VENGEANCE AND DESIRE
Dahil sa trahedyang nangyari sa pamilya ay nawalay si Kiana sa kakambal. Nangako siyang babalik ngunit natagalan dahil nawalan ng alaala. Sa kaniyang pagbabalik ay maniningil at nagpanggap na si Karen—ang kakambal upang maipaghigante rin ito mula sa pang-aapi ng pamilya ng napangasawa nito.
Upang magtagumpay sa misyon, kailangan ni Kiana gamitin ang katawan upang mapalapit sa taong may malaking influence sa oraganisasyong may kasalanan sa kanilang pamilya. Ngunit nagulo ang plano niya dahil dominante at mapang-angkin si Xavier, ang lalaking gusto lang sanang gamitin.
Lahat ay nakukuha ni Xavier kahit hindi na gumamit ng dahas o bakal na kamay. Ngunit pagdating sa babaeng naka one night stand ay nagbago ang lahat. Gagawin niya ang lahat upang mapaamo ang babae, kahit ang kapalit ay pagkabuwag ng organisation na pilit na pinagbubuklod ng abuelo at pagkasira sa relasyon ng kapamilya.
Paano pagtagpuin ng tadhana ang landas ng dalawang taong may pusong bato at ang isa ay namamahay ang puot sa puso para sa mga taong may kasalanan dito? Alin ang pipiliin ni Kiana sa bandang huli, ang paghihiganti o reputasyon?