Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
To Love Pryne's Impurity

To Love Pryne's Impurity

Kapit sa patalim ang naging buhay ni Phoebe matapos maaksidente ang kapatid at ngayon ay graduating college student pa siya. Hindi sana sila magigipit ng todo kung hindi sila tinakbuhan ng nakabangga sa kuya niya. At ngayon heto siya, binebenta ang sarili sa kung kani-kanino para sa pera. Kilala siya sa mga escort dahil sa ‘One-time-policy’ niya, hindi na nakakaulit ang mga kliyene niya sa kanya kahit anong pilit ng mga ito. Hanggang sa dumating ang araw na naipit siya sa dalawang lalaki si Dr. Drew Martinez at Mr. Thomas Preston, ang isa na matagal na niyang gusto at ang isa na binili ang pagkatao niya sa pagiging escort. Mas pinili ni Phoebe ang maging submissive ni Thomas kaysa sa komplikadong lagay niya kay Drew dahil sa nobya nito. Tinanggap niya lahat ng insulto at ginawa niya lahat ng nais ng lalaki, hanggang hindi inaasahan mahuhulog sila sa isa’t isa kalakip ang mapait na katotohanan sa trahedyang kinaharap nilang magkapatid at ang kritisismong natanggap sa madaming tao dahil sa dating buhay ni Phoebe. Sa pagkakalagay nilang pareho sa alanganin mas pinili nilang harapin lahat ng bunga ng mga pagkakamali at tanggapin ang katotohanan sa relasyon nilang dalawa. By BuzzyBee
Romance
1013.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Whispering Love of a Lily

The Whispering Love of a Lily

Ani pa ng mga taong nakapalibot kay Sereia Lilou Rebeiro, siya na ang pinaka - maamong babae na umaaligid kay Adriel Latimer. Animo’y para siya isang aso na panay sunod ng sunod sa kanyang amo kung saan ito magpunta. Bakit nga ba? Isang araw, nang mag - check - in sa isang mamahaling motel si Adreil ay sinundan niya ito. Hindi siya nag - aalinlangan na kumatok sa pinto na inupahan nito. Mas gusto pa niyang sundin ang kanyang kagustuhan, at ang rason kung bakit siya sumunod? Para lang bigyan ito ng payong dahil sa masamang panahon. Nakatikim siya ng bulyaw dahil lang doon. Sinabihan pa siya ng walang hiya pero wala siyang pakialam. Mas importante sa kanya ang makitang nasa magandang kalagayan ang iniingatan niyang babaero ng campus. Sa kabila ng masama nitong reputasyon sa mga babae, naging bingi at bulag siya. Mas gustuhin pa niya na makasama ito kaysa makinig sa mga haka - haka ng mga tao. Pinadaan lang niya sa kabilang tainga ang naririnig niyang tsismisan, kahit na minsan ay parang may isang palaso na nakatarak sa kanyang puso. Hanggang sa isang gabi, isang katotohanan ang siyang kumakatok sa isipan ni Sereia. Nahinuha na lang niya na ang lalaking inaantay niya ng tatlong taon ay nagbago. Hindi na ito katulad ng dati, na parati siyang inaalo - alo at sinasamahan. Dala ng reyalisasyon, tinalikuran niya ito ng walang pasabi. Imbes na tatahimik na ang buhay niya ay kinukutya pa siya ng mga tao. Ani pa nila'y nagpapakipot lang daw siya. Isa na roon si Adriel. Tingin niya ay gusto lang ni Sereia na suyuin niya ito para bumalik siya sa kandungan nito. Pero napawi ang agam - agam ni Adriel noong isang araw, aksidenteng nahulog ang pitaka ni Sereia. Bumungad sa kanya ang isang litrato ng lalaking minsan na niyang iniiwasan.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG) Lumaki si Adeline Pendleton sa isang mayamang pamilya. Nasa kanya ang lahat ng gusto ng isang tao sa buhay. Kayamanan, katanyagan, kagandahan, pera, mga damit na taga-disenyo, at mga masasarap na pagkain. Lahat, maliban sa lalaking mahal niya- si Drake Wright. Si Drake Wright ay ang tagapagmana ng Wright's Corporation. Sa kanyang murang edad, bumuo ang kanyang mga magulang ng isang imperyo na mamanahin niya balang araw. Okay ang lahat para sa kanya, hanggang sa nasangkot ang kanyang ama sa isang seryosong sitwasyon na nakaapekto sa kanilang kumpanya. Sinabihan siya ng kanyang mga magulang na malulugi ang kanilang kumpanya at ang tanging makakalutas sa kanilang problema ay dapat niyang pakasalan ang anak ng kanilang kaibigan- si Adeline Pendleton. Hindi niya gusto ang babae dahil ito ay masyadong walang muwang para sa kanya; naiinis siya sa presensya nito, at may mahal na siyang iba. Sa kasamaang palad, may malubhang karamdaman din ang kanyang ama at wala siyang magawa sa kanilang kumpanya kaya't humingi ito sa kanya ng pabor na ayusin ang problema para sa kanya. "Marry her, son. That's the only way. If you won't, maglalaho lahat ng sinakripisyo at ginawa namin ng ina mo para sa kumpanya natin." Sabi ng ama ni Drake habang nakahiga sa kanyang kama, hindi maigalaw ang kanyang mga kamay. Ano kaya ang mangyayari sa one-sided at broken marriage nina Drake at Adeline? Kakayanin kaya ni Adeline ang malupit na pagtrato at kayabangan ni Drake? Mabubuhay ba silang magkasama bilang mag-asawa nang walang pagmamahal at pagkakaintindihan? O mamumulaklak ang pag-ibig sa gitna ng bawat poot at hindi pagkakaunawaan?
Romance
1055.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)

The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)

Isang simpleng babae lamang si Cassie, pero isang iglap ay nagbago ang lahat nang mapilitang pumasok siya sa isang kasunduang kasal kay Calix, ang anak ng pinakamayamang pamilya sa siyudad. Ang kontrata ay malinaw: walang puso, walang emosyon, pawang papel lamang ang kanilang pagsasama. Ngunit paano kung sa bawat araw na magkasama sila, unti-unting nadadama ni Cassie ang init ng mga titig at lambing na hindi niya inaasahan mula sa lalaking pinakasalan niya sa kasinungalingan? At paano kung sa likod ng mga ngiti ni Calix, may mga sikreto siyang hindi pa kayang ibunyag?
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Lovelies

Lovelies

Sa murang edad, naranasan na ni Cheska kung gaano kahirap mamuhay, buhay na hindi dapat maranasan agad ng kabataan. Isang mahirap na buhay. Natutunan niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa upang magsikap para sa kanyang pag-aaral at para sa kanyang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagawa siyang ipahamak ng kanyang sariling ina. At dahil sa pangyayaring iyon, kinailangan niyang tumakas sa kanilang probinsya at pumunta sa siyudad upang makipagsapalaran. At dahil doon... Makakahanap siya ng mga taong tutulong sa kanya na muling bumangon. Makakakilala siya ng lalaking magmamahal sa kanya ngunit sasaktan din siya. At higit sa lahat ay mahahanap niya ang mga nawawalang piraso sa kanyang buhay.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
POSSESSION OF LOVE

POSSESSION OF LOVE

  Simula pa lang ay nagkagusto na si Kariel sa lalaking inampon ng kanilang mga magulang, na si Darrius. Minsan na rin niyang inamin ang nararamdaman rito. Ngunit dahil sa respeto at malaking utang na loob sa kinilalang magulang ay hindi siya binigyang pinansin nito. Ngunit na-realize ni Darrius na kailangan niyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman para kay Kariel kahit labag pa sa kagustuhan ng magulang. Lalong-lalo na nang malamang ikakasal na ito sa anak ng kaibigan at kasusyo ng kinilalang magulang. At naisipan niyang pigilan ang kasal ng dalawa nang napagalaman ang totoong motibo ng pamilyang gustong ipakasal sa dalaga ng kinilala n'yang ng magulang. Nagtagumpay siya sa kanyang plano at sa wakas ay ipinagtapat niya sa huli ang totoong nararamdaman. Naging lihim ang kanilang relasyon. at kalaunan ay napagalaman din ang kanilang lihim at pilit silang pinaghiwalay ng mga magulang. Masakit ngunit kailangan nilang tanggapin ang kanilang kapalaran. Pinaghiwalay man ng isang sirkumstansya pero hindi sila nawalan nang pag-asang balang araw ay muli silang pagtagpuin ng tadhana para punan ang mga pusong nangulila sa matagal na panahon.
Romance
9.927.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Sincerely, Elena

Sincerely, Elena

frustrated_writer
Sadyang mapaglaro ang tadhana nang makita ni Elena Payton ang kanyang dating kasintahan na si Dante Gillesania, sa kanyang pinagtratrabahuan. Sampung taon na rin ang nakalipas nang nangako si Dante na babalik muli sa kanyang piling. 'Di Alintana, sa hindi inaasahan pagkakataon, magtatagpo muli ang kanilang landas upang buhayin ang nabaon nang nakaraan. Maibabalik pa kaya ang dating matamis at masayang relasyon nila o tuluyan nang maglalaho ito? Maisasayos pa kaya ang pangakong nasira ng panahon o maitatapon na lang ito sa bulong ng hangin? Maipapahayag pa kaya ang nakalipas na malamyos na pagmamahalang nasira ng wasak na pangako? Ito ang kwento ni Dante at Elena. Naghintay. Nagtiwala. At Nagmahal. Ang dalawang taong tinadhana at ipinagkait ng pagkakataon.
YA/TEEN
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
MR SEA-MANLOLOKO

MR SEA-MANLOLOKO

Binansagan siyang NOTORIOUS PLAYBOY ng mga pinsan. Siya si ClarenceKeithMckevinMondragon. Dahil kung magpalit siya ng babae sa buhay ay parang damit na kung ayaw ay basta na lamang tanggalin at ibato kung saan. Hanggang sa basta na lamang sumulpot ang babaeng nais magpakamatay sa kaniyang barko. Si Maria Concepcion Herrera isang lady pilot ng Swedish Airlines. Nang dahil sa kagustuhang lumayo sa pamilyang magulo ay hindi siya umuwi ng walong taon. Maari siyang mabuhay ng hindi nagtatrabaho dahil sa laki ng kumpanya at assets ng mga Herrera. Subalit nang nalaman ang katotohanan sa pamilyang inabandona ng maraming taon ay muli siyang lumayo at napadpad sa MARGARITA INTERNATIONAL CRUISESHIP.
Romance
1.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Epiphany

Epiphany

Mary Roselyn SabusapDramaGoodgirl
Sa loob ng anim na taong relationship ni Athena at Josh, hindi pa rin mawala sa isip ni Athena ang nakaraan na mayroon sila ni Daniel. Maayos ba sa isang reunion ang lahat? Ang mga katanungang naiwan, masasagot ba ng taong nang iwan? Ang mga pusong nasugatan, naghilom nga ba sa haba ng panahong nagdaan? Hindi alam ni Athena, na ang closure na hinahanap niya, ang siyang mag bubukas ng daan tungo sa landas na hinihiling ng puso niya. Ano ba ang naghihintay sa kanila?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Undying Memories

Undying Memories

Cactushoney
Dahil sa isang aksidente ay nagbukas ang third eye ni Quinn Belle at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya ang lihim sa likod ng luma at nakakatakot na itsyura ng old Diplomat hotel na pinangangalagaan ng isang masungit but charming na si Florence. Sa pagkakataong ito ay binigyan ng misyon si Quinn kasama si Grim reaper na kamukhang-kamukha ni Florence, upang hanapin ang mga lost soul upang maihatid na sila sa liwanag. Sa kanilang pagsasama na puro bangayan ay may isang pangyayari sa nakaraan ang mauungkat at may kinalaman ito sa matagal na pananatili ni Florence sa lupa. Hanggang saan nga ba ang tapang ni Quinn para harapin ang mga nakakatakot at med'yo pasaway na mga multo? Maari nga bang muling tumibok ang pusong matagal ng patay?
Romance
105.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status