Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle

Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle

"Hector, totoo ang sinabi ko sayo. Gusto kong magka-in love-an tayo, at magkasama nang seryoso, tulad ng magkasintahan, mula sa pagiging estranghero hanggang sa magkaintindihan tayo. Gusto kong maranasan yung pakiramdam na pantay tayo. Ikaw si Hector, bilang si Hector na asawa ko at hindi tiyuhin ng ibang tao, at ako si Anne bilang si Anne na asawa mo at hindi kasintahan ng ibang tao. Mag-ipon tayo ng mga alaala, isang taon, dalawang taon, tatlong taon, sampung taon, kung okay lang sayo?" Inabot ako ni Hector at hinila para umupo sa kanyang kandungan, at sinabi nang mahinahon "Okay, pero, love, wala akong karanasan, kailangan mo akong turuan pa. Pero..." Hindi ko alam kung sinasadya ni Hector na biglang huminto at hinaplos ang kaniyang maiinit na labi sa gilid ng aking mukha "Pero... Pagdating sa pagkahulog, dapat ang lalaki ang mag-initiate. Maghintay ka lang, susuyuin kita."
Romance
1024.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)

NEVER EVER AFTER( Tagalog Romance)

Isang babaeng nagtrabaho sa isang Casino na nangarap yumaman , ngunit nahulog ang loob nito sa isang lalaking anak ng bilyonaryo pero badboy , nabuntis ito at iniwan sya ng lalaki. Matapos s'yang nanganak nangako s'yang hindi na babalik pa sa Casino na kanyang pinagtatrabahuan dahil kinasusuklaman n'ya ang lalaking nang iwan sa kan’ya. Subalit dumating sa puntong hindi na n'ya alam kung paano bubuhayin ang anak kaya namasukan ito bilang katulong subalit hindi nito alam na doon pala nakatira ang lalaking kanyang kinasusuklaman. Mahigit limang taon din hindi sila nagkita at hindi din alam ng lalaki na may anak sila, madami narin ang nagbago nagkaroon na ito ng nobya at malapit na silang ikasal ng babae. Habang nagtatrabaho s‘ya sa bahay nila Gabriel Bustamante ang lalaking kinamumuhian nito ang ama ng anak niya. Si Samantha naman ay pinipilit na hindi ipahalata ang kanyang nararamdamang galit. Dahil nakatira sila sa isang bahay hindi maiwasan ng lalaki na lumapit sa kanya sa tuwing sila lang ang nasa bahay, dahil sa galit ni Samantha kay Gabriel kahit anong pilit nitong paglapit sa kanya ay hindi nya ito kinakausap, dahil sa araw araw nitong kinukulit si Samantha ay malapit na syang madala ng charisma ni Gabriel, isang araw ay hindi na nito napigilan ang sarili ng lumapit ito at hinalikan s'ya sa labi ng lalaki ay biglang dumating ang kasintahan nito at muntikan na silang mahuli. Araw araw kinakausap nito ang kanyang anak na si Mika sa pag-uusap nila ng anak ay narinig ito ni Gabriel napatanong ito kung may anak na s'ya subalit hindi nya sinabi na anak nila. Araw araw din inaakit ni Gabriel si Samantha dahil hindi pa naman sila naaaktuhan ng nobya nito, hanggang sa isang araw may napansin na ang live in partner nito na kakaiba sa kanila.
Romance
1024.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
How to Unlove You

How to Unlove You

Nang malaman ni Jillian na buntis siya, dalawang buwan pagkatapos magkaruon ng aksidenteng pakikipagtalik sa isang estranghero, na akala niya ay si Brent na kanyang boyfriend, yun pala ay ibang lalaki. Nang hanapin niya ang lalaking may kagagawan ng kanyang pagbubuntis, tinanggihan siya nito dahil may hinihintay itong ibang babae. Na stress siya na nagdulot ng pagdurugo during her pregnancy kaya kinailangan siyang dalhin sa ospital. Paggising niya, natagpuan niya ang sarili sa hospital na kasama ang pinakamayamang babae sa mundo na si Madam Lishou. Sa halip na magalit, ininsist ni Madam Lishou ang isang kasal sa pagitan ni Jillian at ng kanyang apo na si Mckenzie. Nalaman kasi nito sa isang source na ang apo nito ang nakabuntis sa kanya. Tumanggi ang lalaki na pakasalan siya, nagalit si Madam Lishou at binantaan ang lalaki na itatakwil kung hindi ito magpapakasal sa kanya. Napilitang pumayag ang lalaki sa kondisyon na civil lamang sila ikakasal. Habang nagkakalapit ang loib nilang mag asawa, biglang nagparamdam ang dalawang tao mula sa kanilang nakaraan, si Tamara na nagnanais na muling mabawi si Mckenzie at si Brent na handa siyang tanggapin ulit sa kabila ng kalagayan niya. Paano ito makakaapekto sa kanilang pagsasama? Sila ba'y paglalayuin ng pagkakataon, o magtatagumpay sila sa harap ng mga pagsubok, na nagpapalakas ng kanilang pagsasama sa paglipas ng panahon?
Romance
9.824.6K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
CHASING HER: The Billionaire's Mistake

CHASING HER: The Billionaire's Mistake

Sampung taon na minahal ni Ashley si Ace ng walang naging tugon mula dito. At nang mamatay ang kanyang anak na isa si Ace ang naging dahilan ay doon na din tuluyang nawala ang pagmamahal niya dito at handa na siyang makipaghiwalay dito. Ngunit kung kailan handa na siyang kalimutan si Ace at magbagong bahay ng malayo dito ay ayaw naman siyang pakawalan nito at pilit siya nitong pinapanatili. At sa tuwing pilit niya itong pinapalayo ay pilit naman itong lumalapit. At minsan ipinaparamdam nito sa kanya na may pagtingin na din ito sa kanya. Maniniwala ba siya sa ipinapahiwatig nitong mahal siya o sadya lamang ginagawa lang nito ang lahat para mapanatili siya?
Romance
9.226.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Played by Mafia & Billionaire

Played by Mafia & Billionaire

"Sa akin siya! Ako ang asawa niya kaya hindi mo siya puwedeng angkinin. Magkakamatayan muna tayo bago mo siya maagaw sa akin!" "Hindi ko siya ibibigay sa 'yo. Oo. Mag-asawa nga kayo pero ginamit mo lang siya para sa sarili mong kapakanan. Ngayong nakuha mo na ang pakay mo sa kaniya, hindi mo na siya kailangan. Doon ka na lang sa kabit mo. huwag mo na kaming guluhin ni Derie May!" "At paano ka naman nakasigurado na ginamit ko lang siya? kailan ka pa naging tsismoso? Mahal ko ang asawa ko kaya babawiin ko siya sa 'yo sa kahit na anong paraan. Huwag mong angkinin ang hindi sa 'yo, Bryce. Huwag mo akong subukan!" Parehong matapang at walang gusto na magpatalo sa dalawang lalaki na ang pinag-aagawan ay ang isang babae. Isang inosenteng babae na naipit sa gulo ng pamilyang Avendaño at Vicente. Parehong nagkagusto si Stefano at Bryce kay Derie May at halos magpatayan na para sa pag-ibig nila rito. Ang hindi nila alam ay habang nagpapatayan sila ay tumakas naman si Derie May para makalayo sa kanilang dalawa. "Pareho lang kayong manggagamit! Mga mapagsamantala! inabuso niyo ang pagiging inosente ko. Wala sa inyong dalawa ang pipiliin ko. Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa ang makasama ang isa man sa inyo."
Romance
1028.4K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Passionate Mistake

Passionate Mistake

mellomartinez
"I hate you," I whispered against his lips. Ang tingin ay hindi na mapirmi sa matinding hilo. "You're seriously saying that when I can literally feel you trembling with my every touch," he smirked darkly and claimed my lips for a painful kiss. I moaned in pain and pleasure as he pushed me against the wall. Cianna Juarez has everything every woman could dream of. Beauty and cleverness, riches and fame. Ngunit ang kaisa-isang bagay na hindi niya makamit-kamit ay ang pag-ibig ng lalaking mahal niya, Alexander Malin Del Rio. They have been friends since time immemorial, but he never showed interest on her romantically. She did everything to make him love her, anything to keep him away from his love. Kesehodang tuluyan itong magalit sa kanya. But fate turned a complete flip when something happened between her and Santiago Lopez, ang lalaking noong una pa lang ay hindi niya na gusto. Maliit ang tingin niya rito dahil sa pagiging ulila at bastardo. One sinful and drunken night changed her life in a blink of an eye. Afraid of people's prejudices and judgments, she left Malolos carrying the very fruit of that mistake. Sa kanyang pagbabalik, makakaya niya kayang harapin ang kahihiyan? At higit sa lahat, makakaya niya kayang harapin ang alab ng galit ni Santi?
1028.1K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Love Me for Who I Am

Love Me for Who I Am

Siya si Danielle, short for Daniella Marasigan Sandoval. Anak mayaman, kung kayat lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. Sa katunayan siya ang nag isang anak ni Eduardo Sandovall, ang nagmamay ari ng pagawaan ng mamahaling sasakyan sa bansa. Maganda, mabait at higit sa lahat mapagmahal sa mga taong itinuturing siyang pamilya. Isa lang ang kulang sa kanyang buhay at ang pinakaasam asam niya, walang iba kundi ang atensiyon at pagmamahal ng kanyang ama. Lalaki kasi ang gusto ni Eduardo Sandoval na maging anak kung kayat sobra itong nadismaya ng babae ang lumabas noong manganak ang kanyang asawa na si Victoria Marasigan Sandoval. Muntik kasi itong mamatay nang ipanganak siya kung kayat hindi na siya nasundan o di kaya ay nagkaroon pa ng kapatid. Noong kabataan niya ay isa siyang prinsesa ngunit ng nagkaroon ng isip at nalaman ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa kanya ng kanyang ama ay binago niya ang kanyang sarili. Mula sa magagandang bestida ay pinalitan niya ng maluluwang na t-shirts at jeans. Ang laruan niyang manika ay naging barilbarilan at ang pangarap niyang maging model ay naging taga kalikot ng makina ng mga sasakyan. Ang mga activities na kanyang sinasalihan ay para sa mga kalalakihan, kagaya ng karate, taekwando, shooting, motto cross, drag race at kung ano ano pa. Hindi naman iyon sinabi ng kanyang ama bagkus ay sarili niya itong pasya lalo na ng sabihin nito minsan na ayaw niya sa babaeng mahina kung kayat pati ang pagtatago ng emosyon ay praktisado na niya. Ngunit ang lahat ng kanyang effort ay tila hindi nakikita ng kanyang ama, bagkus ay bale wala ang lahat ng ito sa kanya.
Romance
1026.6K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Fulfilled Duties (Tagalog)

Fulfilled Duties (Tagalog)

Mapupuno ng nakakatawa, nakakaiyak, at pagtitiis ang pagtatagpo ni Byeongyun at Deborah. Dito rin unti-unting mahalungkat muli ang nakaraan ni Byeongyun—nakaraang pilit niyang kinakalimutan kasama si Kang Dami, ang dating nobya niyang misteryosong inilayo sa kanya.
YA/TEEN
1021.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Ninong's Contract Wife

My Ninong's Contract Wife

Tiningnan ni Isabella ang kapirasong papel na hawak niya. Nanlaki nang mabasa ang nakasulat doon. "Kayo po ang CEO ng kompanyang ito?" hindi makapaniwalang wika ni Isabella. Ngumiti ng malawak si Maximus. "Yes I am. At mayroon akong offer sa iyo na trabaho. Magiging madali lang ito para sa iyo. Isang taon ang kailangan mong guguluhin dito. At ang trabahong ito ay nagkakahalaga ng twenty million pesos." Halos malaglag ang panga ni Isabella sa kanyang narinig. "P-Po? A-Ano po bang k-klaseng trabaho po iyan?" "I need a contract wife, miss. No feelings involved. Just pure business." *** Hindi niya inakalang lolokohin siya ng kanyang asawa. Sobra siyang nasaktan at nadurog ng pino ang kanyang puso. Hindi niya hahayaang maging masaya ang asawa niya pati na ang kabit nito. Kaya naman umisip siya ng paraan upang makapaghiganti. Isang dalaga ang makakatulong sa kanya upang makapaghiganti na hindi niya aakalaing bibihag din sa sugatan niyang puso. At iyon ay walang iba kundi ang kanyang inaanak.
Romance
1023.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Mafia Boss's Naive Wife (Cosa El Gamma # 1)

The Mafia Boss's Naive Wife (Cosa El Gamma # 1)

️ Warning: This story contains violence/graphic sexual scenes. Please read at your own risk! She was abducted after her wedding, and the abductor was unaware that she was a wife of the sadist mafia boss. They claimed the merciless punishment! Sa edad na biyente ay ikinasal si Kira sa lalaking kumupkop sa kaniya noong dose anyos siya. Isang bilyonaryong ni minsan ay hindi niya nasilayan ang mukha dahil may suot na maskara. Nagkaroon siya ng malalang trauma matapos masaksihan ang karumal-dumal na pagpatay sa kaniyang mga magulang. Isang proseso ang ginawa sa kaniya upang mabura ang kaniyang alaala, ngunit tila isinilang siyang muli, inosente, limitado lamang ang kaalaman. Akala niya’y matanda na ang kaniyang asawa na si Don Dimitri, ngunit nawindang siya nang masilayan ang mukha nito. Hindi naman ito matanda, kundi isang imahe ng perpektong lalake. Subali’t sa kabila niyon ay napupuno ng misteryo ang pagkatao nito. Matutunan ba niyang mahalin ang isang katulad nito? O isa rin itong banta sa kaniyang buhay?
Romance
1027.2K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status