The Lesbian Bride

The Lesbian Bride

last updateLast Updated : 2025-03-05
By:  ChinitikoOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
13Chapters
376views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Wala akong pakialam kung sino o ano ka. Kahit na mukha ka pang lalaki kaysa sa akin, ikaw pa rin ang asawa ko, Alexis, at mahal kita." Si Alexis Mendoza, bunsong anak ng mag-asawang anim na babae ang naging supling, ay pinalaki bilang lalaki dahil sa kagustuhan ng kanyang ama na magkaroon ng anak na lalaki. Lahat ng kanyang kilos, pananamit, at laruan ay panlalaki hanggang sa siya ay nagdalaga. Ngunit nang pumanaw ang kanyang ama sa isang aksidente, nag-iwan ito ng matinding lungkot at malaking utang sa kanilang pamilya. Sa takot ng kanyang ina na makulong, napilitan itong lumapit sa isang bilyonaryo. Isang kondisyon lamang ang hinihingi nito: hanapan ng mapapangasawa ang unico hijo niyang si Theo Angelo Garcia—isang babaero at happy-go-lucky na lalaki—sa paniniwalang magbabago ito kapag nagkapamilya. Nagulantang si Alexis nang ipakilala siya kay Theo at sabihang magpakababae na dahil magpapakasal na siya sa binata. Bagama’t litong-lito at labag sa kanyang kalooban, kinailangan niyang sundin ang utos ng kanyang ina upang maiwasan nitong makulong at mabayaran ang kanilang mga utang. Ngunit paano niya matatanggap na siya, na pinalaking boyish, ay kailangang magpakasal? At ano ang mangyayari pagkatapos ng kasal kung bigla na lamang magbago ang tingin sa kanya ni Theo at ituring siyang isang napakagandang babae? May pag-asa pa kayang tumibok ang kanyang puso para sa binata?

View More

Chapter 1

KABANATA 1

ALEXIS'S POV

"Hija, meet my son, Theo Angelo Garcia," kalmadong sabi ni Don Fernando habang nakangiti.

Napako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaki—tantya ko nasa 6’ft ang taas niya. May mahahabang pilik-mata, mestiso, at may aura ng kayabangan kung pagmamasdan.

"Who is this short guy, Dad?" nakangising tanong ni Theo, saka ako sinipat mula ulo hanggang paa.

"She, not he. She is your future wife, son," sagot ng matanda, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad akong napakunot-noo sa narinig. Halos ganoon din ang reaksyon ng hambog na lalaking nasa harapan ko. Napatingin ako kay Nanay na nasa tabi ko, at agad kong naramdaman ang mahigpit niyang paghawak sa aking kamay.

"Anak, napagkasunduan namin ng kaibigan kong si Fernando na ipakasal kayo ng anak niyang si Theo. Total, dalaga ka naman at binata si Theo. Ikaw na lang ang hindi pa nag-aasawa sa inyong magkakapatid," mahinahong paliwanag ni Inay habang malumanay akong tinitingnan.

Parang biglang huminto ang mundo ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Gusto kong magalit kay Nanay. Nagsinungaling siya sa akin! Ang sabi niya, inimbitahan lang kami sa kaarawan ni Don Fernando. Pero ano itong narinig ko?

Bakit ako ipapakasal sa isang lalaki?

At bakit siya pa? Bakit sa hambog na ito?!

Hindi ko kayang sikmurain ang ideya na magpapakasal ako sa isang lalaking tulad ni Theo. Buong buhay ko, kinilala ko ang sarili ko bilang isang lalaki. Paulit-ulit na sinabi ni Tatay na magpakalalaki ako. Naalala ko pa noong nagka-crush ako kay Dion Mendez—ang nag-iisang lalaking nagpabilis ng tibok ng puso ko. Tandang-tanda ko pa kung paano halos habulin siya ng itak ni Itay matapos kaming makita.

At ngayon, gusto nila akong ipakasal sa isang lalaki? At sa isang hambog pa?!

"Nay, ang sabi n’yo po sa akin, kaarawan ng kaibigan n’yo kaya tayo nandito! Pero ano ito? Pinagloloko n’yo ba ako? Paano po ako magpapakasal sa lalaking 'yan, eh lalaki po ako?!" sigaw ko, hindi maitago ang inis sa tono ko.

Napataas ang kilay ni Theo at saka mapanuksong ngumisi.

"Dad, you're kidding, right?"

"I'm not kidding, son," seryosong sagot ni Don Fernando. "Ako na ang bahala sa wedding preparations. Gusto ko, maikasal kayo as soon as possible."

Napalunok ako. Para akong nanaginip—o mas tama sigurong bangungot.

"Ganyan na ba talaga kayo kadesperado?!" asik ni Theo, hindi pa rin makapaniwala. "Pumayag na akong hanapan n’yo ako ng mapapangasawa, pero hindi isang tomboy! Mas lalaki pa nga ‘yan tingnan kaysa sa akin, eh!"

Ramdam ko ang galit sa kanyang boses.

"Ano na lang sasabihin ng mga kaibigan ko?!" dagdag pa niya, halatang hindi matanggap ang sitwasyon.

Huminga ako nang malalim bago tumingin kay Don Fernando.

"Mas lalong hindi ko kayang pakasalan ang lalaking ‘yan!" mariin kong sabi bago ako mabilis na tumayo at naglakad palayo.

Iniwan ko si Nanay roon, hindi ko na kinaya ang galit at inis na bumalot sa akin. Habang naglalakad ako palabas ng mansyon, hindi ko mapigilang maluha.

Buong buhay ko, tinanggap ko na bawal akong magmahal ng lalaki. Kinalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Dion dahil sa takot kay Tatay. Pero ngayong wala na si Tatay, ipipilit naman ni Inay na ipakasal ako sa isang lalaki?!

At sa hambog pang si Theo?!

Pagkarating ko sa bahay, agad akong pumasok sa kwarto. Gusto kong mag-isip nang maayos. Pilit kong pinakalma ang sarili ko, pero hindi pa rin maabsorb ng utak ko ang nangyari.

Maya-maya lang, may kumatok sa pintuan. Alam kong si Nanay iyon. Wala naman akong magagawa—kami na lang dalawa ang nakatira rito.

Pagkabukas ko ng pinto, agad akong tumalikod at naglakad pabalik sa kwarto. Padabog kong isinara ang pinto, ipinapakita ang galit ko sa kanya.

"Alexis, lumabas ka diyan. Mag-usap tayo nang maayos," mahinahon niyang sabi.

Pero hindi ko siya pinansin. Tinalukbong ko ang sarili ko ng kumot, pilit na nilulunod ang boses niya.

"Alexis, kung hindi ka papayag sa gusto ko… kalimutan mo na lang na anak kita!"

Nanlaki ang mga mata ko.

Bigla akong napatayo at binuksan ang pinto. Nanginginig ang labi ko habang pinagmamasdan siya.

"Hindi ko akalaing maririnig ko ‘yan mula sa inyo," mahina kong sabi, kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko.

Bakas sa mukha ni Nanay ang lungkot at pagod.

"Nakasanla ang bahay natin, Alexis. Lubog na lubog na ako sa utang mula nang mawala ang tatay n’yo. Makukulong ako kung hindi ako makakabayad. Pagod na pagod na akong pasanin lahat ng problema. Wala namang tumutulong sa akin!"

Napapikit ako nang mariin.

"Nay, ginagawa ko naman po ang lahat para tulungan kayo! Hindi n’yo po ba nakikita ‘yon? Buong araw akong namamasada para lang may maibigay sa inyo. Hindi pa ba sapat ‘yon?!" emosyonal kong sigaw.

Tumingin siya sa akin nang diretso.

"Alam mo ba kung magkano ang utang na iniwan ng ama mo, Alexis?"

"Magkano po ba? Magagawan ko ‘yan ng paraan! Huwag n’yo lang akong ipakasal sa lalaking ‘yon!"

Handa akong gawin ang lahat. Kaya kong pasukin kahit anong trabaho, basta huwag lang akong ipakasal kay Theo.

Pero halos manlambot ang tuhod ko sa sumunod niyang sinabi.

"Isang milyon. Kaya mo bang bayaran ‘yon sa loob ng isang linggo?"

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Chinitiko
Hello sa lahat! Suportahan niyo po sana sina Theo at Alexis sa kanilang love story. Abangan sa March 1. Magkakaroon po tayo ng updates araw-araw simula March. Pasensya na po kung wala pang update ngayong buwan, dahil nagda-draft pa po tayo para siguradong walang tapon ang mga chapters.
2025-02-17 09:09:59
0
13 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status