Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married to a Heartless Ugly Billionaire

Married to a Heartless Ugly Billionaire

Sa madilim na sulok ng kanyang silid, isinumpa ng isang lalaki ang kanyang kapalaran. Ipinanganak na may birthmark na halos sakop ang kalahati ng kanyang mukha, lumaki siyang iniiwasan ng mga tao—at sa huli, siya na mismo ang lumayo. Ang tanging nagmahal sa kanya ay ang kanyang mga magulang, ngunit kahit ang sariling kapatid ay hindi pa siya nasisilayan. Dahil sa mga pangungutya at pag-iwas ng iba, isinara na niya ang kanyang puso—lalo na pagdating sa mga babae. Hindi na niya hinangad na mahalin o mahalin pa ng iba. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang babaeng katulong sa kanilang bahay. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naagaw nito ang kanyang atensyon. May kakaiba rito, at hindi niya mapigilan ang sariling mahulog. Ngunit isang araw, isang lihim na usapan ng kanyang mga magulang at ng babaeng iyon ang kanyang narinig—isang kasunduang pag-aasawa kapalit ng malaking halaga. Isang pagtataksil. Isang panloloko. Sa galit at pagkasuklam, isinumpa niya ang babae. "Gold digger!" Wala itong pinagkaiba sa lahat ng iba pang tao. Mula noon, nagbago ang kanyang pagtingin dito. Hindi na pagmamahal ang nais niyang ipadama—kundi paghihiganti. Pero hanggang kailan niya maitatanggi ang tunay niyang nararamdaman? At totoo nga bang panloloko lang ang naging dahilan ng babae sa paglapit sa kanya? Abangan ang kanilang kwento—isang kasunduang puno ng sakit, galit, at isang pag-ibig na pilit na itinatanggi.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

Sa ngalan ng pera ay tinanggap ni Alexa ang pagpapakasal kay Noah Montemayor at hindi niya akalain na sa paglipas ng taon ay matututunan niya pala itong mahalin. Noong panahong iyon ay hindi ito makalakad dahil sa kinasangkutan nitong aksidente. Tumagal ang kanilang pagsasama ng tatlong taon nang bigla na lamang siya nitong gulantangin dahil sa sinabi nito. "Maghiwalay na tayo." tatlong salita na nagpaguho sa mundo ni Alexa. Pagkatapos ng tatlong taong pagsasama ay hindi niya akalain na babalik ang babaeng pinakamamahal ni Noah, na pinabayaan siya noong mga panahong kailangang-kailangan siya nito. Kapalit ng malaking pera ay tinanggap niya ito at nagpaka-busy sa daang tinahak niya hanggang sa isang araw ay nakilala siya sa buong bansa at lumabas pa sa telebisyon. Doon niya nakilala ang lalaking magiging dahilan ng pagbangon niya. Ngunit isang araw ay bigla na lamang nakipagkita si Noah sa kaniya. "Pwede bang magsimula tayong muli? Kailangan kita at handa akong gawin ang lahat para bumalik ka lang sa akin." "Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko sayo ang sarili ko." Bibigyan niya nga ba ito ulit ng isa pang pagkakataon na pumasok sa buhay niya gayung kung tutuusin ay nakabangon na siya mula sa pagkabigo pagkatapos nitong makipaghiwalay sa kaniya? Totoo nga kaya ang sinasabi ng iba na love is sweeter the second time around?
Romance
1028.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Underground Society: Love On The Brain

Underground Society: Love On The Brain

Eu:N
Nalaman ni Araceae na buhay pa ang tunay niyang magulang kaya tumakas siya sa bahay ampunan upang hanapin ang mga ito. Kasama niyang tumakas ang matalik na kaibigang si Ertan, ngunit nahuli sila sa lansangan ng isang sindikatong grupo. Kasama ng iba pang kabataan, dinala sila sa isang underground human auction, dito nagkahiwalay si Araceae at Ertan. Napunta si Araceae sa kamay ni Kaya, ang binatang may malaking galit sa kanya. Naging miserable ang buhay ni Araceae sa kamay ni Kaya, sinapit niya ang parusa sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. Sa kagustuhan na mabuhay tumakas si Araceae sa malupit na lalaki, nagtagumpay siya ngunit ang alaala niya ang naging kapalit nito. Nagising si Araceae sa isang maliit na isla at nakilala ang matandang mag-asawa, dito nabuhay siya bilang si Aris. Paglipas ng dalawang taon, nakilala ni Araceae si Temur, isang mayamang binata na taga Maynila. Inibig nila ang isa't-isa at pagkatapos ng kasal, dinala siya ng asawa sa Maynila upang doon manirahan. Sa pagtira niya sa mansion, nakilala ni Araceae si Kaya Flegenheimer, ang CEO ng FHMer Corporation at nakatatandang kapatid ni Temur. Sa pagbabalik ng lalaking lumapastangan at nagpahirap sa kaniya. Magbalik na kaya ang alaala ni Araceae? Madiskubre kaya niya ang lihim sa likod ng tunay niyang pagkatao? Ano ang gagawin ni Kaya oras na makitang muli ang babaeng minahal at nagtraydor sa kanya?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2

JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2

Nasa gitna ng pagbabago si John Enriquez mula sa kaniyang pagiging babaero nang biglang dumating sa buhay niya ang babaeng inakala niyang pang habang buhay na. Ngunit nang malaman niya na ang edad pala nito ay kalahati ng edad niya ay agad niya itong nilayuan. Si Leila Mercedez, isang babaeng may malaking pangarap sa mundo ng pag-arte. Gumuho ang matayog niyang pangarap matapos niyang malaman na siya pala ay nagdadalang tao. Nabuntis siya ng lalaking naka-one night stand niya. Ang lalaking inabandona siya matapos na gamitin. Dahil masyado pang bata si Leila at hindi siya pwedeng umuwi sa kanila, hinanap niya ang lalaking naka-disgrasya sa kaniya. Halos magmakaawa siya rito na panagutan ang dinadala niya. Tiniis ni Leila ang lahat ng pagtataboy ni John sa kaniya alang-alang na lang sa batang dinadala niya. Minahal niya ito sa kabila ng pagiging malupit nito sa kaniya. Nagsama sila sa iisang bahay para lang sa bata. Hanggang isang araw ay natutunan ni Leila na mahalin ang sarili niya. Nagsumikap siya na makamit ang pangarap niya at tinanggap na anak lang niya ang kayang mahalin ni John at hinding-hindi mangyayari na makakamit niya ang pagmamahal nito. Paano kung kailan nakahanap si Leila ng bagong pag-ibig ay saka naman niya malalaman na mahal pala siya ni John? Ano ang gagawin ni John para mabawi si Leila? Ang anak ba nila ang magbubuklod sa kanilang dalawa?
Romance
9.9105.8K viewsCompleted
Read
Add to library
THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS

THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS

Loveinyoung
Sa kagustuhang makatakas sa kamay ng mga hindi kilalang dumukot sa kanya ay nabundol siya ng sasakyan dahilan kung bakit naratay siya ng matagal sa Hospital. Ngunit sa kanyang pagising ay wala siyang maalala sa nakaraan maging ang kanyang pangalan. Halos mawalan na siya ng pag-asa sa sarili dahil sa malaking pinsala na natamo ng kanyang katawan. Kinupkop siya ni Carlos Montenegro ang lalaking nakabangga sa kanya inaalagaan siya nito, binihisan at binigyan ng pangalan. Lubos niyang hinangaan ang binata at hindi niya maikakailang may nararamdaman na siya para rito subalit unti-unti nang bumabalik ang kanyang alaala at patuloy siyang tinutugis ng kanyang nakaraan...nang kanyang mga nagawang kasalanan na kailangan niyang pagbayaran lalong lalo na sa binata. Hindi maatim ng kanyang konsensya kaya bago pa ang lahat ay inunahan niya na ito. Sa pamamagitan ng liham ay ipinagtapat niya ang Katotohan ng kanyang pagkatao at sa kanyang pagtalikod ng gabing iyon ay kasabay na rin doon ang paglimot sa binata. Hindi rin nakaligltas sa pandinig Kay Carlos ang pag-alis ni Rose. May parte sa puso niyang pigilan ang dalaga subalit nanaig parin ang galit at pagkasuklam niya rito. Para sa kanya walang karapatang mabuhay ang taong pumatay sa pinakamamahal niyang nobya na si Angelica at isinusumpa niyang magdurusa ito habang buhay subalit paano niya lalabanan ang damdaming iyon kung laging ipinapaalala sa kanya ang magandang imahe ng dalaga lalong lalo pa at dinadala nito sa sinapupunan ang nag-iisang maging tagapagmana ng kaniyang angkan.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Love or Lust

Love or Lust

Mysterious Novelist
Hinulma ng galit, hirap at sakit ang puso at buong pagkatao ni Safira Morgen mula nang nagbago ang kanyang naging tadhana nang mahiwalay siya sa kanyang totoong pamilya. Napunta siya sa pamilyang hinulma sa karahasan at kasalanan. Nang umabot sa 16 anyos na edad si Safira ay inakala niya na pinatay ng malaking sindikato ang mga taong nag aruga at nagpalaki sa kanya, kung kaya't nagawa niyang mailagay ang hustisya sa kanyang mga palad. Hinanting niya lahat ng mga malalaking taong may posibilidad na koneksyon sa taong pumatay sa kanila habang ginagamit niya ang kanyang makamandag na umaapoy na alindog. Saka niya makikilala si Grievo na kalaunan ay ang taong magtuturo sa kanya ng totoong pag-ibig.. .Magagawa pa ba niyang mahalin si Grievo kung malalaman niya na siya pala ang pumalit sa buhay na dapat para sa kanya dahil siya ay ampon ng pamilyang MORGEN na kanyang totoong pamilya? Nasa huli ay matutuklasan din niyang siya rin pala ang totoong anak ng mga SENDON, mga taong nag aruga sa kanya na kalaunan ay malalaman niya na siya ay tunay na binenta nila bilang kalakal sa mga sindikato? Na naging dahilan ng kanyang paghihikahos at pagkalugmok sa mundo ng PROSTITUSYON? Mamahalin din ba ni Grievo si Safira kung malalaman niya sa huli na isa pala siyang BETERANANG ESCORT GIRL na inakala niyang isang simple, isang Manang na wierd at balot na balot kung panamit ay lihim din palang pumapatay para lang makamit ang inaakala niyang hustisya.
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER

I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER

Scarlet Quinn Reyes, at the age of sixteen, she was infamous for being a liberated playgirl. Boyfriend here, boyfriend there. Basta mayaman at kayang ibigay ang mga luho niya, pasado na iyon sa standards niya. Para sa kaniya, ang mundo ay isang malaking playground. Kayang-kaya niyang paikutin sa palad ang mga lalaki na para bang mga laruan. Her usual targets were much older men. She faked her age, even her personality, just to get what she wanted. Not until Renzo Riku Alcantara came into the picture. He was Scarlet sister’s cousin-in-law, known for being kind and responsible. Bukod pa roon, siya rin ay ubod ng yaman at hindi rin maitatanggi ang angkin nitong kakisigan—mga katangian na nagtulak kay Scarlet para siya ang susunod na targetin. But unlike the men Scarlet had toyed with, Renzo was not swayed by her charm. Ang gusto pa nga niya ay ituwid ang landas ng dalaga para magbago ito. Nagpakakuya siya kay Scarlet, tipong halos lahat ng mga nagiging kasintahan ng dalaga ay ipinapakulong niya. Sa sobrang pagdidisiplina niya kay Scarlet, hindi niya namalayang sarili na pala niya ang dapat disiplinahin... dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa dalaga. Ngunit pinigilan niya ang damdamin dahil bata pa ito. Nagpakalayo-layo siya. Saka lang siya bumalik noong debut party ni Scarlet. Ang kaso… buntis na ang dalaga. Ngunit iniwan siya ng tunay na ama ng dinadala niya, kaya si Renzo mismo ang umako at nagpaka-responsable sa bata. Pero sa pagbabalik ng tunay na ama, pipiliin kaya siya ni Scarlet... o mananatili siya kay Renzo?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
A Writer's Romance (Filipino-English)

A Writer's Romance (Filipino-English)

Youniqueen
Hindi matanggap ni Syler ang harap-harapang pagtataksil na ginawa sa kanya ng lalaki na una niyang minahal. Of course, she wanted to get even with her ex-boyfriend. Hindi siya makapapayag na hindi ito magantihan matapos siya nitong huthutan ng malaking salapi. Isa sa naisip niyang paraan para makaganti ay siraan ito sa mga nobelang sinusulat niya. Magpakalunod sa alak ang naging solusyon niya sa unang kabiguan sa pag-ibig, ngunit nang mahimasmasan ay doon lang niya napagtanto na nasa ibang kuwarto na siya. It was Rusty Vergara's unit for holy heaven sake! Hindi niya akalain na sa katauhan nito ay madali niyang maipapamukha sa kanyang ex-boyfriend na sa isang kisapmata lang ay kayang-kaya niya itong ipagpalit. Pero sabi nga nila magaling maglaro ang tadhana. Kaya kung makikipaglaro ka rito, siguraduhin mong matalino ka para hindi ka uuwing luhaan sa huli. "We won't fall in love to each other." Ito pa ang natatandaan niyang sinambit niya nang buong tapang. Ano'ng nangyari? Kinain niya lahat nang sinabi niya, dahil isang araw nagising na lang si Syler na gusto na niya ang binata. It was not a part of their deal. Wala man iyon sa plano niya ay handa na siyang sumubok magmahal muli. 'Yon nga lang ay hindi siya naging handa sa panibagong kamalasan na darating. Yes, she's a romance writer. Umiikot sa usaping pag-ibig ang mga sinusulat niya. Pero dahil sa kabiguan din sa pag-ibig ay ayaw na niyang maniwala na nag-eexist pa ang happy ending, kung hindi rin naman siya ang magiging heroine ni Rusty sa totoong buhay.
1010.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Entrapped To Be His Wife

Entrapped To Be His Wife

Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?
Romance
1032.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Secret Wife's Temptation [Filipino Romance]

The Secret Wife's Temptation [Filipino Romance]

SECRET WIFE'S TEMPTATION MATURE RATING!! Reverie de Gracia has all that it takes to be a perfect bachelorette, a tough woman and so admirable. Tinitingala ng mga kababaihan at hinahangaan ng mga kalalakihan. Ani nga ng karamihan na siya raw ay ipinanganak na perpekto at may ginintuang kutsara sa bibig. Her life is so full of blessings. She has a perfect family, a very loving parents, a strict but caring brother and of course an intact relationship with her long time boyfriend who adores her so much na kulang na lang ay sambahin pati lupang dadaanan niya. Ganoon kalugod ng tadhana sa kanya kaso sa labis na galak ng tadhana ay nagawa rin nitong paglaruan ang kapalaran niya. Larong magdudulot ng malaking pagbabago sa buhay niya. Her boyfriend, Nigel proposed to her a marriage and then married another woman the next morning. Gumuho ang mundo niya sa kaganapang iyon. Gawa ng galit ay pinaranas niya rin sa taong may kagagawan ng lahat kung gaano kasaklap ang naging buhay niya dahil sa kapangahasang ginawa nito sa kanila ng kanyang kasintahan. To get even with that cruel man, she kidnapped him and forced him to get married to her legally and left him after her impromptu act. Her original plan was to slowly destroy his life ngunit ang hindi niya napaghandaan ay may taglay din pa lang kahenyohan ang taong pinakasalan niya. Cause what she didn't know is her husband is engaged to another woman. A woman who she doesn't want to be hurt by. And now the Secret Wife's Temptation is to make things right for the sake of everyone even though her heart is already bewitched with the man who happens to be her legal husband but in love with another woman.
Romance
106.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
38
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status