Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Jealous Husband

Jealous Husband

Amtayrd
Althea Conor Was forced to marry someone she doesn't know. Sa kalagitnaan ng kanyang pagdadalamhati sa libing ng kanyang Lolo na siyang nag-iisa niyang pamilya matapos maghiwalay at iwan siya ng kanyang nga magulang, ay biglang may mga naka Black suit na dumating at Pilit siyang pinapasama. At sa Lugar na di niya alam ay may iaang lalaking nakaupo, May maraming tattoo at nakahawak ng sigarilyo ang bumungad sa kanya ng tanggalin ang piring nito sa mata. "welcome home. my soon to be wife. " ang Sabi ng lalaki na nagpalito kay Althea.
Romance
10511 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Sassy Fiancée

The Billionaire's Sassy Fiancée

Hinalikan ni Irene Smith ang isang lalaking hindi niya kilala upang matakasan ang ka-blind date, subalit hindi niya akalain na ang lalaking aksidente niyang hinalikan ay isa palang bilyonaryo na noon ay nakatakda nang ikasal. Si John Maki Montealegre, isang mayamang lalaki na nangangailangan ng mapapangasawa. Kailangan niyang mapapayag ang kanyang lolo na magpa-opera. Dahil sa ginawa ni Irene, siningil siya ni Maki sa kalapastanganan ng dalaga. Ang kabayaran? Ipakikilala ni Maki si Irene sa kanyang pamilya bilang kanyang fiancée.
Romance
403 viewsOngoing
Read
Add to library
MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

Sa halos walong taong pagsasama ni Henry at Estelle ay walang pag-ibig na nabuo sa pagitan nila dahil isa lamang iyong kasunduan, ngunit sa kabila nito ay minahal niya si Henry kahit na kinamumuhian siya nito at hindi itrinato bilang asawa. Ginawa niya ang lahat ng utos ng lolo ni Henry lalo na ang suhestiyon nito na pasukin niya ito sa sarili nitong silid at sa isang beses na iyon ay nabuo ang nag-iisang anak niya na si Mia. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana dahil sa dami ng tao na magkakaroon ng karamdaman ay ang anak niya pa talaga. Dahil sa pasirang relasyon at nasa kalagitnaan ng paghihiwalay, hiniling niya kay Henry na magpakaama kay Mia sa loob ng isang buwan. Ayaw man nito ay pumayag din ito sa wakas sa ngalan ng pagiging madali niya sa pagpirma ng kanilang kasunduan para mapakasalan na ang kaniyang unang pag-ibig na si Gwen. Kaya lang ay namatay ang anak niya ng dahil kay Henry. Nang malaman nito ang totoo tungkol sa sakit ng anak niya ay pilit itong nagmamakaawa na patawarin niya ngunit paano niya iyon gagawin kung sa tuwing makikita niya ang mukha nito ay maaalala niya ang sinapit ni Mia. Mapalambot pa kayang muli ni Henry ang naging bato nang puso ni Estelle?
Romance
433 viewsOngoing
Read
Add to library
Love Beyond Status: The Billionaire's Chosen Wife

Love Beyond Status: The Billionaire's Chosen Wife

Si Adam Joe, isang bilyonaryo. Maganda ang buhay dahil sa yaman na kaniyang pinag hirapan. Samantala si Elizabeth Fortes, hikahos sa kahirapan. May kapatid na malubha ang sakit, dahil sa sakit ng kaniyang kapatid na si AZ, kinailangan niyang kumapit sa patalim upang mapagamot ang nag iisang kapatid dahil wala na silang magulang. Si Adam ay mapaglarong tao, kahit na meron na siyang kasintahan ay nagawa pa din niyang magtaksil dahil hindi naman talaga niya lubos na gusto si Sabrina, pinag kasundo lang sila ng kaniyang Lolo at ng magulang ni Sabrina. Ano ang magiging papel ni Elizabeth sa buhay ni Adam? Magiging parausan lang ba siya ng bilyonaryong lalaki?
Romance
10265 viewsOngoing
Read
Add to library
The Secret Billionaire and the Fallen Heiress

The Secret Billionaire and the Fallen Heiress

Bumagsak ang mga kompanya ni Miguel Montecarlo, lolo ng dalagang si Mia, at napilitan itong ipagkasundo ang kanyang apo sa mayamang si Don Rico. Noong gabi kung kailan siya kinutya at ipahiya ng mga kaibigan, nakilala naman ni Mia si Liam, isang gwapong lalaking akala niya ay isa lamang waiter at inalok ito ng pera kapalit ng pagtulong sa kanyang makalimot kahit isang gabi lamang.
Romance
10200 viewsOngoing
Read
Add to library
Mamamatay in Three, Two, One

Mamamatay in Three, Two, One

Lagi akong ikinukunsidera ng pamilya ko na tagapagdala ng kamalasan. Dahil ito sa nakikita ko ang countdown bago mamatay ang mga kamag-anak ko. Sinabi ko sa kanila kung kailan mamamatay si lolo, ama, at ina. Nagkakatotoo ito dahil sa iba’t ibang mga aksidente. Ang tatlong mga kapatid ko ay kinamumuhian ako mula sa kaibuturan nila dahil sa tingin nila isinumpa ko ang mga magulang ko at lolo. Ang nanay ko ay namatay matapos iluwal ang nakababata kong kapatid na babae, pero ang mga kapatid ko ay walang tigil siyang iniispoil. Sinasabi nila na siya ang suwerte nila dahil nagiging okay ang lahat para sa pamilya sa oras na iluwal siya. Pero hindi ba’t namatay si Ina noong iniluwal siya? Sa ika-18th kong kaarawan, nakikita ko ang death countdown kapag tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Bumili ako ng urn at naghanda ng pagkain. Gusto ko kumain ng huling beses kasama ang mga kapatid ko, pero walang nagpakita sa kanila noong nag zero na ang timer...
Read
Add to library
My Maid is My Missing Wife

My Maid is My Missing Wife

Si Bella Monteverde, pinanganak galing sa mayaman na pamilya. Isang tagapagmana, subalit dahil sa pag-ibig, tinakwil siya ng sarili niyang pamilya. Hanggang sa dumaan ang ilang buwan. Ipinaghiwalay sila ng tadhana ng kaniyang asawa na si Brent De Guzman. Tunay na pagmamahal ang ibinigay nila sa isa't isa. Isang bulag si Brent. Ngunit, ginawa pa rin ni Bella ang lahat upang ipaglaban nito ang kaniyang asawa sa pamilya niya. Hangang sa isang araw, pumunta siya sa hospital dahil masama ang pakiramdam niya. Naging masaya naman si Bella dahil buntis pala siya. Ngunit, pagbalik niya sa kanilang bahay ay hindi na niya naabutan ang asawa niya. Tanging mapanakit na sulat na lang ang natanggap ni Bella. Pitong taon ang nakalipas. Muli siyang bumalik, ngunit hindi na siya tinaggap ng kaniyang ama base sa sinabi ng stepsister niya. At ngayon ang pamana na dapat kay Bella ay pilit na kinuha ng kaniyang step sister. Kahit nagawa man ni Bella ang lumapit sa pamilya niya para sa pagpapagamot ng anak niya. Ay naging walang saysay pa rin ito. Subalit, patuloy pa rin na lumaban si Bella. Hanggang sa hindi niya sinasadyang makatagpo ang isang matanda. Ang matandang ito ay nagpanggap bilang isang pulubi. Subalit, sa likod nito siya ang lolo ni Brent. Na siya ring dahilan nang muling pagkikita ni Bella at ni Brent. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na si Bella ang kinikilalang asawa ni Brent. Dahil kinuha ng stepsister niya ang bagay na 'to at nagpanggap bilang si Bella. Gayunpaman, ay nais ng lolo ni Brent na ikasal si Brent kay Bella. Saan hahantong ang ganitong buhay? Muli kaya niyang maibabalik ang kaniyang asawa sa piling niya? Muli kaya niyang mababawi ang dapat para sa kaniya?
Romance
184 viewsOngoing
Read
Add to library
BURNING MIDNIGHT WITH UNCLE (SPG)

BURNING MIDNIGHT WITH UNCLE (SPG)

Walang ibang taong naging sandigan si Sapphire mula pagkabata kundi ang kanyang Uncle Ares—ang lalaking kinupkop ng kanyang mga lolo’t lola bilang sariling anak. Tahimik, responsable, at palaging nariyan tuwing kailangan niya ng karamay. Sa tagal ng pagkakasama nila, hindi niya namalayang unti-unti na pala siyang naaakit sa misteryosong tikas nito. Kaya nang mawalan siya ng magulang sa London, agad siyang umuwi sa Pilipinas at nanirahan sa piling ng tanging taong pinaniniwalaan niyang tunay na ligtas siya... kahit pa ang puso niya ay nalilito. Bago pa man siya umalis ng London, pinangako niya sa sarili na ililibing na niya ang damdaming iyon. Hindi sila magkadugo, pero si Ares na lang ang natitirang pamilya niya. Pero paano kung malaman niyang matagal na rin pala siyang pinagnanasaan ng lalaking tinitingala niya? Can she hold on to her morals, or will she give in to the fire—and cross the line she swore never to touch?
Romance
176 viewsOngoing
Read
Add to library
Mommy To The Billionaire's Daughter

Mommy To The Billionaire's Daughter

Si Bianca Batista, isang barista, lumaking ulila matapos mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente noong bata pa siya. Pinalaki siya ng kanyang lolo’t lola, ngunit palagi niyang hinahangad ang pagmamahal ng kanyang mga magulang at ang magkaroon ng isang buo at masayang pamilya. Nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas Alcaraz isang gabi sa isang bar—isang guwapo, mayaman, ngunit napaka-aroganteng lalaki. Kinaumagahan matapos ang kanilang one-night stand, hindi inaasahan ni Bianca na mababangga niya ito sa isang insidente, at mas lalong hindi niya inaasahang mapagkamalan siyang ina ng anak nito. Dahil sa sitwasyon, napilitan si Lucas na alukin si Bianca na magpanggap bilang ina ng kanyang anak.
Romance
10130 viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Best Mistake

One Night Best Mistake

“Let’s make a deal. Papayag ka sa kasal—just for show. Para kay grandpa. Name only, no real marriage. No interference in each other’s lives. Kapag gumaling si Lolo, magdi-divorce tayo. Bilang kapalit, bibigyan kita ng financial compensation.” Napamaang si Nathalie. Compensation? Hindi niya naituloy ang pagtanggi. Naalala niya ang kapatid niyang naghihintay ng pambayad para sa gamutan. Isa pa, kaya naman talaga siya pumunta sa Zamora ay para humiram ng pera. Nakita ni Cedric ang pag-aalinlangan niya. Dagdag pa nito, “As long as you agree, kahit magkano—ikaw ang bahala.” Tahimik na nagbilang si Nathalie ng hininga. Ilang sandali pa, tumango na siya. “Okay, I agree.” Bahagyang ibinaba ni Cedric ang paningin, tinatago ang malamig na ngiti sa kanyang mga mata. ‘Isang babaeng kayang ipagbili ang kasal para sa pera… how cheap,’ naisip niya.
Romance
84 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
121314151617
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status