Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Una Vez en Diciembre

Una Vez en Diciembre

LightStarBlue
Dahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa panahon kung saan makikilala niya ang isang napakasungit na binatang nagngangalang Manuel Saenz. Okay naman kay Seraphim na makitira sa masungit na nilalang na ito. Kaso napapansin niya na kung dati naii-stress siya sa pagiging masungit nito pero ngayon ay hindi na. Mas naii-stress siya kapag may ibang babaeng kasama si Manuel. Gusto niya sa kanya lang ang atensyon nito. Ayos lang naman sa kanya na magsungit ito basta makasama lang niya ito palagi. Nalintikan na! Mukhang pati rin yata siya nagiging abnormal na dahil sa masungit na lalaking ito.
History
3.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
PRINCESS DELA BOTE

PRINCESS DELA BOTE

Hindi pa sila gaanong nakalalagpas sa kasibulan ng kabataan nang magkakilala’t ma-fall sa isa’t isa sina Ana at Enrico. Madali silang nahulog sa patibong ng pag-ibig na sa una lang puro kilig. Maaga silang ikinasal sa huwes. Hindi man lang muna inihanda ang kanilang kinabukasan. Nang magsama sila sa iisang bubong at maharap sa krisis ng realidad ng buhay may-asawa, tulad sa pag-inom ng alak, matapos malasing sa pag-ibig ay matinding hangover ang sumubok sa katatagan ng kanilang ugnayan. Nagumon sa pag-inom ng alak si Enrico. Gumatong ito sa galit ni Ana dahil sa kaiintindi kung paano sosolusyunan ang kanilang mga problema. Hanggang sa mapuno ang salop at humantong sila sa maapoy at dramatikong sakitan ng damdamin. Pinalayas ni Enrico si Ana. Nagpakalayo-layo si Ana at pumunta sa rose farm ng matalik niyang kaibigan. Sa loob ng ilang panahon, humupa ang hangover ng bara-bara nilang pagkalasing sa pag-ibig. Kaalinsabay nito’y ang pagsisisi at pananabik sa isa’t isa. Nahimasmasan si Enrico sa nagawa niyang pagkakamali. Pati ang tadhana’y nakiayon sa kaniya upang maituwid ang lahat. Nakatulong din sa mabilis na pagbabago ni Enrico ang natuklasan niyang diary ni Ana. Nagtuloy-tuloy ang pagbabago ni Enrico para kay Ana. Si Ana nama’y nagtuloy-tuloy ang pananabik at pangungulila kay Enrico; umabot pa nga sa puntong hinahanap niya ito sa ibang lalaki. Hanggang sa di inaasahang araw, muling nagkurus ang kanilang landas. Ngunit naulit ang kahapon. Muling nagpakalayo-layo si Ana. Ang dahilan—may bagong babae si Enrico. Umuwi si Ana sa bahay ng Tiyo Narding niya. Si Enrico nama’y pursigidong tapusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Sinundan niya si Ana. Sa bahay ng Tiyo Narding ni Ana naresolba ang lahat sa paraang kakatwa at nakakikilig. Sa huli'y opisyal na kasalan ang naganap. Kasalang puno ng luha ng kaligayahan.
Romance
3.7K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
A Night with a Stranger

A Night with a Stranger

Isang salita para ilarawan si Leah Olaer: Mataba. At dahil sa kanyang matabang katawan, nagtaksil ang kanyang fiancé na si Kyle at ang babaeng pinagtaksilan siya ay tinawag siyang ugly fat duckling. Hindi lang puso niya ang nasaktan kundi pati ang pride niya bilang isang babae. Kaya naman nang gabing nalaman niya na niloloko lang siya ng kaniyang fiancé, pumunta siya sa isang bar at nilunod niya ang sarili sa alak. That night, Leah was so down, hurt, in pain and depressed, then she came across Achilles Williams. Ang gwapong lalaki na walang kahihiyang hinalikan siya sa harap ng maraming tao. Sa sobrang kalasingan niya, naulit ang halik na nauwi sa mainit na pagtatalik. Saka lang niya narealize na mali ang ginawa niya ng magising siya kinabukasan at wala na ang kalasingan niya. So Leah did the most reasonable thing to do. Tumakas siya. At napatunayan ni Leah na ang kasabihang 'Kahit anong iwas mo, ang kapalaran ay hahabulin ka.' Dahil kahit saan siya tumakbo, naroon si Achilles at naghihintay sa kanya para akitin siya. Maniniwala ba siyang iba si Achilles sa manloloko niyang fiancé? Hahayaan ba niya ang puso na mahalin ang isang makisig at guwapong lalaki na alam niyang hindi bagay sa kagaya niyang ugly fat duckling? O babaguhin niya ang sarili niya para maging bagay siya rito?
Romance
3.1K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Embracing Imperfections

Embracing Imperfections

Mysterielee
Tri is an independent woman who is a working student just to feed her family. She hate her father so much because of his addiction to gambling. At the young age, she already took the responsibility to her siblings and mother. But everything changed when she met him again, her worst nightmare at ang rason kung bakit siya mas lalong naghihirap ngayon. Pati ang pangarap niya ay biglang naglaho dahil lang sa lalaking hindi naman niya ginustong makilala. She hates him so much to the point na pati ang pangalan nito ay ayaw niyang banggitin. Not until one day, everything changed.
2.2K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.2K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Mapanakit Mong Pag-ibig

Mapanakit Mong Pag-ibig

RATED SPG/DETAILED BED SCENES/BAWAL SA BATA! "Sa akin ka lang, Roxanne... ako ang tunay na nagmamay ari sa iyo. Akin lang ang puso, kaluluwa pati na ang katawan mo," may diing wika ni Rain Tyler Montenegro.
Romance
2.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's False Secretary

The Billionaire's False Secretary

Dahil sa kahirapan, mapipilitan na pumasok si Apolonia Marquez sa isang kasunduan nang alukin siya ng isang mayamang estranghera ng tulong pinansiyal upang maoperahan ang kanyang ama na may sakit sa puso. Ngunit kapalit niyon ay kailangan niyang gawin ang apat na sikretong misyon, isa na roon ang maging sekretarya ng pamangkin nitong bilyonaryo. Nakasaad sa kasunduan na kailangan niyang magawa ang apat na misyon, kung mabibigo siya ay kailangan niyang bayaran ang lahat ng nagastos ng ginang. Dahil wala siyang ibabayad dito ay ginawa ni Apol ang lahat upang magawa ang mga iyon kahit pa nga masungit, istrikto at may pagka-aloof ang kanyang amo. Tila umaayon naman ang pagkakataon at nagtatagumpay ang dalaga sa nakasaad sa kasunduan, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya namalayan na sa closeness na mayroon sila ay nahuhulog na pala ang loob niya sa mismong tao na subject sa kanyang misyon. Masarap sanang mangarap. Pero hindi sa katulad niya. Bukod sa malayo ang agwat ng kanilang estado ay hindi talaga siya nababagay rito dahil kahit na sabihin pang totoo na ang malasakit, pati na ang nadarama niya para sa binata ay hindi pa rin maikakaila na parte pa rin ng kanyang misyon ang mapalapit dito. Sabi nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag, paano na siya kapag nalaman nito ang tungkol sa kanyang sikreto na ito mismo ang kanyang misyon?
Romance
102.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Red Daisy

The Red Daisy

Piauthentic
Ang tanging nais niya lang ay masayang pamilya, tahimik na buhay, at maging mabuting asawa’t ina ngunit mapagbiro ang tadhana para kay Daisy Alyson Strauss. Kalat sa buong San Isidro ang apelyidong Strauss lalo pa’t isang Mayor ang ama ng pamilyang ito at maraming proyektong nakatutulong sa tao ang nagawa na ng ama ni Daisy kaya naman hindi maiiwasang makilala at kaaliwan din ng madla si Daisy. Dahil sa katanyagan ay maraming nais umagaw sa pwesto ng kanyang ama. Grabeng pahirap ang dadanasin ng pamilyang Strauss na siyang magtutulak kay Daisy sa sukdulan ng kanyang galit at magpasyang maghiganti sakanyang bagong katauhan na si Ryann Ezra Destiny Guerrero. Ngunit magagawa niya kayang magtagumpay sa kanyang paghihiganti kung nakasalalay naman ang buhay at kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay, pati na rin ang kanyang pagiging ina?
Romance
2.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Kidnapped by my Ex

Kidnapped by my Ex

Warning: Rated SPG(R-18) Naalala niya si Drix pati na ang paraan ng pag-angkin nito sa kanya. Na parang kapareho ng ginagawa ng lalaki na ito na nasa kanyang ibabaw. Kasunod niyon ay ang muling pagbabalik ng matinding sakit na pinaranas sa kanya ng lalaki ng iwanan siya nito, na halos ikabaliw niya yata. Bigla tuloy niyang naitulak ang buong lakas ang lalaki sa dibdib nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, kaya dagling nawala ang nagliliyab na pakiramdam na nararamdaman niya kanina lang. Gusto niyang malaman kung sino ba talaga ang lalaki sa dilim na kasama niya ngayon, para kasing kay damot ng liwanag ng mga sandaling iyon. Hindi niya talaga maaninag ang mukha ng lalaki. Dahil kung hindi siya nagkakamali na si Drix ang kanyang kaniig ay hinding hindi siya papayag sa mga nangyayari ngayon. Sinaktan siya ng matindi ng lalaki, iniwanan na siya. Kaya bakit siya nito kinuha ng walang permiso? Bakit siya kinidnap? Anong dahilan? Maya asawa na ito, kaya anong ibig sabihin ng lahat? “Sino ka!?” Napakalakas na tanong niya. Halatang nagulat ang lalaki sa biglang pagbabago niya ng mood. Kanina lang ay lubos na siyang nagpapasakop sa kamunduhan na taglay nito. Pero sa isang saglit ay nagawa niyang alisin ang init at palitan ng galit ang nadarama. Hindi rin niya alam kung paano niya nagawa iyon. Nakaangat ang kalahating katawan nito mula sa kanya, pero ang ibabang bahagi ay nananatiling magkadikit. Noon lang niya napansin na nakabukaka pala ang ayos niya, nakaayos ito sa kanyang gitnang ibabang katawan. Naisip niya na kung sasalakayin ng matigas na parte ng katawan nito ang kanyang hiyas ay tiyak na wala siyang kalaban laban. “Sino ka?” Malakas na ulit niya sa tanong. “Alex.” Parang naguguluhang bigkas nito sa kanyang pangalan. “Hindi mo pa ba ako nakikilala?”
Romance
103.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Slash of Fate

Slash of Fate

Venomousseth
Dalawang puso ang nakagapos na naaayin sa kagustuhan ng bawat isa. Thr thread can start to deepen or loosen and it's up to their descision. Ag sa bawat giit ng puso ay tila may binubulong, sa bawat katotohanan ay tila may nakatagong sekreto at sa bawat puso ay may nakamarkang pangalan ng nagmamay-ari rito. Ngunit paano mo mamahalin ang taong sumira at nagnakaw ng iyong karapatan? Paano mo itatama ang lahat kung una pa lang ay nagsimula ang kwento sa pagpapanggap at kasinungalingan? Hahayaan niya pa rin bang igapos siya ulit ng tadhana kasama ang lalaking kinamumuhian kahit na madaming rason para putulin iyon? Ngunit sa kagustuhan na pigilan ang sariling makulong muli ay hindi lang puso at katawan niya ang kalaban kundi pati na rin ang mapaglarong puso ng lalaking tinuturing niyang demonyo. "You smell nice Dawn, I don't care if you ars afraid of me but one thing is for sure, kailangan mong itatak diyan sa isip mo na I won't let you run away without having the thrill of having you and tasting you first,"— Flix Montero "I do prefer being tainted ang madumihan ng pauli-ulit ay sadyang nagbibigay ng kakaibang ligata sa akin and I won't let myself fall again for I know I won't ve love the way I like and expect it to be. Because happy endings are only for women that worth to fight for and I am not one,"—Dawn Mathison
Romance
2.7K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3031323334
...
39
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status