Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
POWER OF DESIRE 2: Come Back To Me, Aria (FILIPINO)

POWER OF DESIRE 2: Come Back To Me, Aria (FILIPINO)

Jessica Adams
WARNING: (R18) STORY WITH MATURE CONTENT: Si Aria ang kahulugan ng buhay para kay James. Mahal na mahal niya ang asawa niya at alam niya na kapag nawala ito ay guguho ang mundo niya. Iyon ang pinaka-kinatatakutan niya at iyon ang pinaka-hindi niya gustong mangyari. Pero paano kung ang kinatatakutan niyang iyon ay biglang mangyari? At paano kung sa muli nilang pagkikita ay hindi na siya kilala ni Aria? Paano na ang pamilya nila at ang ikalawang bata na dinadala sa sinapupunan ng kaniyang asawa?
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unwanted Heiress

The Unwanted Heiress

Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan.  Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan. Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya. Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo. Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam. Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon. Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira.  Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya. Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit. At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim… Isa siyang pamalit.... Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito. At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila. Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo. Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti. *****
Mafia
1012.1K viewsOngoing
Read
Add to library
HER COLLATERAL HUSBAND

HER COLLATERAL HUSBAND

Sa ilalim ng arranged marriage ikinasal sina Zelena Havens Arivelez at Dylan Romano dahil sa pagkakaroon ng utang ng pamilya Romano sa pamilya Arivelez. Natuwa si Zelena dahil matagal na niyang gusto si Dylan, ngunit hindi ito interesado sa kaniya. Zelena tries to win Dylan's affection, ngunit nahirapan siya dahil kahit babaero ito ay siya lang ang babaeng ayaw nitong bigyan ng oras. Matapos ang paghihirap ni Zelena, nagbunga ang panunuyo at pagmamahal niya kay Dylan. Ngunit sa gitna ng kanilang kasiyahan, Zelena discovers a shocking truth about Romano family's plan that could change everything. But is it too late to save herself from the consequences of their arranged marriage?
Romance
10749 viewsOngoing
Read
Add to library
My Maid is My Missing Wife

My Maid is My Missing Wife

Si Bella Monteverde, pinanganak galing sa mayaman na pamilya. Isang tagapagmana, subalit dahil sa pag-ibig, tinakwil siya ng sarili niyang pamilya. Hanggang sa dumaan ang ilang buwan. Ipinaghiwalay sila ng tadhana ng kaniyang asawa na si Brent De Guzman. Tunay na pagmamahal ang ibinigay nila sa isa't isa. Isang bulag si Brent. Ngunit, ginawa pa rin ni Bella ang lahat upang ipaglaban nito ang kaniyang asawa sa pamilya niya. Hangang sa isang araw, pumunta siya sa hospital dahil masama ang pakiramdam niya. Naging masaya naman si Bella dahil buntis pala siya. Ngunit, pagbalik niya sa kanilang bahay ay hindi na niya naabutan ang asawa niya. Tanging mapanakit na sulat na lang ang natanggap ni Bella. Pitong taon ang nakalipas. Muli siyang bumalik, ngunit hindi na siya tinaggap ng kaniyang ama base sa sinabi ng stepsister niya. At ngayon ang pamana na dapat kay Bella ay pilit na kinuha ng kaniyang step sister. Kahit nagawa man ni Bella ang lumapit sa pamilya niya para sa pagpapagamot ng anak niya. Ay naging walang saysay pa rin ito. Subalit, patuloy pa rin na lumaban si Bella. Hanggang sa hindi niya sinasadyang makatagpo ang isang matanda. Ang matandang ito ay nagpanggap bilang isang pulubi. Subalit, sa likod nito siya ang lolo ni Brent. Na siya ring dahilan nang muling pagkikita ni Bella at ni Brent. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na si Bella ang kinikilalang asawa ni Brent. Dahil kinuha ng stepsister niya ang bagay na 'to at nagpanggap bilang si Bella. Gayunpaman, ay nais ng lolo ni Brent na ikasal si Brent kay Bella. Saan hahantong ang ganitong buhay? Muli kaya niyang maibabalik ang kaniyang asawa sa piling niya? Muli kaya niyang mababawi ang dapat para sa kaniya?
Romance
1040.1K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
109.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE

The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE

Helious Shawn Saavedra was given the surprise of his life nung malaman niya na may anak na pala siya. Si Hunter, ang batang iniwan ng naka one night stand niya sa isang ampunan. And the worse thing, may sakit ang bata kaya naman lalo siyang nakaramdam ng pagkamuhi sa babaeng iyon. Carrine Esguerra, isang simpleng babae na nagkataong kamukha ng nanay ni Hunter. Nagpanggap siya bilang si Simonne Legazpi at hindi niya napigilang ma-inlove kay Helious. Paano na ang pagmamahal niya gayung biglang bumalik si Simonne para bawiin, hindi lang si Hunter pero pati na din si Helious? Makakaya ba niyang magparaya para mabuo ang pangarap ni Hunter na isang masaya at buong pamilya?
Romance
1021.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|

PIERCE MONTERO |THE HIDDEN BILLIONAIRE|

eleb_heart
Dahil sa isang pagkakamali ng kaniyang ama ay nabuo si Zarah. Ang kaniyang ina ay namatay nang ipanganak siya at walang choice ang kaniyang ama kundi ang kupkupin siya. Tumira siya sa bahay ng kaniyang ama kasama ang madrasta at mga kapatid niya, na walang ginawa kundi apihin at ipamukhang anak siya sa labas ng kaniyang ama. Hanggang sa ipakilala niya ang boyfriend niya sa mga ito at nalaman ng kaniyang boyfriend na wala siyang mamanahin na kahit na ano kaya tinalikuran siya nito at pinili ang half-sister niya na engage na! Dahil sa pagtataksil nito sa fiancee nito ay siya ang ipapalit na maging bride para isalba ang kanilang pamilya sa kahihiyan. She was forced to marry a disabled man, but after they got married ay nalaman niya ang katotohanan sa likod ng pagkatao ng kaniyang "asawa." HE WAS A HIDDEN BILLIONAIRE.
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Father's Mistress

Marrying My Father's Mistress

Rainisms
Social climber, goldigger, malandi, mang-aagaw, home wrecker. Ilan lang 'yan sa mga salitang natatanggap ng isang kabit na kagaya ni Eunice, ngunit wala siyang pakialam, manhid na siya sa mga ganuong klaseng katawagan. It's true that she's only up for money, it's her way para matustusan ang mga luho niya. Ang pinakamadaling paraan na alam niya para magkaroon ng mga bagay na gusto niya ng walang kahirap-hirap ay ang makipagrelasyon sa matatandang mayaman. Wala sa kaniya kung may asawa man ito at maging kabit siya. Ang totoo ay mas gusto niyang nakikipagrelasyon sa mga lalaking mas malaki ang agwat ng edad sa kaniya at may asawa na, kaysa sa binata pa. Para sa kaniya ay mas challenging iyon at mas nakakapagpapataas ng kompiyansya niya sa kaniyang sarili.Ngunit tila ba dumating ang karma ni Eunice. Nang makarelasyon niya ang business tycoon na si Emmanuel Montoya, ang dating magulo niyang buhay ay mas lalo pang gumulo. Galit na galit sa kaniya ang asawa at anak ni Emmanuel, dahil sa pagwasak niya sa masayang pamilya nito. Si Joaquin ang nag-iisang anak ni Emmanuel, gagawin nito ang lahat para pasakitan si Eunice. Manaig pa kaya ang galit ni Joaquin kung unti-unti naman siyang nadadala sa mapang-akit na si Eunice? Magawa pa kaya niya ang maghiganti o kagaya ng kaniyang ama ay mahuhulog din siya sa karisma nito?
Romance
973 viewsOngoing
Read
Add to library
Modern Ballad

Modern Ballad

Women. Booze. Casual Sex and repeat. Yan ang nakasanayang buhay ng isang Saint Paris De Luca - isang casanovang bilyonaryo. Pangalang sinisigaw ng mga kababaihan at kinaiinggitan naman ng mga kalalakihan. Ipinangako niya sa sarili na walang babaeng makakapagpaluhod sa kanya sa kahit anong kagustuhan nito. No stress - no love , just sex. Hanggang dumating ang isang araw na aksidente niyang narinig na ipapakasal siya ng mga magulang sa isang babaeng nagngangalang Lois Andromeda Verlice. Isang babaeng ang prioridad ang pamilya at pangarap, malayong malayo sa iniisip niyang katulad ito ng ibang babaeng humahabol sa kanya. Ang babaeng ayaw din sa lalaking babaero tulad niya. At hindi siya pwede matali ng basta basta man lang, hindi niya kayang i-give up ang kalayaang meron siya ngayon bilang binata. Sanay siyang siya ang hinahabol at sinasamba ng mga babae. Kaya naman hinikayat niyang umayon ito sa plano niyang magpapangap silang magkasintahan kalaunan para na rin sa ikakabuti ng kondisyon ng ama niya. He love his life more than ever. Pero paano nalang niya gagawin yon kung araw-araw nito ipinaparamdam sa kanya kung ano ang kulang sa buhay niya. The love he never believe it existed. Mananatili pa ba silang magpapanggap para lang lokohin ang mga sarili nila, na alam nilang sa una palang talo na o mag take ng risk para sa pagmamahal na inaasam nila para sa isa't isa?
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Rush Marriage

Rush Marriage

Yram gaiL
"Pinalaki kita ng napakaraming taon, kung hindi mo bibigyan ng bahay at pera ang kapatid mo, kalimutan mo nalang ang pamilya natin!" sigaw ng mala monster na mama ni Queenilyn Sanchez na walang ibang mahalaga sa kaniya kundi pera. Sa murang edad ay nakaranas ng kalupitan si Queenilyn sa mismong nagsilang sa kaniya sa mundo. Dahil dito ay napadpad siya sa isang mayamang binata na iniwan ng kaniyang girlfriend matapos maaksidente at hindi na tinuloy ang kasal, si Lexber Griffin. Nang malamang bumalik na ang babaeng papakasalan sana noon ay agad niyang inalok si Queenilyn para mag-asawa sila. Ano kaya ang balak ni Lexber?Paghihiganti lang ba sa kaniyang ex-fiancee ang agaran niyang pag-alok kay Queenilyn ng kasal o sadyang mahal niya ang batang dalagang ito?
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status