Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Seducing My Billionaire Stepbrother

Seducing My Billionaire Stepbrother

Heather Shine Villafuerte, isang kilalang model at nag-iisang anak na babae ng mga Villafuerte. Sa murang edad ay nakabisado na niya ang bawat sulok ng entablado at ang bawat kislap ng camera na nakatutok sa kaniya. Sa kabila ng karera, isang mortal na kaaway ni Heather and hating-kapatid niya na si Philip Raven Kingsley. Si Philip ang lalaking anak ng ina ni Heather sa ibang lalaki. Sa mga kamay ni Philip ipinaubaya ng mga magulang ni Heather ang kumpanya na dapat ay nasa kaniyang pangangalaga magmula nang maging sangkot ito sa aksidente. Pinili ni Heather gumawa ng sariling landas upang magkaroon ng lakas ng loob na bawiin ang kumpanya sa mga kamay ni Philip. Hindi niya alam na si Philip ay isang self-made billionaire. Pinapangalagaan lamang niya ang kumpanya upang maisalin ito sa tamang panahon kay Heather, at sa oras na mangyari ay aalis na rin siya sa pamilya Villafuerte. Sa pagkadesidido ni Heather na makuha ang kumpanya, naisipan niya na akitin na lamang si Philip at kapag napaikot na niya sa kaniyang mga kamay, kukunin niya ang loob upang ibigay sa kaniya ang mga ari-arian na naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang saan nga ba ang plano na ito ni Heather? Maaari nga ba na mahulog na siya ng tuluyan kay Philip?
Romance
169 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF

CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF

Kagaya ng ibang mag-asawa, nauwi rin sa hiwalayan sina Hunter at Athana. Maging si Athana ay hindi rin makapaniwalang nauwi lang sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Nang umalis si Athana sa puder ni Hunter, hindi niya alam na buntis na pala siya sa kanilang kambal na anak ni Hunter. Sobrang sakit para sa kanya tuwing iisipin niya na hindi na niya mabibigyan pa ng kompletong pamilya ang kanyang mga anak. Sa kasamaang palad, naaksidente si Athana. Ngunit, safe naman ang kanyang kambal na anak. Ang malaking epekto lang sa kanya ay pansamantalang nawala ang kanyang mga ala-ala. Ayon din sa doktor, himala nga raw ang nangyari sa kanilang mag-iina, dahil mabilis din na naka-recover ang katawan ni Athana. Nagulat din siya nang malaman niyang may kambal na anak pala siya. Pagkalipas ng ilang taon, napalaki naman ni Athana ng maayos at mapagmahal ang kanyang kambal na anak na sina Ather at Thana. Sa pagpasok ni Athana bilang isa sa mga pinuno ng gang ng mga magnanakaw. Muling magtatagpo ang mga landas nilang dalawa ni Hunter, ang kanyang dating asawa. Ano kaya ang mararamdaman ni Hunter kapag muli niyang nakita ang kanyang dating asawa na kabilang na ngayon sa isa sa mga pinuno ng mga magnanakaw?
Romance
102.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
You Broke Me First

You Broke Me First

Diosa Mei
Nagkamali si Yhzel nang tanggapin niya ang pag-ibig ni Menard. Naniwala siya sa matatamis nitong salita ngunit sa huli ay sinaksak siya nito ng patalim mula sa likuran. Pagkatapos nitong makuha ang lahat ng kayamanan niya ay saka nito inilabas ang mga sungay na hindi niya nakita dahil sa pagkabulag sa pagmamahal dito. Nalaman niyang matagal ng may relasyon sina Menard at ang sekretarya niyang si Sasha. Hinayaan niyang isipin ng mga itong patay na siya para sa kanyang pagbabalik ay pagbayarin niya ang mga ito sa kahayupang ginawa sa kanya. Walang puwang sa puso niya ang pagmamahal hangga’t hindi niya naipaghihiganti ang kahihiyang ipinalasap ng mga ito sa kanya at ang muntikan nang pagpatay ng mga ito sa kanya at sa kanyang anak. Ngunit mapipigilan nga ba ang puso? Kung sa tuwing kakailanganin niya ng lakas at masasandalan ay nariyan ang isang Rhett Montezar na handa siyang protektahan at ipaglaban sa kahit na sinong gustong manakit sa kanya?
Romance
1.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
THE GAME MAKER (SPG)

THE GAME MAKER (SPG)

BLACK MAFIA SERIES Warning: Hard SPG ️ The real Mafia does not valued honor and loyalty. Guns, drugs and money. He drawn by a lust for power. Tristan Geller o Dos ang tawag sa kan'ya ng mga kaibigan niya. Ang bilyonaryong walang kinatatakutan kung sino man ang kan'yang babanggain pagdating sa mga illegal na negosyo. Pinasok niya ang negosyo sa pagbibinta ng mga matataas na klaseng mga baril, pagbibinta ng iba't ibang klase ng drugs at pagpapatayo ng mga sugalan. Matalino, tuso at magaling maglaro pag dating sa mga kalaban niya sa negosyo. Pero paano kung ang katapat niya lang ay ang inosenteng babae na walang kaalam-alam sa mundo. Si Kath Antonio, na nagtatrabho sa kompanya ni Lewis Kingston. Naging magulo na ang mundo niya nang makilala niya si Tristan Geller dahil sa kanyang katangahan na akala niya boyfriend ng kaibigan niya nagtaksil, kaya sinampal niya ito sa harap ng maraming tao. Hindi niya lubos akalain na sobrang yaman ng lalaking ipinahiya niya. Pinakidnap siya at doon nagsimula ang kan'yang miserableng buhay.
Romance
10301.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Hayes Brothers: Triplets

Hayes Brothers: Triplets

emalasan37
Ela x Triplets Isa sya sa Triple Threat ng model industry, ang dalawang kaibigan nito ay syang kasa kasama nyang nagsimula hanggang sa tinanghalan silang Triple Threat ng mga tao. Dahil daw pag sila ang magkakasama sila na ang nagiging center of attraction ng event na syang dinaluhan nila. Nang maganap ang kanilang photoshoot sa Pilipinas, akala ni Ela ay makakatakas na sya sa mga kinaiinisan nitong paparazzi. Sa kagustuhang makatakas nilapitan nya ang isang table kung saan puro mga lalaki ang mga nandoon. Hindi pa ito nakuntento at hinalikan pa ang isa sa mga ito. She caught the triplet's attention, they want her for theirselves kaya gagawin nila ang lahat mapasakanila lang ang babae.
Romance
3.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Babysitter

The Billionaire's Babysitter

Novie May
️WARNING: MATURE CONTENT AHEAD️! Inakala ni Malaya Emmanuel Sandoval nang matapos siyang pakasalan ng lalaking nakabuntis sa kanya ay magiging happy ending na, katulad ng mga napapanood niya sa mga palabas sa TV o mga nababasang nobela. Ngunit katulad din pala ng mga palabas, mayroong paghihirap na mararanasan. Kinailangan niyang umalis para sa kapakanan ng kanyang mga minamahal kapalit ang kanyang sariling pagkadurog, matapos ang ilang taon ay nakabalik na siya. Sa kanyang pagbabalik, handa na ba siyang sumugal ulit? Handa na ba niyang harapin ang pagsubok ng buhay? Handa na ba niyang ipaglaban ang dapat sa kanya, lalo na ang lalaking kanyang minamahal? Paano kung kung kailan handa na siya sa lahat, at saka naman ito napagod?
Romance
103.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
SHE'S MY BODYGUARD

SHE'S MY BODYGUARD

RRA
Blurb: Matagal nang may mga nagbabanta sa buhay ni Mathew, kaya naman naghahanap siya ng isang batikan at magaling na bodyguard, kaya lang ay hindi siya makakuha ng taong mapagkakatiwalaan, hanggang sa magkrus ang landas nila ng isang babaeng misteryoso para sa kanya. Nakita niya ang angking galing at tapang nito nang ipagtanggol siya niyo sa mga nais pumatay sa kanya. Kaya lang hinahabol ito ng mga alagad ng batas, at nagtatago sa mga di kilalang tao. Ano kaya ang mangyayari sa pagsasama ng isang serius type girl at clamsy and clingy type boy na CEO? Maipagkakatiwala kaya ni Matthew ang buhay niya sa babaeng isa pa lang Assassin?
Romance
102.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
First Birthday Cake

First Birthday Cake

Maya Morenang Mangangatha
Pangarap ni Mavie na makatanggap ng birthday cake, buong-buo at walang bawas ang icing. Mahirap ang kanilang pamilya ngunit nagagawa ng kanilang magulang, kapwa magsasaka, ang patapusin sila sa pag-aaral. Matalik na magkaibigan mula pagkabata sina Hugo at Mavie sa kabila ng magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Nag-aaral ng political science si Hugo sa bayan at nangangarap magtrabaho sa gobyerno. Samantala, nag-aaral naman ng engineering si Mavie sa kanilang baryo na nangangarap na maipa-renovate ang kanilang kubo. Isang kalihim ng samahang ARC (Arts with Responsibilities Creatives) si Mavie. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Salome, namulat siya sa paglilingkod sa kolehiyo. Ang mga dokumento ng samahan na maingat niyang hinahawakan ang magiging susi ng pagmulat ng kanyang mga mata sa totoong takbo ng kolehiyo, maging ang iba pang organisasyong humaharap sa mala-butas ng karayom sa pagre-request ng budget ng mga gaganaping programa para sa mga kapwa estudyante. Samantala, ang pangarap na birthday cake ni Mavie para sa kanyang sarili ang magiging pinto ng kanyang tadhana upang hanapin ng kanyang puso ang lubos na sinisinta. Ito ay sa kabila ng mga kinakaharap ng mga pagsubok sa gitna ng tagumpay.
105.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
914 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
HIDDEN MAFIA HEIR'S

HIDDEN MAFIA HEIR'S

Sa likod ng isang maamo at mala-anghel na mukha, nagtatago ang bangis at tapang. Iyan si Natasha Mendez Cordoja, na kilala nang lahat bilang si Yanna. Sa kabila ng maganda at maayos na buhay, ay kailangan niyang gampanan ang sariling misyon para hanapin ang mga taong may malaking atraso sa kanya. Ngunit magkakasangga ang mga landas nila ng isang kilalang mafia leader na si Xander Montero, matapos nilang pagsaluhan ang isang gabi at magiging malapit sa isa't isa. Kapwa sila may mga sariling misyon sa buhay na ginagampanan. Ngunit nakahanda nga ba silang isantabi na lang ang kanilang layunin para bigyang-daan ang kanilang mga pansariling damdamin? Nakahanda nga ba si Yanna sa mga bagong matutuklasan, lalo na sa likod ng kanyang tunay na pagkatao? At paano kung mahulog na siya sa bitag ni Xander? Magawa pa kaya niyang makalabas sa butas na lalong nagpapasikip sa kanyang mundo?
Romance
1055.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
2728293031
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status