Lover Of The Mafia Boss
⚠️SPG⚠️ Lumaki ang tibo na si Roxine Caballero, na matatag at subok na ng panahon. Osto anyos pa lang kasi siya noon nang iwan sila ng kanyang ama, at hindi na ito muling nagpakita pa, kaya labis siyang nagtanim ng sama ng loob rito.
Nang ma-ospital ang kan’yang ina dahil sa isang car accident, na-comatose ito, at walang may alam kung magigising pa ba ito.
Malaki na ang nagagastos ni Rox sa ospital, pero nais niya pa ring madugtungan pa ang buhay ng kan’yang ina. Kaya ginagawa niya ang lahat para kumita ng pera, kahit kumapit pa siya sa patalim.
Isang gabi sa isang private port, tahimik siyang nagmamatyag sa pagdating ng bagong shipment. Nag-aabang siya doon para magnakaw ng imported products, at binibenta niya ‘to sa malaking halaga.
Pero tila malas kay Rox ang gabing iyun dahil naka-enkwentro niya si Darcos Ruggieri, isang Italo-Filipino billionaire businessman, at mafia boss.
Nadaig siya ni Darcos, at akmang papatayin na sana, pero isang tauhan ng binata ang biglang dumating at pumigil rito. Pinadampot siya ni Darcos, at dinala sa mansiyon nito.
Doon nalaman ng dalaga na matagal na pa lang patay ang tatay niya, at matalik nitong kaibigan si Darcos.
Nais ni Rox na tumulong sa paghahanap sa pumatay sa tatay niya, pero hindi siya pinayagan ni Darcos.
Nangako ang binata sa kanyang best friend na aalagaan niya ang mag-ina nito, at poprotektahan dahil may gusto ring pumatay sa mga ito.
Sa umpisa ay para silang mga aso't pusa, kung mag-away, dahil sa pareho silang mga siga, at palaban. Ngunit sa huli ay pinalambot rin ng pag-ibig ang kanilang mga puso.