuntong-hininga ng dalaga bago tumayo sa malambot na higaan. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mga officemates na nakahandusay sa sahig dahil sa matinding kalasingan. Kinuha niya ang susi ng kotse sa ibabaw ng Bar counter tsaka mabilis na lumakad patungo sa parking lot ng nirentahan na high end resort ng kumpanya.

Humahagulgol siya nang makapasok sa loob ng kotse. Bumarurot ang kanyang sasakyan palayo sa lugar. Maraming tumatakbo sa isipan ni Natasia habang tinatahak ang madilim na daan. Ilang beses din niyang sinubukang ilaglag ang sasakyan sa bangin kasama siya para lang matapos ang pagdaramdam sa problema na paniguradong papasanin niya habang-buhay.

Taliwas sa isipan niya na ang inaasahang selebrasyon na mapupuno ng kasiyahan ay magiging isang bangungot pala sa kaniya. Naalala ni Natasia na siya ang nagbantay kay André nang malasing ito sa kalagitnaan ng party. Hinayaan niya ang sarili na malunod sa matatamis na halik ng lalaki pagkapasok pa lang nila sa kwarto.

Balisang lumakad si Natasia sa loob ng banyo nang makauwi. Napasandal siya sa pader matapos buksan ang shower. Kasabay ng tubig ang pag-iyak ng walang tigil na pag-iyak ng dalaga. Maduming-madumi ang tingin niya sa sarili.

Iang araw ang lumipas, bitbit pa rin ni Natasia ang pagkasuklam sa kanyang Boss. Nakatayo siya ngayon sa harapan ng matayog na gusali ng kumpanya nito. Dama niya ang pasimpleng pagsulyap sa kaniya ng iilang mga kasamahan sa trabaho nang makapasok sa loob.

Dumiretso siya sa loob ng opisina ni André na ngayon ay abala sa pakikipag-usap sa cellphone. Salubong ang makakapal nitong mga kilay at bahagyang nakanguso ang mga labi.

Taas noong ibinaba ni Natasia ang mga papeles sa working desk nito. “Sir, here’s the proposed contract.” mahinhin na saad ng dalaga at muling iniayos ang postura.

Napatiim na lamang siya nang bigla nitong hampasin ang ibabaw ng mesa na naglikha ng nakakagulat na tunog. Bahagyang napayuko ang sekretarya matapos tumama ang kanyang paningin sa nanlilisik na mga mata nito.

“Fuck that contract! Call the team, we’ll have an urgent meeting.” ma-awtoridad na utos ni André.

Tila alipin na lumakad si Natasia palabas ng opisina na moderno ang pagkaka-disenyo. Nagkukumahog na tinawag niya ang mga kasamahan para papuntahin sa conference room.

Bukod sa dalaga, tahimik at nagpapakiramdaman ang mga officemates niya na nakaupo palibot sa isang mahabang lamesa. Ramdam niya ang kaba na gumuguoo sa kanyang isipan. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya maisip ang dahilan ng pagsabog ng galit ni André.

Muli na namang nadismaya si Natasia sa araw na ito dahil batid niyang may malaki na namang problema ang kakaharapin ng kumpanya. Dahil sa tatlong taon na pagtatrabaho niya kay André Salvatoré, bihira niyang masaksihan ang pagpapatawag nito ng meeting. Kadalasan kasi ay gugol ang oras ng lalaki sa business trips at nagpapatawag lang ng meeting sa t’wing may emergency.

Bahagyang tumaas ang kilay niya nang padabog na tumayo si André sa kanilang harapan. Umiigting ang panga nito habang kinikilatis sila ng mapanghusgang tingin.

Umiling-iling si André. “Damn! Where’s the project plans, Natasia?” brusko ang boses nito.

Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga sa pagkabigla. Sa kaniya ibinilin ang project plans na ipo-propose sa nabingwit na bigating investor.

Kampanteng dumikwatro si Natasia sa inuupuan. Maatas ang kumpyansa sa sarili niyang sinalubong ang matalim na tingin nito.

“Sir, as far as I remember, inilagay ko siya sa loob ng drawer mo sa kwarto nu’ng nag-celebrate tayo. Is there any problem?” mahinahon na saad ng sekretarya.

Napapasabunot na lang si André sa sarili dahil sa hindi nito nakita ang folder na naglalaman ng mga proyekto kung saan ito sinabing inilagay niya.

Nanginig ang buong katawan ni Natasia dahil sa naghahalong pagkatakot at kaba matapos nitong ihagis ang proposed contracts sa harapan nila. Kaagad naman itong pinulot ng kanyang mga kasama.

“The client withdrew from the contract signing with my company. And that’s because of one of you here. I-I believed in you, all of you! But after all, how can you sabotage me?!” bulyaw nito.

Bagaman hindi pa rin nila lubusang maintindihan ang pinupunto nito kaya’t naglakas na siya ng loob para klaruhin ang lahat.

“Somebody stole that folder. I knew it, iisa sa inyo ang nagnakaw ng project plans ko. And the culprit is the owner of this damn phone.”

Napatakip na lamang si Natasia sa bibig nang hugutin ni André ang nawawala niyang cellphone sa loob ng bulsa nito. Kabibili lang niya nito kaya’t problemado siya kung saan ito hahanapin.

“A…Ah…” nauutal na sambit ni Natasia.

Paano niya ipaliliwanag na siya ang nagbantay kay André noong gabing iyon ng hindi naisisiwalat ang nangyari sa kanilang dalawa?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Комментарии

user avatar
Nevaeh Skye
Very nice! More please!
2024-12-12 17:34:21
0
5
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status