DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES
Si Lydia Diaz ay napilitang pumasok sa isang contract marriage kay Winston Martinez, isang kilalang abogado, upang iligtas ang kanyang ina mula sa kapahamakan. Akala niya, simple at pansamantalang kasunduan lamang ito, ngunit unti-unti niyang natuklasan na siya ay napasok sa isang masalimuot at delikadong mundo ng panlilinlang.
Ang batang kanyang inaalagaan, na akala niyang inosente, ay may nakakubling koneksyon dahil ang bata pala ay anak ng asawa sa kanyang dating kasintahan na si Sidney Mercedez, isang artista. Sa mata ng iba, siya na ang nagmukhang “masama” sa kwento ng pamilya. Sa gitna ng pag-iingat, pagtataksil, at lihim, mauuwi kaya sa trahedya ang kanilang kasunduan?