The Star
Sa likod ng ilaw, palakpakan, at mga kantang minahal ng marami, may mga buhay na tahimik na nasisira at muling binubuo. Si Alexa Emmanuella Padilla Villa—mas kilala bilang Axelle—isang babaeng piniling magningning nang mag-isa, hiwalay sa anino ng sikat na apelyidong kanyang pinagmulan. Sa murang edad, napatunayan niya ang sarili bilang isang singer at negosyante, dala ang paniniwalang ang tagumpay ay mas matamis kapag pinaghirapan.
Ngunit noong 2026, nagsimulang magbago ang lahat nang mawala sa kanilang pamilya ang kanyang kapatid isang pag-alis na puno ng lihim, sakit, at katahimikan. Ang pagkawala nito hindi lamang nag-iwan ng lungkot, kundi nagbukas ng mga sugat sa kanilang pamilya na pilit tinatakpan ng paghihinagpis. Habang patuloy ang paghahanap, natutunan ni Axelle na ang katanyagan ay hindi sapat na panangga laban sa pagkawala.
Sa gitna ng paglalakbay patungong South Korea at France, isang aksidenteng banggaan ang naglapit kay Axelle at kay Ryo Red “RR” Eun, isang dating K-pop idol na may imaheng matigas ngunit may pusong puno ng sugat at responsibilidad. Ang kanilang mundo ay parehong puno ng ingay, ngunit ang koneksyon nila ay nagsimula sa katahimikan at pag-unawa.
Habang unti-unting lumalabas ang mga lihim ng nakaraan sakit, mga anak na iniwan, pag-ibig na hindi natuloy napilitan si Axelle na harapin ang katotohanang ang pagmamahal hindi perpekto. Sa gitna ng trahedya, pagkawala ng magulang, kapatid, at mga kaibigang minahal, natutunan niyang ang tunay na bituin hindi lamang ang kumikislap sa entablado, kundi ang nananatiling nagniningning kahit unti-unting nauubos ang liwanag.