Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Whispering Love of a Lily

The Whispering Love of a Lily

Ani pa ng mga taong nakapalibot kay Sereia Lilou Rebeiro, siya na ang pinaka - maamong babae na umaaligid kay Adriel Latimer. Animo’y para siya isang aso na panay sunod ng sunod sa kanyang amo kung saan ito magpunta. Bakit nga ba? Isang araw, nang mag - check - in sa isang mamahaling motel si Adreil ay sinundan niya ito. Hindi siya nag - aalinlangan na kumatok sa pinto na inupahan nito. Mas gusto pa niyang sundin ang kanyang kagustuhan, at ang rason kung bakit siya sumunod? Para lang bigyan ito ng payong dahil sa masamang panahon. Nakatikim siya ng bulyaw dahil lang doon. Sinabihan pa siya ng walang hiya pero wala siyang pakialam. Mas importante sa kanya ang makitang nasa magandang kalagayan ang iniingatan niyang babaero ng campus. Sa kabila ng masama nitong reputasyon sa mga babae, naging bingi at bulag siya. Mas gustuhin pa niya na makasama ito kaysa makinig sa mga haka - haka ng mga tao. Pinadaan lang niya sa kabilang tainga ang naririnig niyang tsismisan, kahit na minsan ay parang may isang palaso na nakatarak sa kanyang puso. Hanggang sa isang gabi, isang katotohanan ang siyang kumakatok sa isipan ni Sereia. Nahinuha na lang niya na ang lalaking inaantay niya ng tatlong taon ay nagbago. Hindi na ito katulad ng dati, na parati siyang inaalo - alo at sinasamahan. Dala ng reyalisasyon, tinalikuran niya ito ng walang pasabi. Imbes na tatahimik na ang buhay niya ay kinukutya pa siya ng mga tao. Ani pa nila'y nagpapakipot lang daw siya. Isa na roon si Adriel. Tingin niya ay gusto lang ni Sereia na suyuin niya ito para bumalik siya sa kandungan nito. Pero napawi ang agam - agam ni Adriel noong isang araw, aksidenteng nahulog ang pitaka ni Sereia. Bumungad sa kanya ang isang litrato ng lalaking minsan na niyang iniiwasan.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Shoemaker

The Shoemaker

Achyxia
Napakarami na ng problema ng bayan ng Garapal dahil sa bilang ng mga krimeng nangyayari ngunit parang mas malaki pa yata ang problema ni Ruanne. Nais lang naman ni Ruanne na makalimot sa pangangaliwa ng nobyo niya na sa kaaway pa niya napiling makipaglandian. Ngunit ang taksil niyang puso ay hindi umaayon sa gusto ng kanyang isip. Sa gitna ng kanyang pagmomove-on ay nakilala niya si Pio, ang isa sa mga staff ng sikat na tindahang 'The Shoemaker'. Ang 'The Shoemaker' lang naman ang pinakasikat na tindahan ng sapatos na mayroon lamang isang branch na nakapuwesto pa sa tapat ng boutique ni Ruanne. Ito lang din naman ang magiging kalaban ni Ruanne kung sakaling simulan niya na ang kanyang shoe line. At ang tahimik na buhay ng binatang nag-aasikaso nito ay mabubulabog dahil sa alok ni Ruanne na maging pekeng kasintahan niya na siya namang tinanggap agad ng binata. Ngunit sa pagsunud-sunod ni Ruanne kay Pio, may malalaman siyang hindi dapat. At matatagpuan niya na lamang ang sarili niyang sinusunod ang lahat ng gusto ng binata, maging sa ibabaw ng kama. At hindi lang iyon, mapapasok niya pa ang delikadong mundo ng mafia.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Family Heirlooms

The Family Heirlooms

Pumayag si Matet sa kasunduan na ginawa ni Javi. Magpapanggap sila na mag-asawa sa loob ng 3 buwan para sa kapakanan ng Lola nito na may taning na ang buhay dahil sa sakit na kanser.Kapalit nito ay bibigyan sya ng malaking halaga bilang sahod nya sa mga buwan na pagpapanggap nilang mag-asawa. Dahil hindi pa naman sya kinokontak ng agency na pinag-aaplayan nya abroad (nag-apply sya bilang OFW sa bansang Turkey) at paubos na rin ang ipon nya kaya sya pumayag sa kasunduan. Nagkakilala sila ni Javi sa resort kung saan sila nagbakasyon ng 3 araw na magpamilya. Ito ang may ari ng resorts na yun. Inakala nya na tahimik ang buhay nito dahil sa mayaman ito pero mas magulo pa pala ito kesa sa kanyang buhay. Ngunit, sa likod ng kanilang pagpapanggap, may natuklasan sya, may mga lihim na interes ang pamilya ni Javi sa mga "family Heirlooms" na maaaring mamanahin kapag namatay na ang matandang donya. Ano kaya ang nakatagong sekreto sa "Family Heirlooms" na yun para pagkainteresan ng pamilya ni Javi?Paano kung mas may malalim pa na sekreto syang matuklasan? Ipagpatuloy pa ba niya ang kasunduan kung pati buhay nya ang nalalagay sa panganib o tatalikuran nya ito? Tutulungan nya itong malutas ang misteryo sa likod ng "Family Heirlooms" na yun?
Other
10579 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Beyond The Broken Marriage

Beyond The Broken Marriage

BEHIND THE BROKEN MARRIAGE Si Alyssa Reyes-Delgado, isang matagumpay na obstetrician at mapagmahal na asawa, ay pilit binubuo ang mga piraso ng matagal nang nagkakabitak na relasyon nila ng kanyang asawa, si Marco Delgado. Lumaki silang magkasama, pinanday ng panahon ang kanilang pagmamahalan, ngunit sa paglipas ng mga taon, unti-unting nawala ang init sa kanilang samahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling bumalik sa kanilang buhay si Samantha Cruz, ang dating kasintahan ni Marco at ang unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Ngayo’y isa nang sikat na aktres, si Samantha ay determinado na muling makuha si Marco, hindi alintana ang damdamin ni Alyssa. Habang pilit nilalabanan ni Alyssa ang sakit ng pagtataksil at muling pagbuhay ng nakaraan, isang taong di niya inaasahang magiging sandigan ang kusang lumapit—si Dr. Lucas Reyes, isang kapwa manggagamot na may tahimik ngunit malalim na pagmamalasakit sa kanya. Ngunit sa gitna ng masalimuot na damdamin at mga lihim na bumabalot sa kanilang kasaysayan, mapapanatili kaya ni Alyssa ang kanyang pamilya? O sa huli, mas pipiliin niyang buuin ang kanyang sarili kaysa magpatuloy sa isang pagmamahalang durog na? Sa pagitan ng pag-ibig, pagtataksil, at pagpapatawad, mahahanap kaya nila ang daan tungo sa muling pagkakabuo? O ang kanilang kasaysayan ay mananatiling isang alaala lamang sa likod ng wasak na pagmamahalan?
Romance
11.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Begging for Love

Begging for Love

Blurb: Mariemar Martinez isang simpleng dalaga na puno ng pangarap sa buhay. Ngunit sa kabila ng taglay na kabutihan at ganda isa sa pangarap ng dalaga ay mahalin ng pamilyang kinabibilangan n’ya. Handa si Mariemar gawin ang lahat makamit lang ang pagtanggi sa pamilyang ni minsa’y hindi siya binigyang halaga. Maging lahat ng kanyang mga ginawa at nagagawa. Hanggang saan kayang ibigay ni Mariemar ang pag ibig na wagas para sa pamilya at sa lalaking natutunan na ng puso n’yang itanggi kahit pa sa una palang ay binawalan na siya at naitinala na sa kasunduan na walang pupuntahan ang pag-ibig na yun?. Mahahanap ba ni Matiemar ang daan para makalaya ang puso n’ya sa sakit at makamit nga kaya ang matagal n’yang ninanais?. Arthes “Azul” Hermoso bunsong anak ni Hayes Hermoso at si Sharina Hermoso taliwas sa isang anak ng mag asawang Hermoso ang gawi ni Arthes. Isang malamig at walang buhay na binata na ito mag mula ng iwan ng nobya na Erra Marco dahil sa mga isyu at pangarap sa buhay. Noon ay isang playful at buhay na buhay ang isang Azul ngunit dadalhin si Azul sa isang kasunduan na mas magbibigay ng gulo sa isip, puso at buong sistema niya. Gagawin ni Azul ang lahat upang mabawi si Erra sa kahit anong paraan para sa isang Azul ang naka plano na noon pa ay kailangan maisakatuparan kaya walang puwang ang bagong damdamin.Pipiliin kaya ni Azul ang paninindigan o susundin niya ang tunay na nararamdaman?. Mababago ba ng pagdating ni Mariemar ang matagal ng plano o mananatiling nanlilimos lamang ng pag ibig ito?. Samahan natin ang isa sa mga anak ng mag asawang Hermoso. Mahanap kaya nina Arthes at Mariemar ang ligaya na tulad ng tinatamasa nina Sharina at Hayes?
Romance
107.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Hiding The Billionaire's Twin Heir

Hiding The Billionaire's Twin Heir

Lumaki si Louise na mulat sa panglalalaki ng kaniyang ina na siyang naging dahilan para maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil pinili ni Louise na sumama sa kaniyang ama, naranasan niyang apihin ng mapagmataas na pamilya ng kaniyang ama. Wala na halos mapuntahan si Louise, pakiramdam niya kalaban niya ang mundo, lalo na nang mapag-alaman niyang niloloko siya ng kasintahan at matalik na kaibigan. Sa paghahangad niyang makalimot sa lahat, isang gabi ang bumago ng tuluyan sa takbo ng buhay ni Louise ng makatalik niya ang pinakamayaman at kilalang bilyonaryo sa bansa. Ang bilyonaryong ito ay matagal ng naghahangad na magkaroon ng tagapagmana. Ngunit dahil sa isang sekretong napag-alaman ni Louise tungkol sa lalaki ay labis siyang natakot para sa kaligtasan ng kambal na pinagbubuntis niya. Naisipan ni Louise na magtrabaho bilang sekretarya sa kompanya para mabantayan ang bawat galaw ng bilyonaryo at masiguradong hindi sila mahahanap ng kambal. Gayunpaman, ginagawa ng bilyonaryo ang lahat at habang nakikita ni Louise kung gaano ito kapursigido na mahanap ang kambal ay mas lalo rin niyang nakikilala ang tunay na katauhan ng misteryosong bilyonaryo. Ngunit kung kailan pa naging sapat ang dahilan niya para ipakilala ang kambal sa ama ng mga ito ay matutuklasan niya na ang sariling ama ang dahilan sa likod ng panganganib ng buhay ng bilyonaryo at ng kambal. Napagtanto ni Louise kung gaano kagahaman sa pera ang ama at gagawin nito ang lahat kahit mapahamak pa sila ng anak mga niya. Sa puntong ito magbabago ang kagustuhan ni Louise sa buhay — ipagkakatiwala niya ang kaligtasan ng kambal sa bilyonaryo at tutulungan itong pabagsakin ang ama at ang pamilya nitong umapi sa kaniya.
Romance
108.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Married with a Womanizer

Married with a Womanizer

Cssianjanexx
Married with a Womanizer Biana is a mafia boss and Zade is a womanizer. Ipinakasal sila sa isa't-isa dahil sa kadahilanang pabagsak na raw ang malaking kompanya ng mga Rozcuv. Pumayag ang dalawa sa pag-aakalang aayos ang relasyon nilang dalawa bilang mag-asawa pero hindi pala. They regretted marrying each other. Pero ang pagkakatali ni Zade kay Biana ay hindi naging hadlang upang hindi niya ipag patuloy ang gawain niya noong binata pa lamang. The womanizer and the mafia boss indeed. They will fell for each other. Magiging masaya sila sa isa't-isa. Pero sabi nga nila,hindi magiging matatag ang isang relasyon o hindi matatawag na isang relasyon kung hindi nagkakaroon ng mga suliranin. Pero kakaibang suliranin ang natamo ni Zade at ni Biana. Umabot sa puntong kaylangang lumayo ni Biana kay Zade para mailigtas lamang si Zade sa ano pang kapahamakan. Without her knowing na ang sarili niya at ang dinadala niya ang kaylangan niyang ilayo sa kapahamakan. Paano nga bang mag wawakas ang kwento nila?Should it be sad ending or happy and end game?
Romance
10630 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Woman in disguise

Woman in disguise

Nightfall
Si Prince Cassius ang nakatakdang magmana ng trono ng mga bampira and he spent thousand of years preparing for the duty. However, his grandfather king Lukasz urged him to find a suitable wife and get married which he always rejected. Sa pagpupumilit nito ay napapayag siyang makipag-date at sa pagmamakaawa ng Prinsesa ng mga werewolves na kababata niya ay napilitan din siyang i-broadcast ang blind-date niya. Dito niya nakilala si Arriana Faye na sa simula pa lang ay alam niyang may kakaiba dito. Kalaunan ay nalaman niya ang itinatago nitong lihim. Si Arriana Faye Monroe ay isang mortal na aksidenteng napagkamalang isang bampira. Ang presensiya ng dalaga sa kingdom ng Astral ay makapagdadala ng panganib hindi lang sa mundo ng mga werewolves at bampira kundi sa mga mortal sa Pilipinas. Sa kabila ng kaalamang ito ay hindi pa rin magawang pakawalan ni Cassius ang dalaga. Mauulit bang muli ang blood war oras na magising ang lycan na si Darrius? Magagawa bang ipagtanggol ni Cassius ang dalagang mortal o dadating siya sa puntong kailangan niyang burahin ang alaala nito at pakawalan ang dalaga,? alang-alang sa kapakanan nito at ng mga nabubuhay sa Pilipinas o maging sa buong mundo.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Proxy Bride

The Billionaire's Proxy Bride

Karen Apilado
"You're a virgin?!" sigaw ni Lysander Cuevas saka umalis sa ibabaw niya. Hinilamos nito ang palad sa mukha, trying to absorb everything that just happened. Trying to fully understand how could his wife be a virgin when she's supposed to be pregnant, the very reason of their forced marriage. "Papaano?" tanong ni Lysander at saka pinagmasdan siya na kumuha ng kumot upang takpan ang hubad na katawan. She trembled in fear as she finally looked up to him. "I'm Isabella, the twin sister of Gabriela, your bride." - Pinahid na lamang ni Isabella ang mga luha na lumalandas sa kanyang mga pisngi habang inaalala ang nangyari noong gabing iyon. After that confrontation ay agad na nagdesisyon ang asawa niyang si Lysander na palayasin siya sa mansyon. Ang malupit pa nito ay agad pinaasikaso ni Lysander ang mga papeles para sa legal nilang paghihiwalay, ngunit hindi niya iyon tinanggap. "Señorita Isabella, naghihintay na po ang sasakyan sa labas," sambit ng lalaking nasa likuran niya. It was her grandfathers' assistant. Tumango lamang siya dito, "susunod na ako, salamat." Muling lumingon si Isabella sa mansyon at doon ay namataan ang asawang si Lysander na nakatayo sa balcony at matalim ang tingin sa kanya. Hinihinntay niyang pigilan siya ni Lysander ngunit wala itong ginawa. Sa puntong iyon ay tuluyang tumalikod si Isabella at naglakad patungo sa naghihintay na sasakyan sa labas ng malaking gate. She's going home to the Herrera's. She looked at the facade of the mansion where she once lived. "Babalik ako." She whispered. - This is the story of Isabella Herrera-Cuevas, a castaway wife who made her way back to her rightful place, as Lysander Cuevas wife.
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Never Tame A Beast

Never Tame A Beast

(Ship of Temptation 3) Si Olie ay inampon ng isang mayamang matandang lalaki na walang kakayahang magkaanak. Gusto ng adoptive father niya na mapalapit siya kay Cly, a mentally retarded person, for a marriage proposal. Nais ng ama ni Olie na makuha ang kayamanan ni Cly sa pamamagitan ng kasal, na iniwan ng mga magulang nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Olie ang pagpapanggap ni Cly. Natakot siya at tumakas lalo na ng gusto ni Cly na ikulong siya at angkinin. After 8 years, nagkita muli si Cly at Olie. But this time, may boyfriend na si Olie na iba na kaibigan ni Cly. Anong gagawin ni Cly para mabawi si Olie? Magpapatuloy ba ang nasimulan nila noong una? O tuluyan ng sarado ang puso ni Olie sa kaniya?
Romance
1014.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3435363738
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status