Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Vampire's Tale

The Vampire's Tale

Isang tipikal na araw lamang iyon para kay Yueno. Ngunit sa isang kisapmata ay natagpuan niya ang sariling tumatakbo para sa kanyang buhay. Hinahabol ng mga nilalang na hindi niya akalaing nabubuhay pala sa mundo. Mga halimaw na nagkukubli sa kadiliman. Mga nilalang na ang mga mata ay kasing pula ng dugo at may mga matatalim na pangil na nagnanais na maitarak sa kanya anumang sandali. Ngunit isang insidente ang siyang magpapabago sa buhay niya. Buong akala niya ay doon na siya mamamatay ngunit nabuhay ang pag-asa niya nang biglang sumulpot ang isang tagapagligtas. Isang misteryosong lalaki na laging naroroon sa oras na nasa panganib ang buhay niya. Ang biglang pagsulpot nito sa buhay ni Yueno ay magdudulot ng kaguluhan sa kanyang sistema at muling bubuhay sa munting piraso ng kanyang nakaraan na kanya ng nakalimutan. Ang kanyang kuryosidad sa misteryosong lalaki ang siyang pupukaw ng kakaibang damdamin sa loob niya at magsisiwalat sa katotohanan at realidad na hindi na niya maaari pang takasan. Ituturing pa kaya niyang tagapagligtas ang lalaking ito sa oras na malaman niya ang totoo nitong pagkatao? O hahayaan nalamang niya ang puso na magpasya? Ang pagbubukas ng isang pinto ang siyang magiging daan sa pagbubukas ng ilan pa, kaakibat ang katotohanang nakatago sa bawat isa noon. Matatanggap kaya ni Yueno ang realidad at ang nakaatang na responsibilidad na siyang naghihintay sa kanya? Makakayanan kaya niyang makaligtas sa mga nilalang na naghahangad ng kanyang kamatayan? Magagawa kayang malampasan ng pag-ibig ang mga nakaambang panganib na dala ng kasinungalingan, pighati at pagtatraydor? O susuko nalamang siya at magpapatianod sa daluyong ng tadhana? Ito ang kabilang panig ng kwento naghihintay na matuklasan. Mga sikretong handa ng ibunyag at ikaw nalang ang hinihintay.
Fantasy
109.3K viewsCompleted
Read
Add to library
CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress

CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress

Si Haraleigne Perez ay isa lamang na mababang empleyado ng Dela Valle Corporation. Tila ba walang katapusan ang kahirapan at ang kanda-kuba niyang pagkayud sa buhay, ngunit ito ay tuluyang nagbago ng isang gabing malasing siya mula sa business trip at maka one night stand niya ang kanilang CEO na si Gabriel Dela Valle. "I need a marriage partner, Hara Perez." "Ano po, sir Gabriel?" Maang na tanong ni Hara dahil wala siyang ideya bakit iyon sinasabi sa kanya ni Gabriel. "I said....marry me." Pansamantalang pamalit, kabit o parausan. Iyan ang naitatak ni Hara Perez sa kanyang sarili magmula nang tanggapin niya ang kasunduang magpakasal kay Gabriel kapalit ang pagpapagamot sa kanyang ina na nangangailangan ng pera para ma-operahan. Napagtanto niyang may babaeng minamahal pala si Gabriel at ito ay ang kanyang kasintahan na si Dana Hernaez Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya na kaya nagpakasal si Gabriel ay dahil gusto lamang nitong maghiganti kay Dana at si Hara ang napili niya bilang wastong kasangkapan sa kanyang ninanais. Ibinaba niya ang kanyang dignidad para lamang sa ikabubuti ng kanyang ina. Ngunit hanggang kailan siya malalagay sa ganitong sitwasyon? Hanggang kailan siya magiging panakip butas lamang? Darating kaya ang araw na mamahalin din siya ni Gabriel?  "Please, alagaan mo siyang mabuti para saakin ha, maari ba iyon?" "Nagmamakaawa ako, sa ngayon ay mahalin mo siya para saakin." Paki-usap ni Dana. "Hindi kasama sa kontrata na mamahalin ko siya para sa'yo." Matigas na pagtatanggi ni Hara. Ngunit ano ang kanyang gagawin nang napagtanto niyang nahulog na rin siya kay Gabriel at nagbunga ng inosenteng bata ang kanilang pekeng kasal?
Romance
1031.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The ruthless CEO's second chance

The ruthless CEO's second chance

DEVAUX SERIES 1: (Aiden) Paano kung sa araw nang iyong debut ay bigla ka nalamang mapunta sa isang celebration na akala mo ay para sa iyong kaarawan ngunit hindi dahil iyon pala ay iyong kasal, kasal sa isang taong hindi mo naman kilala o sa ingles ay Arrange Marriage. Sabrina De Guzman isang dalagang pilipina ngunit sila ay nakatira sa Canada magmula nang mamatay ang kaniyang ina. Gumimbal sa kaniyang pagkatao ang kasal na siyang ikinawala niya matapos ang seremonyas. Ang tanong, bakit biglang nawala si Sabrina gayong lahat nang babae ay nangangarap na maikasal kay Aiden Devaux. _________ COMPLETED
Romance
10156.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

“My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili nitong pamamahay. Paano ipaglalaban ni Maurine ang karapatan ng kanyang anak kung ang pinanghahawakan lang niya ay ang tattoo sa likod ng binata? Kung ikaw si Andrade ay a-akuin mo ba ang responsibilidad, hindi lang ng isang bata kundi ng dalawang anak ni Maurine? Isa na namang kwento ng pag-ibig ang ating susubaybayan mula sa pamilyang Hilton. Ang kwentong ito ay tungkol sa ikalimang anak ni Cedric Hilton na may title na: “The CEO’s Sudden Childs”
Romance
1074.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit

Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit

Kinasal si Athalia o mas kilala bilang Tati kay Raphael. Sa ilang taong pagsasama nila ay ilang beses lang umuwi ang asawa niya. Raphael hates her to the core, ginagawa niya ang lahat para maibalik ang dating meron sila. Ngunit paano nga ba maibabalik ang bagay na hindi naman nangyari? Limang taon niyang pilit pinapalitan sa puso nito ang dating kasintahan. Ngunit hindi ito maalis sa puso ni Raphael. Lalaban pa ba siya o susuko na? Mananatili ba siyang Mrs. Yapchengco o susuko na lamang ba? Ito ang kwento ni Doktora Athalia Rielle “Tati” Lazarus–Yapchengco.
Romance
1058.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
10178 viewsOngoing
Read
Add to library
My billionaire ex-wife

My billionaire ex-wife

Blurb Matapos ang mahabang panahon ng pag-iisa at pagtitiis, isang napakalakas na babae ang sumalubong kay Albert Montenegro sa kanyang pagbabalik sa buhay ni Martina Lopez. Ang dating mabait at mahinhing asawa ay tinapatan na ng isang Maria Martina Acosta na puno ng determinasyon at kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, naging isang makapangyarihang negosyante si Martina sa pamamagitan ng pagtatag ng kanyang sariling kumpanya, ang Ang Acosta Corp. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at talino upang maabot ang kanyang mga pangarap at patunayan sa sarili at sa iba na siya ay hindi basta-basta lamang. Ang pagkakataon na muling magkita sila ni Albert ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao. Si Martina ngayon ay hindi na ang dating Martina na handang magpaalipin at magpakumbaba. Siya ngayon ay isang babaeng mapangahas, matapang, at may sariling paninindigan. Hindi na siya nagpaalipin sa kahit anong tao, lalo na sa isang lalaking hindi naman tunay na minahal at pinahalagahan siya. Sa kanyang pagbabalik bilang isang Maria Martina Acosta, ipinakita ni Martina na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili ang tunay na mahalaga sa buhay. Hindi na siya ang dating babaeng handang gawin ang lahat para lamang mapanatili ang isang hindi masayang relasyon. Ngayon, ang kanyang layunin ay palakasin ang kanyang sarili at patunayan na siya ay hindi kailanman dapat balewalain. Sa pagbabalik ni Martina bilang isang napakalakas na babae, napatunayan niya sa lahat na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan, maaari pa rin nating baguhin ang ating kinabukasan at maging isang tapat na huwaran ng determinasyon, tapang, at pagmamahal sa sarili. Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa bawat pagsubok na ating haharapin sa buhay, mayroon tayong kakayahan na baguhin ang ating sarili at maging mas malakas at matatag sa bawat pagsubok na darating.
Romance
1014.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Sincerely, Elena

Sincerely, Elena

frustrated_writer
Sadyang mapaglaro ang tadhana nang makita ni Elena Payton ang kanyang dating kasintahan na si Dante Gillesania, sa kanyang pinagtratrabahuan. Sampung taon na rin ang nakalipas nang nangako si Dante na babalik muli sa kanyang piling. 'Di Alintana, sa hindi inaasahan pagkakataon, magtatagpo muli ang kanilang landas upang buhayin ang nabaon nang nakaraan. Maibabalik pa kaya ang dating matamis at masayang relasyon nila o tuluyan nang maglalaho ito? Maisasayos pa kaya ang pangakong nasira ng panahon o maitatapon na lang ito sa bulong ng hangin? Maipapahayag pa kaya ang nakalipas na malamyos na pagmamahalang nasira ng wasak na pangako? Ito ang kwento ni Dante at Elena. Naghintay. Nagtiwala. At Nagmahal. Ang dalawang taong tinadhana at ipinagkait ng pagkakataon.
YA/TEEN
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Marriage for Convenience

Marriage for Convenience

Misa_Crayola
Si Kristine ay masunuring anak at hindi mahilig makipagtalo sa kahit na sino. Maraming pumupuri sa kanya dahil sa kanyang magaling na pakikisama, kaya malaking tanong para sa kanya kung bakit hinayaan ng Diyos na mangyari sa kanya ang kanyang mga pinagdaanan? Ang second year anniversary nila ng two years boyfriend at planong pagbibigay ng sarili rito dahil sigurado na siyang ito ang lalaking gusto niyang maging asawa ay nauwi sa isang malaking eskandalo. Ang lalaking namulatan niya sa kama ay isang guwapong C.E.O. ng isang steel fabrication at inaakala naman nitong isa siyang prostitute na inarkila nito. Mabilis ding kumalat ang scandal nila na hindi rin niya alam kung paano nangyari at sino ang may gawa. Dahil doon, pilit siyang pinahihiwalay ng ina ng kanyang boyfriend sa anak nito at pinagbantaan. Maging ang kanyang ama ay galit na galit sa kanya at sinabing hinding-hindi na siya makakatungtong sa pamamahay nila hangga't hindi niya dinadala ang lalaking kasama niya sa scandal at nang araw din na iyon, nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang boyfriend. Nagpakalayo-layo siya dahil sa kahihiyan pero maliit ang mundo dahil ang boss niya pala sa bagong trabaho ay ang mismong nakatabi niya sa kama, at ito rin ang unang nakaalam na buntis siya at ito ang ama. Pinipilit din ng lola nito na panagutan siya o aalisin ito sa kompanya. Kung magiging asawa niya ito matutuwa ang kanyang ama na isang investment ang tingin sa kanya. Magpapakasal lang sila dahil pareho nila iyong kailangan. Para kay Kristine, ang magulang na lamang niya ang mayroon siya, kahit para na lamang sa katuwaan ng mga ito ay magpapatali siya sa lalaking kasama niya sa naganap na bangungot ng buhay niya.
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Secret Lover is a Mafia Boss

My Secret Lover is a Mafia Boss

M.A.B. Writes
Zandro's father exiled him to leave their mansion. He was just only 8 then when it's force him to leave in his foreign country. Together with his butler they moved to the philippines and lived a simple life. Not knowing the real situation he begin to feel a deep livid unto his father. He begin to shut off his self to anyone. But only one person can actually change him. A person which he didn't expect with to treasure the most. "ZANDROOO!" matinis na sigaw ng isang babae. Isang ngite ang namutawi sa kanyang mga labi bago ito tuluyang hinarap. "What?" paingos niyang tanong dito. Namumula sa galit ang may kaliitan nitong mukha at halos umusok na ang ilong nito sa galit. Nakakatuwa talaga itong pagmasdan kapag nagagalit. Ngunit isang malakas na batok ang ibinigay nito sa kanya dahilan nang pagkakatayo niya sa kanyang pagkakaupo. Napatingala ito sa kanya nang tuluyan na siyang tumayo. Halos hanggang balikat niya lang ito. "Hindi ka na naman pumasok sa klase natin. Isusumbong na talaga kita kay Uncle," panenermon nito sa kanya. "Tss." 'Bakit naman siya papasok sa loob ng room nila kung wala din naman ito doon.' "Umalis lang ako sandali dahil ipinatawag ako ni Ma'am Jie. Kung saan-saan ka na agad napapadpad gawain ba nang matinong estud-" Naputol ito sa pagsasalita nang hablutin niya ang maliit nitong beywang saka ito siniil ng halik. Halos ramdam niya ang paninigas nito dahil sa ginawa niya. Nang bitawan niya ang mga labi nito ay nakita niya sa mga mukha nito ang pagkagulat. "Your too noisy Eury," he huskily said and intertwined his hands with hers. "Bumalik na tayo sa klase." Hila niya rito. Eurydice Solarte is the Mafia's son obsession.
Romance
108.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status