My Husband’s Half Brother’s Possession
“Choose wisely, baby, because if I'm the one who decides for you, you'll never walk out of my life. Never. Fucking. Again. ”
Ako si Diamon. Akala ko nahanap ko na ang pag-ibig na inaasam ko dahil may asawa akong mapagmahal, maalaga at kapiling ko sa mapayapang tahanan. Akala ko lang pala. Dahil dumating ang araw na nagdilim ang tahanang puno ng kulay nang nalaman naming hindi kami magkakaanak dahil hindi ko kayang magdalang-tao.
Ang isang payapang tahanan ay naging isang kulungan, saksi ng pang-aabuso at pagkontrol. Pero kahit ganon… Kumakapit pa rin ako sa alaala ng pagmamahalan namin ng aking asawa.
Sa gitna ng sakit—dumating si Lazarro. Ang half-brother ng aking asawa. Misteryoso. Tahimik. At… May sariling dilim. Pero tila ba iba ang pakikitungo nito sa akin. At sa bawat titig at pananalita niya’y nakakaramdam ako ng… kapayapaan at kaligtasan.
Pero bakit ganon? Tila ba kaya niyang baliktarin ang lahat ng paniniwala ko. Para bang… Kaya niya akong gawing kaniya.
Handa ba akong sumugal sa nag-aalab na damdaming ito kung kapalit naman ay pangib, gulo o… buhay ko mismo?