Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I Accidentally Got Married With A Mafia Boss

I Accidentally Got Married With A Mafia Boss

Maisie Schneider
Galing ako sa mayamang pamilya. Pero hinde ko ikinasaya ang maging mayaman. Alam nyo kung bakit?. Basahin nyo ang bawat chapters at malalaman nyo ang sagot dyan. Isa lang akong medyo madaldal and medyo tamad mag basa and sweet and mapang asar na girl hihi. Oo medyo lang kaya wag kang umangal baka sampingilin kita tsk!!. Joke lang hehe. Isama na din natin ang pagka pilosopi ko hehe. At medyo lutang din. Medyo malambot din ulo ko!!. Nag sasabi lang ako ng ugali ko. Nag aaral ako sa isang unibersidad na nag ngangalang SCU(south campus university) I'm 19y/o naka tira sa lupa hehe. Char lang. * At merong hinde ko inaasahang mangyari sa buhay ko as in talaga. Kinasal ako nang hinde ko alam. Dahil nga sa tamad akong mag basa kaya pirma na lang ng pirma ng kung ano anong documents. At ito ang napala ko. Aksidenteng naikasal ako sa isang business man or tawagin nadin natin siyang CEO. Na masungit. Medyo lang hah!!. At meron din naman syang ka sweetan minsan mwehehe. Sa totoo lang talaga random yung reaction nya. At ito yun!. Angry. Sad. Happy.(minsan nga lang pag nasa mood sya) Hayst tagalugen nalang natin. Alam kong nahihirapan mag english si author. Right author?. (A/n: Tama ka, kaya wag mokong pahihirapan dito!! ) Oh wag nagagalit author baka high bloodin ka nyan eh haha. (A/n: oks lang yan mahaba haba pa naman pasensya ko sayo!!) Ang OA mo author haha!!. Okay. Balik tayo sa sinasabi ko ayaw kong ma istress si author baka hinde nya matuloy tong kwento ko eh huhu. * So ayun na pala lahat ng reaction nya wala na palang iba hehe. * At alam nyo bang hinde lang sya basta basta isang business man!!. Isa din syang...... Isa..... Syang..... Halaaaaaa...... MAFIA BOSS!!
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ruthless Zillionaire Contract Wife

The Ruthless Zillionaire Contract Wife

Nang mamatay ang ama ni Maureen, halos gumuho ang mundo niya. Naiwan siyang mag-isa, at kasabay nito ay ang milyong-milyong utang na hindi kayang bayaran ng kanilang bahay o negosyo. Ang madrasta niyang ubod ng sama, na tila kamag-anak ni Lucifer, ay sinisi siya sa lahat ng kamalasan. Pinagbantaan pa siya nito na kung hindi makakapangasawa ng mayaman ay papalayasin siya nito, na ikinatakot niya, dahil wala na siyang ibang matatakbuhan. Parang pinagsakluban siya ng langit ng matanggal pa siya sa trabaho. Pero biglang nagbago ang lahat nang ipatawag siya ng boss niyang ubod ng lamig. Inalok siya ng kasal. “Marry me, I'll pay your debt and I'll introduce you to my family to be able to receive my heritage from them. Just contract marriage, no feelings involved, let's call it business.” Dalawa lang ang pagpipilian ni Maureen: maging palaboy o tanggapin ang alok. “Deal,” sagot niya. Kahit tatlong taon siyang magtitiis sa pagiging asawa ng boss niyang cold-hearted. Sa unang buwan ng pagiging mag‑asawa nila sa papel ay naging madali kay Maureen. Naging sekretarya siya ng boss niya at magkasama sila sa iisang bahay. Wala silang pakialaman pagdating sa trabaho; madali lang para sa kanya magpanggap bilang asawa. Ngunit habang patagal nang patagal ang relasyon nila, nagsimula nang magbago ang nararamdaman nila sa isa't-isa. Nagsimula na ring mag‑alala ang lalaki kay Maureen. Si Maureen ang naging dahilan kung bakit nagbago at lumambot ang naninigas nitong puso. Dumating na nga sa punto na matatapos na ang kontrata, ngunit hindi ang pagmamahal ni Maureen para sa boss niya. Nagdadalawang‑isip pa siya kung tatanggapin na ba niya sa kanyang sarili na ang boss niyang nyebe ay mahal niya na o tatapusin niya na lang ang kontrata at magsisimulang mamuhay muli na walang boss na nyebe sa kanyang buhay.
Romance
10226 viewsOngoing
Read
Add to library
ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

Jessica Adams
"You're breaking up with me kasi sa tingin mo mas magaan? Ganoon ba iyon?" ang mahinahon pero puno ng hinanakit na tanong-sagot sa kanya ni Uriel. Sinubukan niyang magbuka ng bibig para magpaliwanag pero walang anumang salita siyang naibulalas kaya nagpatuloy ang binata. "Kasi wala pa tayong isang taon kaya iniisip mong hindi pa kita ganoon kamahal?" noon na galit na napatayo si Uriel. "Very childish, and I should tell you, that was the most bullshit excuse that I have ever heard!" ang galit na sagot ni Uriel na tila ba hindi narinig ang sinabi niya. Malakas na sampal ang pinadapo ni Therese sa pisngi ng binata dahil doon. "Sa tingin mo madali ito? Ginagawa ko ito para sa'yo!" "Really?" ang binata na mapait pang tumawa. "para sa'kin o para sa sarili mo?" "How dare you!" si Therese na muling napaiyak. "Well same here! Bakit sa tingin mo ba may magbabago sa kundisyon mo kapag inalis mo ako sa buhay mo?" "Tumigil ka!" "No! Hayaan mo akong magsalita okay? You've done too much talking already so I guess it's my turn now!" Natigilan si Therese sa nakita niyang magkahalong galit at paghihirap sa mukha ni Uriel kaya hindi siya nakapagsalita at umiiyak na pinakinggan ang lahat ng sinabi ng binata. "Masakit oo, at ako mismo natatakot na ngayon palang. But I'm not like you. Kasi kahit natatakot ako at nahihirapan, sinusubukan ko paring ihanda ang sarili ko. Pinag-aaralan kong tanggapin ang lahat. Kasi gusto kong maging masaya ngayon, habang nandito ka pa, habang kilala mo pa ako," ani Uriel na tuluyan na nga ring napaiyak. "Simple lang naman ang gusto ko, bigyan mo ako ng role sa buhay mo, kahit maliit lang," ang pagpapatuloy nitong pakiusap saka nagpahid ng mga luha. "U-Uriel," aniyang isinubsob ang mukha sa palad saka napahagulhol.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
444546474849
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status