The Return Of The Abandoned Ex-Wife
To be his wife was never a dream—it was a lifelong sentence. Sa loob ng pitong taon, namuhay si Amber Lucille Rivera sa anino ng isang malamig at walang pusong kasal. Mahal niya si West Markus Lee ng buong-buo. Pero ang lalaking iyon? He never treat her well—not once.
Nang makalimutan ni West ang ika-walong anibersaryo nilang mag-asawa ay doon na tuluyang bumitaw si Amber. Hindi siya ang kailangan ng kanyang asawa’t anak. Hindi siya kailanman kakailanganin ng mga ito lalo na’t bumalik sa buhay ni West ang babaeng pinakakamahal nito na si Zendaya Madrigal.
Ilang taon ang lumipas, bumalik si Amber bilang isang tanyag na fashion designer at pintor.
Ngayon, ang lalaking dating tumalikod sa kanya ay ayaw na siyang pakawalan. Maging ang anak niyang minsang tumalikod ay gustong bumalik sa kanyang mga yakap.
Mabibigyan ba ni Amber ng pangalawang pagkakataon ang kanyang dating asawa at anak para sa masayang pamilyang hinahangad? O mananatiling matigas ang kanyang puso at pagtatabuyan ang mga ito?